BEHIND THEIR STORIES
Watch out for Nananazelleee new upcoming book here in Mocis...soon.
"Aba naman besh, hindi pa ba sumasakit ang mata mo sa kakatitig diyan?"
Saglit na binalingan ni Nazelle si Caileen. Makaraan ay binalik niya ang tingin sa screen ng laptop niya. Napapangiti siya habang pinagmamasdan niya ang kanyang litrato habang pumipirma ng kontrata. Pakiramdam niya nananaginip pa rin siya. Isang linggo na ang nakakalipas nang may e-mail na dumating sa kanya mula sa Editor-in-Chief ng isa sa pinakasikat na publishing house ng bansa.
Kinailangan niya pang masabunutan ni Caileen, ang best friend niya, bago niya pa mapaniwalaan na talagang may nag-aalok sa kanya na i-publish ang kauna-unahang istorya na nai-publish niya sa isang sikat na website para sa mga aspiring writers na katulad niya. Hindi na siya nag-atubili at malugod niyang tinanggap ang alok ni Ma'am Christine, ang Editor-in-Chief ng Mocis.
Ni-refresh niya ang page ng Facebook page ng Mocis. Napapitlag siya sa gulat nang tumili ang katabi niya.
"Problema mo?"
"Oh my gosh! Si—Si—Si KD!!!!!!!"
Napangiwi si Nazelle nang parang nababaliw na nagtatalon ang best friend niya habang tinuturo ang screen ng laptop niya.
KD? Sino 'yon?
Ibinalik niya ang tingin sa laptop at nakita ang isang...
Chibi?
Isang chibi ang tinitilian ng best friend niya?
Unbelievable.
Pero napanganga siya nang makitang wala pang limang minuto ay umabot na sa halos libo ang likes sa post na iyon. Doon nag-umpisa ang pagiging curious niya kay KD.
Isang itong sikat na mystery/thriller writer sa site kung saan din siya nagsusulat.
Hindi niya hilig magbasa ng mga ganoong genre pero nang i-download niya ang storya nitong, Finding Felicia at umpisahan itong basahin, she found herself drowning in his story. Akala niya kasi ay pure mystery ito at umiikot lang ang kuwento sa paghahanap kay Felicia. Pero hindi niya inaasahan ang love story na mabubuo between Theo and Mainee. Pakiramdam niya ay siya si Mainee sa hindi niya mawaring dahilan. Too bad, hindi maganda ang ending ng love story nila.
To make it short, she fell in love with his story.
Lumipas ang ilang araw at namalayan niya na lang ang sarili na walang ginawa kung hindi i-stalk ang mga account ni KD.
Facebook.
Twitter.
Pati na rin instagram.
Bawat post nito ay nila-like niya. Nire-retweet ang mga corny nitong jokes at napapakanta sa mga pino-post nitong lyrics ng mga kanta.
Until one night, ikinagulat niya nang makita kung sino ang nag-add sa kanya.
KD sent you a friend request.
Nanlaki ang mata niya at pinindot ang nag-appear sa Friend Request niya.
Dummy account siguro ito...I'm sure—
Hindi siya dummy account!
Pumikit siya at pinindot ang accept button.
"Friends na kami!" impit niyang tili sa takot na magising ang mga tao sa bahay nila.
Akala niya roon magtatapos ang panonorpresa sa kanya ni KD.
Pero hindi pa nga siya nakakamove-on sa pag-add nito sa kanya nang may message na dumating sa kanya.
K: Hi :)
Nag-message pa ito.
OMG. What to do?
Sa sobrang taranta niya napindot niya ang like at iyon ang nai-send kay KD. Nanlaki ang mata niya. Nasabunutan niya ang sarili sa katangahan niya.
Hi, sorry napindot—
Hindi niya pa natatapos ang reply niya nang may message ulit na dumating.
K: Likezoned? :( You're busy?
N: I didn't mean it. Napindot ko lang.
Pumikit siya at hindi niya alam kung bakit parang excited na excited siyang mabasa ang kung ano mang tina-type nito.
K: Nananazelleee right? :)
Nagulat siya nang makita ang pen name niya. Parang ito ang kauna-unahang nakatama ng pen name niya.
N: Wow! You got it right... parang ikaw 'yung kauna-unahang nakatama sa pen name ko.
K:Siyempre kilala kita eh.
N: Huh?
