BTP 23: Celebration with Cas


Keallyn's POV

"Bakit siya nandito?" Tanong ko kay Knite nang makita ang bulto ni Cas na kakapasok lang sa restaurant.

Mukhang naguluhan 'din ito nang makita ako.

Ang buong akala ko ay dalawa lang kami ni Knite na magce-celebrate ng birthday niya. Sabi ng waiter na sumalubong sa amin, nakareserve lang for two person ang buong restaurant.

Naguguluhan man ay patuloy pa rin siyang naglakad  papunta sa direksiyon namin.

Shes wearing a tight black dress and high heels. Kitang kita ang hubog ng katawan niya. Hindi ko maiwasang tignan at ikumpara  ang suot ko, loose t-shirt na nakaipit sa high waist pants. Masyadong out of place ang suot ko para sa eleganteng ambiance ng resto.

"Akala ko kanina ay ayaw mo kaya tinawagan ko siya" bulong ni Knite.

"Nandito na ako, bakit pinapunta mo pa 'rin?" Sinadya kong lakasan para makaramdam ng hiya si Cas.

Kung hindi pala ako pumunta silang dalawa lang ang nandito? Maglalandian?

That thought is enough to ruin my mood.

"Nainvite ko na siya, nakakahiya naman kung babawiin ko"

Napairap na lang ako sa hangin.

Oo humindi ako kanina pero hindi ko kase alam na birthday niya. Tinanong niya ako kung nakalimutan ko ba, siyempre hindi ako umamin. Ang buong akala niya tuloy, tinanggihan ko siya kahit alam ko na. Kaya siguro nainvite pa ang higad.

"Happy birthday pogi" bungad niya nang makalapit sa amin. Inabot niya ang regalo niya kay Knite.

"Thankyou, nagabala ka pa" kinuha naman ng loko ang regalo at nagbeso pa sila.

Binuksan niya ito, isang itim na smart  wristwatch.

"Magagamit mo 'yan sa training, may mga feature 'yan na malalaman ang bilis ng takbo mo, heartbeat, dami ng hakbang na nagawa mo. Program by Android at touch screen pa kaya magagamit mo na parang cellphone"  pagmamalaki niya bago umupo.

Poor Cas, may ganiyan na si Knite. Regalo ko last year, mas hightech pa dahil gawa mismo ito ng Venom.

Pinaupo ni Knite si Cas sa upuan kung saan siya nakaupo, sa harapan ko. Kumuha siya ng upuan sa ibang mesa at umupo sa gilid namin.

Nginitian ako ni Cas, ngumiti 'din ako ng pilit. Pasalamat siya at birthday ni Knite ngayon kung hindi kinaladkad ko na siya palabas. Sa training ko lang kaya maging civil sa kaniya and after that hindi na.

"Sorry kung 'yan lang nabigay ko, meron ka na ata lahat kaya nahirapan ako magisip"

"No, it was great. Gagamitin ko ito sa training."

"Nako dapat lang, buong sahod ko pinambili ko niyan!"  Natawa si Knite sa sinabi nito.

"May boutique ka na't lahat lahat, kuripot ka pa rin"

Kailan nagkaroon ng boutique si Cas?

"Boxer nga lang dapat na may nakaprint na mukha ko ibibigay ko sa'yo. Kaso ngayong gabi mo lang sinabi na birthday mo pala, sayang hindi ko tuloy napaghandaan"

Pareho silang natawa sa dugyot na ideya ni nito.

Bakit feeling ko sila ang magkadate at third party lang ako.

Bahagya akong umubo para lumipat ang atensiyon sa akin ni Knite.

"I will send my gift tommorow. Matagal nang nakaready kaso nadelay ng deliver"

"Okay lang kahit wala, your presence is enough malady. "

Napaayos ako ng upo.

"No, never akong hindi nagbigay ng presents sa birthday mo"

Ngayon lang.

Bakit ba kase sa lahat ng pwede kong kalimutan, birthday pa niya.  Hindi tuloy ako nakapaghanda ng regalo. Kaya ko naman bumili ng kahit ano ngayon kaso ayokong bigyan ng cheap na regalo si Knite.

Sana lang talaga ay nakahanap si Macey ng ireregalo ko kay Knite bukas.

"By the way Cas, anong say mo tungkol sa bagong training na inaalok ni Kea?" Pareho kaming napatingin kay Knite sa tanong niya.

"Training about teamwork?" Tumango si Knite  "Kasama naman talaga sa plano ko na isama 'yun. Isa ang teamwork sa tactic ng mga shinobi."

"Kaya pala everytime na sumusugod sila, laging sabay sabay?" manghang tanong ni Knite

"Yep, naniniwala kase ang hara na utak ang kailangan sa pakikipaglaban at hindi ang lakas."

"Kahit na minsan parang nandadaya na sila?"

Napatango ako sa tanong ni Knite, pareho kami nang iniisip.

"Ang manalo ang nagbibigay karangalan sa karamihan sa kanila. Wala silang pake kung sa malinis o maduming paraan nila nagawa. Iilang shinobi lang ang nakilala ko na patas lumaban"

"May shinobi pala na patas lumaban?" sarkastiko kong tanong.

"Oo meron, bilang lang sila sa kamay. Sila ang mga tunay na malalakas na shinobi. Mataas ang posisyon nila sa Hara. Pag binigyan sila ng project ng Hara, solo lang nilang natatapos kahit marami ang kailangan nilang patayin. Ganoon sila kalakas. They were train to be the best of the best. Ang ilan nga sankanila ay bata pa nakapunta sa Hara, lumaki na lang sa matinding training."

I crossed my arm.

"Bakit parang wala pa ako nakakalaban sa mga 'best of the best' na tinutukoy mo?" I asked.

"Yeah, puro mahihina ang nakakapat namin" pagsang-ayon ni Knite.

"Hara give you a special treatment Keallyn"
Napangiwi ako nang marinig ang buong pangalan ko na tinawag niya. "Gusto kase ng dating leader magmerged ang Hara at Venom sa mas payapa na na paraan"

Payapa sa kanila pero sa akin hindi. Niloko nila ako para lang maikasal ako dati!

"But the new leader is dangerous." Natuon ang atensiyon ko sa sinabi ni Cas. "Gusto niyang magmerged ang Hara at Venom in any possible way. If it needs to start a war para mapa-Oo ka, gagawin niya 'yon."

"Thats too much information Cas" pagsingit ni Knite. "Pwede kang mapahamak sa Hara pag patuloy mong sinabi sa amin ang secrets nila"

"Wala akong pake, