BTP 7: That Shinobi Last Night

A/N; kakaopen ko lang ng watty acc. ko lately kaya nagulat ako dahil nasa 25 k na yung views ng BTG! super thanks sa mga nagbasa ng book 1 nito at sa mga patuloy na nagbabasa hanggang dito sa book II. Kapit lang mga beh, malapit na ang bakasyon kaya matutuloy ko na ang pagsusulat nito. Kamsa~

P.S: May bagong weapon na lalabas it was called 'shuriken'. Ninja weapon na may apat na blade paikot. (see multimedia for pic)

*******

Keallyn's POV

Gumising sa'kin ang nakakasilaw na liwanag mula sa veranda.

Agad kong hinanap ang presensya ni Knite na mahimbing natutulog sa tabi ko. Kung normal na araw lang... baka kanina ko pa siya sinipa paalis ng kama o di kaya'y ginising gamit ang matinding sapak. Pero iba ang sitwasyon namin ngayon.

Nasa panganib ang buhay niya.

Kung pwede ko lang siya itali sa bewang ko, gagawin ko. Mas mapapanatag kase ako pag lagi ko siyang kasama at nakikita. Lalo na ngayong may nagtangka sa buhay niya. Oo, may gustong pumatay kay Knite at kaninang madaling araw lang 'yon nangyari.


Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na siya ng kwarto ko. Naibato ko ang lahat ng unan ko sa inis. Naiinis ako kay Knite!

Damn him. Di niya alam kung gaano ako natakot sa ginawa niya.

Hindi ako natakot dahil pinasok niya ng palihim ang kwarto ko. Natakot ako sa katotohanang muntik ko na siyang mapatay! shit! Buti na lang at walang bala ang baril ko, kundi baka kanina pa siya nakahandusay at duguan dahil sa tama ng bala sa batok.

Bago ko pa man siya nakagalaw kanina, naiputok ko na ito. Hindi ko kase agad siya nakilala, nalaman ko lang na si Knite iyon nang umikot siya at naaninanag ko ang mukha niya. Kaya nang ma-corner ko siya sa ilalim ng kama, pinagsisipa ko siya ng ubod ng lakas.

At lahat ng 'yon ay dahil sa lintik na papel na hinahanap niya. Muntik ko na siyang mapatay dahil sa put*ngin*ng papel na yun! Yung papel na nakuha kong nakaipit sa kunai na nakatarak sa gulong ng ducati ko.

It was a mini black card, there was a message inside writing in a cursive style using red ink saying..

'Ceasefire for now, Vengeance later'

Pero mas ikinabahala ko ang insignias ng Hara na nakatatak sa harap nito. Aaminin ko, nakaramdam ako ng takot ng sandaling matanggap ko ito. Natakot ako sa katotohang may natira sa Hara at may plano silang maghiganti. Natakot ako hindi para sa sarili, kundi para sa mga taong malalapit sa'kin especially Knite. Kaya nga nagdecide ako na wag na itong sabihin sa kanya para hindi na siya mabahala.

Pero mukhang mali ang desisyon ko. Dahil eto siya, lihim na pumasok sa kwarto ko dahilan para muntik ko na siyang mapatay.

Mabilis akong bumangon para magtungo sa kwarto niya at sabihin na sa kanya ang lahat. He is my keeper anyway, may karapatan din siyang malaman. Para hindi na rin maulit ang insidente gaya kanina.

Saktong paglabas ko. Nakita ko siyang mabilis na naglalakad sa dulo ng hallway at pababa na kaya agad ko siyang sinundan.

Pababa na sana ako ng hagdan pero natigilan ako nang may naaninag ako na sumusunod sa kanya.

May kadiliman sa baba dahil tanging maliliit na ilaw lang ang nakabukas. Nakapatay ang chandelier na siyang nagbibigay liwanag sa buong sala. Pinilit kong aninagin ang sumusunod sa kanya.

Pinilit kong huwag gumawa ng ingay habang bumababa. Pagbukas ni Knite ng pinto, medyo lumiwanag ang buong sala kaya malinaw ko nang nakikita ang sumusunod sa kanya. Napasinghap ako sa gulat dahil isa itong s..shinobi. Nakataas ang kanang kamay nito, handa para saksakin si Knite ng matalim na bagay!

Mabilis kong dinampot ang pinakamalapit na bagay sa'kin which is flowervase at binato sa kanya.

Bulls eye!

