BTP 5: Something Wrong

Keallyn's POV.

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon habang sinusundan ng tingin si Knite at ang higad na 'yun papalabas ng Resto.

I am totally mad now but at the same time, confuse as hell.

Ngayon lang sila nagkakilala, Ngayon lang! Pero kung umasta si Knite... argh! Kinampihan pa niya yung higad na yun at sinamahan pa talagang magpalit dahil Kasalanan ko daw? like what the hell! Wala nga siyang alam.

Wala siyang alam kung gaano kalaki ang galit ko sa babae na 'yon. Kung ano ang ginawa ni Cas sa akin, sa amin ni ninong Ricky! That bitch~ Ang lakas ng loob na magpakita sa'kin after ng ginawa niya.

Actually, kulang pa ang pagsaboy ng tubig. Kulang pa para ipadanas sa babaeng yun kung gaano kami nasaktan si ninong noon dahil sa kaniya. Kulang pa para sa sakit na idinulot niya sakin, lalo na kay ninong. KULANG PA! dapat asido ang binuhos ko sa lintik na babaeng yun. Nang mabura na ang mukhang ginagamit niya sa panglalandi, punyeta siya.

"Who is she?" Knia asked while pointing his finger at the entrance of resto. She's reffering to Cas.

I took a deepbreath to make myself calm. "Don't waste your time for asking her name. She's nothing but a trash"

"O--kay ate" alanganing sagot ni Knia. Mukhang napansin niyang badtrip ako ngayon.

Nagkatinginan pa nga sila ni Kean. Nafi-feel kong pinapakiramdaman nila ang mood ko ngayon.

Pinilit kong ngumiti sa harap nila. Unang araw ng bakasyon ko ngayon. Ayokong masira dahil lang sa higad na yun. At isa pa, gusto kong makabawi sa dalawang bulilit na nasa harap ko, yeah including Kean. Its been what? 3 years ata nung last time na namasyal kami. Kaya kahit gusto kong magwala sa galit ngayon, pinipigilan ko.

This day is too special for them-for Us. I don't want to ruin it.

Naging tahimik lang kami hanggang sa dumating ang inorder naming pagkain. Gusto pa sana nilang hintayin ang kuya nilang magaling, pero sinabihan ko silang huwag na dahil magugutom lang sila. Alam kong matatagalan siyang bumalik, si Cas ba naman ang kasama eh for sure maglalandian pa yung dalawang yun.

E di go! maglandian sila pake ko. Hindi ako nagseselos, hindi talaga. peksman mamatay ka man tsk..

And I was right, matagal bago siya nakabalik. Patapos na nga kami kumain ng dessert. ugh!
Ganun katagal ang landian session nila. Bwisit.

Knite's POV

Hingal na hingal akong umupo sa tabi ni Kea. Sa sobrang taranta ko kanina, nakalimutan kong gumamit ng elevator at escalator paakyat dito.

Hindi ko mabilang kung ilang beses ko nang namura sa sarili sa katangahang ginawa ko ngayon.

Shit! Sa sobrang curious ko kay Cas, muntik ko nang makalimutang may mga kasama ako na naghihintay sa'kin.

"Bumalik ka pa" Sarkastikong sabi ni Kea habang tutok na tutok sa Ice cream niya. Alam kong galit siya ngayon, ayaw na ayaw pa naman niya sa lahat ay yung pinaghihintay siya.

Saglit akong lumingon sa mga kapatid ko. Inirapan ako ni Knia habang si Kean naman umiling na para bang dismayado. Lalo lamang akong nanlumo sa reaksyon nila.

"Ahm sorry natagalan ako kase--"

"I don't need your damn explanation Knite" putol sa'kin ni Kea tapos ay lumingon siya ng nakangiti. Fuck...ang creepy ng ngiti niya. "Okay lang, beside ineexpect ko naman na matatagalan ka" Mahinahon ngunit mahihimigan ang inis sa tono niya.

Napalunok ako sa inaasta niya. First time ko lang siya makita ng ganyan, yung nakangiti kahit deep inside gusto na niya akong patayin sa galit. Mas sanay ako nang nakasigaw siya sa'kin, hindi yung ganito! Lalo akong nagi-guilty sa totoo lang.

