BTG 50: The Unexpected Ending Part II
Knite's POV
Dahan dahan ko itong binuksan at bumungad sakin ang nagiisang si Kea na payapang natutulog sa kama.
Tinignan ko muna ang kabuuan ng kwarto kung may iba pang tao. Nakahinga ako ng maluwag nang makumpirmang nagiisa lang siya sa mawalak na kwartong ito.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya, hindi ko na isinara ang pinto dahil plano ko na buhatin agad siya para makatakbo paalis dito.
Nang makalapit duon ko lang napansin na nakaposas ang kamay niya sa headings ng kama.
"Darn it" Nakuha pa siyang iposas ng duwag na yun!
Kinuha ko ang susi na ibinigay sakin ni Cy pero lahat ng iyon ay susi para sa padlock walang susi para sa posas. Gusto ko sanang gamitin ang baril at katana pero masyadong delikado dahil tiyak na matatamaan ang mukha niya
Speaking of mukha,
Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng ayos ni malady. First time ko siyang makita ng nakamakeup, para tuloy siyang si sleeping beauty na nakasuot ng ninja outfit.
At syempe ako ang 'Knite' in Shining armor na magliligtas sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi.
Fuck! nakakatemp halikan.
Okay isang lang Knite, isang smack lang.... isipin mo si sleeping beauty talaga siya.
Dahan dahan akong naglean para magtapat ang mukha namin, ramdam ko na ang paghinga niya.
Onti na lang....
Ayokong pumikit! Once in a lifetime to!
Ayan na....
Magdidikit na....
Onting onti na lang...
mahahalikan ko na siya shit!
Onti na--
Blaaaag!
Damn!
Napatigil ako dahil sa malakas na pagsara ng pinto, kasabay nito ay pagkawala ng ilaw.
Tangina ilang inch na langg...
Agad akong napatayo nang maramdaman kong may malakas na hangin ang umihip sa likod. may dumaan.
Nakakarinig din ako ng yabag at pagkaskas ng isang matalim na bagay sa pader.
Nakaramdam ako ng kaba ng biglang tumahimik, tanging ang malalim na paghinga ko lang ang naririnig ko.
"Any last wish bago kita patayin?" nagtaasan ang balahibo ko nang may biglang bumulong sa kanang tenga ko. Agad ko itong hinawi pero nawala agad!
That Voice...
"Akihiro" mariin kong sabi.
Nakarinig muli ako ng pagkaskas ng matalim na bagay sa pader, kasunod nito ay ang pagtawa niya.
Sinusundan ko ang tunog pero bigla itong nawala.
"Scared huh?" bulong muli niya pero this time sa kaliwang tenga naman.
Shit.
Dehado ako ngayon.
He moves like a wind. Fast without a sound.
Sanay silang mga shinobi kumilos sa dilim.Habang ako hindi. Ni hindi ko rin nararamdan ang presensya at paglapit niya.
Kumuha ako ng kunai at hinihintay ang tunog na susunod niyang gagawin.
Sa muling pagkaskas niya sa pader, sinundan ko ang tunog at malakas inihagis ang kunai sa direksyon nito.
Hinintay kong may tumunog pero wala, maya maya'y nakaramdam ako ng matalim na bagay na dumaplis sa kanang pisnge ko.
Mukhang nakagawa ito ng mahabang sugat dahil ramdam ko ang pagagos ng dugo.
May dumaplis muli sa kaliwang braso , sa binti at magkabilaang hita ko. Mabibilis ang bawat pagdaplis sakin, at mula pa ito sa ibat ibang direksyom.
"tsk tsk tsk my dear stupid cousin" rinig kong sabi niya "Punong puno ng CCTV ang bawat sulok ng palasyo na'to. Kanina ko pa pinapanood ang pagtakas nyong magkakapatid. Hinayaan ko lang kayo, ni hindi ko kayo pinahuli sa mga tauhan ko. Binigyan na kita ng chance para tumakas Knite, pero bakit bumalik ka pa?"
