BTG 43: Knitelyn

[Keallyn's POV]

2 days has been passed, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Knite.

Ayokong maniwala.

Never.

Umaasa pa rin ako na buhay siya. Na anytime bigla siyang susulpot sa harap ko. Na gaya ng dati, kahit na sinusugitan ko siya instead na matakot sakin lalo pa akong aasarin hanggang sa mapikon ako.

Pero lahat ng pagasang pinanghahawakan ko, parang bulang naglalaho sa tuwing paulit ulit kong binabasa ang autopsy niya.

I miss him.

His play full smile.

His annoying laugh.

His corny pickup lines.

The way he cares for me despite of my bad attitudes.

I.miss him,

I fucking miss him.

Ngayon ko lang narealize na
sa nakalipas na buwan  na magkasama kami. Masyado akong naging dependable sa kanya to the point na nasanay na ako, kaya ngayon hirap na hirap ako sa pagkawala niya.

Huminga ako ng malalim nang sandaling huminto ako tapat ng kwarto niya at binuksan ito.

Sa dalawang araw, wala akong ginawa kundi magpabalikbalik dito, hihiga sa kama at alalahanin lahat memories na kasama ko siya.

Pag nandito kase ako, pakiramdam ko nandito  din siya. In that way nababawasan ang bigat na nasa dibdib ko ngayon.

Gaya ng nakagawian, patihaya akong huminga sa kama niya, nilalasap ang amoy ng pabango niyang dumikit dito.

In an instant, bigla ko nanaman siyang naalala. Yung itsura niyang sumusuka at hirap na hirap sa paghinga. Na kahit puno na ng pasa at sugat ang mukha, nakuha pa niyang ngumuti at abutin ang kamay ko At na sabihing, 'Your safe'

Thats bullshit!

I hate my self for being useless! First, namatay ang parents ko sa harap ko pero tanggap ko naman na sa edad kong 'yon di ko kayang lumaban. Iba na ngayon, Malakas na ako, kaya ko nang mamuno sa isang organization, kaya ko nang pumatay pero fuckshit lang! Hinayaan kong mamatay ang keeper ko nang hindi ko man lang naipagtatanggol.

Kahit na anong pigil kong umiyak, may kumawala pa ring hikbi sa bibig ko.

Kumuha ako ng unan at niyakap ito.

I wan't to stop myself from crying, wala namang magagawa ang pagiyak ko sa sitwasyon na to.

Pero ito yung pinakamasakit sa lahat, yung kahit anong pigil mo. Naguunahan pa ring umagos ang mga luha mo. Ang sakit lang, bakit lahat ng taong mahahalaga sakin, pinapatay sa harap ko mismo?

After mamatay ng parents ko, ginawa ko lahat para maging malakas ako. Halos sa gym na ako tumitira dahil pursigido ako sa training. Tinuruan ko rin ang puso kong maging matigas, pinipigilan kong mapalapit sa ibang tao para hindi ko na maranasan ang naramdaman kong pagkawala ng magulang ko noon.

Pero useless din pala, lahat ng ginawa ko noon.

Dahil eto ako ngayon, gaya ng dati umiiyak sa pagkawala ng isang taong mahalaga sa'kin.

Lalong humigpit ang yakap ko sa unan.

Natigilan ako nang may makapa akong something na matigas sa likod nito.

Agad akong umupo at pinunasan ang luha ko. Tinanggal ko ang pillow case at may nalaglag na CD case mula rito.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kung ano ang nasa cover nito.

Picture namin ni Knite. Tulog ako habang hinahalikan niya ako sa tungko ng ilong. Ang ganda ng pagkakakuha, pareho kaming nakapikit at nakangiti siya. . Sa baba ng cover, nakasulat ang title na "KNITELYN❤" at sa baba nito may caption na 'when you watch this, please always remember that I love you malady'

Agad akong tumayo at dali daling pumunta sa kwarto ko. Para panoorin kung ano man ang laman nito.

Pagdating sa kwarto agad kong kinuha ang laptop ko at sinalang ito.

Pagkaplay nito, napahawak ako sa bibig at naguunahang lumandas ang mga luha ko

Pagkaplay nito, napahawak ako sa bibig at naguunahang lumandas ang mga luha ko.

Bumungad sakin ang itsura Knite na nagaayos pa ng buhok at nagpapacute pa sa Camera. May nakapasak na white earphone sa tenga niya. Base sa anggulo, halatang kuha sa laptop ang video dahil nakadapa siya sa kama. Walang humpay ang pagkaway niya sa camera.

Just seeing him like that.

It double the pain.

Naguunahan nanaman ang mga luha sa mata ko habang pinapanood siya.

Nakangiti siyang kumaway pero  ni hindi man lang umabot sa mata ang mga ngiti niya. Kilala ko si Knite, alam ko kung ano ang genuine smile niya. Yung ngiting alam mong masaya talaga siya. Pero iba ang nakikita ko sa kulay asul niyang mga mata, I see pain on it.