K: I mean nasa isang publishing company tayo right?
N: Ahhh, okay.
K: Oh I forgot, I'm KD by the way.
N: I know, I'm one of your readers. I love Finding Felicia.
K: What a surprise! I'm your reader, too.
Nanlaki ang mata niya sa reply nito.
Yes, may mga readers siyang lalaki pero hindi niya aakalain na pati ito ay magiging reader niya. Hindi pa rin siya naniniwala pero nang i-chat nito ang paborito nitong linya sa isinulat niya ay hindi niya maiwasang kiligin. Doon nag-umpisa ang gabi-gabi nilang pagtsa-chat ni KD. Tuwing gabi, pagsapit ng alas-diyes, imbes na nagsusulat siya katulad nang nakagawian ay ka-chat niya si KD. Pinag-uusapan nila ang kani-kanilang mga istorya, pati kung anu-anong topic na maisipan nilang dalawa. Masaya itong kausap at may sense ang bawat sinasabi nito.
Marami rin silang pagkakaparehas na mga hilig gawin, favorite authors, and even bands. Napakakomportable niyang ka-chat. Para bang pamilyar ito sa kanya, na para bang matagal na silang magkakilala. May dalawang bagay lang siyang hindi tinatanong dito; ang tunay na pangalan nito at hitsura nito. Inii-stalk niya ito noon at ang napansin niya sa mga post nito ay pinapahalagahan nito ang privacy. He never posted about his personal life.
Sumabog din ang notifications and request sa kanya nang mag-comment ito sa status niya. Pati na rin sa Twitter ay inaasar siya nito. Natutuwa siyang makipag-asaran dito.
Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha nang mabasa ang comments ng isang reader. Binansagan sila nitong, 'Kzelle' at maraming nakiayon dito. Pero siyempre marami ring rants and confession siyang nabasa na hindi niya na lang pinansin.
K: Kzelle? Parang biscuit lang ah?
N: Oo nga, eh. Hahaha. 'Yung mga fans mo ginugulo ako. Ilang beses na kaya nila kong pinatay sa isip nila dahil sa 'yo?
K: Nagugulo ko na ba ang tahimik mong buhay? 😂
N: Kapag ba sinabi kong oo, F.O. na tayo?
K: F.O?
N: Friendship over. Hahaha.
K: Friends? Friends ba tayo?
N: Ouch 😞 Hindi ba?
K: Ayokong maging friends tayo...
N: Grabe ka!
K: Gusto ko more than friends 😊
"OMG! Me so Kilig!!!"
Napalingon siya sa kanyang likod at nanlaki ang mata niya nang makita si Caileen hawak ang cellphone nito at nakatutok sa laptop...niya?
Mabilis niyang isinara ang laptop at kinuha ang cellphone ng best friend niya na dumating nang hindi niya namamalayan. Agad niyang binura ang kinuhanan nitong conversation nila ni KD.
"Bakit mo binura?! Po-post ko pa 'yan, eh with caption, 'My ship is sailing.' Hashtag—aray!"
Ngumuso ito at hinimas ang braso nitong kinurot niya.
"Magtigil ka nga! Huwag na huwag kang magpo-post tungkol dito. Pag hindi mo ako sinunod, hindi na kita kakausapin kahit kailan!"
"Oo na! Grabe ka sa akin besh!" umarte itong iiyak kaya natawa na siya.
Pero nanlaki ang mata niya nang may maalala. Na-seenzone niya si KD!
Pagbukas niya ng laptop ay bumungad sa kanya ang madramang status nito.
Masakit palang ma-seenzone. 😞
As usual ay dumagsa ang comments sa post nito. Napailing siya. Hinarap niya si Caileen na mukhang inaabangan ang pag-chat niya kay KD.
"Hindi ba may pasok ka pa bukas? Matulog ka na, besh. Kaya hindi ka tumatangkad eh."
"Hindi pa ako inaantok—"
"Inaantok na ako, Caileen," walang kangiti-ngiti niyang pagputol sa sasabihin nito. Inismiran siya nito at nagmamartsang iniwan siya.
Huminga siya nang malalim at hinarap ang laptop niya. Pagbukas niya sa chat box nila ni KD ay pinamulahan siya ng pisngi nang mabasa ang huli nitong chat.
Seryoso ka—
Erase.
Puro ka biro—
Erase.
Uy sorry—
Erase.
