BTP 8: Her fighting skills

Knite's POV

Tahimik ko lang na pinagmamasdan si  Kea  na  abala sa pagkain ng almusal. Mukhang napansin niya ang pagtitig ko kaya natigilan siya sa pagsubo at tumingin sakin.

"Hindi ka mabubusog sa kakatitig Knite, try mo kayang galawin 'yang pagkain mo" aniya sabay nguso sa plato ko.

Bahagya kong inatras ang aking plato at tuluyang nangalumbaba paharap sa kanya "Wala pa akong gana" pilit akong ngumiti ngunit agad din itong naglaho nang bumaba ang tingin ko sa sugat niya sa balikat.

Nakakawalang gana ang isipin na napahamak ka kagabi. Na nasaktan ka at wala man lang akong nagawa. Kung di lang sana ako umalis ,natulungan pa sana kita at baka nasa maayos kang lagay ngayon. sa isip isip ko

Natigil ako sa pagtulala nang iniharap niya sa bibig ko ang kutsarang isusubo niya sana "kumain ka, nakakapanget ang palaging gutom"

Sweet.

Tutal ayokong pumangit, ngumanga ako para isubo  pero bigla siyang ngumisi at iniwas ito sakin. Naknang..

"On the second thought, matagal ka na palang panget kaya kahit magutom ka walang magbabago sa'yo " pangaasar niya tapos ay binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Sa totoo lang di ako natutuwa sa inaasta niya, sa kabila ng nang nangyari kagabi at lagay niya ngayon nakuha pa niyang magbiro tsk.

"oh? ba't natahimik ka ata? himala, hindi ka umangal na tinawag kitang panget knowing the fact na hambog--"

"Di ito oras para makipagbiruan sa'yo Kea" putol ko sa sinabi niya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya naibagsak niya ang kutsara sa plato.

"Knite.."

Muling bumaba ang tingin ko sa sugat niya "Sino...sinong may gawa niyan sa'yo?"

Umiwas siya ng tingin  at humawak sa sugat "E..eto? ahm may magnanakaw na pumasok kagabi. Grabe, pati mga magnanakaw ngayon ang galing na makipaglaban kaya ayun nadale ako" Muli siyang humarap sa'kin at alanganing ngumiti. "Yaan mo sa susunod makakatikim sila sa'kin"

Inilabas ko ang kunai mula sa aking bulsa at inihagis ito sa tapat niya. Ito 'yung kunai na nakita kong hawak niya kagabi kasama ang itim na card. Kitang kita sa nanlalaki niyang mata ang gulat.

"Ang galing naman pala ng mga MAGNANAKAW na 'yun. May dalang kunai at ang mas nakakabilib may insignias ng Hara sa handle" pinilit kong mag tonong pabiro pero masyado talagang nangibabaw ang pagiging sarkastiko ko.

Nang makabawi sa gulat, ngumiti siya at tinitigan ito "mukhang may nanakawan din silang shinobi dati, tingin mo?"  nagkibit balikat lang ako sa tanong niya.

Di ko mapigilang mainis. Nakacross ang dalawang daliri niya kaya malinaw na nagsisinugaling siya tungkol sa mga magnanakaw  kuno na 'yun. Hindi ko alam kung ano bang meron at ganun  na lang kung paglihiman niya ako tungkol sa Hara.

"nga pala, kamusta na 'yung arena na pinatayo natin  4 years ago? masyado akong busy lately"
kaya di ko pa 'yun nadadalaw" pagiiba niya sa usapan.

Umiwas ako ng tingin at bumulong "Nice, ang bilis magiba ng topic halatang may iniiwasan tsk"

"May sinasabi ka? di ko narinig"

Nakangiti akong humarap sa kanya " Ahh ang sabi ko wala din akong balita tungkol sa Venom Arena.  The last time I went there was already 2 years ago, my last match, remember?"

"Akala ko ba regular kang bumibisita duon?"

Humigop muna ako ng kape bago sumagot sa kanya "Nope, gaya mo masyado din akong naging busy pero since binanggit mo 'yun bigla kong naisip na bumisita  ngayon. Isa pa matagal tagal na ring walang exercise ang katawan ko, sabak muna ako sa laban"  para na rin mawala 'tong init ng ulo ko dahil sa'yo tsk.

Mabilis akong tumayo at dinampot ang susi ng kotse sa mesa.

"Oh? aalis ka na? teka sasama ako!" pumunta ako sa pwesto niya.

"Dito ka lang, sa lagay mo ngayon di ka pa pwedeng bumyahe." sabay halik sa kanyang sentido "Geh, alis na ako"

"Pero--" di ko na siya pinatapos dahil agad ko siyang tinalikuran at mabilis na umalis.

Nakakabadtrip ang pagsisinungaling mo malady. Sino bang nasa likod nito at ganun na lang kung pagtakpan mo siya?

