BTP 4: Catastrophe
Knite's POV
Kanina pa ako palinga linga sa mall. Tinitignan ang bawat boutique kung nandoon ba si Kea.
Yung babaeng 'yon, saglit lang akong nalingat dahil may sinagot akong phone call pero pagtingin ko sa kanya.. wala na..Parang bulang biglang naglaho sa paningin ko. Almost 15 minutes ko na siyang hinahananap, I even try to call her goddamn phone pero hindi niya sinasagot! Nagaalala na ako, sa totoo lang.
Inis akong pumunta sa Resto na pinaghahantayan ng mga kapatid ko. Kahit na gusto ko pang hanapin si Kea, ayoko rin naman gutomin sila tsk.
Agad ko silang nakitang nakaupo malapit sa bungad ng resto. Hindi nila napansin ang paglapit ko dahil nakatuon silang dalawa sa isang bagay. Sinundan ko iyon ng tingin.
"Anak nang..." Bulong ko
Nandito din si Kea, and to my surprise nakita ko sa harap niya si Catastrophe. Basang Basa ang buong mukha hanggang dibdib, halatang binuhusan ni Kea dahil hawak pa niya ang baso.
Tumakbo ako papalapit sa kanila. "Hey, bakit mo siya binuhusan?" Agad kong tanong kay Kea.
Hindi siya sumagot pero bakas ang galit sa mukha niya. Namumula ito at salubong na salubong ang kilay.
Nilingon ko si Catastrophe "Are you okay?"
"Ikaw kaya sabuyan ko ng tubig sa mukha. Masasabi mo pa kayang okay ka ?" sabay lingon sa damit niya "Gosh nabasa na! ang mahal mahal pa naman ng bili ko dito!"
"Kahit ano namang suot mo mukha ka pa ring basahan Cas"
singit ni Kea na pinagcross ang braso niya sabay pasada sa damit nito "Cheap"
"How dare you!"
"Hep hep hep" sigaw ko sabay harang kay Catastrophe na pasugod na kay Kea. "Wag mo subukan saktan 'yan, ako na nagsasabi sa'yo miss. Triple ang balik niyan sa'yo" bulong ko rito, ineexpect ko na matatakot siya pero nginisian lang niya ako.
"Well, Let me tell you that I am her sparring partner for seven freaking years at yung sinasabi mong triple ang balik sakin? Nuh thats impossible. Yes may times na nanalo siya sakin pero mas marami ang natatalo" sabay lingon kay Kea "Right? Weak bitch"
Bahagya pa akong napaatras sa sinabi niya. A what? A sparring partner? For seven freaking years?! Kung natagalan niya si Kea, malaki ang posibilidad na hindi basta basta ang lakas ng babaeng 'to.
"Try me then" paghahamon ni Kea gamit ang malumanay na boses "Papatunayan ko sa'yong, hindi ako weak"
"Ano ba!" sigaw ko "This is not the right time especially the right place for that Kea" mariin kong sabi sa kanya. Saglit ako luminga para tignan ang mga taong nanood sa'min. Inismiran lang niya ako.
"at ikaw naman" lingon ko kay Catastrophe.
"Ano nanaman?!"
"Chill. okay? Ako na lang ang magsosorry sa ginawa ng malady ko sa'yo"
"Bakit ikaw pa? wala ba siyang bibig?"
"Dahil trabaho ko 'yon bilang keeper niya-"
" oooh So you are the 'lucky' guy?" putol niya sa sasabihin ko. Talagang may diin ang salitang 'lucky' at halata ang gulat at pagkamangha dito.
I frown "What do you mean?"
" Nothing. Anyway Excuse me, magpapalit pa ako ng damit"sabay talikod at naglakad.
