BTG 2: First day, hell day

Sa paglalakad ko sa hallway ng school, halos lahat ng atensyon ng mga kapwa ko estudyante nakatuon sa'kin. Mababakas ang gulat, pagtataka at pandidiri sa mukha nila.

Well, sino bang hindi mabibigla kung may isang panget  at baduy na nerd ang naglalakad sa isang kilalang school ng mga elite. Sa school ng mga jerk at brat na walang ginawa kundi  ipagmayabang ang mga kayamanan at estado ng pamilya nila. Sa school na para lang  sa mga anak   ng mga nakakaangat sa lipunan. Sa Wibbleton Elite Institution.

I just mentally rolled my eyes and keep walking. I don't give a damn care about their reaction or whatsoever. Aksaya lang sa oras ang mga inutil na yan.

Dumiretso na agad ako sa room ko, sa ABM 03. Wala pang teacher pero halos lahat ng upuan may naka-occupy na. Sa totoo lang hindi siya mukhang room ng senior high. Parang elementary student kase ang mga magiging  classmate ko. Ang Gulo nila at ang ingay, mayroon pa ngang nagbabatuhan ng crumpled paper at naghahabulan. Nang mapansin nila ang presensya kong parang tangang nakatayo sa pinto, lahat sila natigil sa kanya kanyang ginagawa at tumingin sa'kin.

"Excuse me miss? Mukhang naliligaw ka ata?" mataray na sigaw ng isang babae, sa itsura at way ng pananalita niya mukhang maarte at walang ginawa kundi magpaganda ang isang 'to. Tsk mukha na nga siyang clown sa makeup niya.

May isang babae naman ang tumayo at lumapit sa'kin

"Hindi siya naliligaw Ynah, siya ata yung sinasabi Ni ma'am na scholar at bagong transferee" lumingon ito sa'kin "tama ba miss?"

Tumango lang ako. Mukhang mabait naman ang isang 'to.

"Ah sige, bakante tong seat sa unahan, dyan ka na lang umupo"
Wow! ang ganda ng pwesto ko. Sa unahan at take note gitna pa. Note the freaking sarcasm please tsk.

"S..salamat"

Ngumiti lang siya at bumalik sa upuan niya.

Nilibot ko ng tingin ang buong room. Ngayon ko lang napansin na halos lahat sila nakatingin pa rin sa'kin at nagbubulungan.

The eff! Ngayon lang ba sila nakakita ng nerd?

Maya maya ay may dumating na teacher. Agad itong napatingin sa'kin.

"Ms. Velasqo Right, the tranferee?" she asked while giving me  a confused look.

"O..opo ma'am"

Tinitigan niya ako na parang may mali sa'kin. Lalong kumunot ang noo niya nang mapansin ang maluwag kong blouse "I see, okay introduce yourself later. For now take a sit" utos niya na agad kong sinunod. Then humarap siya sa buong Klase. "Okay Class, goodmorning"

"Good morning ms. Gomez" sabay sabay na respond ng mga classmate ko

"Class, may bago kayong classmate, this week lang siya nakapagtransfer at scholar siya ng owner ng school"

"huh? Kilala niya si ms.Wibbleton?"

"o em gee, nameet na niya ang owner?"

" What?! Kilala nya yung owner?"

Lihim akong napangiti sa bulungan nila.

Dahil ang taong tinatawag nilang ms.Wibbleton at ako ay iisa.

"Quiet class! let ms. Velasqo introduce herself" sigaw ni ma'a tapos ay lumingon at tumango sa'kin.

Pupunta na sana ako sa harap pero natigilan ako nang may padabog na bumukas ng pinto.

A man with a blue eyes, pointed nose, thin lips and perfect jawline with a messy hair interrupt our class.

"Mr. Knite Abueva! You're late" sigaw ni ma'am dito.

"kailan ba hindi?" respond nito using his husky voice with unpolite tone.

Naghihintay ako na pagalitan ito ni ma'am dahil sa pagsagot niya pero hindi ito umimik, hinayaan lang nya yung Knite na umupo sa Desk nito sa likod na para bang walang kasalanan?

The heck, di ba siya marunong dumisiplina sa mga estudyate niya?

Bumalik ulit ang atensyon niya sa'kin "Okay ms. Velasqo, introduce your self"

Tumayo ako at nag act na nahihiya sa harapan.

"G..good morning Classmate. My aaah my name is K..Keallyn Vellasqo" nag 60° bow muna ako bago umupo. Stammering is part of my acting skill, tinataasan ko rin ng pitch ang boses ko kumpara sa normal.

"hi~ k..k..keallyn" paasar na sigaw ng isa kong classmate, dahilan para magtawanan ang iba.

Oh great, wala pang isang oras simula ng first day ko dito, naging tampulan na agad ako ng tukso.

Well, di na dapat ako nagulat. This is a part of miserable life ng kagaya kong 'nerd' kuno right?

