TBG 15: New Personal Keeper
[Keallyn's POV]
Kasalukuyan akong nandito sa starbucks, malapit sa school namin, halos 15 minutes na rin akong nakaupo dito at hinihintay ang bago kong keeper, si Aki.
Napagdesisyunan ko kaseng dito kami magusap. After pumayag ni Aki, sinabi ko sa kanya na ngayon namin paguusapan ang tungkol sa pagiging personal keeper niya. Kung ano ang mga dapat niyang gawin at hindi. Tapos ay didiretso kami sa mall para na rin bilhan siya ng damit at mamake over na tsk Ayoko magkaroon ng personal keeper na baduy manamit.
"S..sorry master, Im late"
Bungad ni Aki, sabay upo sa harap ko.
"Its okay, wag mo na lang gawin next time. Di pa naman ako sanay na pinaghihintay ako"
"o..opo m..master"
Napangisi ako sa inaasta niya, aww masyado atang kinakabahan ang bagong keeper ko.
"So simulan na natin sa rules and regulation?"
"S..ige"
"First, ayaw na ayaw kong tinatawag akong master, lalo ka na. Just call me Keallyn o Kea pag tayong dalawa lang pero pag nasa harap tayo ni Knite o ng ibang tauhan ko, call me malady. Okay?"
"Noted, mas- Kea"
"good, next ikaw lang ang nakakaalam ng pagdidisguise ko. Kaya once na may ibang makaalam, ikaw lang ang pwede kong sisihin at i swear pag nangyari yun ihihiwalay ko yang ulo mo sa leeg mo"
Namutla siya sa banta ko" P...pano pag si Knite--"
"Walang alam si Knite at wala akong balak sabihin sa kanya"
"B..bakit?" kita ko ang takot at pagkalito sa mukha niya.
"e sa ayaw ko, paki mo ba?"
Ang totoo, si Aki talaga ang main reason kung bakit ayokong sabihin kay Knite. Once na malaman ni Knite na ako ang nerd na binubully niya, alam kong magbabago din ang pakikitungo niya kay Aki. Mapipilitan itong maging mabait sa kanya, plastic kumbaga. Which is ayaw na ayaw kong mangyari.
Gusto kong manatili ang arrogance ni Knite towards Aki. Then tuturuan ko si Aki kung paano tapatan si Knite. Sounds Exciting Right?
"Ikaw lang ang makakaalam ng secret ko Aki, mapagkakatiwalaan ba kita?"
"opo"
"Pwede ba pag tayong dalawa lang, maging komportable ka sakin. tratuhin mo ko na parang dati lang."
"Pero ibang iba ka na kase, nakakatakot ka na" bulong niya habang nakayuko.
That word 'nakakatakot' bat pag sa ibang tao, okay lang sakin na marinig yan even take it as a compliment. Pero pag kay Aki, ayoko? Ayokong matakot siya sa'kin.
Hinawakan ko yung kamay niyang nakapatong sa lamesa. Nginitian ko siya "wag kang matakot, ako pa rin to. Si Kea! yung nerd na lagi mong tinatawag na liit, yung nerd na lagi mong nililigtas"
Namumula ang tenga niya habang nakatingin sa kamay namin. Agad ko itong binitawan. Fuck! baka anong isipin ni Aki.
Nabalik lang ako sa huwisyo nang bigla siyang tumawa. "Cute mo talaga pag nagugulat hahaha"
"Yan, mas maganda yung ganyan. Hindi ka kinakabahan. Pero last mo na yan sa patawag sa'kin ng cute tsk ngayon lang kita pagbibigyan"
"Okay, so yung liit pwede?"
"Patayin kita, pwede?" sarkastiko kong sabi.
"Sabi ko nga hindi Hehe"
"Madali ka naman pala kausap, anyway about sa training ang paguusapan natin. Since ako naman ang may-ari ng school na pinapasukan mo. Inexcuse na kita pati si Knite ng 3 months para makapagtraining kayo araw araw"
"3 months?!"
"Oo aangal ka ha? psh Si knite nga 5 years nagtrain . Kung tutuusin kulang pa yang 3 months sa'yo"
"Hindi yun ang pinoproblema ko, paano ang studies ko. Baka bumaba ako sa ranking!"
Napafacepalm na lang ako, Oo nga pala nerd tong kausap ko "Hindi yan, akong bahala"
"Tapos ano dadayain mo? Ayoko ng ganun--"
"Shhhhh!" Pinatigil ko si Aki hindi dahil sa ayokong makinig sa kanya. May masamang kutob kase ako sa tatlong lalaki na nakaupo sa di kalayuan sa'min. Kanina pa sila tingin ng tingin samin especially sakin! Hindi ako nakapangdisguise ngayon, kaya may possibilities na tauhan sila ng kalaban ko at namukhaan nila ako.
