BTG 1: Venom

Keallyn's POV

Huminga muna ako ng malalim bago pumwesto sa gitna ng naglalakihan kong kalaban. Hindi ko mabilang kung ilan ba ang total nila. I guess lagpas fifteen? I dunno and  I don't fucking care kung ilan sila. Nakatalo na ako ng lagpas sa hundred na tauhan ng kalaban kong mafia lord in 30 minutes. Ito pa kayang 15 plus lang?

Easy.

To make this boring fight Exciting. Ibinaba ko na ang hawak kong sword. Hindi ko rin naman masyadong magagamit 'yan. I can kill my enemy using their own weapon.

Lalong nagwala at naghiyawan ang mga audience sa ginawa ko. They all screaming my screen name

"Queen Venom! QueenVenom!"

"Queen V for the wiiiiiiin!"

"kill those ugly goons queen!"

Di ko maitatangging sikat ako sa underground fight dito sa States. Sino ba namang hindi makakakilala kay Queen Venom? Ang kauna-unahang babae na nanalo sa underground fight at 1 year undefeated champion.

Marami na ang nagtangkang talunin ako. Lalo na yung mga lalaking di matanggap na isang 17 years old teenage girl lang ang kasalukuyang champion. Obviously, walang nagtagumpay. Masyado kase nilang minamaliit ang kakayahan ko.

Kahit na narinig ko na ang pagtunog ng bell. Nakuha ko pang kumaway at magflying kiss sa mga fans.

Nakita ko sa peripheral vision ko, na may isang palihim na sumugod sakin.

Mukhang duwag ang isang 'to, talagang sumugod habang hindi ako nakatingin huh?

May hawak siyang sword, bumwelo siya na i-slice ito sa bandang leeg ko.Balak pa atang ihiwalay ang  pretty face ko sa hot at sexy kong katawan.

No fucking way dude.

Agad akong yumuko para makailag. Sinipa ko ang kaliwang paa niya para mawalan siya ng balance at matumba. Pagkatumba niya, kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang sword niya at walang awang sinaksak ito sa dibdib. One down.

May tatlong lalaki ang lumapit sa'kin. Triplets ata sila, magkakamukha eh. Pareparehas din ang hawak nilang weapon, mayroon silang tigdadalawang balisong.

Sabay sabay silang sumugod. Ginamit kong pandepensa yung sword ng una kong kalaban. Nagsasalit salitan sila ng pagatake.

Mabilis ang bawat kilos ko, tatlo sila pag nagbagal ako siguradong tatamaan nila ako.

Nakakuha ako ng tsansa na masaksak ang isa sa tiyan. Agad siyang bumagsak. Mukhang nagulat ang dalawa sa nangyari kaya tumigil sila and thats my time para hugutin ang sword sa isa at mabilis silang binigyan ng malaking hiwa sa dibdib. 3 down.

Next, anim kalalakihan na nakatuxedo ang umabante. Lahat sila may hawak na baseball bat. Mukhang galing sila sa isang elite gangster group dito sa States.

Nakangising lumapit ang isa sa'kin.

"Hey kiddo, this is not a playgro-"

Hindi ko na siya pinatapos agad akong kumuha ng balisong ng isa sa triplets at ibinato sa noo niya.
Napangiti ako nang tumarak ito sa pinkagitna mismo ng noo ng kanyang noo.

Ang pinakayaw ko pa naman sa lahat ay yung magbibigay pa ng speech. Aksaya lang sa oras yan. Kung magpapatayan din lang naman kami, patayan na agad.

Patakbong sumugod sa'kin ang lima. Iniluhod ko ang kaliwang tuhod para madaling madampot ang ibang balisong. Isa isa kong dinampot ang mga nakakalakat na balisong at parang sphere na inihagis sa kanila. Walang sumablay sa tira ko. Tatlo ang natamaan sa Noo gaya ng nauna at dalawa ang natamaan sa dibdib.

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga audience. "Queen Venom, Queen Venom!" parang yumaganig ang Arena sa sigaw nila. At dahil duon, lalo akong ginanahan.

Isang malademonyong ngisi ang namutawi sa mukha ko habang marahang pinupunasan ang dugong tumalsik rito.

Kita ko ang balak na pagtakas ng lima kong duwag na kalaban at dahil labag sa rules and regulation ang ginawa nila. Bago pa man sila makaapak sa Exit, pinagbabaril na sila ng mga tauhan ko.

Yup mga tauhan ko dahil ang mafia organization ko ang may-ari at namamahala ng underground fight na'to. Pero pinili kong maging isa sa mga kalahok at itago na lang real identity. Boring masyado kung manonood lang ako ng laban, walang thrill.

Napangisi ako nang tatlong hapon na may hawak na katana ang umabante. Base sa tindig nila, hindi sila basta bastang kalaban.

Agad sumugod sakin ang isa, matindi at mabilis ang palitan namin, tanging ang tunog lang ng sword ko at katana niya ang naririnig.

Sa kakaatras ko hindi ko namalayang malapit na pala ako sa dulo ng arena. Mukhang macocorner pa ata ako sa pader. Para maiwasag macorner, agad akong tumakbo papuntang pader , tumalon ng mataas at sinipa ito. Ginamit ko itong pambwelo para makatumbling sa ere. Saktong naglanding ako sa likod niya kaya dali dali ko siyang hinawakan sa buhok at hiniwa ang leeg.

