BTG 26: Gusto kita malady

[Keallyn's POV]

Sa gitna nang paguusap namin ni Aki. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang batok ko at dahan dahang inilalapit ang mukha sakin.

Lahat ng inis ko biglang napalitan ng panic.

The eff. Is he going to kiss me?!

Gusto ko siya itulak pero may something sakin na nagsasabing gusto ko rin ito, na para bang manghihinayang ako once na hindi ito matuloy.

'The hell ano bang nangyayari sa'kin?'

Then Suddenly, i felt his soft lips against mine.

At that time para bang lahat ng galit ko ko kay Aki, nawala, bigla na lang naglaho.

I closed my eyes at unti unti kong ginalaw ang aking labi. Naramdaman ko ang malumanay na pagresponds niya.

I felt something in my stomach and my heartbeat? damn! it was fast as hell!

"WHAT THE FUCK!" agad akong napadilat at tinulak si Aki nang marinig ko ang boses  ni Knite.

Y...yeah what the fuck.

Argh! Ewan ano ba tong nangyayari sakin? Naghalikan kami! Dapat ay nagwawala na ako sa inis pero ni katiting di man lang ako nakaramdan ng pagsisi sa ginawa namin. Hindi ko rin magawang magalit kay Aki.

Napatingin ako kay Aki. kagaya ko ay gulat na gulat din siyang nakatingin sakin. Agad akong umiwas ng tingin, shit bigla akong nailang sa kanya.

Tinitigan ko na lang si Knite na sobrang sama ng tingin sa'min. teka bakit galit na galit ang isang to?

Mabilis siyang lumapit papunta kay Aki.

Base on his expression, alam kong sasaktan niya ito kaya mabilis akong tumayo at humarang sa gitna nila.

Pero malakas niya akong hinawi at dahil hindi ako handa, paupo akong bumagsak.

"Uulitin mo nanaman ha!" galit na sigaw ni Knite sabay hawak sa kwelyo ni Aki habang inaalog ito. "Pati siya aagawin mo sakin?!"

The eff, Anong aagawin?!

Hindi nagpakita ng takot si Aki, sa halip ay ngumisi pa ito "Aagawin? Bakit may gusto ka ba sa kanya? May gusto ka ba kay Keallyn?"

huh? sa'kin?

Biglang lumuwang ang pagkakahawak ni Knite. Kaya nakatayo si Aki.

"Nanahimik ka bigla? pinapairal mo nanaman yang pagiging torpe mo Knite." mapakla itong natawa "Ano nga ulit sabi mo? Aagawin ko? Ni hindi ka pa nga umaamin tapos inaangkin muna. Samantalang ako..." lumapit siya dito at bumulong "'nahalikan' ko na"

"Gago ka pala eh!"

Mukhang napikon si Knite, kaya bumwelo ito ng sasapakin si Akihiro. Muli akong pumagitna na kanila at malakas na tinulak si Knite.

"bakit mo--"

"A..ano bang kinakagalit mo?" putol ko sa kanya.

"Yan!" sabay turo kay Aki "Yang lampa na nasa likod mo! Lahat na lang inaagaw sakin!"

Napafacepalm ako sa sagot niya "Pwede bang magmove on na? Gosh Knite. Antagal na nun, puppy love mo lang si Cyrene"

Hanggang ngayon ba naman di siya makamove on dun? Shit lang.

Napasubunot siya sa sobrang frustration "Fuck it Keallyn, Di ko alam kung slow ka, manhid o Indenial ka lang na alam mo na. I totally forgotten about Cyrene, Ikaw yung tinutukoy ko! Cause I like you! Damn me for liking you!"

What

the

hell.

Parang umurong ang dila ko sa sinabi niya. Never in my life may nagconfess sakin. Seriously wala akong alam sa ganito, di ko alam ang irereact ko sa kanya.

Hinawakan niya ako sa balikat "He fucking kissed you! Bakit ka pumayag! Kayo na ba ha?"

Bakit ko nga ba hinalikan pabalik si Aki? Ewan hindi ko alam.

