BTG 31: Stop this bullshit

[Keallyn's POV]

Kasalukuyan kaming papasok sa school ni Knite. Ginamit namin ang kotse niya kaya siya ang nagdadrive. Habang ako tahimik lang na nakatingin sa bintana.

Hanggang ngayon kase inaalala ko pa rin ang  mga nakwento niya. Lahat ng masamang nangyari sa kanya when he wa just ten years old.

Ni hindi ko na magawang magalit sa kanya, naiintindihan ko na kung bakit ang laki ng galit niya kay Aki.

"Malady"

"hmm?" sabay lingon sa kanya

"Pansin ko lang after kong magkwento sa'yo bigla kang nagiba" Malungkot niyang saad habang nakatingin sa daan.

"nagiba?"

Saglit siyang lumingon sakin "Antahimik mo, di mo na ako sinisigawan o sinasapak" bumalik ang tingin niya sa kalsada "Bakit? naturnoff ka ba sa pagiyak ko?"

Napangiti ako sa tanong niya. "Oo ang panget mo kase umiyak" pagbibiro ko. Para maging light naman ang atmosphere dito sa kotse.

Bigla siyang pumreno at gulat na gulat na humarap sakin "Ha?! Ganun ba kapangit kaya nagiging cold ka na sakin"

I bit my lip para pigilan ang pagtawa ko, tapos ay tumango.

Napayuko siya sa manibela at pinaghahampas ito "Fuckshit talaga!" sigaw niya. Para siyang bata na nagtatantrums.

Ngayon ko lang narealize na sa likod ng isang hambog, bully at arroganteng Knite, nagtatago ang childish side niya, yung side niya na ako lang ang nakakakita.

"Knite"

tumingin siya sakin "Bakit babe?"

"babe?"

He smiled innocently "Girlfriend kita diba?"
Oh shoot, nakalimutan ko na yung about dun.

"In your dreams" sagot ko.

"Madaya ka malady, a deal is a deal. Kailangan mong sumunod sa usapan. Naturingang mafia lider ka tapos wala kang palang isang salita"

Aba't ginamit talaga ang pagiging lider ko!

Huminga ako ng malalim "Fine"

"Yun oh, cute talaga ng GIRLFRIEND ko mainis, Pakiss nga"

I form my fist at itinapat sa mukha niya "Sapak na lang para mas sweet"

"Sige babe basta may kiss pagkatapos" talagang pinapainit nito ang ulo ko.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumapit sa kanya para mahawak ang kwelyo niya.

"STOP FLIRTING ME, WILL YOU? JUST DRIVE THIS FUCKING CAR! MALE-LATE N--"

*tsup*

i stop when suddenly, he freaking kiss me on my tipnose.

Ngiting ngiti pa ang gago.

Gustong gusto ko siyang sapakin pero di ako makabwelo kaya sinakal ko na lang siya.

"Argh! asshole papatayin talaga kita!" tapos ay mas lalo kong diniinan.

Tinatap niya ang braso. "D...di a..ako m..makahinga"

Hingal na hingal ko siyang binitawan at padabog na umupo.

"Just drive!" sigaw ko.

Napaatras ako ng biglang naglean siya sakin. Akala ko kung ano na, susuotan lang pala ako ng seatbelt. "Para sa safety ng malady ko" tapos inayos niya suot kong salamit at inadjust niya ang wig ko sabay balik sa upuan. "See? inasar lang kita in an instant bumalik ka na sa dati. Mas okay yung brutal na version mo kesa tahimik"

Di na lang ako umimik at tumingin sa labas pero sa isip isip ko, nakangiti ako. Siya lang talaga ang may kakayahang painitin ang ulo ko in an instant.

Sinimulan na niya ang pagdadrive

After 5 minutes nang tahimik na atmosphere, nakarating din kami sa school.

Unang bumaba si Knite at pinagbuksan ako.

"Knite!" sabay kaming napatingin sa tumatawag sa kanya.

Isang babae na sa tingin ko ay 30+ na ang tumatakbo papalapit sa'min. Mukhang siyang half British, sobrang puti niya at kagaya kay Knite, may pagka blue din ang mata niya.

"Tita?" takang tanong ni Knite nang makalapit ito samin. "What are you doing here.?

" Si Akihiro..." di ito natapos sa pagsasalita dahil bigla siyang humagulgol sa harap namin. "Si Akihiro..."

Agad kong kinuha ang handkerchief ko at inabot sa kanya.

"Ta, Anong nangyari?" tanong ni Knite.

Hindi agad sumagot ang babae, tuloy pa rin siya sa pagiyak.

Nakita ata ni Knite na naguguluhan ako kay bumulong siya sakin "Siya si Tita Diana, Akihiro's mom"

Ahhh mommy ni Akihiro.

Wait..

what the

"MOMMY NI AKIHIRO!"

Oh shit, sa sobrang gulat napasigaw ako.

Nagtatakang tumingin sakin ang Babae.

"B..bakit ija, kilala mo ang anak ko?"

Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Knite "Girlfriend ko kase siya kaya nakilala niya si lam-Akihiro" umakbay sakin si Knite "diba babe?" sabay bulong sakin "Um-Oo ka na lang malady, pag nalaman pa niyang ikaw si Keallyn magagalit yan"

i mouthed him 'Bakit?'

"I tell you later" bulong niya.

"Ahh yes tama si Knite" sabi ko sa babae

Tumango lang ito.

"Anong nangyari kay Akihiro?" Tanong ni Knite.