Bakit Knite?

"Hmm anong angle ba maganda?" tanong niya sa sarili Habang inaanggulo ang mukha "kahit pala anong angle gwapo na ako, diba malady?"

He and his overflowing confidence.

"Siguro nagtataka ka kung bakit ako nagvivideo. Ahm mamaya ko na ieexplain after matapos ng slideshow ko. Enjoy watching" then he wink.

Tumunog sa background ang minus 1 ng 'Kundiman' tapos ay biglang lumabas sa screen ang stolen picture ko Bilang nerd. Nakapalumbaba ako sa desk ko habang nakaharap sa board.

[First day of school] Sumabay sa background music ang boses ni Knite [A lady with a eyeglasses, appear in our class. Alam mo bang unang kita ko palang sayo, inis na ako. Nakatirintas na buhok, madaming pimple, pangmanang na uniform, Brace at malaking eyeglasses. Lahat kase ng katangian mo ay kagaya kay Cyrene, Yung babaeng pilit kong kinakalimutan dahil sa masalimuot kong nakaraan pero eto ka biglang sumulpot sa buhay ko at guguluhin ito , dahil lang sa presensya mo]

Ito panahong galit din ako sa kanya, i even write his name on my deathnotebook.

So thats the reason kung bakit, parang anlaki din ng galit nya sakin dati?

Next na nagpopup ang picture ko habang bitbit ang bag niya.

[Gusto kitang iwasan pero ewan ko ba para kang magnet na hinahatak ako. Matapos kitang pahiyain noon sa klase naalala ko pang tumakbo ka palabas noon. Nakonsensya agad ako kaya sinundan kita dala ang bag mo, isang oras kitang inantay sa labas ng comfort para makausap at magsorry. Pero shit lang dahil nang makita na kitang lumabas, para akong napipi sa kaba. Sa sobrang kaba ko nga, nasabi ko na lang na gusto kitang maging slave kahit hindi naman.]

Next, picture namin ni Aki, habang masayang naguusap sa hallway

[I envied my Cousin so much, in short time naging close agad kayo. Naiiggit ako pag nakikita kitang nakikipagusap, sumasabay sa kanya sa pagkain at Tumatawa sa harap niya. I fucking hate those feelings called 'Jelousy']

Next, my picture ko as  ms. Wibbleton. Nasa target shooting ako nito. I am focusing on my target, while pointing a gun on it.

[Then there this a goddess lady in a red hair that make her so freaking hot. This woman, sa kabila ng pagiging maamo ng mukha nagtatago ang isang Devil Queen na binugbog lang naman ako, dahil accidentally nahalikan ko siya. I still remember the feeling when your soft lips touch mine. Oo sobrang bilis pero darn it! Iba yung epekto sakin. Worth it lahat ng pasa na natanggap ko haha"]

I wipe my tears, para akong baliw na iiyak tapos ay ngumingiti dahil sa mga pinagsasabi niya.

Next, on the right part nakalagay ang stolen picture ko as nerd then sa left naman stolen picture ko while holding a gun.

["Who would thought na ang Keallyn na nerd, at ang malady ko ay iisa pala. May hinala na ako dati pero naconfirm ko lang 'yon,nang time na natulak kita sa field at lumabas ang pulang buhok mo. At first hindi ako makapaniwala , sobrang layo kasi ng personality. The one was weak while the other was strong and powerfull.]

Then sunod sunod na nagslide ang mga stolen picture ko bilang nerd man o mafia queen. Ang iba ay Selfie ni Knite na lagi akong nasa gilid.

I was shock.

The eff- when did he take all this photos?! Oh god! Wala akong kaalam alam.

[As time passes, Mas lalo kong nakikila ang totoong ikaw. Nakasuot ka man ng salamin o Hindi. You're the strongest woman I've ever met. In the age of 17 kaya mo nang mamahala ng organization. I salute you with that malady.
Kaya hindi na nakakapagtaka na kilala kang strongest woman sa mafia world. They even entitled you as a ' Evil mafia Queen' o 'Heartless bitch' pero lahat sila MALI. Dahil deep inside alam kong kagaya ka pa rin ng normal na teenage girl. Your not heartless malady, Nasasaktan ka rin. At a young age alam kong marami ka nang pinagdaanan, Too much painfull expirience. para sa isang bata. Pero sa kabila nito, heto ka pinapanatili ang sariling matatag.]

I took deepbreath para pigilan ang sarili kong humagulgol.

Then lumabas ang picture na nasa cover ng CD.

Yung tulog ako, habang hinahalikan niya ako sa tungko ng ilong.

[I like you, o scratch that I LOVE YOU MALADY. kahit na napakasadista mo, napakabossy, masungit at lagi akong binabasted, I still love you. Taga mo sa sixpack abs ko haha. Hindi buo ang araw ko pag di kita nakikitang naiinis, lalo ka kaseng gumaganda sa paningin ko pag nagsasalubong ang kilay mo.]