N: Problema mo po? Puro ka biro.
Seen.
Ilang segundo na ang nakalipas at wala pa rin itong reply.
N: Uy?
Seen.
Aba, gumaganti ang loko.
N: So ano, wala ka na talagang balak mag-reply?
Seen.
N: Seen pa more! Gigil mo cii aqoh
Seen.
N: Argh!
Seen.
N: Isa pang seen mo, talagang never na kitang icha-chat!
K: Hahahaha.
N: Ang dami kong chat sa 'yo, hina-hahazoned mo lang ako? Grabe ka L
K: Nabigla ba kita?
N: Saan?
K: Sa chat ko kanina, kaya seen mo ako.
N: Uy hindi ah! Dumating kasi 'yung best friend ko, nanggugulo kaya di na kita na-reply-an.
K: Ahhh...so anong reply mo dapat?
N: Huh?
K: Sa kanina kong sinabi.
N: Puro ka biro.
K: Iyon lang?
N: Ano ba dapat?
K: Wala J Good night na po J
N: Good night J
That was their last conversation five days ago. Hindi na ito nag-chat sa kanya at nahihiya naman siyang i-chat ito.
Busy lang siguro siya,
sa isip-isip niya.
Pero hindi niya maiwasang ma-miss ang gabi-gabing kulitan nila. Pakiramdam niya, may kulang sa gabi niya sa tuwing hindi ito nagcha-chat. Ni hindi na nga siya makasulat. Biglang naglaho ang mga ideas sa utak niya.
Chance. That's all I want. That's all I need. Baby, please forgive me.
After five days na pagiging inactive nito, nag-post na rin ito. Maraming reactions na naman siyang nabasa. Napailing siya nang mabasang nagkakalabuan na raw sila ni Unknown.
Meron bang sila?
Umaasa ka bang magkaroon?
Nasabunutan niya ang buhok sa naisip.
"Bahala na nga," nasabi niya at binuksan na niya ang messenger niya.
N: Kumusta na?
Pikit-mata niyang isinend ito kay KD. Sanay siya sa lamig ng aircon niya kaya hindi niya alam kung bakit parang nagyeyelo ang pakiramdam niya. Namamawis ang kamay niya at ang lakas ng dagundong ng puso niya nang ma-seen ni KD ang chat niya.
Napatili siya nang mag-reply ito kahit isang simpleng, okay lang. Sumaya na siya. Ano bang nangyayari sa kanya?
N: May LQ kayo?
Wow, Naz. Nasaan na 'yung 'I won't ask about his personal life?' sabi niya sa sarili.
K: What? LQ?
Tumikhim siya at uminom muna ng juice dahil pakiramdam niya nanunuyot ang lalamunan niya.
N: Lover's quarrel?
K: Hahahaha. I don't have a lover.
Napangiti siya—Wait, bakit siya ngumingiti na parang nagustuhan niya ang sinabi nito?
N: Owwww, so what's with your status?
K: Stalker talaga kita. Hahaha.
N: Wow naman. Stalk agad hindi ba pwedeng sabog ang newsfeed ko dahil sa status mo?
K: Just kidding. Huwag kang GG mababawasan pagiging maganda mo niyan J
Impit siyang napatili. Pakiramdam niya para siyang isang high school student na kilig na kilig sa crush niya. For heaven's sake! She's 22 and she's acting like a 16 year old teenager.
My God, Naz. What's happening to you?
N: Perhaps ex?
What's wrong with you? You're intruding his personal life.
Sorry—
K: Yes...
Sana hindi ka na lang kasi nagtanong.
N: Mahal mo pa?
K: Sobra.
Hingang-malalim. May pa-more than friends pa itong nalalaman! Hindi pa pala ito moved on sa ex nito!
N: Pwede ulit magtanong?
K: Nagtatanong ka na. Hahaha.
N: Seryoso kasi!
K: Fine. Isang tanong lang.
N: Bakit kayo naghiwalay?
Seen.
He never replied. She waited and waited but he never did. But she understood, masyado na kasing personal ang tanong niya. Hindi niya rin naman kasi maintindihan ang sarili niya kung bakit masyado siyang interested sa love life ni KD.
It's not the first time that someone seenzoned her but it's the first time she felt really sad about it.
After that night. They never chat again.
