BTG 3: Pissed



Today is wednesday , onother fun,enjoyable, memorable and normal school day para sa nerd 'kuno' na kagaya ko. Note the sarcasm please.

I smile bitterly.

Seriously...Fun and Normal school day? Kailan ba naging masaya at normal ang buhay ko sa school na'to? Yung memorable pwede pa, di ko kase makakalimutan ang mga lintik na pinagagawa ng mga inutil kong classmate sakin. Lalo na yung hambog na lalaking may kulay asul na mata.

Speaking of him...

"Hello Nerdy baby~" Ngiting aso na salubong sakin ni Knite nang makarating ako sa hallway kung saan makikita ang mga locker.
Nakasandal siya sa tapat ng locker ko habang pa cool na nahawak sa Bulsa.

Automatic nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pagmumukha niya. Nafe-feel ko nang may binabalak nanaman 'to.

"Oh wala man lang 'Hello din gwapo' dyan" Aniya. Reffering to himself.

Gwapo? Wait, parang gusto kong isuka yung kinain ko ngayong breakfast. Siya gwapo? Hindi din, baka GAGO pwede pa.

Hindi ko na lang siya pinansin pa at hinarap ko na lang ang aking locker. Saglit ko siyang nilingon, napakunot ang noo ko nang mapansing nagpipigil siya ng tawa.

Problema nito? Baliw na ata tsk.

Tuluyan ko nang binuksan ang locker ko, saktong pagharap ko.....sandamukal na b..basura ang nahulog sa mismong pagmumukha ko.

OO! BASURA! ANG BAHO PAKSHET!

Lalong nakadagdag sa Inis ko ang papalayong tunog pagtawa ng hambog na nasa likod ko. Sinundan ko siya ng tingin naglalakad na siya paalis habang tuloy pa rin sa pagtawa. Mukhang tuwang tuwa ang gago sa nangyari sakin. So eto ang dahilan kung bakit siya nagpipigil ng tawa?

Damn it! Malapit na talaga akong mapuno sa mga utak ipis kong mga classmate lalo na sa hambog na yun. Wag lang nila sagarin ang natitira kong pasensya, baka makapatay ako ng di oras.

Pinili kong magdisguise bilang nerd para hindi ako masyadong pansinin at maging peacefull ang buhay estudyante ko dito.

Hindi ko alam na sobrang kabaligtaran pala ang mangyayari.

Sa 3 days na pagpasok ko, walang araw na walang nanggugulo sa'kin. Sa tuwing maglalakad ako sa hallway, laging may bumabangga sa'kin. Pag sa Cafeteria naman laging may kumukuha ng pagkain ko at ang pinakamalala may naglagay ng glue sa bag at upuan ko kahapon!

Tapos ngayon eto namang locker ko ang pinagtripan nila?! Like what the hell!

I took a deepbreath para pakalmahin ang sarili ko. Wala akong mapapala kung paiiralin ko ang init ng ulo.

Inayos ko muna ang locker ko tapos ay naligo bago bumalik sa room.

~~
Pagpasok ko sa room, biglang nagsitahimik ang mga inutil.

Bigla akong kinutuban sa inaasal nila. Usually kase pag pumapasok ako its either hindi nila ako papansin o babatuhin ako ng kung anu- ano. Pero iba ngayon, nakatingin lang sila sakin na para bang may inaantay sila na gagawin ko.

As usual gaya ng nakagawian hindi ko na lang sila pinansin at pumunta ako sa desk ko. Napairap na lang ako sa kawalan nang mapansin ang red paint sa upuan ko mismo.

So kaya pala sila nakatingin dahil ineexpect nila na uupo ako? Mga Inutil, gagawa na lang kayo ng prank yung halata pa tsk.

Buti na lang dalawahan ang upuan per desk at wala akong seat mate. Kaya sa kabila na lang ako uupo.

Prente akong umupo nang biglang...

*Boogsh*

Bumigay ang inuupuan ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"Hahahahahahahahahahahahahahah"

Napuno ng tawanan ang buong room. Pero may isang boses ang nangingibabaw, kay Knite.

