BTG 37: Akin ka lang
[Keallyn's POV]
"Okay by partners ang gagawin nating pagrampa sa opening! Magsasalubong kayo sa gitna, galing sa kaliwa si boy at kanan naman si girl then give us a unique pose. Yung pose na pamatay sa kilig since lovers naman ang theme." Sigaw sa'min ng baklang event organizer. Nakarimiv pa nga ako ng ilang pag-angal mula sa ibang participants. "Tapos ay unang lalakad paforward si boy then susunod si naman si girl. Yung rampa na pak na pak! Pag nagsalubong kayo sa gitna, give us a solo pose bago kayo maghiwalay at pumunta sa pwesto. Nagkakaintindihan ba tayo?" pagpapatuloy niya.
Tumango lang kami, kahit na gusto ko siyang paalisin ora mismo dahil sa kaartehan niya.
Kasalukuyan kaming nakaupo paikot sa stage ng stadium at nag-papractice para sa darating na intramurals.
"Okay go to your partners! then punta na ng backstage para masimulan na" muli nitong sigaw.
Naunang tumayo si Knite at inilahad kamay niya sakin "Your majesty" pabiro niyang sabi na para bang ginagaya ang tagapagsilbi sa kaharian.
Tinampal ko lang ang kamay niya at mag-isang tumayo "Baliw" pabiro ko ring sagot.
"Sayo" dugtong niya na kumindat pa.
Napailing na lang ako habang nakangiti, pasalamat siya goodmood ako ngayon kaya sasakyan ko ang biro niya. Kung hindi baka kanina pa siya nakatikim sa'kin.
"Malady anong nakain mo at parang goodmood ka ata ngayon? Simula kaninang umaga pa yang ngiti mo e, ni hindi mo nga ako sinigawan" takang tanong ni Knite habang naglalakad kami papuntang backstage.
Bakit ako goodmood?
Well...
Lumingon ako sa lalaking singkit at matangkad na nasa likod namin at nang magtagpo ang mata namin sabay kaming napangiti. Agad akong umiwas ng tingin dahil baka may makahalata sa'min.
Si Aki...
I bite my lower lip para pigilang mapangiti pero hindi ko talaga kaya. shit lang.
"Yang ngitian mo ngayon iba talaga malady, namumula pa yang pisnge mo" sabi ni Knite then he give me a suspicious look.
Wala kase silang alam tungkol sa'min ni Aki. Yes wala pang label ang relationship namin, pero alam kong may something sa'min ngayon.
Di na ako nakasagot sa sinabi ni Knite dahil kailangan na naming maghiwalay, lahat ng boys sa left part ng backstage habang kami sa right.
Number 5 ako habang si Cyrene Number 6 kaya nasa likod ko siya.
Simula nang sinigawan ko siya sa private room, never na niya akong ina-proach. Mas mabuti na yun dahil di ko talaga maatim na makipagkaibigan sa kanya tsk.
Nagsimula nang patugtugin ang isang dramatic classical music.
Tahimik lang ako habang hinihintay ang turn namin.
"contestants #5, first partners that represents ABM senior high. Mr. Knite Nicolas Abueva and Ms. Keallyn Wibbleton" sigaw ng nagtuturo.
Nagsalubong kami ni Knite sa gitna ng stage.
"Give us A nice pose!, Since true to life couple kayo, yung pasabog mga darling" sigaww ulit nung maarteng bakla
Ngumisi si Knite "Pasabog daw malady" bulong niya.
"Paano?"
"basta~ akong bahala" tapos ay binigyan pa ako ng nakakalokong ngisi.
Hinawakan niya ako sa kaliwang kamay sabay ikot sakin na para bang nagsasayaw kami. So napunta ako sa harap niya na nakacross ang dalawang braso.
"Tingin ka sakin" bulong niya.
Dahil mas matangkad siya sakin, patingala akong lumingon sa kanya.
Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa tipnose.
"Good Job mga darling, sa araw ng contest sa lips na yan okay?"
I blink twice at natauhan lang ako ng inikot na niya ako pabalik.
Rinig ko rin ang tilian ng mga nanunuod sa practice namin kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.
Argh Knite!
Nagpeace sign muna siya sakin bago maglakad papunta sa unahan. Cool na hinawakan niya ng bulsa niya sabay hagod sa buhok. Muli nanamang nagsitilian ang mga babae dahil sa ginawa. Halos magsalubong ang kilay ko nang lumingon siya sa'kin at kinindatan ako.
'mamaya ka sakin, bwisit ka'
"Okay ikaw na darling!"
Huminga ako ng malalim, bago maglakad. Aminado akong kinakabahan ako dahil first time ko lang itong gagawin. Nanghihina ang tuhod ko pero pinilit kong maglakad.
Pero nakakaisang hakbang palang ako nang......
*Boogsh*
May natapakan akong madulas at paupo akong bumagsak!
Tinignan ko kung ano yung natapakan kong madulas, Lihim akong napamura nang makitang ballpen ito. Paanong napadpad ang ballpen na'to dito sa stage?!