Natamaan ko siya sa ulo kaya natumba ito. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan nang nakalabas si Knite at hindi natuloy ang pinaplano ng shinobi sa kanya..

Pero masyado akong naging panatag. Hindi ko namalayang nakabangon na ang Shinobi at parang anino na kinain ng dilim.
Muli ko lang itong nakita nang binuksan nito ang pinto at lumabas.

Bullshit.

Alam na niya ang presensya ko pero mas pinili pa rin niyang sundan si Knite. Ibig sabihin...Si Knite talaga ang puntirya niya!

Dali-dali akong dumampot ng ilang basag na piraso ng flower vase at sinundan sila palabas. Naabutan ko nanaman yung shinobi na nasa ganoong posisyon. Nakataas ang kanang kamay at malinaw na sa'kin na isang kunai ang balak niyang isaksak dito. Pero hindi pa niya tinutuloy ang pagsaksak dito. Tahimik lang niyang sinundan ang walang kaalam alam na si Knite nang nasa ganoong posisyon.

Mabilis at maingat akong sumunod sa kanila. Papunta sila sa garahe, sa sasakyan ni Knite to be exact. Bago pa man makasakay si Knite, kita kong mas itinaas ng shinobi ang kamay niya, senyales na itatarak na niya dito ang kunai. Agad akong kumilos at ibinato ang basag na vase patungo sakanyang batok. Di ko maiwasang mamangha dahil kahit nakatalikod nasalo niya ito gamit ang isa pang kamay.

Lumingon ito sa'kin, may takip ang buong mukha niya maliban sa mata.

Bumwelo ulit ako na ibabato ang isa pang piraso ng basag na vase sa kanya, pero bago ko pa man nagawa 'yon nakapagtago na ulit siya dilim. Sa mga halaman dito sa garahe.

Sakto namang nagpalinga-linga si Knite sa palagid. Nagtago ako sa dilim nang tumingin siya sa direksyon ko. Saka lang ako lumabas nang nang marinig ang tunog ng sasakyan niya papaalis.

Duon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Muntik na...muntik na siyang mapahamak. Di ko alam kung saan siya pupunta ng ganitong oras pero mas mabuti na nga 'yon. Mas mabuti na wala siyang alam para di na siya mabahala.

Napasigaw ako nang may naramdaman akong matalim na bagay na tumusok sa tiyan ko. Ito yung vase na ipinambato ko kanina. Paulit ulit akong napamura dahil ramdam ko ang kirot. Its been 4 years since the last time i felt this kind of pain at aaminin kong di na sanay ang katawan ko sa ganito. Pigil hininga ko itong hinugot, damn! dumoble yung sakit.

Mula sa dilim, muling lumabas ang shinobi na ngayo'y may hawak na katana sa magkabilaang kamay.

Lintik, wala akong weapon. Dehado ako.

Mabilis akong tumakbo pabalik ng mansyon at inilock ang pinto. Naghanap ako ng bagay na pwedeng ipangdepensa. Di ko maiwasang mapamura nang maalala na nasa secret room ng basement lahat ng weapon ko. Wala na akong oras para pumunta duon!

Kahit na may sugat, pinilit kong tumakbo paakyat ng second floor para kunin sa kwarto ko ang pistol. Kahit na walang bala pwede ko itong gamiting panakot sa Shinobi. Mabuti na ito kesa walang hawak.

Agad akong pumwesto nang makita ang paggalaw ng doorknob. Kasunod nito ang pagpasok ng shinobi na ini-lock pa talaga ang pinto.

Nakangisi kong itinutok ang baril sa kanya. "Don't move" utos ko dito. Hinanda ko na ang sarili sa maari niyang gawin. Kilala ang mga shinobi sa kilos nilang parang hangin sa bilis. Ilang distansya lang ang layo namin at di malayong maagaw na niya ito bago ko paman ito maiputok kung saka sakaling may bala man ito.

Ngunit malayo sa inaasahan ko ang ginawa niya. Isinukbit niya ang bitbit na katana sa likod at marahang lumapit sakin. Lalong nakakadagdag sa kaba ko ang bawat hakbang na ginagawa niya. Sa bawat paglapit niya, siya namang atras ko. Natigil lamang ako nang makaabot na ako sa kama.

Para akong napipi at hindi makapagsalita. Yung way ng pagtitig niya sakin...masyadong pamilyar. Yung mata niya...yung singkit niyang mata parang nakita ko na noon.

