BTG 22: Problema nun?

[Akihiro's POV]

Nakakainis naman oh!

Agad akong bumalik sa room nang malaman kong hindi pala sasabay sakin si Liit. Para akong tanga na antay ng antay sa field. Hindi naman pala siya pupunta.

Nawalan na ako ng ganang kumain, kainis naman si Knite. Si Kea na nga lang nakakasabay ko, inagaw pa.Badtrip.

-

Pagbalik ko ng room, may mga babaeng nagsisitilian na sumalubong sa'kin. Para akong artista na pingakakaguluhan nila. Napailing na lang ako nang makita na ang iba sa kanila ay yung mga  nambubully pa sa'kin nung nerd pa ako. Mga babae nga naman.

"kuya pengeng digits!"

hmm 1?

"kyaaah! kuya anong name mo?"

Tekla pfft.

"Paselfie pleeease!"

Selfie pero kasama ako? Nice -_-

"Kuya anong FB account mo? IG? twitter? dali ipa follow kita?"

Aaminin ko magaganda ang iba sa kanila pero hindi ako interesado, si liit lang gusto kong makita ngayon!

Napahinto ako sa paglalakad nang may isang babae ang humarang sakin. Inabutan niya ako ng box ng donuts.

"ku..kuya box of donuts, for you"

Patweetums na sabi niya sabay tingala sa akin.

Nakasuot din pala siya ng salamin kagaya kay liit.

Bigla tuloy akong nabadtrip, naalala ko nanaman na kasabay niya si Knite ngayon at hindi ako!

Hinawi ko yung box niya.

"tabi" mahinahon kong sabi.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko "Pe..peero kuya kunin--"

"Sabing tabi e! Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog ha?" Sigaw ko

Napaigtad sa gulat yung babae, iiling iling akong naglakad papasok ng room.

Narinig ko ang ibang bulungan, mukhang nadismaya ang iba sa inasal ko. Paki ko sa kanila.

"Aki!" natigilan ako nang marinig ko ang nerd version na boses ni Kea.

Paglingon ko, nasa harap na siya nang babaeng may hawak na donuts.

At nasa tabi naman niya si Knite, lalo akong nabadtrip nang bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay at pagtingin ko kay Knite nginisian pa ako.

Woah, Parang kanina habang lumalabas sila ng room. Nagpupumiglas pa si Liit pero ngayon siya na mismo ang hawak sa kamay ni Knite. Nice.

"Ang sama mo, bakit mo siya sinigawan?"  biglang sabi ni Liit sabay turo sa babae. Nakonsensya ako dahil umiiyak nga yung bata pero nangingibabaw pa rin ang inis ko.

lumapit ako kay Kea at bumulong "Ako masama? Alam kong alam mo na sa'ting dalawa. Ikaw ang mas masama Kea. Kaya wag na wag mo kong pagsasabihan"

Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya sa sinabi ko.

Hindi ko siya hinintay na sumagot, tumalikod na ako ang naglakad papasok.
---

Pagkaupo ko, dun ko lang narealize ang sinabi ko kay Kea.

Sa sobrang badtrip ko kung anu anong kagaguhan ang lumalabas sa bibig ko.

Siguradong galit sa'kin yun ngayon T-T
The last time na sinabihan ko siyang masama, ilang araw siyang nagalit tapos pinatayo ako sa target shooting para mapatawad lang.

Tapos eto naman ngayon, baka mapatay na niya ako..

Sa sobrang frustation, ginulo ko ang buhok ko.

Aish antanga antanga ko. Ganun talaga ako pag badtrip kung anu anong pinagsasabi pero te..teka bakit ba ako nabadtrip?

eh nakita ko lang naman yung magkahawak nilang kamay e. Wala namang nakakainis dun e bakit naiinis ako? Ewan!

Magkahawak kamay silang pumasok, kainis di ba pwedeng hindi magkahawak ng kamay?

Tumingin ako kay Knite na pasipol sipol pa habang nakatingin sa'kin. Samantalang si Liit, pinanlilisikan ako ng mata para bang sinasabing 'Patay ka sakin mamaya'

Sabay upo sa upuan nila nang MAGKAHAWAK PA RIN ANG KAMAY. may glue ba yang kamay nila? kaya ayaw maghiwalay? Asar.