Lumibot ang tingin ko para hanapin kung sino man ang poncio pilatong sumigaw kanina. Tinuro ng mga classmate ko yung Knite at ang gago, nakangisi pa talaga sakin huh?

I guess may lahing foreigner ang isang to, base sa feature ng mukha plus the fact na kulay blue  pa ang  mga mata niya.

Sa Pagkakaalala ko, Knite Abueva ang whole name niya. Sa tindig at itsura pa lang, mukhang hambog at playboy ang isang ito. Siya yung tipo ng lalaking attention seeker at nagpapaiyak ng mga kababaihan. Call me Judgemental or what pero yun talaga ang first impression ko  kanya.

"ms panget, wag ka ngang tumingin sakin! Nakakaasiwa yang mukha mo.Para kang tigyawat na tinubuan ng tao"  lalong nagtawanan ang mga classmate ko sa sinabi niya. "

This jerk, i swear after five to ten years papatayin ko siya sa brutal na paraan.

Lihim akong napangisi nang maisip na may buena mano na sa Death note book ko . Yeah after kong umuwi galing states, gumawa ako ng death notebook at after 5-10 years kung saan pwede na akong pumatay ng civillian na tao. Iisa isahin kong papatayin ang lahat ng nakalista duon.

DNB#1 Knite Abueva

"so...sorry" umaarte ako na nahihiya sa harap nila kahit na gustong gusto ko nang magwala dito. Sarap ibato ng desk sa pagmumukha niya sa totoo lang.

"Quiet class!" sigaw ng teacher namin. "

Isa pa tong teacher na'to, kunyari sinasaway ang mga classmate ko pero kitang kita ko sa mukha niya na nagpipigil din siya ng tawa habang nakatingin sakin.

Siguro ay natatawa siya sa itsura ko ngayon.

Nakabraid na buhok.

Disgusting braces.

Gusot gusot na blouse.

Palda na imbes above the knee e halos sumayad na sa lupa.

Cosmetic pimple sa Noo at pisnge.

And to complete my nerdy attire, a huge round and thick eyeglasses ang humaharang sa almond shape na mata ko.

Yeah  yeah nakakatawa nga, Eh kung patalsikin ko kaya siya sa school KO? Yes, ako lang naman ang nagmamay-ari ng school na'to. Ang Wibbleton Elites Institution, pero ang mga inutil na nakapaligid sa'kin walang kaalam alam.

Ang buong akala nila , isa lang akong scholar na nagtransfer dito. Isang panget na nerd na nagsisikap magaral sa isang kilalang  school. Isang mahinang nerd na kina kaya kaya ng lahat.

Being the only daughter of one of the greatest mafia lord ,really sucks. I hate it. Kailangan ko pang magpanggap para daw sa proteksyon ko. As if kailangan ka pa nun, kayang kaya ko naman ang sarili ko.

Sa totoo lang, ayoko na talagang mag-aral. Kahit naman di ako makapagtapos ng kolehiyo, mabubuhay ko sa ng sarili ko. Maraming mga ari arian akong mamanahin sa mga magulang ko at sapat na 'yon para mabuhay ako hindi ba?

Pero no choice ,  dahil noong 10 years old palang kase ako nang mamatay sina mom and dad at bilang nagiisang anak, mamanahin ko lahat ng mga bussiness ng Angkan nila. Pero nakalagay sa last will testament nila na kailangan ko munang makapagtapos ng senior high Sa school na pagmamayari ni mom para makuha iyon.

In short, 2 freaking years pa akong magpapanggap at magtitiis sa school na'to.

Psh bakit ba kase kailangang dito pa talaga? eh pwede namang duon na lang ulit ako sa states magaaral. Atleast duon malaya ako, eh dito? Kailangan ko pang magpanggap tsk.

"ms Vellasqo!"

Agad akong napatayo sa sigaw ni ma'am hipon. Oo mukha kase siyang shrimp, ang sexy nga ang panget naman.

"P..po?" I asked. Anong problema ng hipon na'to at parang galit na galit sakin?

"Kanina pa kita tinatawag miss! First day of school palang hindi ka na nakikinig! Gusto mo bang matanggal ang scholarship mo?" may halong pagbabanta sa boses niya.

For the first time, may taong sumigaw at nagbanta sa'kin. Anong sabi niya? tatanggalin niya ang scholarship ko? oh don't me hipon. Baka ikaw pa ang tanggalan ko ng trabaho.

Umarte ako na natatakot sa harap niya "P..po? a..ayoko po ma'am"

"Good, sa susunod makinig ka na okay? Panget ka na nga bingi ka pa."

Duon lalong Nagtawanan ang mga classmate ko sa sinabi niya

Naiyukom ko ang kamay ko sa pagpipigil.

I swear, after kong makagraduate i will make her life living like a hell. Papahirapan ko siya to the point na hihilingin na lang niyang mamatay.

Evil me right?

I know, I know.

Ofcourse! tatawagin ba akong Evil mafia Queen kung hindi?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top