BTG 47: Revelation

literal na napangaga ako sa nangyayari ngayon.

Queen Kea?

Queen of Hara?

Shinobi tribe's Queen?

NO FUCKING WAY!

NEVER.

EVER.

Unang tumayo ng tuwid ang limang shinobi na nasa harap ko. Tinanggal ng nasa pinakagitna ang takip sa mukha niya.

Napayukom ang kamao ko ng bumungad sakin ang nakakairiting pagmumukha ng babaeng kinaiinisan ko.

"Cyrene" mariin kong sabi.

"Its nice to meet you again Keallyn. I mean 'Queen Kea'" inemphasize niya talaga ang salitang Queen Kea.

"Sa huling pagkakaalala ko, may laban pa tayong tatapusin diba?"

" Gustuhin ko man bitch pero hindi pwede,"

"Bakit? Dont tell me naduduwag ka na?" pangaasar ko.

"Sa totoo lang gusto na kitang patulan, pero kabilin bilinan ni master na dalhin ka nang ligtas sa kanya Queen Kea"

"Nasaan na ba yang lintik na master mo and  Why the hell do you keep calling me Queen Kea!" sigaw ko. Rinding rindi na ako ah!

She smirk "malalaman mo pag nakausap mo na sila master mitsuki at master Akihiro. Sa ngayon sumama ka muna samin dadalhin ka namin sa kanila"

"Fine, as if a have a choice" kung papalag ako sa kanila. Im sure matatalo din ako, they are more than thosands for petes sake!
Baka di pa sila nangagalahati  patay na ako .

Nag give way ang ibang shinobi para makadaan kami ni Cyrene sa gitna.Huminto siya sa paglalakad at inilahad ang palad sakin "Give me your weapon"

"at bakit ko ibibigay sayo?"

"Just give it bitch! andami pang tanong tsk"

"Pano kung ayaw ko?" i asked.

She smirk "Edi kukunin namin sayo"

Then the next thing I knew pinalibutan na ako ng iilang shinobi then in a split seconds wala na lahat ng sampung kunai at dalawang pistol na nakaipit sa belt ko, pati yung dalawa kong katana na nakasabit sa likod  wala na!

Darn it, para silang hangin sa sobrang bilis at tahimik ng kilos nila. Ni hindi ko man lang naramdaman ang pagdukot bila sa mga weapons ko.

"What.. the.. hell is that?" sabi ko habang nakatingin kay Cyrene

She just shrugged her shoulder at tumuloy na sa paglalakad.

Susunod sana ako sa kanya pero natigilan ako nang makarinig ako ng tunong ng naglalabang espada sa likod namin.

Paglingon ko, nakita ko si Kean na nakikipaglaban sa limang shinobi gamit ang dalawang katana.

Shit.

Tumakbo ako papunta sa direksyon niya pero agad akong hinarangan ng ibang shinobi.

Agad akong lumapit kay Cyrene "Anong ginagawa nila sa keeper ko!"

"So yung batang yun pala ang bago mong keeper?" nakangisi niyang tanong. Naglean siya para magkapantay kami "Well obviously pinapatumba siya ng mga kasamahan ko. Ang sabi kase ni master, ikaw lang ang dadalhin sa kanya, no more no less"

"thats bullshit" sabi ko sabay talikod sa kanya.

"GET OUT OF MY FREAKING WAY!" sigaw ko sa mga Shinobing nakaharang. Nagkatinginan pa sila pero in the end binigyan nila ako ng way para makadaan.

"BAKIT NYO PINADAAN?" rinig kong sigaw ni Cyrene. Pero hindi ko na lang pinansin at tinuloy tuloy ko lang ang paglalakad.

Kinuha ko ang katanang nakasabit sa likod ng isang shinobing nadaanan ko.

Lalong naginit ang ulo ko nang makitang may maliit na hiwa si Kean sa kanang pisnge niya at punit  na rin ang kaliwang sleeve ng tuxedong suot niya. May napatumba na siyang isa pero nahihirapan pa rin siyang harapin ang apat na sabay sabay kung sumugod sa kanya.

Agad na tumigil ang apat ng tumakbo akong papunta sa harap ni Kean.

"How dare you to hurt my keeper" mariin kong sabi habang nakatutok ang Kunai sa kanila.