Muling napaiyak ang babae "Bu..bumalik na siya sa tatay niya" saglit itong nagpunanas ng luha " He's back in Hokusai Palace, Kanina lang ako nakatanggap ng tawag kay Mitsuki na nasa kanya na anak namin, na tinanggap na ni Aki ang inaalok sa kanya ng tatay niya. Kaya inaantay ko siya dito para makausap"

"Anong inaalok?" i asked

"na maging tagapagmana niya."

Simpleng statement lang pero alam ko na ang buong kahulugan nito.

Mapakla akong napangiti.

It means siya ang papalit sa tatay niya bilang mafia lider na Hara, na magiging kalaban ko siya. Mortal na kalaban to be exact.

"Excuses" paalam ko sa kanila sabay takbo papuntang comfort room.

Rinig ko ang pagtawag sakin ni Knite di ko siya nilingon.

Nang makarating sa Comfort room, agad kong nilock ang pinto at pinagsasapak ang salamin.

"ARGH FUCKSHIT!"

May part sakin, na hindi ko matanggap.

Pwede naman niyang tanggihan diba? gaya ng ginawa niya dati!

Pero bakit niya tinanggap?!

Hinubad ko ang suot kong wig, cosmetic at glasses.

Kung nanduon na siya sa Hara, useless na ang pagdidisguise ko dahil may possibilities na nasabi na niya ang tungkol dito.

Shit Aki, bakit kase sa dami ng pwedeng maging anak ni Mr.Mitsuki, bakit ikaw pa?

Saglit akong nagayos sa salamin, I decided na itigil na ang pagdidisguise ko kaya hindi ko na sinuot ang wig at cosmetic but my huge round thick eyeglasses, i still wear it.

Lumabas na ako ng comfort room at pumunta ng room. Halos lahat ata ng nadadaanan kong Estudyante, napapatingin sakin.

'Tranferee?'

'Woah, ang cool ng red hair niya'

'Who is she?'

'Godess pre kaso panira lang yung uniform'

Iilan lang yan sa narinig kong bulungan pero hindi ko na lang pinansin. Badtrip ako ngayon!

Nang makarating sa tapat ng room, di agad ako nakapasok. Nagkukumpulan kase si Clown, i mean Ynah at ang mga alipores niya sa tapat ng pinto.

Nang makalapit duon ko lang napansin na may pinagtutulungan silang babae. Mukhang Transferee ito dahil ngayon ko lang nakita ang mukha.

Bigla kong naalala si Aki sa kanya.

bakit?

Dahil isa din siyang NERD.

Aaminin ko maganda siya, Bumagay sa kaniya ang morena niyang balat at mahaba at bagsak niyang buhok. Nakasira lang ang suot niyang salamin at ang uniform niyang sobrang laki.

Nagulat ako nang biglang sinampal ni Ynah ang babae.  "kaka transferee mo palang pero naghahanap ka na nang lalandiin mo?" Sigaw nito

Biglang umiyak ang babae.

"H..hindi ko sila lalandiin, kaibigan ko sila!" nagulat ako sa pagsigaw nito.

"How dare you to shout in front of me!" sigaw pabalik ni Ynah sabay amba na sasampalin muli ito.

Pero agad kong hinawi ang mga alipores niya at pumagitna sa kanila kaya natigilan si Ynah sa balak niyang gawin.

"Alam mo bang, major offense ang bullying sa school na to?" cold kong sabi sa kanya.

"Paki ko," she cross her arm "At sino ka naman para pigilan at pagsabihan ako ha?"

I smirked "Baka magulat ka pag sinabi ko"

"Ako magugulat? oh really?" sarcastic nitong sabi.

"I'm ms.Wibbleton bitch, the owner of this school" i said in a matter-of-fact tone.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero agad niya itong binawi "A..as if naman maniniwala kami"

"Gusto mong maniwala?" inilabas ko ang phone ko "Kung hindi kayo umalis sa harap ko in Ten seconds, Tatawagin ko ang Faculty head at iuutos sa kanila na patalsikin kayo sa school KO ora mismo"

Mukhang natakot naman ito sa sinabi ko "T..tara na nga girls" Yaya nito sa mga kasamahan niyang pumasok sa room.

Naiwan kami ni Nerdy girl sa harap ng pinto. Humarap ako sa kanya at mas lalo akong nainis dahil hanggang ngayon umiiyak pa rin siya.

"Will you please stop crying!"

"S..sorry, d..di ko lang kase mapigilan."

Naiirita talaga ako pag nakakakita ako ng weak na kagaya niya at mas lalo akong naiinis dahil naaalala ko ang nerd version ko sa kanya.

i cross my arm "Di mapigilan? Ang sabihin mo, maarte ka lang talaga. Parang isang sampal lang akala--"

Natigil ako sa pagsasalita dahil may biglang humatak sa kanya at pumagitna samin.

S..si Aki, na punong puno ng sugat at band aid ang mukha.

"Hindi ka na pala nagdidisguise? So ikaw na ang nambubully ngayon?" cold nitong sabi sakin.

Umurong ang dila ko dahil sa biglaang pagsulpot niya. I can't explain my feeling right now.

Ang dami kong gustong isumbat sa kanya, gusto ko siyang murahin pero ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko.

Humarap siya sa babae at pinunasan ang luha nito.

Fuckshit,

"Stop crying Cyrene, Ano bang ginawa niya sa'yo?"

Aba't iniisip ba nitong ako pa ang nambully sa babaeng yan?!

Ako nga ang nagligtas sa kanya! bullshit

"W..wala, pasok na lang tayo Hiro" sabay hatak kay Aki papasok.

Wait.....

Anong sabi ni Aki, si..si Cyrene yun?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top