"Kea naman, sorry na nga e"

"Oh bakit ka nagsosorry? Okay nga lang sakin" Aniya gamit ang nakakalokong ngisi at tono.

Pinilit kong abutin ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Marahan ko itong hinawakan at pinisil "stop acting please. Kilala kita at alam kong galit ka ngayon" naglean ako sa kanya para bumulong "Tara, punta tayong private office ko dito sa mall. Duon mo 'ko sigawan para malabas 'yang galit mo"

Binitawan niya ang kamay ko at marahan akong tinulak. "Okay nga lang Knite. OKAY lang. Alin ba sa salitang okay ang hindi mo maintindihan?Oh sige tagalugin ko. Ayos lang sa'kin, ayos lang. Hindi ako galit.Gets mo na?"

"Pero--"

"Hep hep hep!" pigil nya sakin."Wala nang pero pero, kumain ka na at nang makapamasyal na tayo. Bilisan mo okay? excited na akong maka-bonding si Knia" sabay sulyap sa mga kapatid ko at ngumiti.

Habang pinagmamasdan siyang nakangiti kay Knia, unti unti ko nang nang naiintindihan kung bakit ganyan ang inaasta niya. Pinipigilan niyang magalit sa'kin dahil ayaw niyang masira ang mood namin at hindi na matuloy pa ang pamamasyal ngayon. This day is too special for her, ayaw niyang masira ang araw namin dahil gusto niyang makabawi sa mga kapatid ko lalo na kay Knia. Tapos eto ako, pinaghintay pa siya ng matagal.

Masyado na akong nako-konsensya kaya sinabi ko sa kanila na hindi na ako kakain kahit na sa totoo lang nanlalambot na ang tuhod ko sa gutom. Para maka-diretso na agad kami.

Pero...

"Hindi mag-lunch ka muna. Alam kong hindi ka rin nag-breakfast Knite. Ayokong nagugutom ka." pamimilit ni Kea at iniharap pa talaga sakin ang pagkaing inorder niya para sa'kin.

See? May kasalanan na ako't lahat lahat pero nakuha pa niya magaalala sa'kin.

Eto yung side niya na pilit niyang itinatago at minsan lang ilabas. Yes, She act like a tough one but believe me she is one of the most sweetest and caring person I've ever known.

And thats the reason why I fall inlove with her, deep and hard.

***

"Yay ate! thanks sa araw na'to super nag-enjoy ako!" impit na tili ni Knia habang nakayakap kay Kea at nagtatatalon.

Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Tapos nang one-to-sawang galaan,hinatid na namin sila dito.

Humiwalay sa yakap si Kea "Nag-enjoy din naman ako Knia- i mean little malady" sabay tap sa ulo nito. Parehas silang napahagikgik nang banggitin ni Kea ang bago niyang bansag sa kapatid ko. Yeah little malady dahil mini version daw niya ito.

Napapangiti na lang ako habang tinitignan sila, lalo na si Kea. Mababakas sa mukha niya ang sobrang tuwa at saya. Nakangiti siya, yung totoong ngiti na umaabot sa mata at tagos sa puso ko. Ito yung klase ng ngiti na matagal kong hindi nakita sa kanya at mas doble ang sayang nararamdamn ko dahil doon. Hindi nga ako nagkamali na pagbakasyunin siya, tignan nyo first day palang mukhang natanggal na lahat ng stress niya na naipon sa apat na taon na pagtra-trabaho.

"Little malady" paguulit ni Knia "Yieee may cool na Nickname na ako" Masaya niyang sabi sabay harap sa'min ni Kean "You hear it right? From now on, both of you will call me little malady not princess or baby" saglit siyang tumigil at pinagkrus ang braso sa dibdib "understand?"

Pfft halatang ginagaya niya ang kilos ni Kea. Di bagay sa kanya amp. Masyado siyang cute para maging kasing-angas ng malady ko.

"Yes baby" -Kean

"Okay Princes" -Ako

Sabay naming pang-aasar kaya kunot noong ngumuso si Knia.
"Ate oh!" pagsusumbong niya kay Kea na tuwang tuwa pa sa kanya.

"Boys" Makahulugang utos sa'min ni Kea, para bang sinasabing pagbigyan ang spoiled naming kapatid.

"Okay Little Malady" pagsuko ko

"Ai-Ai Little Malady" Si Kean na sumaludo pa.