A week later, nag-chat sa kanya si Ma'am Christine. In five days ire-release na nila ang book niya. Sobrang excited niya nang mabasa iyon. As usual ay para na naman siyang nasa cloud nine at hindi makapaniwala.
Para mapaniwala ang sarili ay dumiretso siya sa page ng Mocis. Kinilig siya nang mabasa ang post tungkol sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ang pinost ulit sa page.
Ang Finding Felicia. Ire-release na rin ito kasabay ng release ng book niya at pupunta ito!
Magkikita na sila ni KD?
FIVE DAYS LATER...
Kaya mo 'to, Nazelle!
Paulit-ulit niyang chant sa sarili niya habang nakatayo sa harap ng mall na pagdadausan ng book launching niya. Wala siyang kasama pa. Hindi makakapunta ang mga magulang niya dahil busy ang mga ito sa pagiging mga doktor. Isa siyang nurse pero isang taon na rin siyang huminto sa pagtatrabaho at binuhos ang atensyon sa pagsusulat. Nagpapasalamat na lang siya at suportado siya ng parents niya palibhasa ay nag-iisa lang siyang anak.
Ang best friend niya namang si Caileen ay nagkataong nagkabulutong. Kaya mag-isa lang tuloy siya ngayon.
"Ate Naz? Ate Naz!!!!"
Napalingon siya sa tabi niya. Nagtataka niyang pinagmasdan ang cute at chubby na babae. Pamilyar sa kanya pero hindi niya maalala kung sino ito.
"Omg, Ate Naz. Si Jen po ito!"
Napangiti na siya nang maalala kung sino ito. Ito si Jen—ang number zero fan niya raw ayon dito.
"Hi, Jen!"
"Naaalala niyo po ako?"
"You're my number zero fan right?"
Umarte itong tila kinikilig sa sinasabi niya. "Founder din po ako ng Team Kzelle!"
Napailing siya sa sinabi nito at hindi maiwasang pamulahan ng mukha. Magsasalita pa sana siya nang marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niya si Cess—isa sa mga staff ng Mocis. Nagpaalam na siya kay Jen at kinakabahang sumama papasok kay Cess.
This is it!
Hindi maiwasang mailang ni Nazelle pagkapasok niya sa event hall at katahimikan ang sumalubong sa kanya. Maraming nakatingin sa kanya. Tila iniisip kung sino siya. Hindi naman kasi real account ang ginagamit niya sa interaction with her readers. Isang picture lang din ang nai-post niya sa account na iyon at naka-shades pa siya.
Nang i-announce ang pangalan niya ay nag-umpisang umingay ang paligid niya. Hindi niya mapigilang maging emosyonal nang marinig ang mga pangalan ng characters niya. Lumingon siya at kumaway sa isang grupo na sumigaw ng, 'We love you, Ate Naz!'
Hindi sapat ang salitang masaya para ipaliwanag ang nararamdaman niya.
Naupo siya sa harap kasama ng mga iilan ding authors ng Mocis. Nanlalamig ang kamay niya. Ngumiti at nakipagkuwentuhan siya sa mga ibang authors na kahit papaano ay mga naka-chat niya na rin. Hindi pa nag-uumpisa ang event dahil may hinihintay pa silang isang author.
Si KD.
Lahat ay nakatingin sa may pintuan. Hindi lang ang mga readers ang excited sa pagdating ni KD kung hindi maging siya.
Napatingin siya sa katabing upuan. Magkatabi pa talaga sila nito.
Umingay ang paligid, nabingi siya sa sigawan at tilian. Paglingon niya sa pinto ay nandoon si Ma'am Christine at tatlong staff kasama ang isang lalaki.
Isang lalaki na pamilyar na pamilyar sa kanya.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
Kumurap-kurap siya at nagtagpo ang paningin nila. Nawala ang ingay sa paligid niya. Hindi niya napigilan at napatayo siya sa kinauupuan.
Pakiramdam niya, niloloko siya ng paningin niya.
Pero habang lumalapit ito, napatunayan niyang totoo ang lahat.
Kumuyom ang kamao niya, gusto niyang umalis pero pinigilan niya ang sarili niya.
Huminga siya nang malalim at muling naupo.
Itinutok niya ang paningin sa sign pen na nasa harap niya. Kahit nang maramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya ay hindi pa rin niya ito tiningnan.
"Zelle..."