"P..pero Queen utos po kase ni master--" sagot ng isa sa kanila pero agad kong pinigil.

"I. am. not. your. Queen. Damn it! sigaw ko.

Pumunta si Cyrene sa harap ko
"Sige sasama ako nang mahinahon sa master nyo pero dapat kasama ang keeper ko pero kung ayaw nyo..." sabay tinutok ko ang dulo ng katana sa leeg niya." pasensyahan tayo"

Naramdaman kong hinawakan ako ni Kean sa balikat "Sumama ka na malady, ako n..nang bahala dito"

Saglit ko siyang nilingon "No Kean, magkasama tayong papasok sa loob" muli kong hinarap si Cyrene "Ano na?"

"Fine! pwede mong isama ang keeper mo pero pagdating sa office ni master ikaw lang ang papasok"

"Kailangan paglabas ko, buhay at ligtas siya. Madagdagan lang ang galos sa katawan niya, malalagot ka sakin"

"Ow Im scared my Queen" sarkastiko niyang sabi "Deal, basta sumama ka lang samin. Ako pa ang magbabantay kay little boy" mapangasar nitong sabi sabay lingon kay Kean.

Susugurin sana siya ni Kean pero agad ko siyang hinawakan sa braso sabay bulong "now is not the right time kiddo, hayaan mo muna sila tuloy pa rin ang plano natin"

Tumango lang siya sa sinabi ko, Hinatak ko siya at nauna na kaming maglakad papasok ng Hokusai palace.

"Tabi!" sigaw ko habang hinahawi ang ibang shinobi.

~~
Malalaki at sobrang bilis ang hakbang na ginawa ko papasok. Habang nasa likod sila kinuha namin ang pagkakataon para mailagay ni Kean ang tatlong bomba na hawak niya. Pinauna ko siyang maglakad at sa kada bonsai na makikita namin, hinaharangan ko siya para mailagay sa  gilid ng paso ang bomba.

Nang mailagay na ang tatlo, binagalan ko na ang paglalakad at sumabay na siya sakin. Sinabayan na rin kami ni Cyrene sa paglalakad.

Wala na kaming panahon para mamangha sa lugar na ito. Dirediretso lang kaming naglalakad sa mahaba at parang walang katapusang hallway.

Isang malaking pinto ang nasa dulo nito. May dalawang higante i mean malalaking tao ang nagbabantay.

Sinenyasan sila ni Cyrene at pinagbuksan kami ng pinto.

Ang buong akala ko, ito na ang sinasabing office sakin ni Cyrene pero mali ako dahil ang malaking lugar na bumungad samin ay sala palang ng palasyo nila.

"Wow"

Lahat ng furniture mula sa Sofa hanggang sa Carpet ay kulay black na nahahaluan ng red. Obviously red was my Favorite color kaya di ko maiwasang mamangha sa lugar.

Pagkatapos ko rito ganito rin ang ipaparenovate ko ang mansiyon ni dad na kaparehas nito.

This place was totally cool and Awesome.

Para akong batang manghang mangha sa isang lugar, nilibot ko ang paningin ko at napakunoot ang noo ko sa Bilog na Insignias na nakadisplay sa malaking flat screen TV

Ang insignias ay nagsisilbing simbolo ng isang organization.

Ang insignias ng Venom organization ay kulay pula at may dalawang cobra na nakapulupot sa isat isa na parang magtutuklawan.

Sa pagkakaalala ko ang Insignias ng Hara organization ay kulay black at may dalawang katana na kulay ginto ang nakaekis sa gitna.

Pero ang nakadisplay ngayon sa T.V ay Iba.

Nahati sa dalawang kulay ang Insignias, Black and Red. Sa gitna nito diretsong nakatayo ang  isang Gintong katana at pinupuluputan ito ng Cobra

"Shit" i whispher when i realized something

Para itong pinagsamang insignias namin!

Ibubuka ko sana ang bibig ko para umangal pero agad akong hinawakan ni Cyrene sa braso at hinatak papuntang second floor.

Walang lumabas na salita sa bibig ko.

Gulat at the same time naguguluhan ako sa nangyayari.

Sa sobrang pagiisip hindi ko namalayang, nasa harap na pala kami ng isang pinto. Tatlong beses itong kinatok ni Cyrene. "Nandito na siya master"

"Papasukin mo!" sigaw ng isang baritono at garalgal na boses mula sa loob.