"Good" ani ni Knia na pumalakpak pa sa galak.

"Oh siya, pumasok na kayo baka hinahantay na kayo ni Mom and Dad sa Loob" utos ko para makauwi na kami.

"Di kayo papasok? Magpakita man lang kayo sa kanila. Lalo ka na Malady, miss ka na ni tita Faith" Si Kean na pinagbuksan pa kami ng gate.

"Hindi na, almost 9 pm na rin, pakisabi na lang kay tita na bibisita ako sa kanya, anytime soon"

"Makakarating. Sige papasok na kami, Ingat pauwi" paalam ni Kean tapos ay lumingon kay Knia "Tara na Knia- I mean little malady"

Tumango lang sa kanya si Knia at humarap kay Kea "Bye ate, salamat ulit" Bumaling naman siya sa'kin at bahagya akong hinatak pababa para mahalikan sa pisngi "bye na rin Kuya" pamamaalam niya. Humikab pa nga ito, halatang pagod at inaantok na. "Goodnight"

Nakangiti lang akong tumango at tahimik silang pinagmasdan papasok hanggang sa magsara ang gate namin. Bumaling ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay nakangiting nakakatitig din sa gate. Shit lang, lalo siyang gumaganda pag nakangiti.

Pero unti-unting nawala ang ngiti niya nang humarap sa'kin at umismid "tsk" Inirapan pa nga ako bago tumalikod.

Hala...galit pa rin siya? A..akala ko nakalimutan na niya yung kanina! "Kea naman" paungot kong atungal habang nakasunod sa kanya "Galit ka pa rin?"

Pero ni hindi niya ako sinagot o nilingon man lang. Tuloy tuloy lang siya sa pagsakay sa bago niyang Ducati. Mukhang ngayon niya ilalabas ang galit sa'kin dahil wala na ang dalawa.

"Uy~ sorry na" this time tumingin siya sa'kin pero sa pangalawang pagkakataon, inirapan niya ako!

Ako na mismo ang kumuha ng helmet sa compartment ng motor niya at sinuot sa kanya,
para mapilitan siyang humarap sakin. "kung tungkol 'to kanina, sorry kung medyo natagalan--"

"Anong medyo?" pagpuputol niya.

"Okay fine. Sorry kung sobrang natagalan ako kanina. Ano kase e, masyado akong nacurious kay Catastrophe kaya..." pag-amin ko.

Tinampal niya ang kamay ko na siyang nakapagpatigil sa'kin, sabay hinubad sa kanyang Helmet " Kaya nakalimutan mo kami?" taas kilay niyang tanong "wow Knite, wow lang"

"Di sa ganon ano kase...." saglit akong tumigil para mag-isip ng idudugtong. Miski ako di ko din alam kung anong sasabihin dahil aminado akong nakalimutan ko nga sila at wala akong maisip na magandang dahilan "Ahh basta sorry" yun na lang ang nasabi ko dahil wala akong maisip na ipapalusot. Tinaas ko na lang ang ang aking kanang kamay "promise sa susunod di na kita pagaantayin ng matagal. Last na yung kanina"

Umiwas siya ng tingin. "Di lang naman kase 'yon ang kinagagalit ko" seryoso niyang sabi "Ang nakakadagdag ng inis ko ay pinalabas mo kase na siya pa kinampihan mo at ako ang masama, na ako pa ang may kasalanan. Eh wala ka ngang alam kung bakit ko ginawa sa kanya 'yon" puno ng pagtatampo niyang sabi.

Napabuntong hininga na lang ako, gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi 'yon ang intensyon ko. Na wala akong kinampihan pero pinigilan ko ang sariling magsalita dahil masyado nang malalim ang gabi. Knowing Kea, pag sinabi ko 'yon siguradong hahaba pa ang usapan namin at hindi din niya maiintindihan dahil sarado ang isip niya tuwing nagagalit. Bukas ko na lang ipapaliwanag pag malamig na ang siguro ulo niya.

"Bukas na lang ako magpapaliwanag. Umuwi muna tayo nang makapagpahinga"

"mabuti pa nga" sagot niya sabay suot ng Helmet. Mukhang nadismaya pa siya sa sinabi ko.