"Bakit Kea?" mukhang napansin ni Aki ang pagiging uneasy ko.
Hinatak ko siya palabas ng Cafe
"Saan tayo pupunta?"
"Basta! manahimik ka na lang." Kinuha ko yung maliit na kutsilyo na nakaipit sa belt ko at inilagay sa bulsa niya.
"p..para san yan?"
"In case of emergency"
"ha?"
"shhh!"
Tama nga ang hinala ko dahil pagkalabas namin ng starbucks, agad sumunod yung tatlong lalaki.
Agad kaming lumiko ni Aki sa iskinitang walang tao. Kung magpapang-abot man kami. Kailangan kong siguraduhin na walang civillian ang madadamay.
"K..kinakabahan n..na ako Kea"
"Kumalma ka lang, akong bahala"
Agad na pumunta sa likod ko si Aki, nang makaharap na namin ang tatlo. Nakita kong armado sila ng baril, kaya pasimple kong kinuha ang piston sa sling bag ko.
"Ms Wibbleton! Tagal ka naming hinanap, nandito ka lang pala sa pinas nagtatago"
Sabi ng lalaking kalbo sa'kin habang lumalapit. Sa pagkakaalala ko, keeper siya ng isa sa mga mafia lord sa US.
"Wala akong paki sa speech mo tanda, kung pwede ba kung magpapatayan tayo, patayan na agad. Wala akong oras sa kabullshitan mo"
"Sabi mo eh" then bigla niyang kinuha ang baril niya at itinutok sa'kin. At dahil nakakasa na ang baril ko , mas naunahan ko siyang magpaputok. Bull's eye sa Noo.
Then sinugod ako ng dalawa niyang kasama na may hawak na kutsilyo. Agad kong tinago ang baril ko at kinuha ang stainless na takip ng basuharahan para maging panangga.
Umabante ako sa kanila para di sila makalapit kay Aki.
Sabay silang umaatake sa'kin. Nakakuha ako ng tsansa para hampasin ang isa sa ulo, Sinipa ko siya sa sikmura kaya napatalsik siya.
Tsk Ang easy, isa na lang ang kalaban ko. Agad kong hinampas ang takip sa sikmura niya, bahagya siyang napaatras. Yumuko ako at sinipa siya sa binti. Natumba siya at saktong nahulog sa harapan ko ang kutsilyo kaya dinampot ko ito. Habang hindi pa siya nakakarecover, umupo ako sa harap niya at bumwelo na saksakin sa dibdib.
"W...wag!" Natigilan lang ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Aki. Paglingon ko, hawak na siya ng lalaking sinipa ko kanina. Nakatutok ang kutsilyo nito sa leeg niya.
Shit, subukan lang niyang gagasgasan yan. Mayayari siya sa'kin.
"Subukan mo lang ituloy yan, patay tong kaibigan mo" pagbabanta niya.
Dahil hawak nila si Aki, hindi ako nanlaban. Tinutukan ako ng isa ng baril sa Ulo "taas kamay!" agad ko itong sinunod. "Dahan dahan mong ibaba ang baril mo" agad kong kinuha ang naka-kasang piston ko at ibinaba sa semento. Dahan dahan akong tumayo.
Sa totoo lang kaya kong takasan ang sitwasyon na'to pero gusto kong subukan ang kakahayan ni Aki.
Tinitigan ko siya, Namumutla siya sa takot. Sinenyas ko ang kutsilyong binigay ko sa kanya. Mukhang nagets naman niya ito at dahan dahang nilabas.
Then sunod kong sinenyas ang baril na nasa paanan ko. Sinenyas ko ang plano ko sa kanya. At dahil matalino nagets din niya agad. Mukhang naghehesitant pa siyang gawin pero tumango lang siya.
In three, two, one!
"Ngayon na!" sigaw ko.
Buong pwersa niyang hinatak pababa ang kamay ng lalaki na nakapulupot sa leeg niya at mabilis na humarap dito. Sasaksakin sana siya nung lalaki pero mas mabilis niyang itinarak sa dibdib nito ang hawak niyang patalim.
Mabilis kong sinipa ang baril papunta sa kanya, agad niya itong dinampot.
"Yuko Kea!" agad kong sinunod ang utos niya.
*bang*
Tapos ay pinutok niya ang baril sa dibdib ng nasa likod ko.
Shit.
woah! ang cool niya huh? para sa isang baguhan, ang galing niyang humawak ng baril!
Nagthumbs up ako sa kanya.
"Good Job, my new personal keeper. Naligtas mo ko"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top