Tuluyan na siyang nakalapit sakin. Di ko alam kung bakit agad kong pinaubaya sa kanya ang hawak kong baril. Marahan niya itong kinuha nang hindi inaalis ang pakikipagtitigan sakin.

"Kea"

Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang aking pangalan gamit ang pamilyar na boses. Yung boses na apat na taon ko nang hindi naririnig.

May isang tao akong naiisip pero IMPOSIBLE! patay na siya.

Umiwas siya ng tingin sakin at natuon ang titig sa isang bagay. Sa malaking picture frame na nasa ulunang pader ng kama ko. Sa picture namin ni Knite bilang modelo ng Imperial Key Hotel. Ganun na lamang ang gulat ko nang sunod sunod niyang pinatamaan ng shuriken ang mismong mukha ni Knite sa picture. Punong puno ng galit ang mata. Hindi pa ito nakuntento dahil hinablot niya ang katana at akmang itatarak dito. Duon na ako kumilos, humarang ako sa kanya dahilan para madaplisan niya ako sa balikat.

"Fuck" ayun nanaman ang pamilyar niyang boses. "S..sorry" aniya na para bang nauutal habang nakatingin sa sugat ko.

Lakas loob akong tumitig sa kanya, matagal na tinitigan ang kanyang mata.

"Aki" wala sa sarili kong banggit. May parte sakin na nagsasabing siya ang lalaking kaharap ko, na siya yung lalaking minahal ko noon. Yung tangkad, mata at boses...siyang siya. Pero mas malaki yung parte ko na nagsasabing, Imposible. Na baka guni guni ko lang ito. Na dulot lang ito ng masyadong kong pagiisip sa nakaraan kaya naiimagine kong siya iyan. Napakaimposible dahil patay na siya.

Patay na siya Kea!

"Hindi...hindi siya 'yan" bulong ko sa sarili. Nangungumbinsi.

Malakas ko siyang tinulak na ikinagulat at ikinaatras niya.
Unti-unting namuo ang galit ko nang maalala na binalak niyang saktan si Knite kanina. Hindi lang 'yon, siya din ang gumawa ng sugat ko sa tiyan.

Gusto kong saktan ang sarili sa katangahan. Panandalian akong nawala sa sarili at nakalimutang kalaban ang kaharap ko ngayon!

Mabilis akong pumatong sa kama.Hinablot ang mga shuriken na inihagis niya kanina at isa isang ibinato sa kanya. Di na ako nagulat na parang hangin na nasalo niya ang mga ito. Mabilis ang kamay, ni hindi ko nga nakita na naisukbit na niya ang mga ito sa belt. Sumenyas pa siya ng thumbs down habang humahakbang papalapit sa kama.

Pero bago pa man siya makapatong dito, binigyan ko siya ng side kick na tatama sana sa kanyang mukha ngunit agad niya itong nasalag at nahawakan pa ang kanan kong paa. No choice kaya ginamit ko ang isa kong paa para bigyan siya ng side kick sa kabilang mukha. Pahiga akong bumagsak sa kama pero ang mas masaklap hawak na din niya ang kaliwang kong paa.

Nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak . Umikot ako ng dalawang beses para pilipitin ang kanyang kamay, dahilan para mabitawan niya ang kanan kong paa.

Ginamit ko itong panipa sa kanyang sikmura ngunit walang epekto. Pinaulit ulit ko pa ang pagsipa pero masyadong matigas ang tiyan niya.

Sinubukan kong sipain siya sa mukha pero masyado siyang mataas. Damn it! Ba't na ang liit ko?! Kainis.

Napakapit ako sa bedsheet ng hatakin niya ako, masyadong malakas ang kanyang pagkakahila kaya napabitaw din ako dito.

"Aaaarggh!" Sigaw ko nang diniinan niya ang sugat ko siya tiyan. "ahhhhhha!" Feeling ko mapupunit ang ugat ko sa lakas ng pagsigaw at halos lumuwa ang mata sa sobrang sakit dahil lalo niya itong diniinan. Napakahapdi.

Habol hininga akong namilipit matapos niya itong bitawan. Nakakaubos ng lakas at nakakapanghina ang ginawa niya. Gusto kong bumangon at patayin siya sa bugbog pero hindi nakikisama ang katawan ko, para bang namamanhid dahil sa naranasang sakit.

Kaya nang binuhat niya ako hindi ako nakapalag. "B..bita-argh! B..bitawan m..mo ko" nanghihina kong sabi habang pilit na kumakawala sa kaya. Pero parang wala siyang narinig, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad hanggang makarating kami ng veranda.

