BTG 41: Save him

[Keallyn's POV]

Pigil ang hininga ko habang hawak sa leeg si Cyrene.

Lalo kong hinigpitan ang pagsabunot sa kanya at tinulak ko siya paabante para makalapit kami kay Aki. Napapangiwi ako sa sakit dahil kada hakbang, kumikirot ang kanang paa ko.

Tinitigan ko ng masama ang tatlong Shinobi na nasa harap namin habang umaabante kami, umaatras naman sila. Nang makalapit kay Aki, isa isa silang naglabas ng 'Kunai' na mas malaki pa  sa hawak ko ngayon. Hinarangan nila sila Aki at tinutok ito sa'kin.

"wag nyo siyang sasaktan" maotoridad na utos ni Akihiro.

Humarap ang isa sa mga Shinobi sa kanya "Pero master--"

"Uulitin ko, wag na wag nyo siyang sasaktan. Pag tinuloy nyo yan, Ako mismo papatay sa inyo. Hayaan nyo siyang makalapit sa'kin"

Nagtaasan ang balahibo ko sa inasta niya.

He's Cold as an ice and his voice? it was full of authority, talagang kakabahan ka sa way ng pananalita niya. Miski ako ay kinabahan din sa pagiging seryoso niya.

Humarap din sa kanya ang dalawang Shinobi at sabay sabay itong bahagyang yumuko habang nakahawak sa kanang dibdib "Hai! Master" tapos ay umalis sila sa harap ko.

Tinitigan ko ng masama si Aki, lalong lumaki ang galit ko sa kanya, nang bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Sa hawak niyang injection na punong puno ng itim na likido. Nakamwestra na ito sa leeg ni Knite na para bang anytime handang iturok sa kanya.

"m...malady" Bulong ni Knite kahit hirap na hirap na. Tinitigan ko ang mukha niya. Malayang umaagos ang dugo nito dahil sa pagputok ng kanang kilay niya at halos pumikit na ang parehong mata dahil sa pamamaga. May iilang pasa rin siya at putol ang labi. Bumaba ang tingin ko sa uniform niyang punit punit at puro dugo  dahil sa mga hiwang natamo.

"Ahhhh!!" Sigaw ni Cyrene.

Sa sobrang galit ko sa ginawa kay Knite di ko namalayang nadiinan ko na  pala ng bahagya ang 'Kunai' sa leeg nito.

"Ahh!" Sigaw ko din, dahil bigla niyang tinapakan ang kanang paa ko.  "Ahhhhhh" mas dobleng lakas na sigaw ko nang diniinan pa niya ito. Napaluha nga ako sa sobrang sakit.

Nabitawan ko ang hawak kong Kunai at Lumuwag ang pagkakahawak ko sa buhok niya. Nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang kamay ko at pinapunta sa harap niya sabay mabilis na pinilipit ito papunta sa likod ko.  Ni hindi ako nakapalag  dahil sa iniinda kong kirot sa paa.

Malakas niyang tinapakan ang hawakan ng handle Kunai na nasa lapag kaya lumipad ito paeere sabay salo at tinutok sa leeg ko.

Nabaligtad ang sitwasyon, Nasa likod ko siya at ako naman hawak hawak niya.

"Papatayin na kita nang matapos na to," bumwelo siya para isaksak ang kunai sa leeg ko pero bago pa man niya magawa 'yon. Umalingawngaw na sa buong kwarto ang malakas na sigaw ni Akihiro.

"Cyrene! Bitawan mo siya!"

Bumaba ang kamay ni Cyrene at inis na idinuro si Aki gamit ang kunai.

"Diba nasa plano natin na ang babaeng 'to ang papatayin mo! Tang ina. Ano to?! Bakit mo ko pinipigilan at anong balak mong gawin kay Knite!"

"Sa lahat ng tao, ikaw ang nakakaalam kung bakit siya ang pipiliin ko"

"Dahil ano? Dahil mahal mo ang  putang inang babaeng to? Magisip ka nga. Pinsan mo Si Knite, Hiro. Pinsan mo!"

"Wala na akong paki! I just want her to be safe!"

"Pwes wala din akong Paki! Gusto ko ding iligtas si Knite!" sigaw ni Cyrene sabay ibinwelo niya uli sa Ere ang kunai, hudyat na ibabaon niya ito sakin.

Di ko alam kung bakit pero pumikit lang ako at hinintay itong bumaon sa'kin.

Kung mamatay man ako ngayon, mamatay akong masaya dahil atleast may silbi ang pagkamatay ko. Maliligtas ko si Knite.

Pero Imbis na sakit ang naramdaman ko. Biglang lumawag ang pagkakahawak sa'kin ni Cyrene at naramdaman kong may humatak sakin sa bewang.