Napapikit siya nang marinig ang pagtawag nito sa kanya. Maingay ang paligid. Nagkakagulo ang lahat dahil sa pagdating ng tao na nasa tabi niya pero umabot sa pandinig niya ang pagtawag nito sa kanya.
Zelle...
When was the last time she heard it?
One year ago, after she broke up with this man beside her.
Dahil si Keiden lang naman ang tumatawag ng gano'n sa kanya ,
si Keiden na si KD pala.
Si Keiden na ex-boyfriend niya.
Si Keiden na niloko siya noon.
At hanggang ngayon, naloko pa rin.
Great, ilang beses ba kong maloloko ng damuho na ito?
She remembered those nights na para siyang teenager na kinikilig habang kinakausap si KD without knowing na ito pala ang lalaking nanloko sa kanya... ang lalaking isinumpa at kinalimutan niya.
Kulang ang salitang nagulat siya, walang kahit anong salita ang magdedepina sa nararamdaman niya ngayon.
"Zelle—"
Huminga siya nang malalim at pinilit ang sariling ngumiti. Hinarap niya ito. "Shut up. J-Just shut up, Mr. KD," mahina ngunit mariin ang boses na saad niya. Hindi niya nga alam kung narinig nito iyon lalo pa at narinig niya ang pag-ayiiiie ng mga tao sa paligid nila.
Humarap siya sa mga tao at ngumiti.
Great. Siya na magaling umarte.
Siya na, habang itong katabi niya ang pinakamanloloko sa lahat ng manloloko.
Bakit ba ang tanga-tanga ko? Ni hindi ko man lang napansin ang similarities nila. O napansin ko pero ipinagsawalang-bahala ko lang?
Nag-umpisa ang book signing. Nagkakagulo ang lahat makalapit lang sa lalaking katabi niya habang siya ay pinipilit ngumiti sa mga nagpapa-picture at nagpapapirma.
"Ate Naz!"
Ngiting-ngiti sa kanya si Jen at umarteng kinikilig nang makipagkamay siya rito.
"Alam mo Ate I really admire Cristel, despite everything napatawad niya pa rin si Andrei. Despite every pain, she still chose to forgive and love again. Ate, true story ba ang wrecked heart?"
Napatingin siya sa katabi niya at nakita niyang napahinto ito sa pagpirma.
Nabasa nito ang storya niya. He loves my story?
Bullshi*t.
Napangiti siya nang mapait at ibinalik ang tingin kay Jen. Inabot niya rito ang librong napirmahan niya na.
"Hindi. It will never be a true story. Para sa akin, walang Cristel na kayang magpakatanga at magmahal nang ganoon. Fiction. Hangggang fiction lang siya."
Yumuko siya at naramdaman ang pagtakas ng luha sa mga mata niya.
Talagang dito ka pa magdadrama Nazelle?
Pasimple niyang pinahid ang luha makaraan ay tumayo siya at lumapit kay Ma'am Christine.
"R-Restroom lang po ako Ma'am."
Hindi niya na hinintay ang sasabihin nito at nagmamadali niyang nilisan ang event hall.
Nang makita ang restroom ay dali-dali siyang pumasok doon. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Doon niya nakita ang namumula niyang mga mata. Hinubad niya ang salamin at naghilamos siya, umaasang maialis ng malamig na tubig ang pananakit ng mga mata niya.
Kasabay ng pagkabasa ng mukha niya ay ang pagdaloy ng alaala ng nakaraan.
Nanginginig ang kamay na binuksan ni Nazelle ang pinto ng condo unit ng boyfriend niyang si Keiden. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone kung nasaan ang litrato na natanggap niya na nagpawasak ng puso niya.
Si Keiden kasama si Annicka—ang pinsan niya na hindi niya alam kung bakit napakalaki ng galit sa kanya. Hindi lang basta simpleng larawan, magkatabi ang mga ito sa kama. Nakapikit si Keiden at hubad-baro ito. Tanging kumot lang ang nakatakip sa dalawa. Habang nakahalik naman sa leeg nito ang pinsan niya.
Imposible.
Sabi ni Keiden, busy ito sa pagre-review kagabi. Hindi ito lumabas ng condo nito. Imposible ring papasukin nito sa condo unit si Annicka.
Ayaw niyang maniwala.
Hindi ito magagawa sa kanya ni Keiden.
They've been together for three years. Hindi siya nito niloko.
At alam niyang hindi siya nito lolokohin.