Naramdaman kong may tumatakbo papalit sa'kin. Humarap ako at sumalubong sa'kin ang dalawang natitirang hapon. Mababakas ang hinanakit pero mas nangingibabaw ang sobrang galit sa mukha nila.

Pinalibutan nila ako, sabay silang sumugod. Nang makalapit sila, i move backward kaya nagkasaksakan sila. Tsk mga tanga.

Dalawa na lang ang natitira kong kalaban, isang malahinganteng lalaki na may hawak na itak at isang lalaking blond na parang kaedaran ko lang, hindi ko makita ang mukha dahil may suot itong half mask.

Bitbit ang dalawang katana ng mga hapon kong kalaban, Agad akong pumunta sa pinakagitna ng battlefield, sinenyasan ko ang lalaking may hawak na itak na lumapit sakin.

Pangisi ngisi pa itong naglakad, para bang may kompyansa siyang mananalo.

Nauna siyang sumugod, bumwelo siya para ihampas sakin ang itak. Agad ko itong nailagan. Sobrang lakas ng ginawa niyang iyon, kung natamaan ako paniguradong mahahati ako dalawa. Pero dahil din sa sobrang lakas ng ginawa niya, bumaon ang itak sa semento kaya nahirapan siyang hugutin. Kinuha ko ang pagkakataon para ibaon sa dibdib niya ang dalawang katana na hawak ko at agad itong hinugot dahilan para tumuba siya. and thats it!

Akala ko pa naman mahihirapan ako sa isang to, hindi naman pala.

Maangas kong tinignan ang huli kong kalaban.

The mysterious guy behind those half mask.

Gaya ng mga gangster kanina nakasuot din siya ng 3 piece suit mukha tuloy siyang pupunta sa masquerade party haha.

Nakalagay ang kanang kamay niya sa bulsa at cool na naglakad papunta sa'kin.

Nang makalapit may inilabas siyang foldable knife sa bulsa niya.

Para maging patas ang laban, ibinaba ko ang hawak kong katana at hinugot mula sa noo ng isa mga gangster ng balisong.

Nauna akong umatake sa kanya, itinaas ko ang kamay ko at buong lakas na ini smash ang balisong papuntang dibdib niya pero agad niya ako na-block. At dahil nawala ang Depensa ko sa kaliwa, madali lang niya akong nasaksak sa tagiliran.

Ramdam ko ang sakit nang hinugot na niya ang foldable knife.

Hingal na hingal akong napaatras sa kanya.

Hindi ko muna ininda ang sugat ko at muling sumugod. Binigyan ko siya ng sidekick na tumama sa kanang pisnge niya. Nawala ang depensa niya at dahil dito nasaksak ko siya sa balikat.

Sinadya kong sa balikat lang siya tamaan, ayoko muna siyang patayin. Mukhang malakas rin siya at paniguradong mageenjoy ako na kalaban siya.

Napasigaw siya ng hugutin ko na ang balisong.

Ngayong patas na, gusto ko namang makipaglaban ng hand to hand combat na walang weapon.

Ibinaba ko ang hawak kong balisong, mukhang nagets naman niya at inihagis niya ang kanya.

This time, nauna siyang sumugod. Binigyan niya ako ng tatlong magkakasunod na sapak. Nailagan ko ang dalawa pero tumama sa sikmura ko ang isa. Biglang kumirot ang tagiliran ko at ramdam ko na ang mainit na likidong umaagos dito.

Turn ko naman para sumugod. Sinipa ko ang kanang hita niya, umikot ako para sikuhin sana siya sa dibdib. Pero agad nya itong naiwasan at nacorner niya ang leeg ko.

Bale nakatalikod ako sa kanya habang nakapulupot ang braso niya sa leeg ko.

Pinilit kong abutin ang batok niya at malakas ng yumuko para ibalibag siya sa semento. Umikot siya sa ere at unang bumagsak ang likod.

Namilipit siya sa sakit dahil sa ginawa ko.

Dahan dahan akong lumapit at nakangiting tinapakan ang dibdib niya. Napangisi ako nang makitang bumalatay ang sakit sa mukha niya.

'kill hiiiiim! Queen V!' Sigaw ng mga Audience.

Pero hindi ko sila sinunod , sa halip ay tinulungan ko pang tumayo ang kalaban ko.

Mukhang may papalit na sa'kin bilang underground Champion.

Nagulat ang mga Audience nang itinaas ko ang kamay niya.

"We have a new champion!" sigaw ko.

Yup, I give my Championship to this young man. This will be my last fight dahil kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas for the sake of my property.

Kaya kahit labag sa loob ko, hindi pwedeng umalis ako ng walang bagong champion.

Lumapit sa'min ang staff at inabot sa'kin ang championship belt na isang taon ko ring inalagaan. 'mamimiss ko to'

Lumapit ako sa bagong champion at iniabot sa kanya ang belt.

"Congrats uhm whats your name?"

Tinanggal niya ang maskara niya, at gulat na tumingin sa akin.

"Chris... Christopher Belton ms Venom"

I smiled "Congrats Chris, " i tapped his shoulder at naglakad na papalabas ng Arena.

Dito na magtatapos ang role ko bilang Venom dahil kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas bilang si Keallyn Velasqo...

As a nerd.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top