BTG 40: Set Up
[Keallyn's POV]
"Masakit po ba ma'am?"
Tanong ng Private doctor ko habang chinecheck ang sprain ko sa right ankle.
I give him are-you-stupid-look?
"ms. Wibbleton...masakit pa po ba?" paguulit niya. See that? Inulit pa ang katangahan niya.
"Doctor ka ba talaga? Kita mong namamaga tapos tatanong mo sa'kin kung masakit? Nasan ba utak mo?" inis kong sabi.
"S...sorry ma'am, gusto ko lang malaman kung anong naramramda--"
"Malamang masakit! Ano ba! gagamutin mo ba ako o iinterviewhin mo lang ako magdamag?!" sigaw ko
Kaya halos mataranta siya sa pagkuha ng kung ano sa gamit niya.
Marahang umupo sa tabi ko si Knite na kanina pa tahimik na nanonood sa'min.
"Chillax malady, paano ka magagamot kung sisigawan mo siya?" tapos ay lumingon siya sa doctor. "Doc ano po bang nangyari at bakit namaga ng ganito yung paa niya?"
"M..mukhang naistress ang part ng ankle niya na may sprain kaya namaga ito. In her situation, maaring ang naging dahilan nito ay ang pagtakbo niya kahit may sprain na siya."
"So kasalanan ko pa ganun?" pagtataray ko.
"Hindi sa ganun--"
"Pwede ba umalis ka na lang sa harap ko, nakakapanginit ka lang ng ulo eh"
"P..pero ma'am"
"Get out" mariin kong sabi kaya agad siyang tumayo at lumabas.
Iiling iling itong sinundan ni Knite papalabas.
After a few minutes, pumasok ulit siya na may dala dalang injection at elastic band.
"Ang sungit mo ngayon, meron ka ba?"
Agad akong dumampot ng unan dito sa kama at binato sa kanya "Gago!"
"pfft Biro lang," pabiro niyang sabi kahit na natamaan ko siya sa mukha sabay lapit sa'kin "Ano bang meron at kahapon ka pa highblood? Nung umaga good mo ka naman pero after mo kong gisingin sa private room naging ganyan ka na" tapos ay lumuhod siya sa paanan ko.
Yeah, simula kahapon mainit na ang ulo. Di ko pa kase nakakausap si Aki, after niya akong iwan sa music room at lokohin di na siya nagpakita. I keep calling him pero binababaan lang ako ng phone.
"Natahimik ka ata, bakit ka nga highblood? Tell me may ginawa ba sayo si Aki nung dinala ka niya sa Clinic?"
"Wala tsk" umiwas ako ng tingin sa kanya at umirap sa kawalan. "Tuloy mo na nga lang ginagawa mo mali-late na tayo" sabi ko na lang para maiba ang usapan.
Una niyang iminwestra ang Injection. Mariin akong napapikit nang maramdamang tinutusok na niya ito sa'kin.
To endure the pain, i bite my lower lip to stop myself from shouting.
Onting bangga lang kase, kumikirot na ito.
"Okay dahan dahan lang to." Aniya habang nilalagyan na ng elastic band ang kanang paa ko.
"Wag mo namang higpitan!" sigaw ko.
"Sabi ng doctor lagyan daw ng onting pressure" tutok pa rin siya sa ginagawa.
"Masakit eh!"
Tumingala siya sa'kin "Tamo to, Tapos mong tumakbo paikot ng school kahapon kahit may sprain ka, sisigaw sigaw ka ngayon ng masakit?" Napamura ako sa sakit dahil lalo niyang diniinan. "Magtiis ka malady."
Gusto ko sanang isigaw sa harap niya na 'Gago! Kaya yan namamaga dahil sa pagaalala ko sa'yo kahapon!' pero wag na. Ayokong sisihin siya dahil alam kong kasalanan ko rin naman dahil nagpauto ako kay Aki. Isa pa, kapal naman ng mukha ko kung isisigaw ko yun sa kanya sa kabila ng effort niya sa pag-aalaga sa'kin.
"Yan okay na" Nakangiti niyang sabi. Binigyan pa niya ng huling sulyap ang paa ko bago tumayo. "So pasok na tayo?"
Nakangiti lang akong tumango.
