BTP 3: Act. Like.One.
Knite's POV
"Kuya where's Ate sungit?" Knia Asked while putting some powder on her face.
"Yeah right nasan si Malady?" Dugtong na Tanong naman Kean na nasa driver's seat.
Padabog kong sinara ang pinto ng kotse at nakapokerface na humarap sa kanila.
"Wala man lang ba kakamusta sakin? Kasasakay palang ng gwapo nyong kuya, si Kea na agad hinahanap nyo?" Kunyaring nagtatampo kong sabi.
"Duh, kuya~ araw araw ka nang bumibisita sa bahay kaya sawang sawa na ako sa pagmumukha mo." prangkang tugon ng maarte kong kapatid
Humawak ako sa dibdib at umarteng nasasaktan "Aww thats hurt lil sis. You don't miss kuya?"
"Stop calling me 'lil. sis.' look at me now, look! dalaga na ako kuya and by the way I don't miss you hmmp!"
Pareho kaming natawa ni Kean sa Inasta ng bunso namin. The word 'cute' really suits her. She's just 9 years old pero ang utak parang teenager na talaga. Pero sa mata ko she is still my baby.
I raised my hand " okay fine dalaga na ang lil sis ko so what do you want me to call you then?"
" a malady will do" tatango-tango nitong sabi habang naka-cross arm pa. "Understand?" sabay tingin sakin na nakataas pa ang kilay.
Napalingon sa gawi namin si Kean at nang magtama ang paningin namin..... sabay kaming humagalpak ng tawa.
Hahaha the heck, malady? hahahaha masyado kaseng ina- idolize ng kapatid ko si Kea. Sa katunayan, ito din ang dahilan kung bakit ang bilis niyang magmatured.
" Stop laughing! I'm Serious here!"
Pero parang wala kaming narinig, tuloy pa rin kami sa pagtawa.
"I hate both of you" she shouted, pumiyok pa ito halatang maiiyak kaya natigilan kami sa pagtawa.
Pikon.
Umakbay ako sa kanya "Sorry okay, its just that the word 'malady' is not suit to you Knia at isa pa si Kea lang ang pwede naming tawaging ganoon."
"Oo nga, Sige ka baka magalit si malady pag nalaman niyang ginagaya mo siya" Panguuto ni Kean.
Knia pouted "Ganon? Gusto ko lang naman maging kagaya niya. Gusto ko ring maging Cool " nangingilid na ang luha niya habang nakatingin sa labas.
"If thats what you want. Okay tatawagin ka naming 'malady' pag pumayag si Kea. Arrayt?" nasabi ko na lang para di siya umiyak.
"Talaga kuya?!" Nakangiti siyang humarap sakin. I just nod at her.
"Where's ate sungit? I'll talk to her"
"Dumaan sa office niya, may binilin lang Kay Macey"
*note: Macey pronunce as 'Mey-si'*
"So susunduin natin sya?" Tanong ni Kean habang ini-istart ang kotse.
"Nope magkikita na lang tayo sa mall, dala niya ang bago niyang Ducati. Gusto niya din i-test drive"
"Cool"
"Yeah she is"
***
Naging maingay ang byahe namin papuntang mall. Tamang sountrip lang, sa pangunguna ni Knia na sobrang hyper dahil excited sa araw na'to
Ngayon kase ang first day ng bakasyon ni Kea at ang una naming gagawin ay maglilibot sa mall kasama ang dalawang 'to.
3 years na rin ata nung huli siyang pumunta sa mall at nagshopping. Isa pa, miss na rin daw niya ang mga kapatid ko, especially my lil. sis Knia. Gusto daw niyang bumawi dahil hindi na niya nakakasama ang mga ito.
How sweet of her. right?
"Oh my gosh!" Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang biglang sumigaw si Knia "Oh my gosh! is that ate sungit?" Tili niya habang nakaduro sa katabi kong bintana.
Sinundan ko ito ng tingin at napanganga ako sa nakita ko.
Sa gilid ay may malaking motor ang sumasabay sa amin. At si Kea ang sakay nito!
Hindi siya nakasuot ng helmet kaya malayang nililipad ng hangin ang mahaba at itim niyang buhok na may kulay pula sa laylayan. In fact, nakakadagdag pa ito sa kaangasan niya.
Parang nagslow-mo ang mundo ko nang nakangiti siyang humarap sa gawi namin at nagsalute. Damn it, para siyang action star sa pelikula!