Mababakas ang pangaasar sa tono ng boses niya.
Napayukom ang kamao ko "Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ako bumalik."
"Para kunin sakin Kea?... "
"Kukunin sayo?" may halong sarkastiko kong sabi "Hindi naman siya naging sa'yo dude. Stop dreaming, common wake up! Alam naman nating napilitan lang siyang pumayag sa lintik na kasal nyo. Hindi naging sayo ang malady ko"
Biglang may humawing hangin sa harap ko, maya mayay nakaramdam ako n..nang may nakatusok sa kanang tagiliran ko.
Napangiwi ako sa kirot na dulot nito.
Kinapa ko kung ano ang bagay na tumusok sakin........isang kunai.
"Shes mine" puno ng diin nitong sabi "Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo siya makuha"
Tapos nito ay may sunod sunod na matalim na bagay ang dumadaplis sa hita at binti ko. "Fuck" napaluhod ako nang may dalawang matalim na bagay ang tumusok sa magkabilaang hita ko.
Mabilisan kong hinugot ang Kunai sa tagiliran at mga hita ko Kahit na nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa mga sugat, pinilit kong tumayo. Ngunit agad din akong napaluhod sa sakit.
Darn it, hindi pwedeng ganto lang ako matatapos!
Nakarinig ako nang yabag na papalapit sakin.
Naaninag ko na rin ang sapatos niya.
Umangat ako ng tingin, naanigan ko sa dilim ang hugis niya. May itinaas siyang Katana at itinutok sa leeg ko.
"In the end mamatay ka rin pala sa kamay ko"
Huminga ako ng malalim bago magsalita "In the end isang duwag rin pala ang papatay sakin" Pangagaya ko sa tono niya.
Napangisi ako sa nasabi ko.
Ramdam ko sa pagdiin niya ng katana ang inis niya
"Anong sabi mo?"
"Akala ko nagbago ka na. Akala ko ibang Akihiro Aruta na ang nasa harap ko. Akala ko lang pala." Saglit akong tumigil, at umismid sa kanya "Dahil ang totoo, ikaw pa rin ang duwag at lalampa lampa kong Pinsan. Na walang ginawa kundi maduwag at matakot sakin"
Lalo niyang Diniinan ang katana sa leeg ko "Hindi na ako lampa at mas lalong hindi na ako naduduwag sayo!"
Napangisi ako "Hindi naduduwag? Kaya pala nakikipaglaban ka sakin sa dilim? Kaya pala sinasapol mo ako habang wala akong makita. Nice fight my Stupid and coward cousin..."
Malakas niyang ibinato ang katana sa sahig, umalingawngaw sa buong kwarto ang tunog nito. Tapos nito ay nawala siya sa harap ko at bumukas ang ilaw.
Dahan dahan akong tumayo at humarap sa kanya na nakahawak pa sa switch ng ilaw. Bumaba ang tingin ko sa kaliwang balikat niyang hanggang ngayon may nakatarak na kunai .
Mukhang natamaan ko rin siya kanina.
Tinanggal niya ito na parang wala lang sa kanya.Masama siyang nakatitig sakin. Kita sa mga mata niya ang matinding galit.
Well the feeling is fucking mutual.
"Lets fight, hand to hand combat without a weapon"
Pabalagbag niyang hinubad ang suot niyang coat, niluwagan ang necktie at tinanggal ang tatlong butones ng polo niya. Tinaas din niya ang sleeve hanggang siko.
Ganuon rin ang aking ginawa , niluwagan ko ang suot kong ninja outfit at itinaas ang sleeve nito. Ibinaba ko rin ang mga weapons na hawak ko.
Ako pa ang hinamon niya huh?
Kahit na puno ako ng sugat ngayon, di ako aatras sa kanya
Patakbo siyang sumugod sakin, mataas siyang tumalon at binigyan ako ng pababang sapak mula sa ere. Agad ko itong nablocked at nasikmuraan ko siya gamit ang kaliwa kong kamay sabay sapak sa panga niya.
