BTG 46: Hokusai Palace
[Keallyn's POV]
2:00 am in the morning, nandito na kami sa paanan ng isang liblib na bundok sa Pampanga.
I frown, Nakapameywang akong humarap sa mga tauhan ko, especially sa nanay ni Aki.
"Seriously? Nasan ang Hokusai palace dito?"
Tumabi siya sakin "Nasa tuktok nak, may path ng sasakyan paakyat pero di nyo iyon pwedeng gamitin dahil may mga bantay"
"What?! bakit ngayon mo lang sinabi na nasa tuktok pala to!" sigaw ko.
Oh great, just great. Wala sa plano namin ang umakyat ng bundok.
"pasensya na nak, nakalimutan kong sabihin"
"Nakalimutan?! Baka sinadya mong di sabihin para mahirapan kami!" sigaw ko. Lumapit ako sa kanya at dinuro ko siya "Kung kakampi mo ang Hara ngayon. I swear, hindi ako magdadalwang isip na patayin ka ora mismo"
Napayuko siya at umatras "H..hindi ko naman intensyon iyon. Ang akin lang, ngayon na naituro ko na ito, sumunod ka sana sa usapan n..natin. Pakiusap wag mong papatayin ang anak ko, pakiusap lang" Balak niya sanang lumuhod pero agad siyang pinigilan ni Kean.
"Enough tita, hindi mo na kailangan magmakaawa. Kahit anong gawin mo, hindi na magbabago ang plano namin" he said using his serious and cold voice.
I just rolled my eyes nang biglang umiyak ang nanay ni aki. "Pinsan mo siya Kean, p..pinsan kaya please lang"
"Pinsan?" mapakla itong natawa "Bakit naisip ba yan ng magaling mong anak ng pinatay niya ang kuya ko ha!" sigaw nito.
Yeah Hes right. Definitely right.
Lumapit ako sa nanay ni Aki "Will you please stop this nonsense drama? Since wala ka nang silbi ngayon pwede ka nang umalis. May gagawin pa kami" agad ko siyang tinalikuran at nagpunta na sa bundok.
Tinalikuran ko siyang umiiyak sa gitna ng daan. Well
wala akong paki,
"Lets go mawawalan na tayo ng oras" utos ko sa mga tauhan ko kaya nagsisunuran din sila sakin.
Biglang umakbay sakin si Kean "Badtrip" sabi nito.
"Same," sagot ko "Bukod sa tita mong madrama nagpadagdag sa init ng ulo ko tong bundok na to. Shit wala to sa plano natin"
"Okay lang yan, sa tantiya ko mga 4 hours natin tong aakyatin so mga 6 am nanduon na tayo"
Huminto ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkakaakbay niya "Stupid, diba plano nating ilagay ang bomba ng madaling araw para madilim at hindi nila mahalata? Kung 7 mo na ilalagay yun para ka nang nagpakamatay"
Napakamot siya sa sintido "Oo nga noh? Pano yan?"
"Plan B tayo"
"May plan B ba? OWW!" di siya natapos sa pagsasalita dahil sinapak ko na siya sa sikmura.
"Nakikinig ka ba kahapon?"
"Oo naman binibiro lang kita eh, badtrip ka naman oh di pa ako kumakain sinikmuraan mo na ako"
The hell, di pa siya kumakain?
Nagdadalawang isip pa akong ibigay ang sandwich sa bag ko. Hindi naman sa nagdadamot pero ano eh argh! hindi ako sanay na mabait sa iba.
Pero in the end, ipinaharap ko ang bagpack ko at inabot ang dalawang sandwich kanya "oh kailangan mo yan para mamaya tsk" cold kong sabi sabay lakad ng mabilis.
"Naks ang sweet mo din pala malady. " Rinig kong sabi niya. Hinabol pa niya ako para sundutin sa tagiliran "Kung hindi ka lang sadista crush na kita"
"Gago kumain ka na lang dyan"
Tinawanan lang niya ang sinabi ko
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sakin ni tita ni Fate nang tinawagan niya ako kanina. Kahit hindi niya totong anak si Kean, ibinilin niya ito sakin. Hindi na daw niya kayang mawalan ng isa pang anak. Kaya ipinangako ko sa kanyang kahit anong mangyari makakauwi ng ligtas si Kean.
