Epilogue
4 months has been past pero malinaw pa rin sa alaala ni Knite ang pangyayaring iyon.
Ang araw na sumabog ang palasyo ng Mga Shinobi, ang palasyo ng Hara Organization, ang Hokusai Palace.
Parang sirang plaka na paulit ulit na tumutunog sa isip niya ang sunod sunod na pagsabog nito. Malalakas. Nakakabingi.
Nagsisilbing bangungot para sa kanya ang pangyayaring iyon.
Pangyayaring alam niyang hanggang sa kamatayan pagsisihan niya.
'napakawala kong kwenta! Dapat bumalik ako! dapat niligtas ko siya!' sigaw niya sa isip.
Sinisisi niya kase ang sarili sa pagkawala ng babaeng mahalaga sa kanya.
Nang makarating sa sementeryo, agad na ipinark ni Knite ang sportscar sa gilid kung saan malapit ang puntod ng bibisitahin niya.
Malakas niyang hinampas ang manibela at bahagyang inuntong ang sarili dito.
Wala siyang lakas na loob lumabas ng sasakyan.
Ito kase ang kaunaunahang pagbisita niya sa nasabing puntod. Miski sa burol nito hindi siya dumalo.
Hindi niya matanggap.
Ayaw niyang tanggapin.
Bukod sa pagluluksa, nakakaramdam din siya ng guilt dahil hindi niya tinupad ang pangakong ililigtas niya ito.
"Sorry" bulong niya sa hangin habang nakayuko sa manibela.
"Sorry, sorry"
Huminga siya ng malalim at tumingala upang pigilan ang nagbabadyang luha.
Inabot niya ang bouqet of white roses sa passenger seat sabay tanggal ng seatbelt.
Nagdadalawang isip man pero kalaunay lumabas din siya sa kotse. Handa nang harapin ang katotohanang wala na siya.
'Nawala siya dahil sakin'
Sumalubong sa kanya ang preskong hangin ng sementeryo na lalong nagpapadagdag sa kaba niya.
Natuon ang tingin niya sa puntod na may nakapatong na eyeglasses.
Mapakla siyang napangiti.
'Yan ang salamin na ginamit niya sa pagdidisguise'
Dahan dahan siyang lumipat, animoy sinusulit ang bawat oras sa paglapit sa puntod nito.
Sa pagliit ng distansya, unti unti niyang naalala ang huling paguusap nila bago sila maghiwalay.
"Magpahinga ka muna Cy, promise babalikan kita dito mamaya"
i assured to her tapos ay hinalikan ko siya sa noo.
"K..kahit wag na"
agad akong umiling "Hindi yun pwede, Just trust me. This time di na kita pababayaan"
she smile, a sad one "Sana nga" she took a deep breath "k.keep safe s..superman"
Kasabay ng paglapag niya ng bulalak ay siya ring paglandas ng luhang kanina pa niya pinipigilan.
In memory of
Cyrene Eslava
December 1998- November 2016
God Knows kung gaano kinamumuhian ni Knite ang sarili niya.
He still remember kung gaano kalungkot ang mga mata ni Cy habang sinasabi ang katagang 'Sana nga' para bang alam nitong hindi na siya mababalikan.
For the second time around, binigo niya ang kanyang kababata.
Nag-indian sit siya sa harap ng puntod nito at marahan itong hinaplos "Cy, S...sorry For being a useless friend. again" Panandalian Siyang tumigil "Andami mong tinulong at sinakripisyo sakin pero ni isa wala akong nagawa sayo."
"Wala akong kwentang kaibigan noh?" Umiiyak at mapakla niyang sabi sa sarili.
"Nah hindi totoo yan" Agad siyang napalingon sa babaeng Pinanggalingan ng boses sa likod niya.
And there she is, He's love of life.
Malayang nililipad ng hangin ang mahaba at kulay pula nitong buhok.
Nakangiti ito sa kanya, yung ngiting simple lang para bang sa pagngiti lang nito ay kino-comfort na siya.
"Malady..."
