BTG 45: New Personal keeper
[Keallyn's POV]
"Dito na lang" sabi ko sa driver nang makarating kami sa bungad ng Secret Hide out ng Organization ko.
Matatagpuan ito sa liblib na part ng Bulacan. May Apat na malalaking warehouse ang magkakalayong nakapalibot dito. Ang Dalawa ay nagsisilbing storage room ng mga weapons na ibinibenta namin. Ang dalawang natitira ay para sa training room ng mga tauhan ko. Sa pinakagitna naman, May 3rd floor hall building kung saan ginaganap ang mga negotiation sa mga client namin at dito din ginaganap ang meeting namin gaya na lang ngayon.
Napaaga ako ng Dalawang oras para sa meeting. Kaya napagdesisyunan kong lakarin na lang ito papasok at isurprise visit ang lahat ng warehouse.
"M...ms Wibbleton?!" Gulat na salubong sakin ng isa sa mga tauhan ko, i guess siya ang Supervisor ng dalawang warehouse para sa weapons "Malady! Goodmorning po!" masigla niyang bati.
"Same here" walang emosyon kong sabi at pumasok na sa unang warehouse.
Ibat ibang klase ng baril ang sumalubong sakin. Mula sa maliit hanggang pinakamalalaki. Una kong nilapitan ang mga Pistol, which is favorite kong model ng gun at lagi kong nagagamit. Dumampot ako ng isa at tinignan ito.
"D...diba malady, M..mamaya pa ang meeting? N..napaaga po ata kayo?" Tanong ng supervisor na nakabuntot pala sakin.
I smirk. Ikinasa ko ang pistol at tinutok sa ulo niya. "M...malady" Gulat na gulat siya sa ginawa ko.
Then i pulled the trigger.
"Ahh!" sigaw niya habang nakapikit.
"Stupid, wala tong bala" Sabi ko sabay lapag ng pistol at iniwan siyang namumutla.
Tatanga tanga, Paano ko siya papatayin gamit ang nakadisplay na pistol? tsk. Paano ba naging supervisor yan dito?
Tinignan ko ang kabuuan ng warehouse, mukhang maayos naman ang lahat. Sa totoo lang, sa 7 years na pamamahala ko sa Venom organization ito palang ang pangalawang beses na nakpunta ako dito. Mas tinututukan ko kase ang nasa U.S. at si ninong namamahala dito.
Everything was good, I guess.
Lumabas na ako at balak ko sanang puntahan ang isa pang warehouse kung saan makikita ang ibat ibang pointed weapons. Pero mas naatrract ako sa isang warehouse kung saan nagte-training ang mga tauhan ko. Mula kase sa pwesto ko rinig na rinig ko ang malakas na sigawan nila.
I grinned.
Mukhang may naglalaban sa loob.
Nang tinungo ko ang nasabing warehouse, sa malayo palang sinalubong na ako ng iilang tauhan ko na nasa labas. Lahat sila ay mukhang disente sa suot nilang tuxedo. Mababakas din ang pagkabigla sa mukha nila.
Agad silang luminya sa harap ko at bahagyang yumuko.
"anong meron sa loob?" tanong ko.
Nagkatinginan muna sila bago sumagot. Nagkaisa silang itulak paabante ang isang payat na lalaking may blue eyes at sa tingin ko ay mas bata to sakin.
wait...Blue eyes?
Bullshit, naalala ko nanaman siya.
"Ahh malady, akala po kase namin after two hours pa ang meeting kaya nagwarm up muna ang iba sa loob. A..no po" saglit siyang tumingin sa mga kasamahan "may pustahan din"
"i see" sagot ko habang tumatango.
Mukhang kinakabahan siyang sabihin ang huli dahil bawal ang kahit anong uri ng pustahan sa org ko. Pero hahayaan ko muna sila ngayon.
Pinagmasdan ko ang binatilyo sa harap ko "Stand straight" utos ko, agad naman niya itong sinunod.
"age?"
"14 po" i frown, 14? He's too fucking young.
Well mas batang edad ako nagumpisa, ang tanong may ibubuga ba siya?
i smirked "Wanna fight me?"
"p..po?" gulat niyang tanong.
"Ayoko sa lahat yung bingi," mariin kong sabi
"n..narinig ko naman po" sumulyap ulit siya sa kasamahan niya "Pero ano po, di ko po kayo kaya, mahina pa po ako?"