"Baby?"
Napahawak siya sa bibig niya nang makita ang nagkalat na damit sa sala. Lumunok siya at inisip na baka si Russel ang nagkalat—ang kapatid nito. Nanghihina ang tuhod na dumiretso siya sa kuwarto nito at tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigilan nang makitang totoo ang mga larawan na nakita niya.
Napahagulgol siya at doon nagising ang magaling niyang boyfriend.
"Baby...A-anong—" Hindi nito naituloy ang sasabihin nito nang pumulupot ang magaling niyang pinsan sa boyfriend niya.
"Nakakadiri kayo!" nasabi niya na lang at nanghihina man ay tumakbo siya paalis sa lugar na 'yon.
Three years.
Because of just one mistake,
nasira ang tatlong taon na 'yon.
"Nazelle?"
Nabalik siya sa reyalidad nang marinig ang boses mula sa likod niya.
Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang si Ma'am Christine.
"Are you okay?"
Tumango siya pero kasabay ng pagngiti niya ay ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya.
Nagulat lang siya. Walang ibang dahilan ang mga luhang ito. Pangungumbinsi niya sa sarili niya.
"Nazelle? May problema ba? Gusto mo bang umuwi na—"
Umiling siya. "Medyo sumakit lang po 'yung mga mata ko but I'll be fine."
Halatang hindi pa rin ito kumbinsido pero hindi na ito nagtanong pa. Bumalik sila sa venue. Nasa kanya ang tingin ni Keiden. Ilang beses nitong tinangkang kausapin siya pero nagpapasalamat siya sa mga readers nila at hindi iyon naganap.
Inisip niyang wala ang lalaki sa paligid niya. Pero hindi siya nagtagumpay. Ramdam na ramdam niya ang presensya ng katabi. Hindi pa rin ito nagbabago ng pabango. Hilig pa rin nito ang blue na kasuotan. Suot pa rin ang bracelet na ginawa niya noon. Nakakapanghalina pa rin ang tawa nito.
Stop it, Naz. Stop.
Anim na oras ang lumipas bago natapos ang book signing nila. May mga gusto pang magpapirma sa katabi niya pero sinarado na ang venue at tinapos na lang ang mga huling nakapasok.
Sa wakas, makakauwi na rin ako.
May pagmamadali niyang inayos ang mga gamit niya.
"Guys! This event was a success dahil sa inyo. Let's celebrate!"
Naghiyawan ang lahat. Tuwang-tuwa ang mga ito habang siya ay itinulos sa kinauupuan niya. Hindi puwede. Ayaw niya nang magtagal sa iisang lugar kasama ang lalaking nasa tabi niya.
Tumayo siya at lalapit na sana kay Ma'am Christine pero may kamay na humawak sa palapulsuhan niya.
"Let me go," pagod ang boses na saad niya. Ni hindi niya nga ito tiningnan.
"Zelle...I—"
Hindi niya na pinatapos ang sasabihin nito at pumiksi siya sa pagkakahawak nito. Napansin niyang natigilan ang mga kasama nila.
"Nazelle, may problema ba kayo ni KD?"
Huminga siya nang malalim at hindi nakasagot sa tanong ni Ma'am Christine. It's nonsense kung sasabihin niyang wala when it's clearly obvious na may tensiyon sa pagitan nila ni Keiden.
"Mauna na po ako, Ma'am Christine. Pagod na po kasi ako."
"Okay. Sa susunod sumama ka na ah."
Tumango siya at naglakad paalis pero hindi pa nga siya tuluyang nakakalayo ay may kamay na naman na pumigil sa kanya.
Talaga bang gusto nitong mag-eskandalo siya?
Kanina pa siya nagpipigil. Kanina pa niya ito gustong saktan pero pinipigilan niya ang sarili niya.
"Please. Mister. Bitawan mo ko!"
"Zelle, let's talk—"
Hindi niya na kayang magtimpi pa kaya hinarap niya ito at pumailanlang ang tunog ng paglagapak ng kamay niya sa kaliwang pisngi nito.
Narinig niya ang singhapan at paglapitan sa kanila ng mga co-authors at staff ng Mocis.
Lumarawan ang pagkagulat sa mga mukha niya. Habang si Keiden, bumadha ang sakit sa mga mata nito. Nabitawan siya nito.