After few minutes dumating na ang teacher namin ang nagdiscuss.

Hindi ako makapaconcentrate sa Discussion. Nakatuon ang atensyon ko sa dalawang nasa harap. Seryoso silang naguusap tapos minsan napapangiti pa si Liit sa sinasabi ni Knite. Tapos pag tumitingin si Liit sa board, hihipan ni Knite yung Tenga niya pero imbis na mainis tatawanan pa niya ito.

Kainis, ngayon lang sila sabay kumain tapos close na agad sila? T_T

[Keallyn's POV] (Few minutes before/ @Knites Private room)

Napatayo ako sa gulat "A..no?!" Shocks, Ex pala yun ni Aki?

Ang buong akala ko Ex ni Knite yun.

Umupo ulit ako at lumapit sa kanya.

"Y..yun ba and dahilan kung bakit ka Galit na galit kay Aki?"

Bigla siyang sumeryoso, huminga siya ng malalim at nakatingalang sumandal sa Sofa.

"Sa totoo lang, hindi naman kami ganito ni Aki noon. Siya lang ang nagiisang pinsan ko kaya best buddies kami dati, hindi mo kami mapaghihiwalay. Pero nang iba nung dumating si Cy nung grade 5 kami. Kagaya mo nerd at lalampa lampa rin ang babaeng yun." Saglit siyang natawa at lumingon sa'kin.

"Everytime na may nambubully sa kanya, lagi ko siyang nililigtas. Superman pa nga tawag niya sakin e. Sobrang bait ni Cy, masayahin kaya hindi nakakapagtaka na nagkagusto ako sa kanya and thats the time na biglang sumingit naman si Aki, Kahit na alam niyang may gusto ako kay Cy, niligawan pa rin niya yun. Kaya ayun naging sila, Nakakagago lang"

Ahh kaya pala, kung ako ang nasa posisyon ni Knite talagang magagalit ako.

Pero pinagtataka ko lang, masyadong mababaw ang puppy love para maging ganito ang pakikitungo ni Knite kay Aki. to the point na ginawa na niya itong slave at laging pinapahiya sa harap ng iba.

"uhm, pwedeng magmove on na lang? Sobrang tagal na nun Knite, patawarin mo na si Aki" Never in my life naimagine kong magsasalita ako ng ganito. Ang Corny tsk.

Agad na umiling si Knite "Hindi lang yun ang dahilan kung bakit ako galit sa kanya. "

eh? Mayroon pa?

Gusto ko sana siyang tanungin kung ano yung ginawa ni Aki pero saka na lang. Mukhang masyadong sensitive sa part niya na pagusapan yun. Para kaseng naiiyak na siya.

Sarap sanang picturan ni Hambog, never kong naimagine na makikita ko siyang ganito.

Umupo siya ng maayos at tumingin sa'kin
"Since pinaalala mo sakin yung ginawa nya. Bigla tuloy akong na nagalit at parang gusto ko tuloy pagtripan yung lampa na yun"

"H.hala wag"
Biglang lumabas sa bibig ko, shit ano ba tong nangyayari sakin?

he smirked "oh bakit ayaw mo? May naisip pa naman akong prank sa lampang yun. Paano kaya kung..... Paikutin ko siya sa buong Campus na nakaboxer lang? Ang saya nun"

The eff talaga tong hambog na to. Grabe na yung gagawin niya kay Aki.

"Wag na lang p..please" for the first nagmakaawa ako sa isang tao at kay hambog pa talaga argh!

Napangiti si Knite sa sinabi "Ano ulit yung sinabi mo panget? Di ko narinig" pangaasar niya.

Fuckshit ka Knite, humanda ka sakin sa training.

"W..wag mong gagawin please" ulit ko.

"Sige hindi ko na gagawin kay lampa yun pero..."

"Pero ano?"

Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko. "Everytime na nasa paligid yung lampa na yun, lagi mong hahawakan ang kamay ko ng ganito kahigpit" sabay intertwine nang mga daliri namin.

"Eh? Hahawakan lang para san naman?"

Holding hands lang pala e, no big deal.