Unti-unting nabuo ang kuryosidad sa sistema ko. I am the lucky guy? Anong ibig niyang sabihin duon? at isa pa ka anu-ano siya ni Kea, the way kung paano sila magusap parang close sila dati ? Kung ganon, bakit ito galit sa kanya at sinabuyan pa ng tubig ? Kilala ko si Kea, hindi siya palapatol kung wala ka namang ginagawa sa kanya.
Question , Question and lot of damn freaking Question na iisang tanong lang ang pinagmulan.
'Sino ka ba talaga... CATASTROPHE?'
Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang, pinigilan ko na siya at hinawakan sa braso. Inis siyang humarap sakin. "What?!"
"Samahan na kita" Iisang paraan lang para masagot ang mga tanong ko. Kailangan ko siyang makausap.
"What?!" gulat nitong sigaw sabay tapik sa kamay ko "Magpapalit ako ng damit tapos sasamahan mo ko? Bastos!"
"What the... I mean sasamahan na kita para bilhan ka ng damit. Tutal kasalanan naman 'yan ng magaling kong boss" bahagya kong nilingon si Kea. Iiling iling niya akong tinalikuran at umupo sa table na inuukupa nila Kean.
Huminga siya ng malalim"Di mo kase nililinaw. Okay bilisan lang natin. Nilalamig na ako" Nabalik lang ang tingin ko kay Catastrophe nang magsalita siya.
Hinawakan ko siya sa braso at hinatak papalapit sa table nila Kean. "Kean, umorder na kayo ng lunch natin. Babalik din ako.agad , sasamahan ko lang siya"
"Geh kuya"
Tumango lang ako sa kanila at hinatak na palabas ng resto si Catastrophe.
"Hoy! Hinay hinay naman sa paglalakad. Parang kinakaladkad mo na ako e!" singhal niya sabay tapik sa kamay ko. Sa sobrang atat kong makausap siya, di ko namalayang pati paglalakad ko mabilis na.
Tumigil ako at humarap sa kanya.
"Pwede ba miss. Mamaya ka na mag-inarte. Ikaw na mismo nagsabing nilalamig ka kaya dinadalian ko na"
Ang inis niyang mukha unti unting napalitan ng pigil na ngiti. She even bit her red and pouty lip. Anong nginingiti- ngiti nito?
"Concern eh? How sweet"
"huh?" she whisper something pero hindi ko narinig dahil bigla siyang yumuko.
Nag-angat siya ng tingin. Napakunot ang noo ko dahil sa kabila ng pagiging morena niya, kapansin pansin ang pamumula ng pisnge nito. Akala ko ba nilalamig siya? "Hmm sabi ko nga bilisan na natin"
Hindi ko na lang pinansin ang ka-weirdohan niya at tinuloy na lang ang paghatak sa pinakamalapit na boutique.
"Good day po, Sir Knite" Bungad na bati sakin ng saleslady. Tinanguan ko lang siya at pumunta sa mga dress na nakadisplay.
Dinampot ko ang dress na medyo hawig ng suot niya. Isang pink na fitted dress below the knee.
"Wear it" utos ko sabay abot sa kaniya
Mukhang nagustuhan naman niya. Pinasadahan niya agad ng tingin ang kabuuan ng dress "I like this oh scratch that i love thi-" pero natigilan siya at halos manlaki ang mata niya nang makita ang price tag "20 thousand?! ano to gawa sa ginto? hala, ang mahal naman." padaskol niyang inabot sakin "Wag na yan masyadong mahal. Wala akong pera"
"Just wear it, ako na magbabayad"
"Wag na nakakahiya, patutuyuin ko na lang 'tong suot ko"
"Wag na lalamigin ka lalo baka magkasakit ka" Kargo de konsensya pa kita pag nagkataon.
Nilagay niya ang takas na buhok sa gilid ng tenga "I know nagaalala ka, Thanks sa concern pero ang mahal kase. Nakakahiya"
"Pero gusto mo nito?"
"ha?" Di nya ata ako narinig dahil tutok na tutok siya sa damit. Halatang halata sa kanya na naghihinayang siya.
