BTG 42: He's...dead?
[Keallyn's POV]
Dahan dahan kong idinilat ang aking mata. Agad akong napapikit nang biglang kumirot an sentido ko. Bukod duon hindi ko maigalaw ang katawan ko damn it. Ni hindi ko nga ito nararamdaman, para akong namamanhid.
It took minutes to make my body move. Unti unting nawawala ang pamamanhid, nararamdaman ko na rin ang pananakit ng buong katawan ko. Pinilit kong makaupo.
Napamura ako nang muli nanamang bumalatay ang sakit ng ulo ko. This time parang binibiyak sa sakit.
Nilibot ko ang aking paningin, nandito pala ako sa mansyon.
Teka.Bakit ako nandito? Panno ako nakapunta dito?
Ang huling naalala ko nasa music room ako at....at..
Shit!
Si Knite!
Kahit na sobrang kirot ng ulo ko at mabigat ang pakiramdam, pinilit ko pa ring bumangon.
Damn it! baka ano nang nangyari kay Knite!
Agad akong lumabas at sumalubong sakin ang mga tauhan kong nakahilera sa buong hallway ng secondfloor. Lahat sila nakatuxedo at may itim na roses ang nakasabit sa dito na siyang lalong nakapagdagdag sa kaba ko.
Dahil ginagawa lang namin ito pag may namatay sa Organization namin.
Si Knite.. Agad akong napailing sa naisip ko. Impossible ang iniisip mo Kea. Think possitive! Ligtas si Knite, ligtas ang keeper mo.
Nilapitan ko ang pinakamalapit sa'kin aa nagtanong"Nasan ang personal keeper ko?" Hindi ito sumagot halip ay umiling lang.
Nilapitan ko ang isa pa, gaya kanina tinanong ko rin ito kung nasaan si Knite. Nanlumo ako dahil sa halip na sumagot ay nagsimulang gumalaw ang balikat niya, hudyat na umiiyak .
Nilingon ko ang iba "Nasan si Knite?!" Sigaw ko pero wala pa ring sumagot. Lahat sila ay nagsiyukuan lang.
Kinuha ko ang baril ng pinakamalapit sakin at ikinasa bilang panakot sa kanya "Sumagot ka, Nasan ang keeper ko"
"S..sorry Malady pero wala po ako sa posisyon"
"Anong wala sa posisyon pinagsasabi mo?, Sasabihin mo lang kung nasaan ang personal keeper ko?!" itinutok ko ang baril sa puso niya "Nasan si Knite"
Pero umiling lang ito.
Sa sobrang inis,. balak ko sanang iputok ang baril sa Inutil na'to pero...
"Nak~"
Bigla akong tinawag ni ninong.
Agad kong binitawan ang baril at lumapit sa kanya.
"Nong nasaan si Knite? Bakit sila may itim na black roses? Bakit sila nandito?" Sunod sunod kong tanong.
Malungkot lang siyang ngumiti sa'kin.
Ni isang salita walang lumabas bibig niya.
"Nong naman~ nasan si Knite?" bulong ko, nagmamakaawa.
Nagmamakawa na sana sabihin niya saking mali ang hinala ko. Ang hinala ko na patay si Knite. Dahil kase sa inasta ng mga tauhan ko para bang kinukumpirma nila ito.
Tinap lang niya ako sa balikat at nilagpasan. Sinundan ko siya ng tingin, sumenyas siya sa mga tauhan ko kaya sabay sabay itong bumaba.
Lalo akong kinakabahan sa kinikilos niya ngayon.
"Nong~"
Nang makababa na ang lahat, naglakad siya papunta sa kwarto ni Knite at pumasok dito.
Agad akong sumunod. Shit baka nandito siya! Baka nandito si Knite sa kwarto niya.
Pero laking dismaya ko nang wala akong nakitang Knite sa kwarto. Ibang iba ito sa magulo niyang kwarto noon. Malinis na ito at Tanging laptop lang nakapatong sa kama niya.