Thanks Knite. Sa isip isip ko.
~~~
Pagdating sa school, maingat akong pinaupo ni Knite sa wheelchair.
"I hate this, di ba pwedeng saklay na lang? Sprain lang naman to" angil ko.
Umupo sa harap ko si Knite "Di pwede malady, sabi ng doctor kailangan mo daw ipahinga yang paa mo"
"Tsk ang OA kase, feeling ko tuloy lumpo ako"
"For one day lang naman, pag umimpis na yung pamamaga bukas pwede mo nang ilakad yan"
"Dapat lang may intramurals pa akong pupuntahan"
"Lalaban ka pa rin?" gulat at takang tanong niya
"Tayo Knite, lalaban pa rin tayo"
Syempre, ayoko pa ring magtalo sa maarteng yun tsk.
Tumayo siya ng diretso at tinap ang ulo ko "Okay Then" then he smiled. "Sabi mo eh"
"Talaga, ayokong magpata--"
"Knite! Keallyn!" naputol sa ere ang sasabihin ko nang marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan namin.
Sabay kaming napalingon at
nakita namin si Cyrene na patakbong pumunta sa'min. Namumutla siya at mukhang balisa.
"Si...Aki! Si Aki! S..si Aki !" naghihisterya niyang sigaw tapos ay bigla siyang umiyak at yumakap kay Knite.
"Anong nangyari kay Aki?!" Sigaw ko.
"Si...si Aki"
"Ano ba! magsalita ka nga, huhugutin ko yang dila mo eh"
"Kea" sabi ni Knite na parang pinagsasabihan ako. "Kalma ka muna Cy, anong nangyari sa pinsan ko?"
"S..si Aki m...may mga lalaking gusto s..siyang patayin *Sob* S..sa music room...ma...may *sob* tatlong lalaki duon"
"What?!" tatayo sana ako pero agad na bumitaw sa pagkakayakap si Knite at pinigilan ako "The eff, itulak mo ko papunta duon!" taranta kong sigaw. Isinantabi ko muna ang galit ko kay Aki dahil masyado itong natatakpan ng pag-aalala sa kanya. Someone wants to kill him! Hindi yun mangyayari, baka mauna ko pa silang mapatay. Pakshit sila, ni ayaw ko ngang sinasaktan yun.
"Kumalma ka muna kea"
Umiling ako"Pupuntahan ko sila Knite, papatayin ko muna sila" nag-ngingit ako sa galit.
"Hindi, ako lang ang pupunta" Mahinahon niyang sabi habang nakahawak sa balikat ko. Bahagya pa siyang umupo para magpantay kami. "Alam kong malakas ka pero sa sitwasyon mo ngayon baka mapahamak ka lang. Ayokong mangyari 'yon" Mababakas ang pagaalala sa boses niya.
"Pero Knite-"
"Wala nang pero pero"
"Wag ka ngang O.A Sprain lang 'to"
"Wag nang matigas ang ulo please lang" sinabi nya 'yun na para bang nauubusan na siya ng pasenya sa'kin "Kahit ngayon lang Kea. Makinig ka sa'kin."
Napilitan akong tumango dahil ngayon ko lang nakita ang ganoong reaksyon niya. Napakaseryoso, napakabossy at strikto. Ibang iba sa Knite Nicholas Abueva na lagi kong kasama.
Tumayo siya pero agad kong hinawakan ang polo niya. Mayroon something sa'kin na ayaw ko siyang paalisin mag-isa, ewan ko ba kung bakit. "Be safe" kusa iyong lumabas sa bibig ko
Ngumiti siya "I will malady" tapos ay hinalikan ako sa noo bago humarap kay Cyrene.
"Cy ikaw munang bahala kay Kea, okay?" Tumango lang ito.
Tapos ay tumakbo na siya paalis.
"Knite!" Hindi ko mapigilang sumigaw habang tinitignan ang papalayong bulto niya. Bigla kase akong kinutuban ng masama. Na para bang may mangyayaring hindi maganda sa kanya. At mas lalong nakadagdag sa kaba ko ang isiping never pang nagkamali ang mga kutob ko. Wag naman sana..
Tumingin ako kay Cyrene na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.
"Ano na? iiyak ka lang ba dyan? Sundan natin si Knite!"