"Look at her outfit kuya! Black leather pants paired with white halter shirt. O em gee naka- ankle boots pa ! Totally cool, hot and sexy"
Dahil sa sinabi ni Knia, bumababa ang tingin ko sa suot niya. She's right totally hot and sexy. Darn it! kita ang bandang tiyan niya at hindi iyon nakakatuwa.
Feeling ko lahat ng driver sa kalsada nakatingin sa kanya. Para siyang nang-aakit kahit wala naman siyang ginawa.
Bubuksan ko na sana ang bintana para sitahin siya sa suot niya pero huli na dahil pinaharurot na niya ang motor at nauna na sa amin.
"Damn" bulong ko sa sarili
"Woah Woah that was~ Totally cool. Ang sexy ni Malady" sambit ni Kean may halong pagkamangha sa mukha niya. See that?
Lalo ako nainis nang isiping lahat ng nakakakita kay Kea ay mamangha gaya na lang ng reaksyon niya.
Unti unti nabubuhay ang pagiging possesive sa katawan ko.
"Tama ka Kuya, oh my god! Oh my god! I want to be like her! Magpapabili din ako kay dad ng motor" Impit na tili ni Knia
"Quiet Knia, at ikaw Kean Make this goddamn car fast as hell. Paliparin mo kung pwede" mariin kong utos.
Badtrip tsk.
Mukhang napansin ng dalawa ang biglaang pagiiba ng mood ko kaya tumahimik na sila hanggang sa makarating kami sa mall.
Nasa Entrance palang kami ng mall ay nakita ko na si Kea na naghahantay duon. Kaya dali dali kong binuksan ang pinto.
"Tapos nyo tong ipark, hintayin nyo kami sa Favorite resto ko. Pagpapalitin ko lang ng damit ang babaeng yun" Bilin ko bago bumaba. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila, agad kong dinaluhan si Kea.
"Hey!" bati niya sabay halik sa pisnge ko "Yung dalawa nasaan?"
"hmm Pinapark yung kotse"
" bakit di mo hinintay?"
"Mauuna kase tayo, pagpapalitin pa kita ng damit" seryoso kong tugon sabay tingin sa suot niya.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinatak papasok ng mall.
As expected pinagtitinginan siya ng ibang kalalakihan sa loob ng mall. Miski ang guard di mapagilang titigan ang katawan niya.
"What? okay na tong suot ko Knite"
Huminto ako at humarap sa kanya "Para sakin Hindi okay yan, masyadong lantad ang katawan mo"
"Thats what you call 'Fashion' Knite. FASHION''
"Damn that Fashion,"
"Hey ano bang problema mo sa suot ko? Pinaghandaan ko to"
"Yeah right pinaghandaan para mang-akit ng ibang lalaki"sarkastiko kong tugon.
" Pinaghandaan ko ito to make presentable in front of all people especially 'you'. Seriously nagexpect pa nga ako na pupurihin mo ko kahit papano pero anong sabi mo? pinaghandaan ko to para mang-akit? Ganun ba ang tingin mo sakin. huh?"
Bigla akong naguilty sa sinabi niya. Pero ewan ko ba, hindi pa rin nawala ang inis ko.
"You always look pretty Kea di mo na kailangan paghandaan ang pagsuot ng ganito para lang purihin kita. Ang akin lang, Yung medyo desente naman please" Pinilit kong huminahon sa kabila ng inis na nararamdaman ko.
"Desente? Kabastos bastos ba ang suot ko para kailangan pang maging desente? Ilang beses mo na nga akong nakitang naka-sport bra at fitted short tapos etong tyan ko lang ang kita kabastos bastos na?"
May diin ang bawat salitang sinabi niya. Ramdam ko ang galit rito.
"wala akong sinasabing kabastos-kabastos--"
"Pero ganoon ang pinapalabas mo!" sigaw niya para matigilan ako.
"Fine sorry-"
"Shut up" mariin nyang sabi habang nakaduro sakin "Kung hindi ka marunong mag-APPRECIATE ng EFFORT ko, pwede ba manahimik ka na lang, kaysa kung ano-anung pinagsasabi mo. Bukod sa nakakainsulto , nakakadisapoint pa"
This kind situation frustrates the hell out of me. Di nya magets ang point ko, at hindi lang yun binigyan pa niya ng ibang meaning!
Tatalikuran niya sana ako pero agad ko siyang hinawakan sa braso "Listen, Hindi sa kabastos bastos ang suot mo. To be honest, you look damn freaking hot now kaya andaming tumitingin sayo lalaki. At NAGSESELOS ako, Gusto sakin ka lang magpapaganda ng ganyan hindi sa iba. Thats my point!"