"Pag nakikita ko kase yung lampang yun bigla akong nababadtrip. Bale gagawin mo sakin yan para kumalma ako. Gets?"

"Paano ka naman kakalma sa hawak lang?"
Ngumiti siya ng nakakaloko sabay tingin sa kamay namin "Basta" sabay pisil ng ilong ko "Ang inosente mo talaga"

Tumayo na siya at hinatak ang kamay namin. "balik na tayo sa room, tapos na yung break"

Kinuha na namin ang bag namin at Umalis.

Nang makalabas, pinagtitinginan kami sa corridor, hanggang sa paglalakad kase, magkahawak pa rin ang kamay namin.

Pagdating sa tapat ng room, maraming babae ang nakaharang sa pinto. Hinawi ito ni Knite para makadaan kami.

Natigilan kami ng makita namin si Aki na nasa gitna at may kaharap na babae.

"Sabing tabi e! Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog ha?" Nagulat ako sa pagsigaw nito.

The heck, parang hindi siya si Aki.

Iiling iling lang siyang naglakad papuntang pinto. Habang naiwan ang babaeng sinigawan niya na umiiyak.

"Aki!" tawag ko rito.

Lumingon siya sakin.

Anong meron at parang galit siya ngayon?lalong kumunot ang noo niya nang tumingin siya sa kamay namin ni Knite.

Problema nito?

"Ang sama mo, bakit mo siya sinigawan?" sabi ko sabay turo sa babaeng umiiyak

he smirked at lumapit sakin para bumulong "Ako masama? Alam kong alam mo na sa'ting dalawa. Ikaw ang mas masama Kea. Kaya wag na wag mo kong pagsasabihan"

It hits me.

Oo alam kong masama akong tao, walang awa akong pumapatay pero pag sinasabihan ako ni Aki ng ganoon, bakit hindi ko matanggap? Bakit parang naninikip ang dibdib ko?

Sa sobrang pagkatulala ko, di ko namalayang nakapasok na siya.

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Knite.

"Okay ka lang? Tell me anong binulong sa'yo nung lampa na yun?"

Hindi agad ako nakasagot, parang may nakaharang sa lalamunan ko. Yumuko lang ako.

Fuckshit bakit ako naiiyak?

Hinawakan ni Knite ang baba ko at pinaharap sa kanya.

"Kung iiyak ka, umiyak ka na"

Lalo kong pinigilang umiyak. 'Tears symbolyse how weak you are' Kaya never akong iiyak sa harap ng ibang tao.

"Ay wag na pala, baka lalo ka lang pumangit haha" Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Joke lang haha, tara na nga." Sabay hatak sakin papasok ng room.

Nakita ko si Aki na nakatingin sa'min. Sinamaan ko siya ng tingin. Masama pala ha? Yari ka sakin mamaya.

Umupo na kami ni Knite sa unahan, maya maya ay dumating na ang teacher namin.

Habang nagdidiscuss si ma'am, di ako makakinig ng maayos. Kinukulit kase ako ni Knite kung ano raw ba ang binulong ni Aki.

"Psst panget, ano nga?" pangungulit niya.

"Wala nga yun"

"Ayaw mo magsabi ha?" Then kiniliti nya yung palad ko. Nalaman niya kaseng malakas ang kiliti ko duon.

"Ano ba?!" matawa tawa kong sabi sabay hablot sa kamay ko.

"Ano nga kase?" argh ang kulit.

"Wala nga sabi, bahala ka dyan makikinig na na ako kay ma'am" sabay tingin sa harap

Bigla niyang hinipan ang tenga ko sabay kiliti ulit sa palad ko "Isa!" matawa tawa kong sabi.

"dalawa?" tuloy niya.

Napafacepalm na lang ako, May pagkachildish pala tong si hambog.

Tinitigan kami ng Teacher kaya bigla kaming umayos.

Then pinagpatuloy niya ang lecture
" As i said, Communication is a way of transmitting your--"

Natigil si ma'am nang may padabog na tumayo sa likod.

Paglingon namin, si Aki pala.

"Yes mr.Aruta?"

Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya ng masama samin. Tapos ay walang pasabing lumabas ng room.

la? Anong problema nun?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top