I bet my life, siya nanaman ang may pasimuno nito.q

Natahimik lang sila ng dumating ang terror prof. namin sa business Math.

"oh ms.Velasqo, What happen?" tanong ni ma'am at inalalayan akong tumayo.

"Antanga kase ma'am umupo ba naman sa sirang upuan" sigaw ni Knite.

Hindi na lang ako umimik.

"ahhh ganoon ba? sige kumuha ka ng sobrang upuan sa likod at palitan mo yan"

Sumunod na lang ako para makaupo na agad

~~

"psst nerd" Habang nagdidiscuss ang Pre Calculus teacher namin, may walang hiyang pabulong na tumawag sakin. Obviously Ako lang naman ang nerd dito diba?

Sa boses palang alam ko nang si Knite na hambog nanaman iyon. Seriously? di pa siya napapagod na pagtripan ako?

"Psst hoy ugly nerd."

'Okay isa kang mabait na nerd, wag mo na lang patulan ang abnormal na yan'
paulit ulit kong sinasabi sa sarili.

"psst ms tigyawat na tinubuan ng katawang tao" bulong ulit niya.

Saktong nagsusulat ang teacher sa board kaya anlakas ng loob bumulong ng gago. Rinig ko rin ang mahinang tawanan ng mga classmate kong inutil sa likod.

'okay,calm down keallyn wag mong papatulan ang mga yan'

"hoy nerd na mukhang manang~"

Inhale~ Exhale calm down.

"Ang snob ni panget, hoy! lumingon ka dito"

Di ko pa rin siya pinansin pero sa totoo lang 10% na lang ang natitirang pasensya ko. Onting onti na lang sasabog na ako dito.

"Ayaw mong lumingon huh?"

After niyang sabihin iyon, may naramdaman akong bagay na tumama sa ulo ko.

What the? binato niya ba ako ng crumpled paper?

5% na lang ang pasensya ko. okay kalma pa rin keallyn.

Bigla nanaman akong nakaramdam ng bagay sa ulo ko at take note, two times pa.

BULLSHIT!

Padabog akong tumayo at humarap sa kanya. Sa sobrang lakas ng pagtayo ko natumba pa ang inuupuan ko. Masyado na niya akong ginagalit!

Inis akong humarap kay Knite at tinitigan siya ng masama.
Dahil sa Ginawa ko, biglang tumahimik ang buong classroom. Saktong nasa unahan ako kaya halos lahat ng mga inutil kong classmate nakatingin sakin.

Bakas din sa mukha ni Knite ang gulat. Scared eh?

Pero nawala ang ngisi ko nang narealize na ... oh shit! Sa sobrang inis ko, nakalimutan kong isa pala akong mabait na nerd 'kuno' dito.

Stupid me.

"Yes ms Velasqo? may problema ba?"
Nakacross arm na tanong ni ma'am habang pinagtataasan ako ng kilay. Halata ang pagkakairita sa boses niya.

Bigla akong kinabahan, hindi dahil sa sa teacher na yan kundi ba..baka dito na matapos ang pagpapanggap ko!

'magisip ka ng sasabihin Keallyn!'

"Ahm.. ma'am m..may I go to restroom? m..masakit po kase yung tiyan ko"

*Facepalm* shit.

Sandaling kinain ng katahimikan ang room, maya maya'y nagtawanan ang mga classmate ko sa pangunguna ni Knite, syempre.

"Ma'am, Payagan nyo na si Ugly Nerd! baka di na makatiis. Kaya pala nangangamoy na dito" Sigaw ni Knite. Lalong nagtawanan ang inutil kong kaklase, may iilang napapahampas pa sa desk.

Afsjshshagagavfuck!

"okay ms. Velasqo. You may go" matawa tawang sabi ni ma'am

Agad akong tumakbo palabas ng room, Dumiretso agad ako sa comfort room at nilock ang pinto.

"Argh!" frustration and anger eat me kaya di ko mapigilang sumigaw at sapakin ang salamin.

3 times kong sinapak ang salamin habang binabanggit ang pangalan ni 'Knite Abueva'

That asshole~ pasalamat siya at nasa school kami ngayon. Kung hindi baka kanina pa siya pinaglalamayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top