'Haaay ang sarap titigan, ganda talaga niya" sa isip isip niya.
Nilapag nito ang bitbit na bulaklak at tumabi ng upo sa kanya. Sandali itong nagdasal.
Nang matapos ay muli siya nitong nilingon.
"tsk Kalalaking tao, iyakin" cold nitong sabi. Tapos ay kumuha ng panyo at marahang ipinunas sa mukha niya.
Hindi agad siya nakasagot sa sinabi. Nabigla kase siya sa pagiging sweet nito sa kanya.
Damn it, sa small gesture lang na ginawa niya kinikilig na siya.
Napahinto si Kea nang marealize kung ano ang ginagawa niya kay Knite.
'Shit pwede ko namang iabot sa kanya ang panyo, bakit pinunas ko pa?' sa isip isip niya.
Natigilan siya nang hawakan ni Knite ang kamay niya at pinagsaklop ng mga daliri nila.
"Sweet" Nakangiti nitong sabi pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha ng binata.
"Anong sweet? tsk ang panget mo kase umiyak. Di ko maatim na tignan mukha mo"
"Sus, akala mo di ko napapansin? Simula nang makaligtas ka sa pagsabog nagbago ang pakikitungo mo sakin malady."
"nagbago?" ngunot noong tanong niya.
"Yup. Nagiging sweet ka na sakin. Di mo na ako sinisigawan"
"Feeling mo lang yun" sagot niya sabay lingon sa puntod ni Cy. Para matigil ang eye contact nila. Nakakailang.
Tatanggalin niya sana ang pagkakahawak ng kamay nila ngunit lalo itong hinigpitan ni Knite.
Tama kase ang sinabi nito. After ng incident na nangyari nagiba ang turing niya sa binata.
Marahil ay sobrang saya lang niya na buhay ito. Kaya hindi na niya magawang sungitan pa.
"Alam mo sobrang saya ko na nakaligtas ka" Napangiti siya sa sinabi ni Knite, Pareho sila ng iniisip.
Dahil sa sinabi nito biglang bumalik sa alaala niya kung paano siya nakaligtas sa Hokusai palace, apat na buwan na ang nakakaraan.
Ramdam ko ang sakit sa pagsaksak sakin ni Mitsuki. Dumoble pa ang sakit nito nang hugutin niya ang Samurai.
Pero kahit ganoon, napangiti pa rin ako nang makitang natakas sila Knite. Ligtas siya.
Muling iminwestra ni Mitsuki ang Samurai para bang handa akong saksakin muli.
Pumikit lang ako. Tanggap ko nang ito na ang katapusan ko.
My boring and miserable life ends here
Pero antagal ko nang nakapikit, di pa rin niya ako sinasaksak.
Pagdilat ko duon ko lang nakita na nakatayo na si Aki at pinipigilan ang ama niya.
"Wag dad, w...wag mo .... siyang papatayin" Hirap na hirap nitong sabi.
"Son kung di rin naman siya papayag sa kasal nyo, mas mabuti nang patayin ko na siya"
"S..sige I..ituloy mo p..pero m..magpapakatamay a...ako pag ginawa mo yun"
Sa sinabi ni Aki, natigilan si Mitsuki at ibinaba ang samurai.
Iiling iling lang itong Lumabas ng kwarto.
Lumapit sakin si Aki at inalalayan akong humiga sa kama.
Shit! Ang sakit. Tumagos kase ang samurai kaya dalawang sugat ang mayroon ako. Sa harap at sa likod.
Tinitigan ko si Aki na mukhang natataranta na sa nangyayari sakin. Agad niyang hinubad ang basag niyang salamin at inihagis ito sa kung saan.
Binuksan niya ang drawer ag kunuha ang phone dito, may kinuha din siyang bagong salamin sa mata at isinuot ito.
Napansin kong ito yung salamin na isinusuot niya nung nerd pa siya. Huge, round and thick.
"Wag kang m...matutulog liit please" Bulong niya tapos ay may tinawagan sa phone.
Nakuha ko pang ngumiti kahit nanginginig na ako sa sakit.