Agad akong kinabahan sa isiping baka ihagis niya ako dito. Kaya ginamit ko ang natitira kong lakas para kumawala sa kanya. Sinasapak ko siya sa dibdib at pilit ko ginagalaw aking katawan para mahirapan siya. Mukhang siya din ang sumuko kaya patayo niya akong ibinaba sa sulok ng veranda.

"D..damn you" sabi ko tapos ay dinuraan siya.

"Yeah damn me for this" sagot nito tapos ay may kinuhang puting panyo sa bulsa.

Huli na nang mapagtanto ko ito dahil naidikit na niya ito sa aking ilong. Napakapakit ako sa railing dahil mabilis umepekto ang pinaamoy niya sakin. Umiikot ang aking paningin at bumibigat ang talukap ng aking mata.

Hindi ko alam kung dumodoble ba ang paningin ko o sadyang dalawang shinobi na ang nasa harap ko ngayon. Kumurap kurap ako para labanan ang antok. Duon ko lang napagtanto na dalawa nga sila. Magkarap ang mga ito at para bang may pinagtatalunan.

"I'll bring her to Akigama palace"

"No! This is not the right time"

Masyadong nakafocus ang utak ko sa paglaban sa antok kaya hindi ko masyadong naiintindihan ang pinaguusapan nila. Pareho silang natigilan nang may malakas na kumatok sa pinto. Nakakabulabog sa lakas.

"Kea!"

Mariin akong napapikit nang mapagtantong si Knite 'yon.

"Open this goddamn door!"

Damn, wag kang pumasok!

Mas lalong dumoble ang kaba ko nang muling hugutin ng unang shinobi ang katana niya at bumwelo na babalik sa kwarto. Pinipigilan siya ng kasama pero masyado siyang desidido. Alalang alala ko pa kung gaano niya pinatamaan ang picture ni Knite kanina. Galit na galit at sa ganoong reaksyon para bang gusto niya itong patayin.

"W..wag " bulong ko pero sapat na para marinig niya.
Hindi ko maiwasang maging emosyonal nang maalala ang nagyari apat na taon. Noong panahong akala ko ay patay na su Knite. Ayoko nang maranasan 'yon. Yung maramdaman ang sakit dahil sa pagkawala niya. "P..please wag" de bale nang patayin niya ako. Wag lang si Knite.

Ang buong akala ko ay babaliwalain niya ang sinabi ko kaya laking gulat ko nang bigla itong huminahon at bumuntong hininga. Umiiling itong isinukbit ang katana sa likod. Tapos ay lumapit sakin at may inabot sa kamay ko. Hindi ko na ito tinignan pa dahil nakatuon lang ako sa kanyang mata.


" watashi no joō. Mata chikaiuchini o ai shimashou " aniya tapos ay tumalon kasabay ang kasama niya. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa lamunin sila ng dilim.

"Kea!" Natigil ako sa pagtulala ng makitang nasa harap ko na pala si Knite.

"Knite" bulong ko. Tuwa, takot at kaba. Naghalo halo ang emosyon ko kaya di ko maiwasang umiyak.

"Shit! Sinong may gawa nito?"

Hindi ako sumagot. Bahagya lang akong ngumit at hinamplos ang mukha niya "Thanks God" I whisper in disbelieve.

Thanks God Your Safe.

Natigil ako sa pagbabalik tanaw nang idinantay ni Knite ang braso at binti sakin. Marahan, halatang iniiwasan ang sugat ko.

"Morning" he said using his cold bedroomvoice. Napangiti na lang ako dahil nakapikit pa siya, halatang inaantok pa.

"Aww mukhang napuyat ata ang hambog ko" pagbibiro ko. Dahan dahan niyang dinilat ang mata at humiwalay sa'kin.

"yeah napuyat sa pagaalala sa'yo" seryoso niyang saad "pag nakabawi ako ng tulog marami akong itatanong" tapos ay mabilis na bumangon at lumabas ng kwarto. Napaigtad pa nga ako sa gulat dahil padabog niyang sinara ang pinto.

Mukhang galit ata ang hambog. Pero kahit na ganoon, wala akong balak na magkwento tungkolsa nangyari kagabi.

Kung Hara nga ang nasa likod ng mga nangyayari sa akin hindi ako magdadalawang isip na bumawi sa pananakot at pagsugod na ginawa nila kagabi. At sa pagkakataong ito, sosolohin ko ang laban.

Wala nang pwedeng madamay, wala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top