BTG 5: Clingy nerd
"Gusto mo nito?" Alok ni Akihiro sabay turo ng fishball. Remember yung nerdy boy kahapon.
Umiling lang ako.
"Eh eto?" sabay turo sa banana que.
Umiling ulit ako.
"Itong kwek kwek?"
Tsk ang kulit.
Seriously, naiinis na ako sa pagiging makulit nya. Simula nung nagusap kami kahapon, naging clingy na siya sakin. Feeling Close!
Kaninang break time nga namin, lagi siyang nakabuntot sakin.
Hanggang ngayong uwian ba naman?
Kasalukuyan kase kaming nasa labas ng school at halos lahat ata ng tinitinda iniaalok niya sa'kin. Mukha siyang tindero pfft.
"Try mo tong isaw! Masarap to!"
For the nth umiling ulit ako.
"Ahh! Itong Kakanin?"
"No thanks, busog pa talaga ako, sige uuwi na ako" kinuha ko ang bag ni Knite sa kanya at nagbabye gesture na ako sabay talikod.
Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang hinawakan niya ako sa braso.
"Teka teka, san ka pupunta?"
" ahmm Uuwi na?"
"Ihahatid na kita" nakangiti niyang sabi.
"Err w..wag na, Nakakahiya"
"Nukaba! Simula ngayon magkaibigan na tayo kaya wag ka nang mahiya"
Really friends?
Wala sa vocabulary ko ang salitang yan. Wala din sa plano ko ang makipagkaibigan habang nagaaral dito, gusto ko lang matapos ang two years para makuha ang mana ko then babalik din ako sa States. No more, no less.
"Nope hindi pa tayo friends, kahapon lang tayo nagkilala remember?"
Biglang lumungkot ang mukha niya.
"Pe...pero--" I cut him off.
"Sanay na akong magisa kaya hindi ko na kailangan ng kaibigan, bumalik ka na lang sa mga kaibigan mo. Wala kang maasahang friendship sakin"
Maglalakad na sana ako paalis pero agad akong huminto nang mapansin kong naiiyak na siya.
Hala...
"Gaya mo wala din akong kaibigan. Syempre nerd kaya laging loner. Kaya nga nung nalaman kong may bago akong classmate na kagaya ko. Sobrang natuwa ako, akala ko sa wakas magkakaroon na ako ng kaibigan pero hindi pala."
Napanganga na lang ako sa biglaan niyang pagdradrama.
Tinanggal niya ang salamin niya at pinunasan ang imaginary tears sa singkit niyang mata. "Sige, hindi na kita ihahatid. tutal ayaw mo naman pala akong kaibigan. Babalik na lang ako sa Dati. Magisa, walang kaibigan, walang kausap school. Okay lang okay lang talaga ako huhu" sabay madramang nagwalk out.
Bullshit At nangonsensya pa ha?
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinabol ko siya.
"Aki!" sigaw ko kaya humarap siya sa'kin.
"Ano?"
"O..oo na payag na akong ihatid mo ko"
Argh! Ano ba tong pinagsasabi ko.
Biglang lumiwanag ang mukha niya. " Talaga? Payag ka na kase..?"
"Kase.."
"Kase ano?!" mukhang excited siya sa sasabihin ko. Para siyang bata
"kasemagkaibigannatayo" bulong ko, mabilis para hindi niya maintindihan.
"ha? Di ko narinig eh"
"Ang sabi ko, magkaibigan na tayo"
Abot tenga ang ngiti niya "Yun oh! Wala nang bawian ah."
Napilitan akong tumango.
Aish bakit ba ako napasok sa gan'tong sitwasyon.
Kinuha niya ang bag ni Knite at siya na ang nagbitbit nito. Hinawakan din niya ang kamay ko sabay hila sakin."Tara na, hatid na kita, saan ba bahay mo?"
"Malapit lang" sagot ko.
Walking distance lang kase ang binili kong lumang apartment. Duon ako uuwi tuwing weekdays para mapanindigan ko ang pagiging mahirap ko at uuwi lang ako sa mansyon tuwing weekends.
After ng 5 minutes na paglalakad nakarating din kami.
"Sige, thanks sa paghatid. Bye"
"Sige bye" paalam niya
"Ingat" then nagwave ako at umakyat na.
--------
Kinabukasan,
Pagpasok na pagpasok ko palang sa gate, sinalubong agad ako ni Aki.
"Good morning Keallyn, akin na yan" masigla niyang bati sabay kuha ng bag ni Knite.
"m...morning din"
"Aish dapat pala sinusundo kita sa bahay nyo, masyadong mabigat tong bag ni Knite"
"Kahit wag na, okay lang sakin"
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa sakin. At dahil matangkad siya, nakatingala ako sa kanya.
"Yaan mo , ito na ang last day na magbubuhat ka nito. Kakausapin ko mamaya si Knite"
"Uh..thanks?" yun na lang ang nasabi ko. Seriously di ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at tinap ang ulo ko.
Natigil kami sa paguusap ng biglang may nagflash na camera sa harap namin.
"GOTCHA!" speaking of hambog. "Nice Couple huh? Duwag na nerd at panget na nerd? Lakas ng chemistry nyo!" Sigaw niya.
Dahil dito nakaagaw kami ng atensyon, marami rami nang estudyante ang nakapaligid sa'min.