"Mahina?" sarkastiko akong tumawa "walang lugar ang mahihina sa org. ko"
"pagbigyan mo na si boss, totoy!" sigaw ng ibang kasamahan niya "Sige na! pakita mo ang galing mo"
nakipagtitigan siya sakin "Now what? lalaban ka sakin o mapapatalsik ka dito?"
Huminga siya ng malalim "L...lalaban"
Bahagya kong ginulo ang buhok niya "Good kiddo, so lets start?"
Tumango lang siya at sinamahan ako makapasok sa loob.
"anyway whats your name?"
"Kean.......Kean Abueva"
Agad akong huminto at humarap sa kanya.
"Abueva? Are you related with Knite?" i asked. Hindi iyon imposimble lalo pa't may pagkahawig din sila. Mas payat at tanned lang siya kesa kay Knite.
"Half brother ko po siya malady, siya din po ang nagpasok sakin dito?" Bahagya siyang ngumiti.
i frown "half?"
"Opo, Anak lang po ako sa labas ng tatay namin ni Kuya" Huminga siya ng malalim "But he treat me more than a real brother, He's the coolest bro ever, nakakalungkot lang wala na siya"
After hearing his story about Knite, ewan bigla akong napangiti. Bigla kong naalala yung first time na nagkita kami, sobrang kinasusuklaman ko siya sa ugali niya. Sobrang layo pala ng first impression ko sa kanya. Yes may pagkamayabang at gago but he is the most caring person i've ever met, Sakin man o sa mga kapatid niya.
Umakbay ako kay Kean, at dahil magkasinglaki kami di na ako nahirapan.
Mukha nagulat siya sa ginawa ko
"Condolence Kean, Don't worry, Mapapatay ko rin ang gumawa nito sa kanya " malumanay kong sabi sabay gulo ng buhok niya.
Nang makabawi sa gulat, nagsalita din siya sakin "No thanks malady, mas gusto kong ako ang gumawa nun, Ako ang papatay kay Kuya Aki" He said with his devil smirk.
"No kiddo, ako na"
"Ako na po"
"Me" mariin kong sabi, sabay bitaw ng akbay sa kanya.
This time siya naman ang umakbay
"Ako na po malady" then ginulo din nya yung buhok ko.
Agad kong kinuha ang kamay niya sa ulo ko at ipinilipit ko ito papunta sa likod niya "Pag sinabi kong ako, AKO" bulong ko sa kanan niyang tenga.
Nagtaka ako nang pinihit ko ito ng husto pero ni isang ungol o sigaw, di ako nakarinig sa kanya. "Wala lang yan para sa flexible kong katawan malady" damn parehas pala kami.
Marahas niyang hinawi ang kamay ko Humarap siya sakin at agad na itinaas ang kaliwang kamay. Nanlaki ang mata ko nang ipinorma niya ang dalawang daliri at idederekta ito sa leeg ko.
Fuckshit, balak pa ata akong patulugin.
I immediately block it, at hinawakan pababa ang kamay niya.
Sisipain ko sana siya sa kanang tagiliran pero agad niyang nasalo ang paa ko. Damn mukhang mabilis din ang reflexes niya.
He smirk "pano ba yan malady? Ako na lang po kase ang papatay"
Woah, gaya ni Knite may pagkaarogante din pala ang isang to. Pero di ko maitatanggi na sobrang taas na ng level niya para sa edad niya.
Hindi pa man nakakapasok sa warehouse, mukhang simula na ng laban namin.
I smirked too.
Mariin kong hinawakan ang kanang balikat niya. Bumwelo ako at buong lakas na sinipa ang kaliwang mukha niya gamit ang isa ko pang paa. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang isang paa ko.
At dahil nasa ere ang dalawa kong paa, Naghand stand ako at nag vertical tumbling para makatayo muli.
Easy as pie.
Naabutan ko siyang nakaupo sa sahig at iniinda ang kanang pisnge niya.
"Shit! ang sakit!"
Lumapit ako at umupo para makapantay sa kanya.
"too weak," iiling iling kong sabi "parang yun lang ngumangawa ka na na parang bata? Tapos anlakas ng loob mong sabihin sakin na ikaw ang papatay kay Aki? Are you kidding me kiddo?" pangaasar ko.
"Paano hindi? patusok po yung sapatos niyo" mangiyak ngiyak niyang sabi.
oh i almost forgotten, patusok pala yung sandals ko "Opps" sarkastiko kong sabi sabay tayo "Sa kabila na rin para pantay"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko "W...wag po"
Pero bumwelo pa rin ako at.....