Napaatras siya sa ginawa ko. Umabante para sundan ito ng left hook pero agad niyang naharang at nahawakan ang kamay ko.
Kasunod nito ay isang malakas na sapak ang natanggap ko sa kanya, sa tagiliran...
s....sa sugat ko. fuck! Sunod sunod pa niya itong ginawa, hanggang sa sumuka na ako ng dugo.
Pinilit kong abutin ang sugat sa kanang balikat niya at diniinan ito, dahilan para tumigil siya sa pagsapak sakin. Pero walang mababakas na sakit sa mukha niya sa halip ay ngumisi lang ito at sinipa ang tagiliran ko dahilan para mapahiga ako sa sahig.
"Ahhhhhh!" Halos mapaos ako sa lakas ng sigaw ko dahil ang gago tinapakan pa ang sugat ko nang sobrang diin.
"Yun lang yun?" Nakangisi niyang sabi.
'Fuck, ikaw kaya lumaban ng may sugat sa tagiliran at magkabilaang hita! Palibhasa duwag ka kase'
Gusto kong isigaw iyan pero wala na akong lakas. Sobra sobrang panghihilo na ang nararamdaman ko, siguro dahil ito sa mabilis na pagkawala ng dugo ko.
Umupo siya at humarap sakin.
Dinuraan ko siya sa mukha.
Mukhang nagalit dahil hinawakan niya ako ng mariin sa kwelyo. Inismiran ko lang siya.
"Ang lakas ng loob mong--"
"Knite.....Knite......knite......" Pareho kaming natigilan nang marinig namin na sunod sunod na ibinubulong ni Malady ang pangalan ko.
Padabog akong binitawan ni Lampa at tinungo niya si malady.
"knite.......knite.....don't die please Knite bwisit ka" muli nitong bulong bawat salita mabagal niyang binibigkas
Sa posisyon ko, hindi ko makita kung anong nangyayari sa kanya pero sigurado akong nanaginip ito. sleep talk? i guess.
Bigla akong nabuhayan dahil sa sinabi niya. Ayaw niya akong mamatay?
Your wish is my command malady.
Gamit ang natitirang lakas, dahan dahan akong tumayo. Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamnan ko pero di ko itong pinansin. Nakatuon ang utak ko sa sinabi ni Malady 'Don't die please'
I will, di ako mamatay. Mababawasan ng gwapong nilalang ang mundo.
Nang makatayo, tumingin ako sa direction niya. Tama nga ang hinala ko, Tulog pa siya habang marahang hinahamplos nang gago ang mukha.
"Knite.......... Knite......." Muli niyang bulong habang palipat lipat ng direksyon ang ulo niya.
"Stop calling his name Kea, I'm here" Desperadong sabi ng gago.
"Knite.....Knite....." pero tuloy pa rin sa pagtwag sakin si malady, pero habang tumatagal bumibilis ang pag galaw ng ulo niya hanggang sa dumilat siya "Knite!" Habol hininga nitong sigaw. Tapos ay mariin siyang napapikit at napahawawak sa ulo niya.
Mukhang ito ang side effect ng pinaaamoy sa kanya.
Kita ko ang pagkataranta ni Akihiro sa pagkagising ni malady. Mabilis siyang tumayo at binuksan ang drawer ng side table. Nanlaki ang mata ko nang may inilabas siyang maliit na bote na parang gamot at nilagay ito sa puting panyo.
Darn it yun pala ang chemichal na pinapaamoy niya!
Gamit ang malalaking hakbang nilagpasan ko ang distansya. Tinitiis ko ang sakit ng bawat hakbang ginagawa ko dahil magkabilaang hita ko ang may tama.
Agad akong pumunta sa pagitan nila at malakas ni tinulak si lampa. Kaya napaupo ito at masamang nakatingala sakin.
"Knite?" Nilingon ko si Kea na halatang naguguluhan sa nangyayari. Nanlaki ang mata niya ng tinitigan ang kabuuan ko "What the hell was happen to you!" sigaw nito. Kita ang galit ngunit mas mapapansin ang pagaalala sa mukha niya.