Yung itsura niya kase. Para siyang bumalik sa dati. Yung nerd look niya bumalik dahil sa salamin at yung mata niya na puno ng takot habang tinitignan ako.
Damn! para talaga siya yung Aki noon. Yung Aki na hindi ko na dapat pinilit na baguhin.
Tapos ng tawag ay marahan niya akong binuhat.
Kita sa mukha niya ang paghihirap at determinasyon. Andami niyang natamong sugat kaya nanghihina na siya pero nakuha pa rin niya akong buhatin.
In an instant nawala lahat ng galit ko sa kanya. Para bang nabura lahat ng kasalanan niya sakin.
Pumunta kami sa Helipad sa rooftop ng palasyo. May tatlong helicopter ang nandito pero may isang tumutunog na ang engine mukhang handa nang magtake-off
Sheez don't tell me dito niya ako pasasakayin?
Pagsakay ng helicopter, may isang lalaki ang ang assist sakin. Di ko alam kung doctor or nurse ba siya. Nilapatan niya ng first ad ang sugat ko. Napasigaw pa nga ako nang di sadya niya itong diinan.
"Sorry ma--"
Di natapos sa sasabihin ang lalaki nang kinuwelyuhan ito ni Aki.
"Ayusin mo yang ginagawa mo, nasasaktan ang asawa ko" gigil na sabi niya
Asawa?
"Sige na! dalhin nyo siya sa Ospital! Pag may nangyaring masama sa kanya malalagot kayo sakin!" sigaw niya sa pilot dahil malakas ang tunog ng engine.
"Hai! master"
Lumipat ang nagaalalang tingin niya sakin "Kaunting tiis na lang liit. Wag kang matutulog okay? dadalhin ka na sa Hospital" sabay halik sakin sa noo
Aalis na sana siya pero hinawakan ko siya sa damit "D...i ugh!" pati pagsasalita masakit 'S...suma- ma k..ka"
Kailangan din siyang dalhin sa ospital!
Nakangiti siyang umiling "Susunod na lang ako duon. May gagawin lang ako dito. Ang mportante ikaw, baka maubusan ka ng dugo" bulong niya sakin
"P..pero- ugh shit!" Ramdam ko ang pagbulwak ng dugo sa sugat ko.
"Double time! maraming dugo ang mawawala sa kanya!" Tunanggal niya ang pagkakahawak ko at lumingon sakin "Don't talk too much, onting tiis lang within a minute nasa Hospital na kayo." huling paalala niya matapos ay agad na isinara ang pinto.
Wala na akong nagawa kundi sumunod sa sinabi niya. Habang papalipad ay nakasulyap lang ako sa kanya. Malaki ang sinasakyan namin kaya pilit akong pinapahiga ng nagaasist sakin pero di ako sumunod. There something in me na gusto lang siyang tanawin hindi ko alam kung bakit.
Bago tuluyang makalayo kumaway pa siya sakin na sinuklian ko lang ng tango.
Napatigil sa pagbabalik tanaw si Kea ng bigla ulit higpitan ni Knite ang magkahawak nilang kamay.
"Wala na natulala na sa kagwapuhan ko"
"Kapal psh"
"Hahaha Joke lang. Bakit ka kase lutang? kanina pa kita tinatanong"
"May iniisip lang anyway ano yung tinatanong mo?"
"Kako, Paano ka nakaligtas sa pagsabog? 4 months na ang nakalipas pero wala kang kinukwento sakin"
Umurong ang dila niya sa tanong nito. Hindi niya kase naikukwento kung paano siya nakaligtas. Ayaw niyang ikwento dahil ayaw niyang alalahanin ang lahat lalo na si Akihiro.
Nasasaktan, nagluluksa at the same time naguguilty lang siya.
Nasa kalagitnaan sila ng biyahe noon ng makarinig ng malalakas at sunod sunod na pagputok. Napatakip siya nang bibig nang mapagtantong galing sa Hokusai Palace ang pagsabog.