Nanlulumo akong sumakay sa sasakyan at pinaandar ito. Akala ko pa naman magiging masaya ang pagtatapos ng araw na'to, pero nagkamali ako. Gusto ko na tuloy makauwi agad sa mansyon nila at matulog sa kwarto.

Luminga ako sa kanan para abangan ang pagharurot niya pero dumaan ang ilang segundo walang motor ang dumaan.
Tumingin ako sa side-mirror at ganun na lang ang pagtataka ko dahil nanduon pa rin siya sa pwesto. Nakababa na at nakaupo habang nakatingin sa likurang gulong ng ducati niya.

Anong meron?

Hininto ko ang kotse at dalidaling bumababa. Medyo malayo na pala ang naging distansya ko kaya patakbo ko siyang tinungo. Nakita kong hindi siya sa gulong nakatingin, kundi sa kamay niya. May hawak siyang maliit na papel at parang may binabasa siya dito.

"Kea!" sigaw ko. Mukhang duon lang siya natauhan at dali daling tumayo sabay itinago ang papel sa likod na bulsa ng pantalon.

"Oh ano yung hawak mo kanina?" tanong ko.

"w..wala" mautal utal niyang sagot.

Hinubad niya ang helmet at duon ko lang nakita ang pamumutla niya. Hindi siya makatingin ng diretso sakin at kurap ng kurap ang mata.

There's something wrong.

Para siyang kinakabahan na ewan. Pinunasan ko pa nga ang mga butil ng pawis sa noo niya.

"Akin na yang nasa bulsa mo" inilahad ko pa ang palad ko sa harap. Alam kong may kinalaman ang papel na 'yon sa kinikilos niya.

"W..wala nga yun" ayan nanaman ang pagkakautal niya.

"Akin na" mariin kong utos.

"Sabi ngang wala lang yun!" napaatras ako sa biglaan niyang pagsigaw.

"Kea.." yun lang ang nasabi ko sa gulat. May mali e! Ano bang nangyari ?!

Kunot noo siyang umiwas ng tingin sa'kin at muling lumingon sa gulong ng motor niya. Sinundan ko din ito ng tingin at kumunot din ang noo ko ng makitang flat ito.

Papanong...?

Titignan ko sana ito pero hinatak na ako ni Kea sa braso bago pa man ako makalapit. "Umuwi na tayo"

Gusto ko sanang magprotesta at ipilit na tignan ito. Pero tumango na lang ako at nagpatinaod na sa kanya para walang gulo. Binigyan ko pa ng huling sulyap ang motor niya bago sumakay sa kotse.

Tinignan ko si Kea na nakaupo sa passenger seat at pinaglalaruan ang kamay. Punong puno ng pawis ang noo at nanginginig ang mga labi. Saglit lang akong nalingat pero naging balisa na siya. Fuck! ano ba talagang nangyari?

"Anong nangyari sa gulong ng motor mo?" Casual kong tanong, pinilit kong umarte na para walang napansing mali sa kanya.

"ha?" mukhang hindi niya narinig tsk.

" Anong nangyari sa gulong ng motor mo kako?" paguulit ko

"Ewan" agad siyang nagiwas ng tingin "m..may tumusok ata na kung ano kaya sumingaw"

Tumusok? Sumingaw? Ducati yun! Ducati! hindi basta basta ang gulong ng mamahaling motor. Malalaki at makakapal ito, idagdag mo pang bago i'yon kaya napaka-imposibleng mabutas ng basta basta.

Alam kong nagsisinungaling siya, at nakumpirma ko lang 'yon nang tumingin ako sa kamay niya at nakakrus ang dalawang dalawang daliri nito. Yan ang mannerism niya tuwing nagsisinungaling.

"Ah ganoon ba?" yun na lamang ang sinabi dahil batid kong may ayaw siyang ipaalam sakin. Tumango lang siya at tumingin sa bintana ng kotse.

Sige hahayaan kita ngayon pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan kitang itago yan sa'kin ng matagal. Ako mismo ang aalam kung bakit biglaan kang nagkaganyan malady..

[TBC]

A/N:

Super thanks kay @Magilagidsicheol. Srsly kanina ko lang nabasa yung mga comment mo kaya bigla akong ginanahan magsulat!
Dedicate ko sana sa'yo yung 5 chapter nito kaso sa mobile lang ako nagsusulat. Basta Thankyou ulit XOXO ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top