Speaking of Aki, lumingon ako sa likod pero wala na siya. Hindi ko man lang naramdaman ang pagalis niya.

"Sumagot ka naman please, kayo na ba?" Mababakas ang sakit sa boses at sa mata niya habang nakatingin sakin.

Di ko alam pero imbis na matuwa ako sa lagay ni Knite ngayon, Naawa ako sa kanya.

"H..hindi kami, w..wala yun.. H..hindi ko alam kung bakit ko siya hinalikan"

Para bang nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at pinunasan ang aking labi gamit ang kanyag hinlalaki "Buti naman, kundi makakatikim sakin yung lampa na yun"

Hindi ko pinansin anv sinabi niya ."B...bakit ka pala nagkagusto sakin. Dahil ba pareho kami ni Cyrene?"

Huminga siya ng malalim at seryosong humarap sa'kin.
"At first Oo, The way kung paano ka pumorma, kumain, magsalita, tumawa at halos lahat na ata parehas kayo. Pero habang tumatagal nagugustuhan na kita hindi lang dahil parehas kayo ni Cy kundi nagustuhan kita bilang ikaw mismo......."

Hinubad niya ang salamin ko.

"Malady"

Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi.

"It means, a..alam mong....."  sa sobrang gulat nga ay nagamit ko mismo ang normal na boses ko.

Tumango siya "Yes ms.Wibbleton, alam kong ikaw yan so please stop pretending infront of me"

"Papano at kailan mo nalaman?!"

"Actually, matagal na akong naghihinala. Oo nabago mo nga ang itsura mo pero kilala ko ang mata ng malady ko, yan ang matang di ko kayang titigan dati. At isa pa, ngayon ko lang talaga nakumpirma dahil dito"

Tinuro niya ang kanang mukha ko, may nakalabas na ilang piraso ng pula kong buhok. Marahil sa lakas ng pagkakaupo ko kanina, di ko namalayang lumuwag na pala ang wig ko.

Then tinap nya yung ulo "Pati ang maliit mong height malady kabisado ko"

Nagrindi ang tenga ko sa sinabi niya.

"Anong maliit?!" Binigyan ko siya ng malakas na sapak sa dibdib.

"Oww, Sinaktan mo na nga ako emotionally pati ba naman pisikal? Naku pasalamat ka-"

Nakapameywang ako sa kanya "Pasalamat ako dahil?" sabay taas ng kilay.

"Pasalamat ka, gusto kita" Then he winked at me.

Argh! Wala naman atang gusto sakin tong hambog na to eh. Parang pinagtritripan lang ata ako.

Lumapit ako sa kanya "Gusto din kita"

Gulat siyang tumingin si Akin "talaga?"

"Oo, gusto kitang---- patayin!" sigaw ko.

Natakot ata siya kaya bigla siyang tumakbo papalayo "Wag muna malady! magpapakasal pa tayo!"

Aba't ang loko talaga, "You asshole, pag nahabol kita I swear babaliin ko yang buto mo!"

[Akihiro's POV]

"Wag muna malady! magpapakasal pa tayo!"

Mapakla akong napangiti nang marinig ko ang sigaw ni Knite.

Nandito pa rin ako sa soccerfield. Nakaupo sa isa sanga ng puno, habang pinapanood silang naguusap or should i say naghaharutan.

"You asshole, pag nahabol kita I swear babaliin ko yang buto mo!" Sigaw ni liit.

Tapos ay naghabulan na sila sa malawak na Field.

Nagsucess ang plano ko. Sinadya ko talagang pikunin si Knite kanina para mapilitan siyang umamin kay liit.

At umalis para bigyan sila ng oras para makapagusap.

Kahit na alam ko sa sarili kong mahal ko na siya pinili ko pa ring magparaya. Masyado akong nasaktan nang makita ang mukha ng pinsan ko kanina at isa pa iniisip ko na lang na kabayaran at karma ko to sa pangaagaw ko kay Cyrene noon.

Sobrang sakit na karma.

'Dahil simula ngayon, iiwasan na talaga kita liit'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top