Agad na binuksan ni Cyrene ang pinto at itinulak ako papasok sabay sara dito. That bitch muntik pa akong masubsob tsk.

Napaangat ako ng tingin, isang matandang lalaki na sa tantiya ko ay mid 40's na ang prenteng nakaupo sa swivel chair niya habang humihithit ng tabacco. Sa mata palang niyang singkit at sa ngiting kagayang kagaya kay Aki, alam ko na kung sino siya.

"Mitsuki Aruta" buong diin kong sabi.

"The one only ms. Keallyn Wibbleton. Sa wakas nagkita rin tayo." Tumayo siya at itinuro ang sofa set sa gilid ng kwarto.
Itinuro niya ito "Have a seat, Matagal kong hinintay ang araw na to."

Agad akong umupo sa itinuro niya. This is it, makakausap ko na ang walanghiyang tatay ni Aki. Ang nagutos na ipapatay si Knite. Nakaupo sa harap ko, at nakangiti pa sakin.

Nakakapanginit ng ulo.

Gusto ko siyang kalabanin ngayon mismo Saktan hanggang sa lumuhod siya at magmakaawa sakin pero kailangan kong mapatagal ang paghaharap o paguusap namin para mabigyan ko ng oras ang ibang tauhan ko sa paglalagay ng bomba.

"Coffe, Juice or tea? What do you want?" he asked

"No thanks, baka may lason pa ang ipainom mo sakin"

Bigla itong tumawa "Napakapalabiro mo pala ms Wibbleton" umayos siya ng upo at inilapag ang tabacco sa isang ashtray "Bago tayo makapagsimula sa paguusap, itatanong ko lang, bakit pagala gala sa palasyo ko ang mga tauhan mo Younglady?" Nakangisi niyang tanong

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, agad kong kinuha ang micro earpice ko pero bullshit wala na pala sakin. Nakaipit din iyon sa belt ko kanina.

Tumayo ako at dinuro siya "Ikaw, anong ginawa mo sa mga tauhan ko?"

"Don't worry Younglady, maayos at ligtas sila, wanna prove?"

Kahit na naguguluhan, Dahan dahan akong umupo at tumango.

Kinuha niya ang nakalapag na remote at binuksan ang TV screen na nasa pinakagilid ng kwarto. Lumabas ang isang monitoring system ng mga CCTV, may pinili siyang isa at nakita ko sa screen ang mga tauhan kong isa isang pinapalabas at ang iba sa kanila pababa na ng bundok.

What? Yun na yun? I mean kalaban kami! Bakit hindi man lang nila kinalaban ang mga tauhan ko. Nakakainsulto.

Buong pagtataka akong humarap sa kanya "And ipapaalala ko pa pala, Nakadeactivate na lahat ng Hightech bomb itinanim mo sa sa palasyo ko. Thanks to your Ninong Ricky, anyway"

This time hindi na ako nakapagpigil, tumayo ako at hinawakan siya sa kwelyo l.

"Anong ginawa mo sa ninong ko! Don't you dare to hurt him or else...."

"Or else what? Younglady. Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita. Walang armas, walang tauhan."

"Hindi ko kailangan ng mga iyon, I can kill you using my barehands" tapos ay pabalagbag ko siyang binitawan at padabog akong umupo.

Nakakainis, Sira na ang plano at nasa kanya pa si Ninong. Ang tanging pagasa ko na lang ngayon ay ang tatlong bomba na inilagay ni Kean which nakaactivate pa after two days.

"Kaya mo yung gawin sa Soon father in law mo Younglady?"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Ikakasal ka na sa anak ko bukas diba? Magiging Mrs. Aruta ka na"

"Wala akong natatandaan na pumayag ako sa isang kasal at sa anak mo pa? No way, Never"

Mga ilusyunado. Ito pala ang dahilan kung bakit ako tinawag na Queen ng mga shinobi kanina at tungkol sa mga insignias? Balak pa ata nilang pagsamahin ang organization namin.

In their dreams tsk.

"Ikaw hindi pumayag pero siya..." sabay turo sa pinto at iniluwa nito si ninong. "Ang pumayag para sayo"

Agad akong napatayo, "What the hell ninong, anong ibig sabihin nito!" sigaw ko. "Kung pinilit o tinakot ka nila sabihin mo lang sakin."

