BTG 28: Hara Organization
[Keallyn's POV]
Walang kabuhay buhay na naglakad ako papunta ng basement ng mansyon kung saan makikita ang conference room na pagdadausan ng meeting namin.
Nakatulala lang ako habang iniisip ang pinagusapan namin kanina.
"Pano yan master?, the feeling is not mutual. Hindi ka importante sakin, Simula nang dumating ka sa buhay ko. Ilang beses na akong muntik mamatay. Alam mo? nagsisi nga ako kung bakit pa kita nililigtas noon e"
That line, yan ang pinakatumatak sakin na sinabi ni Aki.
So all this time na magkasama kami napipilitan lang pala siyang makisama?
I'll do my best para tulungan siyang baguhin. Ginawa ko yun para sa kanya mismo. tapos ni 'thank you' wala man lang akong natanggap? at ang mas masakit pa, parang pinapalabas niyang nagsisi siya kung bakit pa nya ako nakilala.
Fuckshit siya.
Buti na lang at hindi ako umamin na may feelings na ako sa kanya, dahil kung nagkataon mas lalo lang akong magmumukhang kawawa.
Tama na ang isang beses na nagmakaawa ako sa kanya, kung gusto niyang umalis edi go! umalis siya!
The hell i care, and this special feeling that i have for him? I'll just forget it cause the only feeling that i have for him now is.... Hatred.
I hate him to death.
"Good morning malady!" masiglang bati sakin ni Knite nang makarating ako sa pinto ng basement room.
Nakasuot siya ng tuxedo ngayon habang may hawak na kulay green na Folder. As a personal keeper, kasama rin sa trabahao niya ang maging secretary ko kaya kailangang nasa meeting din siya mamaya.
"Walang good sa morning ko tsk"
Sabi ko sabay lagpas sa kanya.
Badmood ako ngayon kaya wala akong ganang makipagusap.
Inunahan niya ako sa pinto at siya na mismo nagbukas "Anong meron at bakit hindi good ang morning ng malady ko?"
"Pwede ba Knite, wala ako sa mood makipagusap ngayon o sumagot ng tanong mo." sabi ko habang dire diretso sa hagdan pababa.
Sinabayan niya ako sa paglalakad
"oh eto na lang, Kung wala kang gana magsalita ngayon. tatanunging na lang kita ng mabilis tas' Oo o hindi lang ang sagot mo. Ayos ba?" tanong habang tinaas baba niya ang kilay.
"geh" sabi ko nalang habang tuloy pa rin sa pagbaba,
"Si keallyn ka diba ?"
"Oo"
"may ari ng WEI? (Wibbleton Elites Institution)"
"Oo"
"At lider ng Venom Organization"
"Oo"
"Maganda ka ba?"
"Syempre- i mean Oo"
"Magaling sa close combat?"
"Oo"
"Sa gun shooting?"
"Oo"
"Pwede bang manligaw?"
"Oo"
"Yes! sabi mo yan ah, wala nang bawian!"
Eh? ano ba yung huling tanong niya?
Huminto ako sa paglalakad nang marealize ko na at binigyan siyang ng low kick sa kanang binti.
"Aw-shit ganyan ka ba sa manliligaw mo?
"loko ka ah! sinong nagsabi pwede ha?" sigaw ko
"ikaw?"
"In your dreams, nalito lang ako kanina tsk"
"wala um-Oo ka na, dapat may isang salita ka"
"Nuh never ako magpapaligaw, especially sayo"
Bigla siyang tumawa ng nakakaloko sabay pindot sa tagiliran ko " ikaw ha~ Ayaw mong magpaligaw kase gusto mo tayo na agad? wag ganon malady, we take it slow--OWW!"
hindi ko na siya pinatapos at sinapak ko na siya sa panga.
Lalo lang akong nabadtrip sa mga pinagsasabi niya.
"Stop saying nonsense and shitty things!"
maotoridad kong sabi sa kanya "Akin na nga yan" sabay hatak sa isa sa mga folder na hawak niya.
"Ang hard mo sumapak, darn it." angal niya habang nakahawak sa panga niya.
"Bagay lang sayo yan anyway sino sinong mga representatives ang pupunta?" pagiiba ko ng topic. Sabay buklat ng folder na hawak ko
Representative ang tawag ko sa mga taong pinagkakatiwalaan kong mamahala ng mga business ko sa black market ng ibat ibang bansa.
Umayos ng tayo si Knite "Representative from US, Canada, Japan, China, Russia, Singapore, Paris, Germany, South Korea, and tito Ricky to represent local bussiness here. All in all there are 10 representative, malady"
"Good" may sense din palang kausap to pagdating sa trabaho niya. Nang makarating na kami sa conference room,pinagbuksan niya ako ng pinto.
Sabay sabay na tumayo ang sampung representatives na mukhang kagalang galang sa suot nilang business attire. Lahat sila ay Nakapwesto na sa mahabang desk dito sa conference room.