Isang ngiti lang ang naisagot ko sa kanya dahil bigla akong sinapak ni Aki sa panga kaya napahiga ako sa tabi nito.
Babangon sana ako para bumawi pero agad akong hinawakan ni Kea sa dibdib para bang pinipigilan ako.
"You!" Dinuro niya si Akihiro "I swear, pag nakatakas ako sa posas nato p....patayin kita"
Mapakla akong natawa sa sinabi niya. Sa tono kase ng pagsasalita niya, alam kong nagaalangan siya. Hindi niya kayang gawin, bakit? Alam kong kahit gaano kagago na ngayon ang pinsan ko. Mahal niya pa rin ito.
Sa tagal ko nang nakasama si Kea, kilala ko na siya. Hanggang ngayon pareho pa rin ang titig niya kay lampa, Oo ngat may galit pero kita mo pa rin ang espesyal na titig niya dito. Na kahit kahit kailan hindi ko naranasan.
Damn nakakabakla mang pakinggan pero mas ramdam ko ang sakit ng puso ko kesa sa mga sugat na tinamo ko.
Nakangising humarap si Aki at may kinuhang susi sa bulsa niya. Ginamit niya ito sa posas ni malady at inabutan ito ng isang Kunai.
"I'll bet my Life, hindi mo kaya"
"Kayang kaya ko" nangagaliti sa inis na sabi ni malady..
"Then prove it, use that kunai to kill me" Preskong sagot ni Lampa.
Tahimik ko lang pinapanood ang susunod na gagawin nila.
Tumayo si Kea at pumunta sa harap niya.
Iminuwestra niya ang Kunai sa tapat ng dibdib nito.
Nagkatitigan sila, just seeing them like that nasasaktan na ako. "I love you Liit, its my pleasure kung ikaw mismo ang papatay sakin" bulong ni Akihiro
Dahang dahang yumuko si Kea, kasabay nito ay ang pagbagsak ng Kunai sa sahig.
Hindi nga niya kaya.
Damn.
In ends up na nagkayakapan pa sila.
"I knew it, You can't. You still love me. Na prove mo iyon sakin nang halikan kita kahapon. Hanggang ngayon naaala ko pa rin ang pagresponds mo"
Nakatalikod sakin si Kea, kaya nakaharap sakin si Lampa at halatang sinabi niya iyon para iparinig sakin.
They kissed? at nagrespond pa si kea?
Mariin akong napapikit. Damn durog na nga tong puso ko pinino pa nila. Shit lang.
Pero malakas siyang tinulak ni Kea at lakas loob muli itong tinitigan "I admit it, Tama ka, I am fucking inlove with you" Ouch! kailangang ulit ulitin? "Pero lahat ng yun natabunan ng galit. I hate you to death Aki" Dinuro niya ito at umabante kaya napapaatras si Lampa. "You almost killed my keeper before. Niloko mo ko at sinabi saking patay na siya and you used Knia and Kean para mablockmail ako. Tapos ngayon makikita kong sinasaktan mo na naman si Knite ha!" tumigil siya sa pagabante at hinawakian si Lampa sa kwelyo "saktan mo na ang lahat wag lang ang mga taong mahahalaga sakin" mariin at puno ng galit niyang sabi sabay bitaw Dito.
Natuwa naman ako sa sinabi niya.
Mahalaga pala ako sa kanya not just me pati ang mga kapatid ko.
Dinampot niya ang Kunai at iwinagayway ito sa ere "Alam mo kung bakit hindi kita kayang patayin ngayon? Dahil sa dami ng atraso mo sakin hindi pwedeng mamatay ka lang basta basta gamit lang ang Kunai na to." Ibinato niya ang kunai pero agad nakaiwas si Lampa. Tumakbo patungo sa kanya si malady. Sunod sunod niya itong binibigyan ng malalakas na sapak, lagi itong nababalock ni lampa.