Pero hindi nagbago ng explanation ko ang expression ng mukha niya. Galit pa rin siya.
"Tell me, are you my boyfriend para magselos ka ng ganyan?" Prangka at sarkastiko niyang tanong.
Umurong ang dila ko sa tanong, Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Ni isang salita walang lumabas sakin. Simpleng tanong pero sobra ang epekto sakin. shit lang.
"Well let me remind you. Your Just my Keeper slash suitor so please... ACT.LIKE.ONE" dagdag niya na lalong nakapagpasikip ng dibdib ko.
Para bang sinampal niya sa'kin ang katotohanang hindi kami at wala akong karapatang magselos. Dahil in the first place hindi naman siya sa'kin. Walang 'kami' kumbaga.
Ang tanging nagawa ko lang ay paulit ulit na paglunok at yumuko habang dinadamdam ang kahihiyan. Sa sagutang naganap samin dito mismo malapit sa entrance ng mall di na nakakapagtakang maraming nanonood samin ngayon.
Nag-angat ako ng tingin ng tumalikod siya at naglakad.
"ms. Venom?" pero di pa man siya nakakalayo, may babaeng humarang sa kanya at tinawag siya.
Morena ang babae, sa tantsa ko kaunti lang ang tinangkad ko sa kanya. Maganda ang pangangatawan at di ko maikakailang maganda siya.
'ms. Venom? sa pagkakaalam ko screen name iyon ni Kea sa Underground Fight sa U.S almost 5 years ago bago siya umuwi ng Pinas'
Kung ganoon may alam ang babaeng to sa totoong identity ni Kea bilang Underground fighter noon?
Kahit na nakakaramdam ako ng tampo kay Kea, tumabi pa rin ako sa kanya para marinig ang usapan nila.
"Cas" walang kaga-gana bulong ni Kea.
"Mabuti at kilala mo pa ako Kea anyway How's life? its been 5 years" Sa way ng pananalita niya, parang close sila ni Kea noon.
"Pwede ba wala akong oras makipagkamustahan sa'yo Cas. We're not that close, Excuse me" at nilagpasan ito.
Mukhang napahiya ang babae sa ginawa niya, I just give her apologetic smile bago sundan si Kea.
"Hey handsome!" Hindi sa pagmamayabang, alam kong ako ang tinatawag niya.
Huminto ako at humarap sa kanya "Yes?" di ako nagkamali dahil nakatingin nga siya sakin.
"After what she did to you, susundan mo pa rin siya?- Ow sorry narinig ko kase kanina" agad siyang nagexplain nang mapansin nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
" ahm Yes"
"Lucky bitch, hindi pa rin nagbabago" aniya habang nakatingin sa likod ko batid kong nakatingin siya kay Kea "Anyway, I'm Catastrophe and you are?"
at inilahad ang kamay sakin.
Tinanggap ko ito "Knite"
"Nice to meet you" Ngiti ngiti niyang sabi.Lalo siyang gumanda sa ngiti niya. Kita sa Aura niya ang pagiging maldita pero mararamdaman mo rin ang pagiging cheerfull niya dahil sa kanyang ngiti. I dont know but I find myself smiling too.
"Same" Saglit akong napapatitig sa kaniya, ewan ko ba pero ang gaan ng loob ko sa babaeng 'to kahit ngayon ko lang siya nakilala.
"What the hell Knite! Susunod ka pa ba o Ano?" Dahil sa sigaw ni Kea naputol ang pagtititigan namin at paghawak ng kamay.
"Uhm sige una na ako. Nice to meet you Catastrophie, anyway you have a cool name" Nakangiti lang siyang tumango kaya tinalikuran ko na siya at nilapitang ang nag-ngingit ngit sa galit na si Kea.
"Ano? tapos ka nang makipaglandian sa babaeng yun?" hindi maitago ang bitterness sa tono niya.
"Jelous eh?" i asked.
Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Natahimik. Di nakapagsalita.
Ngumisi ako at lumapit sa kanya
" "Well let me remind you. I'm Just your Keeper slash suitor not your boyfriend so please... ACT.LIKE.ONE" pangagaya ko sa sinabi niya kanina.
Sabay talikod dahil di ko na mapigilang mapangiti sa reaksyon. Gaya ko napayuko rin siya.
Hayy malady... bakit ba ang hilig mo kong saktan? Eh ramdam ko naman sa mga kilos mo na mahal mo ko tsk.
Gusto kong magsorry dahil nakita ko sa mata niya na nasaktan siya pero naisip kong wag na. Para QUITS na kami
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top