"Kea!" "liit!"
Sabay na tumakbo papunta sakin si Knite at Aki.
"Okay ka lang malady?!" "Liit ayos ka lang?!"
Sabay nilang tanong pero di ko sila pinansin.
Dinampot ko yung ballpen at itinaas "Kaninong ballpen to?!" sigaw ko sa inis.
I swear kung sino mang burarang may-ari nito. makakatikim sakin!
Natahimik ang buong stadium. Tanging mabilis at malalim na paghinga ko lang ang naririnig.
"Kaninong ballpen 'to?!" muli kong sigaw pero this time mas malakas.
Nakarinig ako ng yabag mula sa likod, papalapit sa'kin. Nang lingunin ko ito, ang nakangising si Cyrene ang papalapit sa'kin
"Oops akin yan, nadulas kase sa kamay ko. Sorry ah"
Fuckshit.
Biglang naginit ang ulo ko, alam mo yung way ng paghingi niya ng sorry, parang labas sa ilong. At ipinapakita ng nakakaloko niyang ngisi na sinadya na 'yon!
Inuubos mo talaga ang pasensya ko, lintik ka. Makakatikim ka sa'kin.
Mukhang nabasa ni Knite ang gagawin ko kaya agad niyang hinarangan si Cyrene.
Tatayo na sana ako, kaso biglang kumirot yung right ankle ng paa ko kaya muli akong napaupo.
"Shit" . Napasama ata ang bagsak ko kanina tapos idagdag mo pang naka 3 inch na heels ako ngayon. Pinilit kong tumayo dahil gustong gusto ko talagang saktan si Cyrene pero sobrang kirot talaga. Ultimo igalaw ko lang napapasigaw na ako sa sakit.
Paupong humarap sakin si Aki "Nagkasprain ka ata liit, dalhin na kita sa clinic"
"Hindi ako na" singit ni Knite.
"Ako na Knite" tapos ay tinap niya ito sa kanang balikat "Ikaw munang bahala kay Cyrene"
Di na nakapalag si Knite dahil binuhat na ako ni Aki.
Bago kami makababa ng stage, tinitigan ko ng masama si Cyrene.
'bitch, may araw ka saken'
--
"Punasan mo yang ilong mo" seryosong sabi sakin ni Aki habang naglalakad kami papuntang clinic.
"Huh?"
Huminto siya sa paglalakad at tumitig sakin "Punasan mo yang tipnose mo liit."
"bakit? may dumi?" Tanong ko.
"Tsk wag na nga" sabi niya sabay diretso sa paglalakad, mukha siyang galit na ewan.
Problema nito?
Laking pagtataka ko nang huminto kami sa tapat ng music room at hindi sa clinic.
"Sa clinic tayo diba?"
"Ayoko dun, masusundan ka ni Knite"
"ha?" di ko narinig dahil bumulong lang siya at umiwas ng tingin.
Binuksan niya ang pinto at dahan dahan akong binaba sa upuan ng piano.
"Dali lang" tapos ay lumabas siya.
Kahit na nagtataka ay tumango lang ako.
Habang wala ay nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng music. Last time na nandito kami ay yung nagconfess sakin si Aki. At that time may doubt pa ako sa kanya at masyado kong iniisip na hindi kami pwede dahil siya ang susunod na lider ng Hara.
Pero iba na ngayon.
Nawala lahat ng doubt ko sa kanya nung sinabi niya saking kaya niya akong ipaglaban kahit na itakwil siya ng tatay niya. That was the time na nagkaroon ako nang lakas ng loob at nasabi ko rin sa sarili ko na inlove na nga ako kanya.
Yes, I am inlove with him.
Before, takot ako pumasok sa relationship dahil ayokong masaktan pero mas natakot ako nung malamang enggage sila ni Cyrene. Mas natakot akong malamang ikakasal sila, na sila ang magkakatuluyan at hindi kami. Takot akong masaktan noon, pero mas takot akong mawala sa'kin si Aki ngayon.
Bumalik siya na may dalang
Ice pack. Lumuhod siya harap ko at nilapat ito right ankle ko.
"Cold compress para hindi mamaga"
Simpleng gesture lang niya pero napapangiti na ako. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ano eh.
Tumingala siya, ayun nanaman ang seryoso niyabg mukha.
"Huwag mo kong idaan sa pangiti ngiti mo, may kasalanan ka pa sakin" cold niyang sabi.
"Kasalanan?" tanong ko. Nag-isip pa ako saglit pero wala akong maisip na kasalanan sa kanya. "Wala akong maalala na may kasalanan ako sa'yo"
" tsk Kunin mo yung panyo mo"
"Bakit?"
"Basta akin na"
Kinuha ko yung panyo at inabot sa kanya. Binitawan niya yung cold compress tapos hinawakan niya ako sa chin at pinunasan ang tipnose ko.
"Sa susunod wag ka nang magpapahalik sa iba" then hinalikan din niya ako sa tipnose "Dapat ako lang dahil akin ka lang Kea, akin lang" dagdag niya habang magkadikit ang aming noo.
Shit
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top