"Ahhhhhhhhhhh" sigaw niya habang nakapikit.
pfft. Di ko naman itutuloy haha.
"Nak!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, nakita ko si ninong na kakalabas lang ng warehouse at patakbong lumapit sakin, nakabuntot sa kanya ang ibang mga tauhan na gulat na gulat rin. Ang iba sa kanila ay mga pawis pa at magugulo ang damit. Agad nila itong inayos ng makita ako.
"Anong ginagawa mo sa bago mong keeper?!" tanong ni ninong nang makalapit.
Agad na tumayo si Kean at pumunta sa likod niya. Tsk such a coward
wait...
Bagong keeper?
"Anong bagong keeper?!" sigaw ko.
"Di nya sinabi?" takang tanong ninong sabay lingon kay Kean "Siya ang bagong keeper mo"
"What? Seriously? this weak and coward kiddo?" tanong ko habang dinuduro si Kean.
"Yep" pinapunta niya si Kean sa harap "Siya ang nilagay ni Knite sa kontrata niya na papalit sa kanya, so wala kang choice nak. At isa pa may ibubuga din yan. Believe me"
"May ibubuga?" sarkastiko kong sabi " tsk nasipa ko nga lang sa mukha yan, parang bata na umiiyak"
Nakayuko lang si Kean "psh patusok kase yung sapatos mo, try ko kaya sa sayo yun" bulong niya pero rinig ko.
"Anong sabi mo?!" sigaw ko.
Agad siyang bumalik sa likod ni ninong "Sabi ko ang ganda mo malady sobraaaa" puri niya sabay bulong "Demonyita nga lang"
Di na ako nakapagpigil at agad kong hinablot ang buhok niya.
"Aray, shit! yung anit ko!" sigaw niya sabay piglas kaya napabitaw ako.
Tumakbo siya paikot kay ninong, kaya hinabol ko siya. "Bwwwisit ka!"
"Tito oh! ang sadista,"
"Stop this childish act!" sigaw ni ninong, kaya sabay kaming tumigil.
"Pwede ba mamaya na kayo maglaro." I just rolled my eyes. "Gawin mo na kung anong sinadya mo nak, tutal napaaga ka ng dating. Simulan na natin yung meeting na sinasabi mo"
"Okay" walang gana kong sagot. "ikaw" sabay turo kay Kean "Lumapit ka dito"
"Bakit--ahh!!" sigaw niya dahil piningot ko siya sa tenga at hinatak papunta hall building.
"Since wala akong choice. Simula ngayon keeper na kita at trabaho mo ang i-assist ako sa meeting. okay?" maotoridad kong sabi sabay bitaw sa kanya.
Huminto ako at lumingon sa ibang mga tauhan. I guess lagpas 200 din sila. "In five minutes dapat nasa hallroom na kayo sa thirdfloor! malalagot sakin ang mahuli" sigaw ko kaya nagunahan silang tumakbo
______
Gaya ng utos ko, after five minutes nandito na sila sa hallroom. nasa stage ako at lahat sila nakapila paharap sakin.
Nakaupo kaming dalawa ni ninong sa mini stage. Habang nakatayo sa gilid ko si Kean.
Sinabi ko sa meeting ang lahat ng plano na gagawin namin. Detail per detail. Nagpalakpakan ang lahat nang malaman na haharapin namin ang Hara at pababagsakin pa ito.
"Okay the meeting is adjourned. Wag nyo sanang kakalimutan ang mga inassign ko sa inyo"
"Yes malady!!" sabay sabay na sigaw nila.
"You may go"
Hanggang paglabas rinig pa rin ang ingay nila. Mukhang excited na sila para sa bukas, kahit ako ganoon rin.
Nang makalabas na ang lahat.
Tumayo ako at nakipag high five kay Kean "Naks malady excited na ako sa gagawin ko bukas!"
"Just do your best, patunayan mo sakin di ka weak kiddo"
"I'll prove it" then he wink.
He wink using his blue eyes.
Damn it.
Kahit anong gesture na Kean basta may kinalaman sa mata niya. Naalala ko talaga si Knite. argh!
Nainterrupt lang kami sa pagsasalita ng tinawag ako ni ninong.
"In 4 hours makakarating na ang 60 high tecth bombs na pinadala mo. With 500 Katana and a Thousands of Kunai"
I smirk.
Everything was planned and ready.
Humanda na kayo Hara
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top