~~~
After 3 hours nang paglalakad, natatanaw na namin ang hokusai palace.
Tama nga lang na palace ang itawag dito dahil malapalasyo ang laki. Kahit na may gate itong nakapaligid kita mo pa rin siya dahil sa sobrang laki nito. It is a modern mansiyon na binubuo ng black and red, may mga wall din na gawa sa salamin.
Sayang lang dahil mamaya masisira din yan .
Tinignan ko ang labas ng mansyon, napangisi ako dahil wala itong bantay.
Napakapabaya pala ng Hara, porke nasa tuktok ang palasyo nila iniisip nilang safe na sila.
"Since walang masyadong bantay, Plan A ulit tayo!" sigaw ko "Yung may hawak ng 60 hightech bomb makesure na nailagay niyo yan sa ibat ibang pwesto. 10 sa basement, 20 sa first floor at tigsampu sa third and fourth floor, nagkakainitindihan ba tayo!" sigaw ko. Hightech bomb ito dahil nakaprogram ang bomba sa DNA ko, once na hindi ako madetect ng bomba within 10 kilometer sasabog ito.
"Yes malady" sabay sabay na sabi nila.
"Okay magayos na kayo"
Pinagdala ko rin sila ng ninja suit para mas madali nilang magawa ang misyon. Kada isang bomba may apat na magbabantay nito. Binigyan ko rin sila ng tigdadalawang katana at tiglilimang Kunai para magmukha talaga silang shinobi.
Nang matapos by group silang umalis, hanggang sa kami na lang ni Kean ang natira. Iba kase ang gagawin namin.
Para madistract si Mitsuki at Akihiro kakausapin namin sila ng harapan. Kunyari ay nagyaya ako ng peacetalk sa kanila.
"Ready?" tanong ko kay Kean.
He smirk "Ako pa?" tapos ay inilapag niya ang bagpack niya at may kinuha ritong dalawang injection at tatlong bomba?
Iniabot niya sakin ang isang injection, ngayon ko lang nakita na black liquid sa loob nito. "Para san to?" i asked.
"Naglalaman ang Injection na yan ng Venom ng ahas. Ganyang lason din ang ginamit kay Kuya. Kaya yan din ang gagamitin natin para patayin si Kuya Aki"
I grinned "Good idea, how about those 3 bomb?" Para itong goldbar pero kulay itim at may timer sa gitna.
Itinaas niya ang isa "Ito? Back up lang Incase na di gumana ang hightech bomb mo. Hindi naman sa wala akong tiwala sa gamit mo pero iba na rin ang handa. Nakaprogram to na sumabog after two days"
Woah, magaling din pala ang batang to. Boys scout, laging handa.
"Good Job Kean, magaayos muna ako para makapasok na tayo"
"Teka teka" sigaw niya habang nakatakip sa mata.
Huhubarin ko na sana ang hoodie Jacket ko pero agad niya akong pinigilan
"What?"
"Maghuhubad ka sa harap ko?"
"Stupid, yung jacket lang huhubarin ko. May suot ako sa loob"
Nakahinga siya ng maluwag "Hooo akala ko maghuhubad ka eh, inosente pa naman ako" pilyo niyang sabi
Napailing na lang ako. Magkuya nga sila ni Knite. Parehas lokoloko.
Agad kong hinubad ang hoodie Jacket at Black Jogging pants ko.
Nagulat ako ng biglang pumito si Kean.
"Woah, Youre totally freaking hot malady! Para kang si Catwoman sa red fitted outfit mo. Wala na crush na talaga kita"
Agad kong kinuha ang isang kunai na nakaipit sa blackbelt ko at ibinato sa kanya, nakangisi niyang itong nasalo.