"Pero sabi niya d..dito lang tayo" she said beetween her sob.
"Sundin mo na lang ako, kung ayaw mo siyang mapahamak"
Mukhang natigilan siya sa sinabi ko "Mapahamak? Bakit?"
Wow. Siya 'tong nagsabing may tatlong mamatay tao duon, tapos itinanong niya pa kung bakit mapapahamak si Knite? Tanga ang kingina.
"Wala akong oras para mag-explain sa tangang kagaya mo, kaya sundin mo na lang ako pwede ba"
"Pero-"
" Darn it! Sabing itulak mo na lang ako!" sigaw ko.
"S..sige"
***
"p..pwedeng comfort room muna tayo?" Tanong niya habang nasa gitna kami ng paglalakad.
"Ngayon mo pa talaga naisipan yan? For god sake nasa panganib ang magpinsan!"
Inis na nga ako dahil ang bagal niya tapos nakuha pang mag-CR.
"ihhh~ malapit na akong magnumber one"
Inis kong nalamukos ang aking mukha "Fine pero bilisan mo lang"
Gaya nga ng sabi ko. Mabilis kaming nagtungo sa Comfort Room pero laking pagtataka dahil binuksan niya ang lahat ng cubicle na para bang kung tinitignan kung may tao sa loob nuon.
"What the hell are you doing?"
Pero hindi niya pinansin ang tanong ko. Napataas pa nga ang kilay ko nang lumingon siya ng nakangisi sakin. Yung ngisi na parang may gagawing hindi maganda "Walang tao" aniya.
Laking gulat ko nang walang anu-anoy mabilis siyang tumakbo papunta sa'kin at ni-lock ang pinto sa likod ko. Shit! p..para siyang hangin.
Dali dali niyang hinubad ang suot niyang salamin at padabog itong binagsak sa lababo dahilan para mabasag ito. Itinali din niya ang mahaba ag itim niyang buhok.
"I've been waiting this day ms Keallyn Wibbleton. Dati pa ako kating kati na saktan ka" sabi niya habang nakatingin sa'kin sa salamin.
Napanganga ako dahil biglang nagbago ang boses niya. Naging malalim at maotoridad ang dating napakatinis, boses bata at pabebe niyang tinig.
From a weak nerdy girl he turn into a fiercefull woman in snap seconds. The eff.
"Shock right? awww poor girl walang alam sa nangyayari."
"W..who the hell are you?" Shit Kea bakit nauutal ka!
" Opps bad me, nakalimutan ko palang magpakilala sa'yo." Humarap siya sa'kin at maangas na sumandal sa lalabo habang nakaekis ang braso sa dibdib "Let me introduce myself first. I'm Cyrene Eslava, The one and only personal keeper of Hara Organization's Mafia Lord"
Talagang may diin ang salitang 'personal Keeper' at Hara Organization. Tsk pinagmayabang pa, e personal Keeper lang pala siya sa Hara---wait.. what? PERSONAL KEEPER NG HARA?!
"Your what? Tama ba ang rinig ko. Personal Keeper ka sa Hara?" Paninigurado ko.
"Yup, you heard it right. I am Aki's Keeper"
"No way"
This weak Bitch? keeper ni Aki?
"Yes way dear and I'm here to.." Dahan dahan siyang lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilaang pisnge ko gamit ang isang kamay at marahas na ini-angat ang mukha ko "to KILL YOU"
Pinilit kong itago ang gulat sa huli niyang sinabi.
"Seriously? papatayin mo ko?" Pangiinsulto ko "Dream on missy, You're too weak"
Sinabi ko lang 'yon para insultihin siya. Alam ko naman hindi siya basta-basta. Sa bilis na ipinakita niya nakita, alam kong may ibubuga ang isang 'to.
"Don't Underestimate me, For your information 6 years akong nagtraining sa Japan"
'Malamang, hindi ka naman nila kukuning keeper kung mahina ka' sa isip isip ko.
"Really? 6 years of training" Tinignan ko ang kabuuan niya "Parang hindi naman halata" pang-aasar ko.
"Wanna try?"
"Yes, i wanna try" matapang kong sagot.