"Talk? Saan? Dito? Fine! Let's talk, para malaman nila kung gaano kasama ang ugali mo!"
"Nazelle and KD? Iiwanan muna namin kayo. Nasa labas lang kami. Ayusin niyo 'to." Iyon lang ang sinabi ni Ma'am Christine at lumabas ito. Nagsisunuran naman dito ang mga staff at co-authors nila.
"This is all your fault! Masaya ka na ba na napahiya ako sa kanila dahil sa 'yo? Hindi ka nagbago. Hanggang ngayon, may kakayahan ka pa ring pagmukhain akong tanga."
Hindi niya na pinigilan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi niya. Walang silbi kung pupunasan niya pa ang mga ito. Hindi rin naman kasi tumitigil.
"I'm sorry. Hindi ko ginustong lokohin ka. Believe me, ilang beses kong ginustong sabihin sa 'yo na ako si Keiden pero natakot ako. Natakot akong mawala 'yung nag-iisang paraan para makausap ka."
"Kaya niloko mo ako ulit? Na sa pangalawang pagkakataon, ginawa mo na naman akong tanga?"
Umiling ito at lumapit sa kanya pero umatras siya. "Zelle, hindi 'yon believe me. Hindi ko ginustong saktan ka. "
Inis niyang ibinagsak ang bag niya. "Bullsh*t, Keiden! Hanggang ngayon, hindi mo pa rin sinasadya?! Hindi mo pa rin ginusto?! Hindi ko maintindihan! Kasi kung hindi mo ginustong masaktan ako, sana hindi ka gumawa ng bagay na ikasasakit ko!"
Iritable kong pinalis ang mga luha sa pisngi ko. "Alam mo ba'ng inihanda ko na 'yung sarili ko na makita ka ulit? Sabi ko sa sarili ko, kapag nagkita ulit tayo ngingiti ako at ipapakita sa 'yong ayos na ko. Nakaraan na lang 'yon at naka-move on na ko sa panloloko mo. Pero hindi ko inaasahang sa muli nating pagkikita, malalaman ko na naloko mo na naman pala ako. You're really capable of fooling me." Mapait siyang natawa at pinagmasdan si Keiden. "Hindi dapat Finding Felicia ang sinulat mo! Dapat The Art of Panloloko dahil doon ka magaling!"
Kinuha niya ang bag niya at tinalikuran ito.
"Kung hindi ako nagbago, hindi ka pa rin pala nagbabago, Zelle. You never listen. You never wanted to listen. Kung anong nasa isip mo, iyon na ang tama. You've never given me a chance to explain my side."
Napahinto siya sa paglalakad. Kumunot ang noo niya at galit na hinarap ito.
"Wow! So ako pa ang may kasalanan? Ako pa dapat mag-adjust, nakita k-ko kayo magkatabi sa iisang kama." Napahawak siya sa dibdib niya. Nalimutan niya na di ba? Pero bakit bumabalik ang sakit na naramdaman niya ng araw na 'yon. "Anong explanation ang dapat na marinig ko sa 'yo?"
"Na walang totoo sa konklusyon mo. Plano lang 'yon ni Annicka at napakatanga ko para mahulog sa plano niyang 'yon... na walang nangyari sa aming dalawa. Pero naging bingi ka. Mas pinili mong bumitaw kaysa ang lumaban."
Natahimik siya sa sinabi nito. Nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Pero ayaw niyang magpatalo. Ayaw niyang madala sa mga sinabi nito.
"Akala mo ba ganoon kadali para sa akin ang bumitaw sa tatlong taon nating relasyon? It was so hard. Hiniling ko na maging manhid na lang ako, na mawala 'yung sakit. Inisip k-kong mawala na lang para matapos na. I was close to being insane kasi sa bawat pagpikit ko 'yung imahe niyong dalawa ang nakikita ko."
Yumuko ito. "A-Alam ko kaya nga hindi ko na rin ipinilit. I let you go not because I want to, but I have to kasi baka sa pagpupumilit kong manatili sa tabi mo, mas lalo ka lang mahirapan at masaktan. All I want is for you to be happy even if it's not with me." Tumingala ito at ngumiti sa kanya.
Napahikbi siya nang makita ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Keiden. "I'm sorry kung niloko kita, kung hindi ako nagpakilala. Kung nagtago ako sa katauhan ni KD para lang maging kaibigan mo. Para lang muling maranasan na maging parte ng buhay mo. It's because I missed you, Zelle. It's because... I still love you."