Then nagslide, kagaya pa rin ng picture kanina but this time, sa lips naman niya ako hinalikan.

[Sorry, di ko kaseng mapigilang magnakaw ng halik, nakakatemp ang labi mo malady.]

Bakit imbis na magalit, lalo pa akong napangiti?

Then sunod sunod nanamang nagslide ang mga picture at saktong pagkatapos ng music nagsalita ulit siya.

[PS. Lagi kitang tinatawag na panget noon but believe me Kabaligtaran ka ng salitang iyon. Your damn pretty as Godess kaya wag ka nang magtaka kung bakit marami kang stolen picture sakin. I love you]

Pagkatapos ng slideshow, lumabas ulit ang mukha ni Knite.

Hinawakan niya ang mouthpiece ng earphone at itinapat sa bibig.

"I know you hate corny stuff like this pero wala na akong ibang maisip na paraan para ipakita kung gaano kita kamahal, kahit na....." He paused then yumuko siya.
"Patay na ako"

Parang tumusok sa puso ko nang marinig ang huling line niya 'Kahit patay na ako' p..parang alam niya na mangyayari ito.

Muli siyang tumingin sa screen "OO, alam ko ang tungkol sa mission ni Akihiro. Sinabi sakin ni Cyrene , Akihiro needs to choose beetween us."

"At first hindi ako nabahala, were strongest partner right? Walang makakapatay satin. Kaya nating pataubin ang buong Hara organization, naniniwala ako sa kakayahan mo"
Yumuko ulit siya

"Pero nagiba ang ang pananaw ko, nang marinig ko ang pinakamasakit na salitang sinabi mo" Pumiyok siya.
Biglang nagiba ulit ang screen, may CCTV footage na pinakita.

Nanlaki ang mata ng marealize kung saan ito.

Sa private room namin sa school.

Mukhang nasa lampshade ang camera dahil kita ang likod ko habang nakahiga at sa harap.......... s..seryosong nakatitig sakin si Aki. [I fucking inlove with you too. mr.Akihiro Aruta]

[I fucking inlove with you too. mr.Akihiro Aruta]

[I fucking inlove with you too. mr.Akihiro Aruta]

Three times na nagrewind ang video tapos ay lumabas muli sa screen ang malungkot na mukha ni Knite. The pain flash to his teary eyes.

"Thats the painfull word na narinig ko. Its just 8 word malady. Pero para akong pinapatay sa tuwing naririnig ko iyon. Your inlove with him?" mapakla siyang natawa "Ito siguro ang karma ko sa 7years na pagpapahirap kay Aki. Your my greatest karma. I deserved this"

No Knite, hindi mo deserved to.

I want to hurt myself. All this time. Wala akong paki sa nararamdaman. He suffered too much painfull because of me.

"Since mahal mo pala siya. Alam kong di mo kayang patayin o kalabanin si Aki. Kaya ako na lang ang magsasacrifice malady~"

"Kung mamatay man ako. worth it naman diba? Mabubuhay ka kasama siya. Pwede nyo pa ngang pagsamahin ang Hara at Venom organization. In that way, matatapos ang problemang to. Buhay ko lang naman ang kapalit, wala naman akong kwenta. I am an asshole and Jerk anyway"

Saglit siyang tumingala siya upang pigilan ang nagbabadyang luha.

Tapos ay kumanta siya.

"Kung hindi man tayo
Hanggang dulo, wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko
ay ikaw~"

Kanta niya habang nakapikit. Para bang nilalabas niya mula sa puso ang bawat lyrics nito. Hindi nakatakas sakin, ang luhang lumabas sa mata niya.

"Kung mapapanood mo man to, maaring wala na ako" malungkot siyang ngumiti "I love you malady, I made this sacrifice for your happiness. I know, my cousin Akihiro will do it for you. Keep smiling malady, kundi mumultuhin talaga kita"
Then he gave me a smile bago tuluyang matapos ang CD.

Padabog kong sinarado ang laptop.

Hindi ko na mapigilang umiyak. Humahagulgol ako na parang bata. Sobrang sakit ng dibdib ko.

Really Knite? For my happiness?

You dumbshit. This is the most stupid thing you ever did.

"I am not happy! Mas lalo lang akong nasaktan sa ginawa mo!" sigaw ko.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak at ilabas ang nararamdaman ko ngayon.

Because this is the last.

After this wala nang tutulong luha sa mata ko.

Dahil alam kong magiging manhid ulit ako, sooner or later.

Ang tanging nasa isip ko ay maghiganti.

Maghiganti sa Organization na naging dahilan ng lahat ng to.

I promise to you knite. Hindi magiging useless ang pagkamatay mo.

Dahil sa ginawa nila, binuhay nila ang demonyong nasa katawan ko.

I kill them, uubusin ko ang buong Hara.
Wala akong ititira.

Kahit na si Akihiro pa yan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top