He just give me, apologetic smile "Hindi nak, hindi nila ako pinilit. Ako mismo ang nakipagsundo sa kanila."

"Hindi ako naniniwala nong alam kong pinilit ka nila. Ikaw makikipagsundong ipakasal ako? Imposible, di mo magagawa sakin yun" May tiwala ako sa kanya. Alam kong di nya kagang gawin sakin yun.

Pero lahat ng tiwala ko sa kanya nawala dahil sa sumunod niyang sinabi. Lumuhod siya at umiyak.

"Posible nak. Nagawa ko na.Para to sa ikakabuti mo. Sorry nak. Sorry"

Nanghina at nanginginig ang tuhod ko sa narinig ko. Gusto kong magalit sa kanya pero di ko magawa, Siya na lang ang pamilya ko p..pero bakit niya ginawa sakin to.

I feel betrayed.

Para ano daw? sa ikabubuti ko.

Huminga ako nang malalim at humarap kay Mitsuki.

"My decision is Final, di ako magpapakasal sa anak mo"

"Hindi yan pwede Younglady. Masyadong mahabang panahon na ang iginugol namin ng ninong mo sa pagpapaplano ng kasal nyo"

Nanikip ang dibdib ko, Gaano kagatal na ba akong niloloko ni ninong? "Mahabang panahon? Gaano katagal"

Pero imbis na sa Mitsuki ang sumagot, tumabi sakin si ninong at hinawakan ang kamay ko. "Sorry nak, pero bago ka pa umuwi ng Pilipinas planado na ang lahat."

Bago ako umuwi ng pilipinas? It was...it was 10 months ago.

"Tell me, ka..kasama ba sa plano nyo ang pagpapanggap ko bilang nerd?" pabulong kong tanong.

Hindi sumagot si ninong sa halip ay niyakap niya lang ako.

"Hindi ka ba nagtaka" rinig kong sabi ni Mitsuki "You are the most powerfull women in mafia world. Di mo na kailangang magdisguise para lang iligtas ang sarili mo. Kasama lang yun sa plano para mapunta sayo ang atensyon ng anak ko"

Gusto kong sumigaw, magwala. Niloko nila ako. Especially ng kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Sobrang paghihirap ang tiniis ko noong mga panahong iyon. Ilang beses akong nabully  ng mga classmate ko.  God knows how much it is hard for me to stop myself from hurting them back. Tapos malalaman kong para lang lahat ng yun dito?

P*tang ina lang.

"As expected nabaling nga sayo ang atensyon ng anak ko. He become your savior Younglady. Sa panahong iyon alam kong magkakagusto sayo ang anak ko. Alam ko ang tipo niya, kagaya ng ex niyang si Cyrene  kaya kasama sa plano na pagpanggapin kang nerd. Then one day nalaman ko nang inlove ang anak ko sayo. Sucess ang plano namin.And tungkol sa enggagement nila ni Cyrene? hindi yun totoo, it was a trap para malaman kung ano ang magiging reaksyon mo. Unexpectedly you confessed. Inlove ka rin pala sa anak ko. Our plan went well"

Humiwalay ako nang yakap kay ninong at humarap sa kaniya.

"Kung ito pala ang plano nyo simula palang, bakit hindi nyo na lang kami i-arrange marriage. Hindi yung pinagmukha nyo pa akong tanga at ginawang komplikado ang lahat"

Kung dati inalok nila ito sakin, malamang papayag ako pero ibang usapan na ngayon.

"Simple lang younglady, ayokong magaya ang anak ko sakin. Naging biktima na ako ng arrange marriage noon. I dont want him to be miserable like me, i want him to be happy for his marriage life but at the same time I want the best woman for him at ikaw lang ang pumasa sa standards ko kaya pinagsikapan kong mainlove sayo ang anak ko." saglit siyang humithit ng tabacco "Gaya ng anak ko, ikaw rin ang nagmana sa pamamahala ng Venom organization. Once na magsama ang Dalawa organization ninyo. You will become the most powerfull person in Mafia world, syempre pati ang anak ko. Great idea right?"