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Kahit na nang makaalis ito ay hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Nasasaktan siya hindi lang para sa sarili niya kung hindi para sa kanilang dalawa ni Keiden. Para sa nasayang na relasyon nila. May kasalanan ito pero ngayon niya lang napagtanto na may kasalanan din siya. Lumingon siya at pinagmasdan ang papalayong bulto ni Keiden.
Mahal ka pa rin niya...ikaw ba? Mahal mo pa rin siya?
Naguluhan siya sa tanong na pumasok sa isip niya.
Hindi na hindi ba?
Pero kung hindi niya na ito mahal, bakit ganito ang nararamdaman niya?
Bakit parang may pumipiga sa puso niya?
Sa pagkakataon bang ito, mananaig na naman ang sigaw ng isip niya o ang sigaw ng puso niya?
Lumingon siya at saktong bubuksan na ni Keiden ang pinto.
Huminga siya nang malalim at pumikit.
"Keiden Villagracia!"
Lumingon ito sa kanya, nagtagpo ang mga paningin nila. Hindi niya dinugtungan ang sinabi niya. Nanatili lang siyang nakatingin dito at ganoon din ito sa kanya.
"May continuation pa ba 'yung kuwento ni Theo at Mainee?"
NGUMITI ITO. Nakita niya ang pagbagsak ng luha sa mga mata nito. Pakiramdam niya...
Napahinto sa pagtitipa sa laptop si Nazelle nang marinig ang boses mula sa likod niya.
"—Pakiramdam niya huminto ang tibok ng puso niya nang muling masilayan ang kaguwapuhan ni Keiden—Aray!"
Hindi na natapos ng intruder sa kuwarto niya ang sinasabi nito nang kurutin niya ito ng pino. Ilang beses niya bang dapat sabihin dito na hindi ito puwedeng pumasok sa kuwarto niya?
"How many times do I have to tell you na bawal kang pumasok sa kuwarto ko?" nakataas ang kilay na saad niya. Isinara niya ang laptop niya at sinamaan ng tingin ang boyfriend.
"You're my fiancée, wala ba akong karapatan pumasok sa kuwarto mo?"
Right. Fiancee.
Ilang buwan na lang ay ganap na siyang magiging Mrs. Nazelle Villagracia.
Ngumiti siya at umiling. "Wala. Hindi pa kita asawa. Fiance pa lang kita, Mr. Keiden Villagracia." Tumayo siya at tumingkayad. Parang bata na naglambitin siya sa leeg ng fiancé niya.
Natawa siya nang yumuko ito at tangkaing halikan siya. Tangkain dahil mabilis siyang nakaiwas. Mahirap na at baka kung saan na naman umabot ang halik nito sa kanya. The last time it happened, may audience sila. Walang iba kung hindi ang best friend niya.
"Are you sure about our gift to our guests?" naaalangan niyang saad kay Keiden. Kakaiba kasi ang souvenir na ibibigay nito sa mga bisita nila.
It's a book.
Their love story.
From the beginning.
Until the day she finally said yes to his proposal.
"Why? You don't like it?" Ngumuso ito na ikinatawa niya. Hanggang ngayon ay sikat na manunulat pa rin ito.
And she's proud of him.
"Of course I..," hinalikan niya ito sa pisngi, "love..," sa kabilang pisngi, "it," huling saad niya at dinampian niya ito ng halik sa labi.
Niyakap siya nito na mahigpit niyang ginantihan.
"Thank you Nazelle De Vera for giving me another chance."
"Well, thank you too Keiden Villagracia for not giving up. For waiting for me. I love you."
"I love you too."
Chances?
It doesn't guarantee a happy ending pero ganoon pa man, sumugal siya dalawang taon na ang nakakalipas. At hindi niya pinagsisihan 'yon.
Who would have thought na magiging dahilan nang muli nilang pagkikita ay ang mga sinulat nilang storya?
Minahal niya ang pagsusulat dahil dito niya naibubuhos ang emosyon niya pero mas lalo niya itong minahal dahil ito ang naging daan para muling makasama ang lalaking mahal, minamahal at patuloy na mamahalin niya hanggang huli.
WAKAS.
This is my story featured in REEDZ MAGAZINE VOLUME 5. Support me by grabbing a copy of this book for only 150!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top