Bigla kong naalala yung nakasulat sa itim na card, 'yung nakita kong hawak niya. "Yes, I'm alive. Ready to kill someone to get back what's mine"

Mariin akong napapikit nang maisip kung sino ang maaring may gawa nun. 'Yung pinsan kong gago at hindi impossible na may alam si Kea kaya pinagtatakpan niya ito.

Sa sobrang inis padabog ko sinara ang pinto ng kotse at malakas na  pinagsasapak ang manibela.

"BAKIT MO SIYA PINAGTATAKPAN! BAKIT?! BAKIT?! t*ng*na. Siya pa rin ba ha?! siya pa rin?!" sigaw ko.

Nanlulumo akong sumubsob sa manibela. Sana mali ang iniisip ko dahil di ko alam ang magagawa ko pag nangyari 'yun Kea. Sana... mali  sana...

*****

Napaaga ang dating ko sa Venom Arena dahil magsisimula pa lang ang laban para sa womens division. Kaya't dumito muna ako sa VVIP espesyal na kwarto namin ni Kea para manood ng laban. Nakapwesto ito sa taas ng kanlurang parte ng venom arena kaya mula rito ay maganda ang view. Natatakpan din ito ng thick tranparent bullet proof glass for safety purpose.

Nilibot ko ng tingin ang buong Arena. Apat na taon na ang nakalipas simula ng pinatayo namin ito ni Kea. Naisipan kase niyang ipasara ang arena niya sa U.S at ilipat dito since hindi na siya babalik duon. Wala itong pinagkaiba sa luma niyang arena, pati ang rules ng laban ay ganoon din.

Fight as you can. It is allowed to use  any kind of weapon except guns and range weapons. Ones you enter the battlefield, there's only two way to get out.  It's either to  be killed by your enemy or kill all of your enemy to win the battle. That's how dangerous it is, kaya ang mga lumalaban lang dito ay ang mga magagaling at bihasang representative ng bawat mafia group. And today I will be Venom's representative for male division.

Pero bago 'yun' prente muna akong mauupo habang nanonood sa mga babaeng kalahok ngayon. Speaking of them, masyado atang napalalim ang iniisip ko at di ko namalayang nasa battle field na pala sila.  Sa bilang ko ay pito ang kasali ngayon. hmmm mukhang magandang laban 'to.

Nagsalin ako ng wine at ininom ito habang tinitignan sila isa isa. Ngunit agad ko itong naibuga nang mamukhaan ko 'yung babae sa pinakagitna. Morena, nakatali nang mataas ang mahabang buhok, maganda ang hubog ng katawan at  nakasuot ng itim na fitted outfit.

Shit. S..siya 'yung babae sa mall kahapon!

Si Catastrophe! Si Cas!

Napatayo ako sa aking upuan nang tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang laban. Tutok na tutok ang aking mata kay Cas na ngayon ay pinalilibutan na ng mga kalaban niya. As in lahat, lahat ng mga ito ay may kanya kanyang weapon. Iba't ibang klase ng pointed weapon, may maliit, malaki, mayroon pa ngang itak pero ang hawak niya lang ay... map na panlinis?

"Siraulo ba siya? Di 'yan lugar para maglinis! shit!" sa sobrang kaba na nararamdaman ko di ko mapigilang sumigaw. Teka bakit ba ako kinakabahan? e kahapon ko lang naman siya nakilala? Pero  shit lang kinakabahan talaga ako, langya kang babae ka. Bakit ba ako nagkakaganito?!

Malakas niyang tinapakan pasipa ang map kaya nasira ang dulo at  natira ang handle nito. Tapos ay malayang pinapaikot sa kamay na para bang mahabang yantok. Nagpapakitang gilas pa tsk.

Mahigpit kong nahawakan ang baso nang may dalawang sumugod sa kanya. Isang may mahabang espada at 'yung isa naman may may hawak na dalawang  patalim.   Bumwelo 'yung may espada na hihiwain ang leeg niya pero agad itong naharangan ni Cas gamit ang  handle ng map at malakas itong sinipa sa tiyan. Sunod, mabilis din niyang naihampas ang handle sa ulo ng isa pang babae kaya napaupo ito sa sakit.  Muling sumugod ang nauna, patakbo itong tumungo sa kanya  animoy itatarak ang espada sa dibdib niya. Pero nag alamatrix si Cas at nagbend kaya hindi ito tumama, sakto namang pasugod mula sa likod 'yung may patalim kaya ito ang nasaksak sa dibdib. Itinungkod ni Cas ang kamay niya paarko sa sahig  at malakas na sinipa ang nasa harap dahilan para mabitawan nito ang espada at tuluyang bumagsak ang nasaksak sa  likod. Malakas siyang bumwelo para tumayo at nagpagpag na parang walang nangyari. Inihagis ang handle at dinampot ang isa sa mga patalim tapos ay ibinato na parang sphere sa dibdib nang naunang kalaban.