Kahit na nakawheelchair ako ngayon , hindi ako aatras sa kanya. Isa pa, chance ko na to para saktan siya ng literal.
Sasapakin ko sana siya sa sikmura pero mabilis niyang nasalo ang kamay ko at buong pwersa itong pinilipit. Buti na alng flexible ang katawan ko kaya wala epekto sakin ang ginawa niya.
Bigla niyang sinipa ng malakas ang wheelchair dahilan kaya napunta ako sa dulo ng comfort room.
May inilabas siyang tatlong 'Kunai' it is pointed metal dagger na ginagamit ng mga ninja.
Itinaas niya eto sa ere "See this? Isa isa kong 'tong itatarak sa katawan mo.
Tapos ay sunod sunod niya itonh inihagis ito sa direksyon ko.
Mabilis ang reflection ko kaya sa kabila ng bilis niya, nasalo ko pa rin ang dalawa gamit ang magkabilang kamay. Habang ang Isa ay nailagan ko lang pero dumaplis pa rin ito sa pisnge ko kaya nagkaroon ako ng mababaw ngunit mahabang hiwa.
Napangisi ako "Yun na yun?" i asked "Wala namang kathrill thrill"
"Don't worry dear, practice lang yun. Ito talaga ang gagamitin ko sayo"
Then dumukot ulit siya sa bulsa niya.
"Shit nasan na yun?" kinapa nya ulit yung bulsa ng palda niya.
Natawa ako dahil parang nawawala niya ata kung ano man yun.
"Shocks na kay Aki ata yung poison" sabi niya sa sarili.
"Poison?" Nagpintig ang tenga nang marinig muli ang salitang 'yon.
"Tsk yung poison na gagamitin ko sana sa'yo. Darn it na kay Aki nga"
"Wait wait, ano ba talagang nangyari kay Aki? "
"Stupid di mo pa rin ba nagegets? Act ko lang yung mga sinabi ko kanina para masolo kita dito. Inutos yun ni Master pata pumunta sa kanya si Knite at mahiwalay siya sa'yo"
Antagal bago nagsink in sa utak ko lahat.
First, Set up lang to.
Second, kasama ni Aki si Knite ngayon.
and third.... May poison siyang dala?!
it means....
"You bitch, nasan na sila ngayon?"
"Sa music room bitch"
"The heck, dalhin mo ko dun!" i shout
She cross her arm "at bakit kita susundin?"
"Shit, papatayin ni Aki si Knite using those poison!"
"Impossible, nasa plano naming ikaw ang papatayin hindi si Knite"
"Stupid. he tricked you! Nasa kanya yung poison diba?"
Mukhang narealize din niya ang sinabi ko. Kaya napasapo siya sa Noo.
"No way! Kasalanan mo to e. Malandi ka kase kaya pinili ka nya kesa kay Knite!"
"pasalamat ka at wala akong oras para patulan ka ngayon sa pagtawag sakin ng malandi, at pwede ba mamaya na ang sisihan! nanganganib si Knite! Pumunta na tayong music room!"
Agad niya akong nilapitan at tinulak "Tapos nito tayo maghaharap"
Then binuksan niya ang pinto at patakbo naming tinungo ang music room.
Pagdating sa tapat ng room
Malakas niyang sinipa ang pinto at bumungad samin Si Aki na hawak sa leeg ang bubog saradong si Knite at ituturok na niya ang lason dito.
Pipigilan ko sana siya kaso ay may biglang sumulpot sa harap namin na tatlong Shinobi. At balak kaming sugudin.
oh scratch that ako lang pala.
Dala ng adrenaline rush, Dinampot ko ang 'Kunai' na ibinato kanina sakin ni Cyrene at tumayo sabay sabunot sa kanya. Natigilan ang ang tatlong shinobi nang itinutok ko ang dagger sa leeg ni Cyrene.
"Sige! lumapit kayo di ako magdadalawang isip na ibaon to!" sigaw ko.
Dahil sa sigaw ko, napunta sakin ang atensyon ni Aki. At gulat na gulat siyang napatitig sa'kin.
"Liit"
"Subukan mong patayin ang keeper ko, papatayin ko rin ang sayo" mariin kong sabi at lalong diniinan ang dagger kaya nagdugo ng kaunti ang leeg nito
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top