Unang pumasok sa isip niya si Aki... 'Pagaalala' yun lang ang tanging nararamdaman niya ng panahong iyon. Sa sobrang lakas at dami ng pagsabog imposibleng may makaligtas dito.
Pinakinggan niya ang pagsabog. Marami ito, imposibleng galing ito sa bombang itinanim ni Kean dahil tatatlo lang iyon at matagal pa ang oras ng pagsabog nito.
Ganun na lamang ang gulat niya ng marealize na baka galing ito sa 60 hightechbomb niya. Oo ngat dineactivate ito ng ninong niya pero may possibilities na hindi lahat.
Nakaprogram ito na pag hindi na nasesence ng Bomb ang DNA niya within 10 kilometers ay sasabog ito. At....at Lagpas 10 kilometer na ang layo nila!
"Shit kasalanan ko" Hindi sinasadyang lumabas sa bibig at dapat nasa isip lang niya.
"Ha? Anong kasalanan mo?" Naguguluhang tanong ni Knite.
"W..wala and about sa tinatanong mo alam naman siguro ang isasagot ko"
"Na hindi ka pa handang ikwento?" Tumango lang siya sa sinagot nito. Sa apat na buwan, lagi kase siyang kinukulit ni Knite na magkwento pero tanging yun lang ang sagot niya.
"Okay lang, Nacucurious lang kase ako hihintayin na lang kita hanggang sa maging open ka na about duon" Nakangiti nitong sabi.
"Good"
Tumayo ito at dahil magkahawak ang kamay nila napatayo na rin siya.
"Sige Cy, sorry kung ngayon lang ako nakabisita. I wish na sana masaya ka na kung nasaan ka man. Again sorry. Una na kami may Date pa kami ni Kea" Paalam ni Knite sa puntod ni Cyrene.
Teka date?
"Anong date?"
Huminga ng malalim si Knite para humugot ng lakas sa sasabihin niya "Birthday ko ngayon malady, irerequest ko sana na magdate tayo. Mall, Resto, Cinema anywhere you want wag ka lang tumanggi please." Ilang beses na niya kase niyaya ito pero laging tumatanggi
Todo todo ang dasal niya na sana pumayag ito pero ganun na lamang ang dismaya niya sa isinagot ni Kea.
"Uhm Happy birthday?" walang kagana gana nitong sabi "Date? Seriously Knite wala akong interest may training ako ngayon sa bahay"
Mapakla siyang napangiti "Training? Mas mahalaga pa yun sayo kesa sa birthday ko? oh well keeper mo nga lang pala ako"
Gusto niyang maiyak, duon lang niya narealize na wala siyang halaga kay Kea.
"Tss drama geh happy birthday ulit mauna na ako" Tapos ay tinalikuran na siya nito at lumapit sa motor na katabi ng sasakyan niya.
Sinundan niya ang bawat kilos nito.
Mula sa pagsuot ng Helmet hanggang pagsakay ng motor.
Nagtaka siya ng bumaba si Kea at sinipa ang motor "Shit ngayon ka pa nasira!" sigaw nito.
Kahit na nagtatampo agad niya pa rin itong nilapitan "Any problem malady?" cold at formal niyang tanong.
"Hatid mo ko sa mansyon" Maotoridad na utos nito.
"As you wish malady"
Wala na siyang nagawa kundi sundin ito.
~~~~
Nang makarating sa mansyon hindi mabilang ni Knite kung nakakailang buntong hininga na ba siya.
Sa buong byahe kase di siya kinakausap ni Kea. Miski isang letra walang lumabas sa bibig nito
Mas lalo tuloy nadagdagan ang tampo niya rito.
'tsk pina-cancel ko yung party na pinagawa ni mom para magdate kami tapos tatanggihan lang nya ako. Ang nakakainis pa parang wala lang sa kanya na birthday ko! kabadtrip! kung di lang kita mahal naku'
"Knite nagtext sakin yung bago kong coach di siya available. Since nandito ka na rin lang, samahan mo na lang ako para na rin may ka-sparring ako" cold nitong sabi
"Geh malady" nakapokerface at walang kabuhay buhay niyang sagot.