"Catwoman ka dyan. I am not a weak cat , I am snake, a cobra maybe. I can kill whoever mess up with me using my poisonous venom" Mariin kong sabi
He smile playfully "If you are a poisonous snake, well i am eagle malady. In short pwede kitang kainin" pabiro niyang sabi sabay tingin sa katawan ko.
"Perv asshole!" sabi ko sabay kuha ng kunai at ibinato sa kanya.
Bahagya lang niyang iginilid ang ulo para maiwasan to."Woah, anong perv dun? Ikaw ha greenminded ka rin pala malady haha" fuck this kiddo.
I just tsk-ed at nilagpasan ko siya.
Di ito oras para patulan ang childish niyang biro.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate rinig ko pa rin ang pagtawa niya sa likod ko.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya "Kung di ka titigil sa kakatawa, ipapasak ko tong kunai sa bunganga mo" banta ko.
Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere "Chillax okay? ito na titigil na"
"Good"
Muli akong humarap sa gate, mukhang hightech ang gate nila. Eye sensory device ang nakalagay dito, kailangan itapat ang lens ng mata para malaman ang identity ng papasok.
Pero bago ko ito gawin.
Ipinasak ko muna sa tenga ang micro earpiece ko para malaman kung ano na ang nangyayari sa iba kong tauhan. Sa mataas na pader kase sila umakyat, gusto kong malaman kung ilan na ba ang nalagay na bomba.
Ang micro earpiece ay isang gadget na mabibili lang sa organization ko. Ginagamit namin ito para sa communication. Para rin itong earphone ang pinagkaiba nga lang wala itong wire.
"This is Ms wibbleton, Who's done in mission? I repeat this is Ms. Wibbleton who's done in the mission? Tell me the number of bomb"
"number 3 mission accomplished"
"number 22 malady"
"5"
"11 po"
"number 15"
"56 malady"
"Ang sisiw pala nito ma'am, number 8 po"
"9 accomplished"
"18 po"
"23 madam"
"36"
"29 po malady"
"Walang bantay kaya maaga naming nagawa number 32 and 33 accomplished"
Wow. Wala pang 30 minutes pero 14 na agad ang nakagawa.
"Good job boys, kung tapos na kayo tulungan nyo yung iba"
"Noted malady" sabay sabay nilang sagot then ibinaba ko na ang micro earpiece.
Nakangisi akong humarap kay Kean na kakatanggal lang din ng micro earpiece. Mukhang malalim ang iniisip niya.
"Problem?" i asked.
"Parang may mali malady, Masyadong madali nilang natapos. Nakakapagtaka lang"
"Masyado kang nagiisip kiddo, Talagang kampante at pabaya lang ang Hara kaya wala silang bantay. At isa pa magagaling ang mga kasamahan mo"
He shrugged his shoulder "Siguro nga" alanganing sagot niya.
Muli akong humarap sa scanning device sa gate. Itinapat ko ang mata ko rito, may kulay green na ilaw ang dumaan sa mata ko.
'Name, Keallyn Velasqo Wibbleton of Venom organization.
Female.
17 years old.
Welcome to Hokusai palace'
Nagulat ako nang biglang may narrator na nagsalita mula sa scanning device sabay bumukas ang gate.
One word to describe 'COOL'
Pero mas nagulat ako sa sumalubong sakin pagkabukas ng gate
"Shit!" sabay naming sigaa ni Kean.
Ngayon alam ko na kung bakit walang bantay sa buong Hokusai. Dahil lahat ata sila nasa harapan ko ngayon.
Malawak ang space bago makarating sa mismong Hokusai palace pero halos lahat ata ng espasyong ito inokupa ng libo libong shinobi . Hile hilera silang nakapila sa harap ko. Nakatapat ang kamay nila sa dibdib at bahagya silang nakayuko sakin
What the hell was happening?!
Nagkatinginan kami ni Kean, pareho kaming nagtataka sa nangyayari.
"WELCOME TO HOKUSAI PALACE FUTURE QUEEN OF HARA AND SHINOBI TRIBE" sabay sabay nilang sigaw.
"QUEEN KEA"
Queen of Hara? Queen Kea?
What
the
heck
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top