Mabilis ang bawat kilos ni Kea, Sipa, right hook, left hook sa ibat ibang parte ng katawan nito pero mas mabilis si Akihiro sa pagdedepensa. Kaya ni isa walang tumama sa kanya.
Hinawakan ko ang tagiliran ko para makaupo, mas malinaw ko nang nakikita ang labanang nangyayari sa kanila.
Kung labanan nga itong maituturing, ni hindi nga kinakalaban ni Aki si Malady tanging pagdepensa lang ang ginagawa nito.
Pareho silang nahinto nang bumukas ang pinto at may inuluwang dalawang shinobi.
Patakbong tumungo sakin ang isa at ang isa ay sa direction nila Kea.
Tumingin ako sa paligid kung may weapon ba akong magagamit pero.... wala! Itong puting panyo lang ang nadampot ko shit!
Inihanda ko ang sarili habang papalapit ng papalapit sakin ang shinobi. Gagamitin ko sana ang panyo sa kanya pero natigilan ako nang bigla siyang magsalita at hubarin ang suot niyang ninja mask.
"M..mom?" Gulat kong sabi
" Anak! buhay ka!"
Ngayon ko lang naalala na shinobi nga pala siya noon. Nakwento niya ito sakin dati. Kaya hindi na nakakapagtakang nakarating siya dito
Yayakapin niya sana ako pero agad kong itinuro ang sugat ko sa kanya "Oh god!" gulat niyang saad sabay tingin sa mga sugat ko "Andami mong sugat! Sinong gumawa nito sayo? Kailangan na kitang ilabas dito!" sunod sunod na sabi ni mom.
"R.relax m..mom I'm okay-"
"Okay? Nak namumutla ka na! Andaming nawalang dugo sayo!"
naghehestirical nitong sabi.
"C..calm down mom, a..anyway sino yung kasama nyo?"
"Si Ricky"
Napatingin ako sa gawi ni malady, tama nga si mom si tito Ricky ang kasama niya. Ang pinagtataka ko lang, ansama ng tingin sa kanya ni Kea. Bakit parang anlaki nang galit niya dito?
"Sabihin mo sakin nak, Si Akihiro ba ang gumawa nito sayo?" Napabalik ang tingin ko kay mom. Halata ang galit sa tono niya.
Hindi ako sumagot, Kilala ko si mom.
"Tell me! mayayari sakin ang batang yun"
"Mom, let me handle this okay? ako na ang gaganti para sa sarili ko"
"So siya nga ang gumawa nito?" saad niya Sabay tayo at pumunta sa direksyon ni Lampa.
Gusto kong sumigaw at pigilan siya pero masyado akong nanghihina.
Then the next thing I knew, mabilis silang nagpapalitan ng laban gamit ang dalawang uri ng espada. Gamit ni mom ang Katanang nakasukbit sa likod niya habang si lampa ginamit ang samurai na nakadisplay dito sa kwarto.
Mabilis ang laban na nagaganap sa kanila, ni hindi ko masyadong makita. Tanging tunog lang nang nagtatama nilang sword ang malinaw sakin.
Ngayon ko lang napagtanto na malakas nga si Mom dahil in just a minute kita ko na na maraming hiwa sa lampa sa katawan.
Agad akong dinaluhan ni Tito Ricky at Kea.
Ang akala ko ay yayakapin ako ni Malady pero isang malakas na batok ang natanggap ko sa kanya.
"Bwisit ka! Pinagalala mo nanaman ako" Inis nitong sabi.
"D..damn it, ang h..hard nun tsk" pagsusungit ko.
"Kung wala ka lang sugat hindi lang yan inabot mo sakin"
"S..sadista"
"wag ka nang magsalita, shit namumutla ka na"
"O...okay lang gwapo p..pa rin naman"
"Hambog tsk" Iiling iling nitong sabi.
"Aaarggh!" Sabay kaming napatingin kayla mom dahil sa pagsigaw ni Akihiro
Nakahiga na siya ngayon sa sahig habang tinatapakan ni mom ang sugat niya sa balikat.
Gaya ng pagtakapak na ginawa niya sakin.