"Sabi ko, gusto mo nito diba?" panguulit ko.
"ay hindi na!" lumapit siya sakin at bumulong "Pwede naman akong makabili sa bangketa niyan. Class A pa. 250 lang"
Napangiti ako sa inaasta niya.
'Simpleng babae, walang arte' sa isip isip ko. Kung titignan mo kase siyang maiigi mukhang nakakaangat din siya sa buhay, wala talaga sa itsura niya ang bibili ng damit sa bangketa. Kung pagaaralan mo naman ang attitude niya.. At first aakalain mong maldita siya dahil siguro sa mga mata at kilay niya, para bang kahit wala siyang ginagawa matatakot ka na. Pero nung nakita ko siyang ngumiti at marinig magsalita hmm nagbago ang first impression ko sa kanya. From a fiercefull women she turn into Cheerfull and talkative girl.
"Woy bakit ka nakangiti dyan at bakit titig na titig ka sakin?"
"H..ha? ahh wala wala." napakurakurap pa ako. Langya, hindi ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya "Anyway suotin mo na wag ka nang mahiya okay lang sakin"
"Ang mahal nga sabi. Wag na lang"
"Okay" tango ko sabay sabit ng damit. I'm just teasing her, bibilhan ko naman talaga siya.
She puot her lip while staring at the dress. cute.
I raised my hand para tawagin ang pinakamalapit na saleslady sa'min.
"Yes po sir?"
Kinuha ko ulit ang dress at inabot sa saleslady "I'll buy 10 pieces of that dress. Same design but different colors. Pakisamahan na rin siya sa fitting room para masuot 'yan"
"Okay po sir" lumingon ang saleslady sa kasama kong nakanganga at tulala sakin "Ma'am?"
"h..ha? ay S..sige sige" Tsk ano bang nakagulat sa mga sinabi ko at mukhang daig pa nito ang nakakita ng multo?
Para siyang tangang nagpatinaod kasama ang saleslady. Tulala eh.
After a few minutes na paghihintay, nagulat ako nang lumabas siya ng fitting room at patakbong lumapit sakin. Hindi lang yun, sinapak pa nya ako sa braso.
"Aish Kainis ka! Di mo man lang sinabi saking ikaw pala ang may-ari ng mall na'to. Kung hindi nakwento saking ng saleslady hindi ko pa malalaman! Kaya pala anlakas ng loob mong bilhan ako ng damit at sampu pa!" Dirediretsong sigaw niya sa mismong mukha ko.
"Nagtanong ka ba? at isa pa ano namang paki mo kung ako ang may-ari nito?!" sigaw ko rin. Wala lang trip ko lang sabayan ang pagsigaw niya haha.
Lumayo siya at bahagyang nilibot ng tingin ang buong botique bago humarap sakin.
"Kase kung alam kong ikaw pala ang owner nito eh di sana hindi na ako mukhang tanga at nagpapabebe na tumanggi sa'yo kanina. Nakuuu kung alam ko lang talaga na bigtime ka buong botique na ang pinabili ko" Gigil niyang saad. Napanganga at napatanga lang ako sa sinabi niya "Charot lang hahahaha. Kung makanganga ka naman parang totohanin ko yung sinabi ko. Di naman ako gold digger no!"
"Wow" yun lang ang nabanggit ko. Hanep, mas lalo siyang dumadaldal. Parang ratatat ang bibig. Bukod sa nakakabingi, dirediretso pa. Humihinga ba to?
"Anong wow?! Hoy lalaki andami kong kinuda sa'yo. Wow lang isasagot mo? Abat grabe ka naman--hsms" Hindi ko na siya pinatapos. Agad kong tinakpan ang bibig niya.
Ang daldal.