'Cold pala huh? Akala mo ikaw lang? tapos Birthday na birthday ko makikipagbugbugan ako sayo? Nice tsk'
Naunang naglakad si Kea papuntang gym, lalamya lamya naman siyang sumunod.
Nang makarating sa Gym inunahan niya si Kea upang buksan ang pinto. Nakaugalian na niya kase iyon.
Sinundan niya ng tingin si Kea hanggang makapasok.
Nanlaki ang mata niya nang makita kung ano ang nasa loob.
"Holy shit!"
Maayos na nakagilid ang lahat ng gym equipment kaya biglang lumawak sa loob. Wala na gitna ang boxing ring at Octagon cage dahil isang Romantic Candlelight dinner table for two ang nandito.
Oo Romantic talaga!
Sa harapan nito Nakasulat ang malaking 'HBD HAMBOG' Gamit ang pulang petals ng roses.
Tanging puting christmas light at iilang kandila ang nagsisilbing ilaw at background song naman ang 'Closer' ng chainsmoker na lalong nakakadagdag ng Romantic atmosphere ng kwarto
Naguguluhan siyang tumingin kay Kea.
"H..happy birthday Knite" Nahihiya nitong sabi sabay kagat ng labi niya. Pansin ang biglaang pamumula ng pisnge nito. "about kanina, acting ko lang yun. Sorry" This time ngumiti na siya sabay nag-peace sign.
"I..ikaw ang gumawa nito?!"
"Ahm yes. Naisip ko kaseng may-ari ka na ng mall kaya wala na akong materyal na maibibigay sayo. Since lagi mo naman akong kinukulit magdate ito lang ang naisip ko. Bakit masyado bang corny? I mean OA ba? Aish sabi na--"
"Nope I like it , oh scratch that I LOVE IT!" putol niya rito sabay yakap. "Thank you malady best gift ever" bulong niya
Yung dream date niya natupad! At ang dream girl niya pa mismo ang gumawa.
Kinikilig siya amp!
Hindi siya nakunteto sa yakap hinalikan pa niya ito sa buhok.
"Kulang nalang maging girlfriend kita. I love you Keallyn" aniya.
Nagulat siya nang biglang humiwalay ng yakap si Kea.
Miski ito parang nagulat rin sa ginawa niya "S..sorry pero mukhang nagkakamali ka ata ng Intindi. Itong hinanda ko ay 'FRIEDLY DATE' lang Knite no more no less. I really really sorry. argh! stupid me Masisira ko pa ata ang birth-"
"Its okay" Nakangiti niyang sabi. Oo masakit ma friend-zone pero okay lang at isa pa halata naman kay Kea na sincere ito sa paghingi ng sorry sakanya.
"Yes I love you Kea but it doesn't mean na kailangan mo rin akong mahalin. Minahal kita nang hindi ako naghihintay ng kapalit so stop worrying okay"
"Its not that Knite, Im sorry" Tinuro niya ang dibdib niya "This stupid heart is still inlove with someone but this" Sabay turo sa sintido niya "Sinasabing sana ikaw na lang, madami kang katangian na nagugustuhan ko kaso magkaiba ang puso sa isip Knite. Yes I like you, I am Infatuated with you but still I love him." Pag amin nito.
Di nya alam kung matutuwa siya o maiinis sa sinabi nito.
'wala na nga yung gago kong pinsan pero siya pa rin?
"If you like me, is there any possibilities?"
"My freaking and stupid heart is still wounded , I've expirience a lot of pain Knite. I am not ready. Let it heal first"
"Naintindihan ko" pinilit niyang ngumiti kahit sobrang masakit na. "Basted langya" Bulong niya habang nakayuko.
"Hey! Don't lose hope okay? Gaya nga ng sabi ko I like you meron pa ring possibilities pero hindi pa ngayon. Pero kung hindi ka makakapaghantay, okay lang."
Biglang nagiba ang mood ni Knite sa sinabi nito. 'May pag-asa siya shit!' tapos yung way ng pananalita niya ng 'Okay lang' parang kabaligtarang ang meaning nito. It means gusto niyang maghintay sa kanya si Knite.