"Last Question para maliwanagan ako sa nangyayari. B..bakit inutos mo kay Aki na patayin si....Knite. Kung balak nyo lang i-merge ang organization namin bakit kailangan nyo pang ipapatay ang keeper ko?"  After kong itanong sa kanya. Nagflashback nanaman sakin ang itsura ni Knite ng mga panahong yun.

'Your safe' parang sirang plaka na nageecho sa utak ko ang boses niya.

Nakayukom ang kamay ko habang hinihntay ang sagot niya. I bit my lower lip, nakaramdam ako ng something na bumabara sa lalamunan ko. Naiiyak ako sa sobrang inis.

"Ahh si Knite Nicolas Abueva?" saglit siyang natawa "Wala naman talaga sa plano namin ang mamatay siya. Pero nalaman kong may gusto rin pala sayo ang batang yun" muli siyang humithit ng tabacco "Panira siya ng plano and somehow i used your keeper to test my sons loyalty to Hara. It ends up na pinatay niya ang pinsan niya, pinili niya ang Hara at Ikaw"

Padabog akong Tumayo ako pero agad akong hinawakan ni Ninong.

"WALANG HIYA KA! PARA LANG DUON PINAPATAY MO ANG KEEPER KO!" dinuraan ko siya sa mukha "SORRY PERO YOUR PLAN WAS FAILED, HINDING HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA SELFISH MONG ANAK AT WALA AKONG PLANONG MAKIPAGKASAL SA ANAK NG DEMONYO!" sigaw ko kaya hingal na hingal ako matapos.

This time di ko na mapigilan umiyak.

Hindi, hindi mangyayari ang pinaplano nila. Pag pumayag ako, mababalewala lang ang pagkamatay ni Knite.

Nataranta si ninong na punasan ang mukha ni Mitsuki.

"Magpapakasal kayo ng anak ko wether you like it or not. Dahil kung ayaw mo....." huminto siya sa pagsasalita at may pinlay sa CCTV monitoring screen.

Pinakita ang isang kwarto na walang kagamit gamit at puro puti lahat. Sa pinakagitna Naka indian sit si Kean at kalong kalong niya ang isang batang umiiyak.

Fuck.

S..si Knia! Knite's baby sister!

"Mamatay sila" dugtong ni mitsuki sa sinabi niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Lahat ng tapang sa katawan ko biglang naglaho, nawala.

Lalo akong nanghihina sa tuwing maririnig ang pagiyak ng masayahing si Knia at ang pag alo ni Kean dito.  Alam kong natatakot siya.

"Wag sila please" pabulong kong sabi "W..wag mo silang idamay. Wala silang kinalaman dito."
Nakayuko ako habang sinasabi iyon. Naduwag ako bigla.

"Na sayo nakasalalay ang buhay nila Younglady, kung papayag ka. Makakauwi sila ng ligtas pero kung mananatili ang katigasan ng ulo mo, mamatay sila"

Tumingin ako kay ninong, walang mababakas na reaksyon sa mukha niya.

"Bakit wala kang ginagawa nong! Mga pamangkin mo sila!"

Malungkot siyang ngumiti "Hindi ako nagaalala dahil alam kong pipiliin mo ang tama nak"

Dahil sa sinabi niya, feeling ko wala na akong kakampi.

Lahat sila pinagkakaisahan ako.

Ayokong pumayag pero buhay ng mga inosenteng bata ang nakasalalay dito.

Sorry Knite, pero gagawin ko ito para sa mga kapatid mo.

Huminga ako ng malalim bago sumagot "S..sige pumapayag na ako"

Wala na akong pagpipilian, wala na akong kakampi. Sobrang down ako ngayon.

Ayoko na.

I give up.

Nakangiting humarap sakin si Mitsuki "Good, everything was settle then. Bukas ang kasal niyo. Hindi Japanese traditional ang kasal nyo dahil ayun sa ninong mo dream wedding mo ang sa garden kaya sinunod ito ng anak ko."

Tumayo siya at tinap ang ulo ko "Take a rest younglady, dun ka muna sa magiging kwarto niyo ng anak ko. Wait for my son, nasa training siya ngayon"

Tumango lang ako sa sinabi niya

Tulala akong tumayo at lumabas ng kwarto.

[TBC...]

A/N: For readers sinong aatend ng Akillyn's Wedding? Ipapadeliver ko na lang yung wedding invitation. Char!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top