Nanlaki ang mata ko nang itinaas ni mom ang katana sa ere at itinutok ito sa dibdib ni lampa.
Pero mas nagulat ako sa naging reaksyon ni Kea.
"Tita!"
Agad siyang lumapit kay mom sabay tulak dito. Napaupo pa nga si mom sa sobrang lakas ng ginawa niya.
"Bakit mo ko pinigilan?!" sigaw ni mom.
"S..sorry. It just....." huminto siya sa pagsasalita. Para bang naghahanap ng tamang salitang sasabihin niya.
'She loves him kaya di niya kayang makita siyang pinapatay'
Mapakla akong napangiti sa naisip ko.
"Hayaan na lang natin siya, umalis na lang tayo dito. Kailangan na nating mailabas si Knite"
Nice ginawa pa akong dahilan.
"Mabuti pa nga" agad na sumangayon si mom pero kita ko ang masamang titig niya kay Kea. Binangga pa nga niya ito sa balikat bago pumunta sakin.
Pinahubad ni mom ang ninja suit ni Tito Ricky dahil puno na ng dugo ang suot ko. Ipinasuot niya ito sakin pati na din ang ninja mask.
Ganoon rin si mom at Kea agad nilang sinuot ang ninja mask nila. Kailangan daw kase para mas madali kaming makatakas nang hindi napapansin.
Tinanong ko si Tito pero
Bahala na daw siya sa sarili niya.
Inabot ni mom kay tito ang katana niya dahil inalalayan niya akong maglakad ganoon rin si Malady.
Bale nakaakbay ako sa kanila ngayon.
Papalabas na sana kami pero malakas na bumukas ang pinto at Iniluwa nito si mr. Mitsuki.
Sa una walang ekspresyon ang mukha niya pero nang makita ang anak na nakahandusay at habol hiningang nakahiga sa sahig. Puno ng hiwa sa katawan. Agad na nagdilim ang paningin niya, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagigting ng panga niya at pagkuyom ng kamao.
Galit siya, sobrang galit.
Lumipat ang tingin niya samin.
Titig palang pero napaatras na kami.
Pero nilagpasan lang niya kami ng titig.Dahil siguro sa suot namin kaya akala niyang shinobi kami.
Tanging si tito Ricky lang ang tinignan niya ng masama. Mas lalong nagdilim ang paningin nito nang makita ang hawak ni ninong na Katana which is gamit ni mom kanina.
"Magbabayad ka sa ginawa mo" Ang garalgal at malalim na boses niya ang umalingawngaw sa buong kwarto.
Boses palang nagtaasan na ang balahibo ko.
Dinampot niya ang Samurai na nabitawan ni Lampa at walang anu ano'y sinugod si Tito.
Kagaya kayla mom. Mabilis din ang palitan nila. Pero halatang nahihirapan si Tito. Alam kong sanay siyang gumamit ng baril, hindi niya forte ang sword kaya dehado siya kay Mitsuki na gamay na gamay gumamit nito.
"Lets go" bulong ni mom.
Kaya Diretso kami sa paglalakad.
Natigilan kami nang humagis sa harap namin ang katanang ginamit ni tito.
Huli na nang makatingin kami sa kanila, dahil nakabaon n..na ang samurai ni Mitsuki .sa dibdib ni Tito Ricky.
"H..hindi....No way" hindi makapaniwalang bulong ni malady
Hinugot ni Mitsuki ang samurai kaya sumuka ng dugo si ninong at paharap na bumagsak.
Katahimikan ang bumalot saming tatlo.
Hindi makapaniwala sa nangyari.
Sa isang iglap
Wala na si tito.....
"Mauna na kayong lumabas, Papatayin ko ang hayop na yan" Bulong ni Kea samin sabay dampot ng katana.
Hinawakan ko siya sa braso para pigilan "D..dont" pero marahas lang niya itong hinawi.
Gusto kong sigawan siya, Gusto ko siyang pigilan but damn masyado akong nanghihina at nahihilo.
Hindi to pwede!