"Nak halika dito" yaya ni ninong nang makaupo na siya sa kama. Binuksan niya ang laptop at may tinignan dito.
"Nong ano ba talagang nangyayari! Nasan si Knite?" sabi ko habang lumalapit sa kanya.
"Bago ko saguting yan may ipapanood muna ako sa'yo"
"Nong naman wala na akong oras para dyan! Gusto ko lang makita ang keeper ko ngayon!" Sigaw ko out of Frustration.
"Lahat ng tanong mo masasagot sa ipapanood ko sa'yo" mahinahon niyang sabi.
Napipilitan akong tumabi sa kanya sa kanya at nanood sa laptop.
Unang sulyap ko palang dito, napayukom na ang Kamao ko.
Mukhang kuha ito sa CCTV na nasa music room. Kita ko sa Aki na nakikipagusap sa tatlong shinobi at parang may inuutos sa mga ito. Maya maya'y biglang lumabas si Knite sa Screen na mukhang nagmamadali at nagaalala kay Aki. Ito yung time na tinawag siya ni Cyrene at pinapunta sa music room.
What the..Nakuhanan ng CCTV ang lahat?
Biglang sinugod si Knite ng tatlong shinobi, kita ko kung gaano siya kagaling dahil napatumba niya ang dalawa kahit na wala siyang hawak na kahit anong armas. Nang isa na lang ang kalaban, bigla itong naglabas ng katana.
Ngunit sinugod pa rin ito ni Knite kahit wala siyang armas at pinilit itong saktan. Kitang kita sa screen ang mga hiwang natatamo niya sa pagiwas sa katana, may time pa nga na bigla siyang napahinto at napaluhod dahil dito. Sinugod siya ng Shinobi pero agad niyang sinipa ang binti nito kaya ito natumba at naagaw niya ang katana.
Lumapit sa kanya si Aki. Kitang kita ang anggulo ng mukha ni Aki mula sa pinapanood ko. Ang seryoso ng mukha niya habang naguusap sila ni Knite pero bigla siyang ngumisi nang dahan dahan lumuhod at ibinagsak ni Knite ang Katana. Itinaas ang kamay sa batok na para bang sumusuko sa kanya.
A..anong nangyayari?
Muling nagsitayuan ang mga Shinobi at sinugod si Knite pero this time, hindi siya lumalaban. Malaya niyang tinatanggap ang sapak at sipang binibigay ng mga ito hanggang sa tuluyan siyang mapahiga sa sahig dahil sa natamo nito.
Sumisikip ang dibdib ko habang pinapanood ang paghihirap niya. Kitang kita kung gaano siya pinagtulungan ng tatlo. Kahit nga nakahandusay ay tuloy tuloy pa rin ang mga walang hiya sa pagsipa sa mukha niya. T*ngina
Muling lumapit si Aki at pinahinto ang mga ito. Hinawakan niya si Knite sa Kwelyo at hinila ito patayo. Inilabas niya ang Injection . Itinutok niya ang Injection pero natigil siya nang na malakas bumukas ang pinto. Ito yung time na dumating kami ni Cyrene.
Pinause ko muna ang Video at humarap kay Ninong.
"Anong nangyari kay Knite bakit di siya lumaban sa lintik na mga Shinobing yun?!" tanong ko tanging kibit balikat lang ang naisagot ni ninong.
Bumalik ako sa panonood at pinlay ito.
Pinast forward ko ang Video hanggang sa time na pinaamoy ako ni Aki ng puting panyo at nawalan ako ng malay.
Di ko maiwasang kagalitan ang sarili I am fucking useless, naturukan ng Injection si Knite sa harap ko mismo at wala man lang akong nagawa.
Lumabas si Aki sa kwarto at naiwan kaming tatlo na nakahiga sa kwarto.
Para akong nanghina sa mga sumunod na nangyari.
Mukhang umepekto na agad ang lason kay Knite. Bigla siyang nagsuka at lumalalim na ang paghinga niya pero kahit na nanghihina nakuha pa niyang ngumiti at titigan ang natutulog na Ako.