"If thats it then let me to be your keeper" Mukhang nadisaapoint si Kea sa sinabi niya. "I mean keeper of this" sabay turo sa kaliwang dibdib nito "For the meantime let me be the keeper of your wounded stupid heart. I'll keep it, hindi ko hahayaang masaktan ulit iyan. Maghihintay ako hanggang sa maghilom iyan Kea. Just promise me na Ako lang ang magmamay-ari nyan soon"
Nakangiting tumango si Kea "Promise" God knows kung gano niya kagustong turuan ang puso niyang mahalin si Knite. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na umamin dito
They smile Genuinely to each other.
'I will be you personal keeper forever ms. Keallyn Wibbleton Velasqo. I do my best to protect you and your stupid heart. Kahit na minsan may topak at sadista ka mahal na mahal kita kaya kong maghintay kahit matagal pa yan' sa isip ni Knite
' i still remember kung ano ang naramdaman ko nung nawala ka, nung panahong akala ko patay ka na. I am damn hurt Knite I don't wanna lose you. So please wait for me.' Sa isip ni Kea.
Nagulat si Knite ng halikan siya ni Kea sa LIPS! OO SA LIPS! damn it smack lang yun pero sobrang bilis ng heartbeat niya sa ginawa nito. Nanigas siya sa kinatatayuan niya.
'Sarap shit!'
"That kiss symbolize my promise so don't you dare to fall inlove to other or else....."
"Or else what malady? awwe pano yan madali pa naman ako mafall?" pangaasar niya.
Pain strike to her eyes "Nga naman, bakit ba kita tinatakot? Madami naman dyang nagkakagusto sayo. Yung mabait, hindi kagaya kong bossy at sadista. Yung matangkad hindi kagaya kong kinulang sa height. Yung normal na babae hindi kagaya kong warfreak at isang mafia queen *sigh* bwisit-"
Hindi na nakatapos si Kea dahil ginantihan siya nito ng halik.
"That kiss symbolize my promise too. Kaya wag nang mainsecure sa ibang babae, okay? Yung pagiging bossy, sadista, maliit at warfreak mo? Kasama yun sa mga chracteristic mo na nagustuhan ko Keallyn. I love all your flaws malady period"
She felt releived.
" Minsan akong nagpanggap bilang nerd, mahina at lalampa lampa kuno but BEHIND THOSE GLASSES I am a monster, I can kill anyone in a snap seconds, in mafia world I am entitled as heartless bitch. But despite of my real personality you fell inlove in me, damn! I am lucky"
Knite smiled at her " me too, ang swerte ko dahil nagustuhan mo ang Hambog na kagaya ko"
"My gosh Kuya! Kiss ate sungit again" sabay silang napatingin sa batang sumigaw sa pinto. Kay Knia "ooops sorry hihi. Hindi ko po kase nakita , tinakpan ni Kuya Kean yung eyes ko!"
Lalong nagulat si Knite dahil andaming tao sa likod ni Knia.
Napatampal naman sa noo si Kea "shit i almost forgot, after our date may pool party akong inihanda" lumingon siya Kay Kean, Kay mrs and mr Abueva at lahat ng inimbita niya "K...kanina pa kayo dyan?"
Sana wag, bigla siyang tinamaan ng hiya dahil sa pagdradrama nila ni Knite
"Hindi" "Kararating lang namin"
puro yan ang naririnig niyang sagot pero iba ang sinabi ni Knia
"Yes Ate sungit! O em gee I'm super kinikilig kyaaaah para po akong nanonood ng movie hihi. You promise to each other! Navideohan pa po ni Kuya mmmmmm!"
Hindi ito natapos dahil agad na tinakpan ni Kean ang bibig ng bata.
Nagkatinginan sila ni Knite at sabay na napatawa.
Ganuon rin ang mga nanood sa kanila.
-The end-
A/N: See you on book 2! entitled 'BEHIND THE PAST'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top