Dumilat ako para makita kung ano ang nangyari. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha na Aki na ilang pulgada lang ang layo sa'kin! Malakas ko siyang tinulak. Luminga ako sa paligid at nanlaki ang mata ko nang makita si Cyrene na kahiga sa semento at walang malay.

The heck anong nangyari?

" P..patay na ba siya?" mautal utal kong tanong.

"Don't worry di pa siya patay" then may tinaas siyang puting panyo "May pinaamoy lang ako kanya kaya siya nakatulog"

Nang ganun kabilis? Pumikit lang ako tapos...

Napalunok ako "O..okay" Darn it Kea. Kumalma ka! Kalma! kalma. Ililigtas mo pa sa Knite

Speaking of him.

Agad akong lumapit kay Knite na nakahiga na rin ngayon.

"m..malady a..yos ka lang?" Nakuha pa niya itanong 'yon kahit hirap na hirap na siyang huminga

"Gago, ikaw tong maraming sugat at pasa tapos nakuha mo pang magtanong?" inalalayan ko siyang umupo "Kaya mo bang maglakad hanggang parking lot? Dadalhin kita--"

"Tingin mo hahayaan ko yang makalabas ng buhay dito?" Singit ng taong nasa likod.

Tumayo ako at nakapameywang na humarap sa kanya.

"Kung hindi, baka m..mapilitan akong patayin ka" Sinabi ko yun ng mabagal at may halong diin.

"Ano bang hindi mo naiintindihan sa ginagawa ko? I do this for you! Kaya please lang makipag cooperate ka na lang sakin"

"Ginagawa mo para sa'kin? Papatayin mo ang boyfriend ko Aki! Anong tingin mo matutuwa ako pag ginawa mo yun?"

"Wag mo kong lokohin, alam kong di mo siya totoong boyfriend."

"Fine! He is not my fucking boyfriend. Pero Aki, mahalaga sakin si Knite! Wala akong pamilya, bukod kay ninong Ricky, siya lang tinuturing kong pamilya ngayon." sigaw ko.

Mapakla siyang natawa "Ganun ba siya kahalaga para sa'yo?"

"Oo to the point na kaya kong mamatay o pumatay para sa kanya"

"Kung papipiliin kita ngayon, siya O ako. Sino sa'min"

Natigilan ako sa tanong niya.

Kung wala kami sa ganitong sitwasyon, malamang siya pipiliin ko.

Kahit malaki ang galit ko sa kanya, still hindi magbabago ang katotohanang mahal ko siya, na siya ang kauna-unahang taong nagparamdaman sa'kin kung  ano ang pakiramdamn ng inililigtas.

But in this situation, isasantabi ko ang feelings ko sa kanya at pipiliin ko ang taong laging nasa tabi ko. Yung taong tinuring ako hindi bilang amo niya kundi bilang isang kaibigan. Yung taong lagi akong pinoprotekhan at inaalagaan.

"Si Knite ang pipiliin ko kesa sa'yo" sagot ko.

Bigla niya akong hinawakan sa magkabilaang balikat "Uulitin ko, sino saming dalawa?" mariin nyang tanong.

"Si Knite, ang pipiliin ko kesa sa kagaya mo" matapang kong sagot.

Kita ko ang sakit na bumalatay sa singkit niyang mga mata.

" Selfish na selfish pero kung siya pala ang pipiliin mo, mas mabuti ngang patayin ko siya para wala akong kaagaw"

"Nababaliw ka na"

"Kung kabaliwang  ang tawag mo dito. Oo nababaliw na ako, binabaliw mo ako Kea" Tapos ay mabilis siyang kumilos at itinakip ang puting panyo sa ilong ko. Nagpumiglas ako habang pinipigilang huminga. Kaso ay, masyado akong nanghihina ngayon kaya di ako nakapalag at nalanghap ang matapang na amoy ng panyo.

In a split seconds.

Biglang nanghina ang tuhod ko, nawalan ko ng lakas kaya dahan dahan akong bumagsak. Di ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na nasalo ako ni Aki. Dahan dahan niya akong inihiga.

Nakaramdam ako ng matinding panghihilo. Parang umiikot ang mundo.

Pero pinipilit kong labanan na hindi makatulog.

Pumihit ako at nakita ko si Aki, na hawak uli ang Injection at itinutok ito kay Knite.

Pero nanlaban si Knite kaya sinipa siya ni Aki ng malakas niya itong sinopa sa mukha.

Gusto kong sumigaw pero lumalabas na salita sa bibig ko. Hindi ko na kayang labanan ang antok dahil sobrang bigat na ng talukap ng mata ko.

Parang bumangal ang mundo ko nang makita ang huli kong nasulyapan bago tuluyang maturok.

Dahil kitang kita ko kung paano naitaral ni Aki ang injection sa leeg nito.

then..

everything went black

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top