Kahit na nahihirapan. Gumapag siya, pinilit abutin ang kamay ko at hinawakan ito. Kahit na malayo nabasa ko sa bibig ang sinabi niya 'Your Safe' tapos ay hinalikan niya ang kamay ko. Maya maya'y bigla siyang pumikit tapos....
Natigil ako sa panonood dahil biglang sinara ni Ninong ang laptop.
Duon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako, malayang lumalandas ang luha sa pisnge ko. Tanging pag-hikbi ko lang nang naririnig sa tahimik nyang kwarto.
Agad akong tumayo "N...nasaan si Knite Nong? "
Umiling lang ito, agad akong tumayo "Pupunta ako ng s..school baka nandun pa si Knite. B...baka nakahiga pa rin siya sa music room"
"Impossible nak, ilang araw ka nang tulog kaya ilang araw na rin ang lumipas simula nang insidenteng yan?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi. niya.
"Ilang araw akong tulog?"
" More than One week"
"more than one week?" pabulong kong tanong.
Ngayong ko lang napansin na hindi na nga namamaga ang ankle ko. Shit bat antagal ko natulog?
"Oo more then one week, sobrang tapang ng pinaamoy sayong Chemichal. Pinapamanhid nito ang katawan ng makakamoy nito at may side effect ito sa ulo. Kaya binigyan ka ng Painreliever pero dahil dito nakatulog ka ng matagal" mahabang paliwanag niya.
"Kung more than one week na akong tulog... Anong nangyari Kay Knite? Nasan na siya?! Tell me, saang hopital siya naka-confine. Pagaling na ba siya?"
Tama, si Knite yun eh! Hindi yun basta basta mamatay! Hindi! Hindi! Buhay siya alam kong buhay siya at nagpapagaling.
Huminga ng malalim si Ninong at humarap sa'kin. "Wala na siya nak" he paused for a moment the sighed "patay na ang pamangkin ko"
It took a minute bago magsink in sa utak ko ang sinabi niya.
Biglang nanghina ang tuhod ko kaya napasalampak ako sa sahig.
"N..no it can't be," i said beetween sobs. "Hindi yan totoo. B..baka panaginip lang to. Tama! Panaginip lang to." Kinurot ko ang sarili ko, sinampal, sinabunutan "Kailangan kong magising! Hindi to totoo!" Para na akong baliw na nagwawala habang sinasaktan ang sarili. Natigil lang ako nang yakapin ako ninong ng mahigpit.
"Buhay siya, buhay pa si Knite nong. " Duon ako nagsimulang humagulgol sa dibdib niya. Putangina hindi ko matanggap.
Ayokong maniwala, hindi yun totoo. Hes alive right? mamaya magpapakita din sakin yun at kagaya ng dati kukulitin niya pa rin ako. Bibigyan ng mga corny niyang banat, hindi siya pwedeng mamatay! Hindi!
Humiwalay siya ng yakap at hinawakan ako sa magkabilaang balikat "Kitang kita sa Video ang pagkamatay niya nak. Hindi namin makita ang katawan dahil kinuha ito ng tauhan ni Akihiro."
"S..see? wala *sobs* sa inyo na mismo nanggaling na wala sa inyo katawan niya. Kaya may possibilities na buhay si Knite"
Agad itong umiling at may iniabot saking papeles.
"Death certificate Ni knite yan, Nandyan din ang autopsy niya at sinasabing namatay siya due to a 'venom' isang nakalalasong poison mula ahas. Pinadala ni Akihiro yan para ipakita sa'yo"
Tinitigan kong maiigi ang mga papeles at puro legitimate ang mga ito. Tunay at may pirma pa nang mga doctor na nagautopsy sa kanya.
Natulala ako.
Patay na si Knite.
Wala na siya.
Namatay siya sa harap ko, at wala man lang akong nagawa.
Namatay siya para sakin.
Lalo akong naiyak nang maalala ang uling sinabi niya.
'Your Safe'
Shit
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top