Seryosong hinarap ni Aki si Knite "Knite, may request sana ako"
Nagslow clap ito "Wow lampa lakas ng loob mong manghingi ng request pero sige dahil good mood ako ngayon, pagbibigyan kita. Anong request ba yan?" maangas niyang tanong.
"A..no irerequest ko sana na ako na lang ulit ang gawin mong slave. Wag na si Keallyn."
Napahagalpak ng tawa si Knite sa sinabi ni Akihiro. Miski ang mga inutil na nanonood nakitawa rin.
Malakas na hinampas ni Knite si Aki sa likod. Halatang nasaktan ito, pero pinilit pa rin niyang makitawa tsk.
"Ano ulit sabi mo lampa? Ikaw na lang ang gawin kong slave at wag ang panget na'to" sabay turo sakin.
The hell! rinding rindi na talaga ako sa kakapanget niya sa'kin.
"O..oo Knite" bulong na sagot ni Akihiro.
Nagsmirk si Knite at may sinenyasang ibang mga studyante. Hindi ko maintindihan kung anong sinenyas niya pero may kutob akong masama iyon.
"Sige papayag ako lampa, sa isang kondisyon"
"t..talaga? anong kondis--"
"H..hindi na Akihiro, o..kay lang sakin" pinutol ko agad na ang sasabihin ni Aki, alam kong may mangyayari sa kanya pag pumayag ito.
"Hindi na, Ako na lang" nakangiti niyang sagot.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nililigtas niya ako kahit di pa kami masyadong magkakilala o maiinis dahil ayaw na ayaw kong may nagliligtas sakin, bilang isang mafia queen nakakatapak ng pride iyon.
"Oh Ano na?" Inip na tanong ni Knite.
Pumunta si Aki sa harapan ko, para bang pinoprotekhan ako kay Knite.
"Ako na lang, a..anong Kondisyon?"
Pupunta sana ako sa harap niya para tumutol pero agad niyang hinarang ang kamay niya.
Fine! sige pumayag ka ewan ko na lang kung anong mangyayari sa'yo tsk
"Kita mo yang bench sa harap ng Biology building?"
Tumango si Akihiro.
"Umupo ka doon tapos isigaw mong 'Ako si Akihiro Aruta ang pinakalampa at uto utong nerd' okay ba?" maangas na sabi ni Knite sabay nagcrossarm.
"Yun lang?" takang tanong ni Aki
Miski ako ay nagtaka rin, seriously? pasisigawin lang niya si Aki para ano? para pahiyain siya? Eh sa itsura ni Aki parang sanay na siyang mapahiya.
" Oo yun lang"
"Sige" agad na tumakbo si Akihiro. hinawi pa niya ang ibang estudyante. Susundan ko sana siya pero hinawakan ako ni Knite sa braso.
"Dito ka lang panget, panoorin mo kung anong mangyayari sa Knight in shining Armor mong lampa."
"AKO SI AKIHIRO ARUTA! ANG PINAKALAMPA AT UTO UTONG NERD SA SCHOOL!"
Lahat ng nakasaksi sa pagsigaw niya ay nagtawanan. Pero parang wala lang iyon kay Akihiro na nakangiti pa.
Sa taas ng Biology building na katapat niya,may tatlong lalaki ang lumabas. Nanlaki ang mata ko nang inilabas nila ang lagayan ng pintura, oh shit! ibubuhos nila iyon kay Aki! I knew it! ito yung sinenyas ni Knite kanina!
Nagpumiglas ako kay Knite pero mas lalo lang niyang diniinan ang paghawak sakin. Sa totoo lang sa posisyon namin ngayon kayang kaya kong balian ng buto ang hambog na'to.Pero huli na dahil...
"Woohoo!" nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat ng ibinuhos na kay Aki ang kulay pulang pintura. May iba pang nambato ng itlog sa kanya.
Parang nagslowmo ang paningin ko habang tinitignan kung gaano siya nagulat sa pangyayari. Nanlulumo siyang nakatingin sa katawan niyang puro pintura. Yumuko siya, iniharang ang dalawang kamay sa mukha. Maya maya'y gumagalaw na ang balikat niya, indikasyon n..na umiiyak siya
For the first time in my life nakaramdam ako ng awa sa isang tao. I am entitled as a 'heartless bitch' pero bakit nakakaramdam ako ng ganito ngayon?
Bigla akong kinaladkad ni Knite papunta kay Akihiro sabay tulak ng malakas dahilan para masubsob ako rito.
"Tsk anong tingin mo sakin lampa, basta basta na lang papayag sa'yo? Dahil sa ginawa mo, from now on dalawa na kayong magiging slave ko" Sabi ni Knite sabay tumalikod at naglakad papalayo samin.
Argh! Damn you Knite Abueva!
"Okay ka lang?"
Nabigla ako sa tanong ni Aki, siya na nga tong binusan at pinagbabato kanina, siya pa talaga ang nagtanong.
"A..ako dapat ang magsabi niyan. O..kay ka lang" sabi ko sabay tanggal ng ibang shell sa ulo niya.
"Nukaba okay na okay! ako pa"
Sigaw niya sabay ngiti sa'kin pero halata sa mugto niyang mata na hindi siya okay.
Matagal ko siyang tinitigan.
This idiot, masyado siyang mabait to the point na nakakainis na.
Hindi pwedeng habambuhay lang siyang ganito.
I promise, tutulungan ko siyang magtransform. Mula sa uto uto at weak na nerd hanggang sa maging malakas at walang kinatatakutan na Akihiro Aruta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top