"Good morning ms. Wibbleton, its nice to meet you again ma'am" sabi ni mr. Reyes, ang representative ng Japan sabay nakipagshakehand sakin.
Siya kase ang nasa pinakadulo sa kanang line.
"Same mr Reyes" sagot ko.
Tapos ay dumiretso na ako sa pinakadulong parte ng mesa. Hinatak ni Knite ang aking upuan kaya umupo na ako. Nanatili lang siyang nakatayo sa kanan.
"You may seat gentleman" sabi ko sa mga representative kaya umupo na sila.
"First of all, alam nyo naman siguro ang main reason kung bakit ko kayo pinatawag diba?"
Sabay turo sa representative Singapore
"Yes ma'am, to give a report about the sales of our business" sagot nito.
"Good, but before that gusto ko munang tanungin ang representative ng China, kung kamusta na ba ang pagawaan natin ng weapons" lumingon ako rito "Yes mr?"
"For now, wala naman nagiging problema ma'am. Di naman tayo nagkukulang sa hilaw na materyal at mangagawa"
"Good so back to topic. Akin na ang mga reports nyo"
Then umikot si Knite para kunin ang mga USB nila at folder.
Kinuha ko ang mga folder at binasa lahat.
Tumaas ang sales sa Germany, US at Paris kumpara sa sales last year.
Samantalang sa Canada At Russia namaintain lang nila.
Pero sa mga Asian countries like Japan, China, South Korea, Singapore at dito sa pilipinas sobrang laki ng ibinaba ng sales. Shit.
Padabog kong binagsak ang Folder.
"Representatives of U.S, Russia, Germany Canada and Paris, Good Job Gentleman but for the representative of asian countries, Bakit ang baba ng sales nyo?" mariin kong tanong sa kanila.
Kita ko ang takot sa kanila well except kay ninong Ricky. kaya siya na lang ang sumagot.
"Nak, Bumaba ang sales namin dahil yung tatlong Barko na nagdedeliver around Asian, may nagpasabog"
Napatayo ako sa gulat.
"What?! Bakit di mo sinabi sakin Nong"
"Dahil ineexpect namin na magagalit ka, kaya nagisip muna kami ng paraan pero wala eh, masyadong malaki ang nawala satin kaya di kami nakabawi"
Umupo ako at Napahilot sa sintido para kumalma "Okay, Imposibleng Coincidence lang ang pagsabog ng tatlo kong barko. May hinala ba kayo kung sino ang gumawa nito?"
"Hindi kami sure ma'am pero may hinala na kami na ang Hara organization ang mag gawa nito. Sila lang naman ang matindi nyong kakompetensya dito sa Asia" sagot ni mr.Reyes
I form my fist nang marinig ang pangalan ng Organization na yun. Buhay pa man si Dad, mortal na kakompetensya na namin sila.
100% sigurado ako na sila ang may gawa nito. Yung mga lintik na hapon na yun, madumi sila maglaro. Sa kanila rin galing yung mga taong gustong pumatay sakin.
"What? Hara organization?!" Napatingin kaming lahat kay Knite sa biglaang pagsigaw niya.
"Yes mr. Keeper, sir may alam ka po ba tungkol sa kanila?" tanong ng isa sa mga representative.
Tumingin sa'kin si Knite pero agad din siyang umiwas ng tingin "Aaah wala wala, Hara kase pangalan ng pitbull ko"
Napatawa ang iba sa sinabi niya but i just give him a suspicious look.
Halatang nagsisinungaling siya, alam kong may alam to si Knite about Hara org.
Muli akong humarap "Okay gentlemen, The meeting is now Adjourn. Magpapatawag na lang ulit ako ng Conference para mapagusapan ang solution tungkol sa pagbaba ng sales But for now let me excuse, may importante pa akong gagawin."
Nauna na akong lumabas habang nakabuntot sakin si Knite.
Dumiretso ako ng library room kung saan matatagpuan ang office ni Dad.
Pagkasarang pagkasara ni Knite ng pinto , agad ko siyang hinarap.
"Spill it"
naguguluhan siyang tumingin sa'kin "Anong spill it?"
"Lahat ng alam mo tungkol sa lintik na organization na yun"
Sa totoo lang dekada ko nang kilala ang organization na yun but except to their names at galing silang Japan, wala na akong ibang alam na information tungkol sa kanila. Kaya ganito ako ka eager na tanungin si Knite.
"Wala akong alam tungkol--"
Malakas ko siyang tinulak at sinandal sa pader. habang nakahawak sa kwelyo niya.
"Stop lying! Alam kong may alam ka! Just Fucking spill it."
He smirked "Fine, may alam nga ako, pero sasabihin ko lang sa iyo sa isang kondisyon malady"
"The eff, Master mo ko! kasama sa responsibilities mo na sabihin sakin yun"
"Okay, kung ayaw mo edi wag"
Binitawan ko siya "Fine, anong kundisyon?"
Lumapit siya sakin at bumulong "Be my girlfriend malady then sasabihin ko lahat sa'yo"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top