"Ms ratatat mamaya ka na dumaldal, kailangan nating- ARAY FUCK!" natigil ako sa pagsasalita ng kinagat niya ang palad ko
"hoy! Anong ms. Ratatat? May pangalan po ako CATASTROPHE , Cas for short C-A-S! Casssssssss ano ho? "
"Fine 'Cas', Caasssss. Happy?"
"Yun mas bagay. Bat ganun ang hot pakinggan ng pangalan ko pag ikaw nagsabi?"
"Kase gwapo ang nagsabi?"
"Kapal ha, pero infairness gwapo ka nga " nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa aking mukha.
"Alam ko na yan wag mo nang ipamukha. Anyway Since may nalaman kang Info. About sakin pwedeng ako naman ang magtanong sa'yo?"
"Sureeee. Looks like this handsome guy interested at me eh" bahagya akong natawa ng kumindat siya.
"Good" for the second time, hinawakan ko siya sa braso at hinatak palabas ng botique. I need some private place para makausap siya ng maayos.
"Ayan ka nanaman sa hatak, feel na feel mong kaladkarin ako ano?"
Hindi ko siya nilingon, tuloy tuloy lang ako sa paghahanap ng lugar at ayun! May Cofee shop dito sa first floor na wala masyadong customer.
Pumasok kami dito at pumunta sa pinakasulok na upuan. Umupo ako sa itim na couch at itinuro ang katapat kong upuan
"Upo ka na ms. Ratatat- i mean Cas" agad kong binawi ang una kong bansag sa kanya dahil pinandilatan niya ako ng mata.
Padabog siyang umupo sa harap "So anong itatanong mo sakin"
"Dederetsahin na kita. Gusto kong malaman ang tungkol sa pagkatao mo Cas. I am damn curious... Sino ka ba? Anong kinalaman mo sa malady ko at parang anlaki ng galit niya sayo?"
In an instant nawala ang palangiti na Cas sa harap ko Bigla siyang nagseryoso at ngumisi sa akin "To tell you honestly, Catastrophe is not my real name at tungkol naman sa iba mong tanong. Sorry mr. Knite hindi ko masasagot 'yan, wala ng thrill pag nalaman mo agad. Bakit hindi na lang si Kea ang tanungin mo?"
Catastrophe is not her realname?
"Sigurado akong hindi rin ako sasagutin nun. So please wag ka nang magpa mysterious effect Cas, kung yun nga ba talaga ang nickname mo"Prangka kong sagot.
Magsasalita na sana siya pero natigilan siya ng magring ang phone sa pouch niya, agad niya itong kinuha at sinagot.
"Hello... hmm Oo nasa mall bakit?... talaga? ay sige sige kita na lang tayo dito Nasaan ka? ...okay hintayin mo ko dyan. Pupuntahan kita...ikaw talaga sige bye~~"
"Paano ba yan? Kailangan kong umalis. Mukhang di ko masasagot ang tanong mo mister"
"Damn you"
"Ooops wag na mainit ang ulo, akin na ang phone mo"
Kahit na inis ako inabot ko ang phone ko sa kanya. May pinasa siyang Video dahil nakita kong binuksan niya ang shareit at pagkatapos nagsave din siya ng number.
"Oh Nagpasa ako ng Video dyan, yan yung huling laban ni Kea sa States bago siya umuwi dito. Parang bayad ko na yan sa pagbili mo ng damit sa'kin. Naka save na rin ang number ko in-case na gusto mo ulit ako makausap." agad siyang tumayo "Sige ba-bye na, kailangan kong magmadali e. Naghihintay sakin yung kasama ko. Bye~" she waved her hand tapos ay patakbong lumabas ng café
Bumalik ang tingin ko sa phone na hawak ko. video ng laban ni Kea? hmm interesting.
Speaking of Kea...
Shit!
Oo nga pala naghihintay sila sa Resto! TanginaKnite. Ang tanga tanga mo! Bakit mo nakalimutan.
Darn it! Lagot ako nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top