Woah, in just a minute dalawa agad napabagsak niya. Hindi na ako nagdududa na naging sparring partner nga siya ni Kea for seven years. Sa bilis at liksi na ipinakita niya, ayoko mang sabihin pero mukhang nadaigan niya ang fighting skills ni Kea.

Makalipas lang ang ilang saglit, muli siyang pinalibutan nung apat na natitira. Umiikot pa ang mga ito. Katana, Samurai, dalawang balisong at itak ang mga weapon nang apat na natitira.

Nanlaki ang mata ko nang sabay sabay ang mga ito na sumugod! Mukhang ganoon rin si Cas dahil halatang nalilito siya kung sino ang uunahin. Tangna bakit ba siya pinagtutulungan nang mga yan?

Agad niyang dinampot ang handle nang map at inihampas ang leeg nang babaeng may itak bago pa man nito tuluyang mahati ang ulo niya. Mukhang may natamaan siyang weak spot sa bandang leeg nito dahil nawalan nang malay ang babae. In a split second naihampas din niya ang handle sa sintido nang babaeng may balisong   dahilan para  bumagsak ito habang lumandas ang dugo sa ulo.

Pero...

Wala siyang pagkakataon para madepensahan ang tira  nang dalawa pang natitira kaya tuluyan siyang nabigyan nang mahabang hiwa ng katana sa likod  at  samura sa binti. Paluhod siyang bumagsak tapos  ay sinipa mula sa likod kaya tuluyan siyang napahiga sa sahig.

Shit.

Pinipilit pa rin niyang tumayo pero tinapakan siya nang babaeng may samurai  sa likod kaya hindi siya nakabangon.

Tuluyan kong naibagsak ang hawak kong baso dahil sa mga sumunod na pangyayari.

Parang nagslowmo ang mundo ko nang bumwelo ito na itatarak sa likod niya.

Hindi..hindi...HINDI!

Mabilis kong tinungo ang upuan ni Kea at pinindot ang emergency button sa ilalim nang hawakan nito. Tumunog ang mahabang sirena at nagkulay pula ang ilaw ng buong battlefield kaya natigilan ang babae sa balak niya.

Umalingawngaw sa buong arena ang anunsyo na itigil ang laban dahil sa ginawa ko.

Nagring ang phone at di na ako nagulat na ang event organizer  ng arena ang tumawag.

["Sir! Bakit nyo po pinindot ang emergency button?']

Tinitigan ko si Catastrophe "To save that women"

["Ano?tinigil niyo po ang laban para lang duon? Sir worth million match ang nasayang--"]

"Wala akong pake! kaya kong magbayad kung magkano man 'yan and please pakidala dito sa clinic yung babae sa gitna. By the way.."

["yes sir?"]

"You're fired"

["Pero sir---"]

Hindi ko na siya pinatapos at binabaan ko na. Tsk anlakas ng loob kwestiyunin ang desisyon ko para lang sa pera.

Muling bumalik ang tingin ko kay Cas, nakahinga ako nang maluwag nang may umalalay sa kanyang mga tauhan dito sa Arena, sinundan ko sila ng tingin hanggang makalabas ng battlefield.

Lumipat ang tingin ko sa mga audience. May mga naghahagis ng kung anu-ano at inis na tumatayo sa upuan.  Halos lahat ay nagiingay at magugulo, halatang inis sa paghinto ng laban...  maliban sa isang lalaki na nanatiling nakaupo at kalmadong nakatitig sa battlefield. Tinitigan ko siyang mabuti, kumunot ang noo ko nang mapagtantong nakamaskara siya. Bahagya akong nagulat nang bigla itong lumingon sakin, nagkaroon ako nang pagkakataong makita ng maiigi ang maskara niya. Kalahating itim at kalahating pula, pa-diagonal na nahati ang kulay.

Mas lalo ko pang idikit ang mukha ko sa salamin nang hinawakan niya ang maskara, animoy huhubarin ito. Di ko alam kung bakit pero masama ang kutob ko sa lalaking 'to. Dahan dahan niyang inaalis ang maskara. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang kalahati na nang mukha niya ang lantad. Kahit na may kalayuan, agad kong nakilala ang mukha. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng demonyong 'yan. Walang iba kundi si...

Napaigtad ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto. Mabilis ko itong nilingon, napailing na lang ako nang makita ang umiiyak na event organizer.  Ibinalik ko ang tingin ko sa arena, ganun nalang ang panlulumo ko dahil... "shit,  nawala"

Sobrang bilis niyang nawala. Di ko tuloy alam kung totoo ba ang nakita ko o guni guni lang.

Muli kong inilabas ang itim na card mula ng hara sa aking bulsa.

Sana nga guni guni lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top