"Lika na nak" Pilit akong hinahatak ni mom papuntang pinto.
Gusto kong pumalag pero tanginang katawan to! ayaw makisama.
Ayoko siyang iwan.
No... Hindi pwede
"P..please m..mom help her"
Parang hindi niya ako narinig, tuloy lang siya sa pagaalay at paghatak sakin palabas.
Sinulyapan ko pa si Kea na ngayon ay nakikipaglaban kay Mitsuki. Nakatanggal na ang ninja mask niya. Umiiyak siya habang nakikipaglaban.
Tinuring niyang magulang si tito kaya di na nakakapagtakang ganyan ang reaksyon niya.
Pagbukas ng pinto may isang shinobi ang lumapit samin. "Kailangan na nating makalabas" bulong ni mom sa kanya. Mukhang kakampi namin ang isang ito..
Dalawa na silang humahatak sakin pero hindi ko iginagalaw ang paa ko. Nakatuon lang ako kay Kea.
Nanlaki ang mata ko nang mabitawan din niya ang katana. Umaabante si Mitsuki at umaatras si Kea.
For the first time, nakita ko ang takot sa mata niya.
At this time gusto kong sumigaw "K..ea" pero bulong lang ang nasambit ko.
Gusto kong tumakbo papalapit sa kanila.
Gusto kong humarang sa harap niya.
Gusto ko siyang yakapin.
Naiinis ako sa sarili ko. Putangina wala akong silbi!
Madali akong nahatak palabas pero bago tuluyang maisara ang pinto.
Parang nagslowmo ang mundo ko sa nakita ko
Hindi.....
hindi....
Fuck it....
N...naitarak ni Mitsuki ang Samurai sa kanya. Nakita ko pa ang pagbulwak ng dugo sa bibig niya ng hatakin nito ang samurai.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko....
Hindi......
Hindi....
Para akong nawala sa sarili.
Namalayan ko na lang na nasa labas na kami ng Hokusai palace at isinasakay na nila ako sa Van.
Nandito rin ang mga kapatid ko.
"Nasan si Malady?" Dahil Sa tanong ni Kean duon lang nagsink in sakin ang lahat.
Paulit ulit na nagrerewind sa utak ko ang itsura niya.
Nagulat siya sa biglaang pagiyak ko.
Naninikip ang dibdib ko. sobrang sikip to the point na parang di ako makahinga.
Masakit. Sobrang sakit.
Putang ina!
Ang gago ko talaga!
I am damn Useless! Damn freaking useless.!
Tumabi sakin si mom at nilapatan ng first aid kit ang sugat ko
"p..please m..mom b...ba-" huminga ako ng malalim "balikan natin si K..kea"
Tutal may kotse naman kami ag sa main road kami dadaan kaya mabilis kaming makakababa ng bundok bago ang pagsabog.
"P...please m..mom. I..love her d..di siya pwedeng mamatay"
Para akong bata na umiiyak ngayon. Tinakpan ko nang palad ang mukha ko .
"I know nak, pero sa nakita ko kanina mukhang patay na siya. Tanggapin na lang natin"
Malungkot na saad ni mom.
"Ano?!" sigaw ni Kean
sunod sunod akong umiling "H..hindi mom--"
"Shhh wag ka nang magsalita, take a rest dadalhin ka namin sa ospit--"
(BOOOOOOOOOOM!)
Biglang pumreno ang sasakyan namin ng makarinig kami ng malakas na pagsabog.
Nakakabingi ito at sunod sunod.
Nanlamig ako nang tumingin ako sa likod at tinanaw ang Hokusai palace.
Kita ang pagsabog nito. sa sobrang lakas Halos lumipad sa ere ang ibang parte ng palasyo.
Madaming pagsabog pa ang sumunod dito. Hindi ko nabilang.
Nilamon ng apoy ang buong palasyo...
Parang huminto ang mundo ko nang marealize na.....
Sumabog ito at......
Nasa loob si Kea
-The end-
A/N: Upnext Epilogue
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top