BTG 6: Revelation

Pagkauwing pagkauwi ko palang sa apartment na inuuwian ko, agad akong humiga sa kama.

I feel exhausted.

First week ko palang sa school, andami na agad nangyari. Hindi ko akalaing ganito pala ang buhay ng isang nerd.

Andami kong naranasan na First time sa'kin ngayon. Sinigawan ng teacher, pinagbantaan at binully ng classmate, sinabihan ng panget at higit sa lahat ang makaramdam ng awa sa isang tao na kanina ko lang nakilala.

Speaking of awa, biglang nagpop-up sa utak ko ang itsura ni Akihiro habang binubuhusan ng pintura at binabato ng itlog.

I still remember kung paano niya iniilagan ang pambabato sa kanya habang kalat na kalat ng pulang pintura sa buong
katawan niya at umiyak pagkatapos nito.

Suddenly i bit my lip.

Argh! Bakit ba ako naawa sa kanya? eh pag nasa underground battle nga ako sa States, hindi ko to nararamdaman sa mga sinasaktan at pinapatay ko sa loob ng ring. Bakit kay Akihiro na nabuhusan lang ng pintura awang awa ako?

Maybe.. naguguilty lang ako dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya iyon. Tama! yun lang yun naguiguilty lang ako!

-

Tinawagan ko si Mr Sanchez ang namamahala sa school Ko. Nakakatatlong ring palang ay sinagot na niya ito.

[ This is Wibbleton Elite Institution's, Guidance Office how may I help you?]

"Ako to mr. Sanchez"

[ms. Wibbleton? Oh Bakit po kayo napatawag?] mababakas ang gulat sa boses nito.

Wibbleton was my original surname back then, hiwalay kase si mom and dad kaya kay mom ang ginagamit ko noon pero nung namatay sila pinalitan ko ng Velasqo which is galing naman kay dad.

"may papahanap sana akong record sa'yo"

[record? Kanino ma'am?]

"Knite Abueva And Akihiro Aruta, Asap"

[noted ma'am papadala ko na lang through email]

"Good, and kilala mo ba yung Adviser ng ABM 03 na mukhang Hipon?"

[Yes ma'am si Ms. Ligbas po 'yon. Bakit ma'am?]

"Patalsikin mo, bigyan mo ng panget na performance at record sa school. Siguraduhin mong wala nang tatanggap na ibang school sa kanya, " then ibinaba ko na yung line.

That hipon, bagay lang sa kanya ang mawalan ng trabaho tsk.

Anyway, binuksan ko agad ang laptop ko, after a few minutes natanggap ko na ang e-mail. Una kong binuksan ang kay Knite para malaman kung ano ang background ng hambog na iyon.

-Knite Nicolas Smith Abueva
-17
-February 10 1999
-lot 1 block 5 St. Gerald street. Golden Harvest Subdivion.
- Varsity player (Basketball, badminton, swimming and soccer)
Sporty pala siya huh.

Natawa ako nang makita ang mga grade nya, puro 70 plus siya nung Elementary. Nagsitaasan lang ang grade nya nung Junior high. I Guess dahil to sa tulong ni Aki, lahat siguro ng assignments niya, si Aki ang gumagawa.

Tinignan ko ang ibang information na nakalagay dito, puro walang kwenta.  Personal Information lang ang nandito. Wala akong nakita tungkol sa Family background niya. Mukhang tama nga ang sabi ni Akihiro, makapangyarihan ang pamilya ng hambog na'to kaya siguro confidential ang family background niya.

Next kong tinignan kay Akihiro. Para malaman din ang background niya at para makaisip na ako ng first step sa gagawin kong transformation sa kanya.

-Akihiro Abueva Aruta
-17
-March 2 1999
-lot 1 block 8  Gerald street. Golden Harvest Subdivision.

wait, Abueva ang middlename niya?  Does it mean na magkamaganak sila ni Knite?at base sa adress nila magkalapit pa sila ng bahay.

-Varsity player (Basketball)

Really basketball player yun? So magkateam din sila ni Knite right?

Hindi na ako nagtaka sa mga grades niya, halos lahat 90+.

I wonder, kung magkamag anak at magkateam sila? Bakit parang anlaki ng galit ni Knite kay Akihiro.

Nacucurious na ako kung ano bang meron sa dalawang yun.

Masyadong kulang ang info nilang dalawa tsk.

Nagbukas ako ng facebook at agad na hinanap ang facebook nilang dalawa para iistalk sila, i mean hindi pala stalk. Magrereseach lang ako tungkol sa kanila.

Gumawa muna ako ng Facebook ko as nerd. Then hinanap ko ang account nila.

Una kong nakita ang kay Knite, iaad ko sana pero puno na ang friendlist niya. Tinignan ko na lang ang wall niya baka sakaling may makita akong info. About sa kanila ni Aki.

Scroll lang ako ng scroll. Bwisit mga wala namang kwenta lahat ng nasa wall.

Puro selfie lang niya na may thousands like ang nandito. Yung iba nga puro pakita ng abs niya tsk. Hanggang Social media ba naman, kahambugan pa rin ang pinagagawa.

Hinanap ko na lang ang facebook ni Aki.

Inadd ko siya at wala pang one minute na-accept niya agad.

Agad akong pumunta sa wall niya. Naginit agad ang ulo sa mga nakita ko.

Ibat-ibang picture niya habang punong puno ng pintura at itlog  ang bumungad sa'kin. Halos lahat ata ng nakakita kanina pinicturan siya at ang mga Inutil pinost at ti-nag pa talaga kay Aki.

Biglang may nagpopup na message. Si Aki syempre, siya palang ang friends ko.

Akihiro: psst  kea ^_^

Keallyn: okay ka lang? Nakita ko.            yun  nasa wall mo

Akihiro: OO namn sanay na ako :) nagaalala lang baka makita ni mom :(

Dahil sa sinabi nya may naisip ako.

Tinawagan ko si Sebastian ang professional Hacker ng organization ko.

[yes master? Anong sadya natin?]

"Kaya mo bang maghacked ng account sa facebook ng sabaysabay?"

[Yakang yaka master. Mga ilan ba yan?]

"mga 20 plus? Pumunta ka sa Facebook ni Akihiro Aruta"

May narinig akong tunog ng keyboard sa kabilang linya [nakita ko na master, i hahacked ko ba?]

"Nope, ihacked mo lahat ng mga inutil na nagpost ng kahihiyang picture sa wall niya. Tanggalin mo lahat ng pic."

[eto ba? Yung tinapunan siya ng parang paint?]

"Oo yan nga"

[Noted master, Just give me 10 minutes tapos ko na to]

Then binaba na niya yung phone.

Nagtype ako ng reply kay Aki.

Keallyn: hayaan mo na, hindi yan makikita ng mom mo.

Akihiro: Sana nga :'(

Wala pa atang 10 minutes, nabura na lahat ng pic.

Good Job Sebastian.

Akihiro: Kea!!! Nawala yung mga Pic. •_•

Napangiti lang ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagreply.

Pinagpatuloy ko na ang pakay ko.

Ang makahanap ng Info tungkol sa kanila ni Aki. Wala akong nakitang Info. Pero may mga picture akong nakita na magkasama sila.

Sa mga Family reunion na album ni Aki. Dito ko lang naconfirm na magkamaganak nga sila.

Kung magkamag anak nga sila, bakit ganoon umasta si Knite towards Aki?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top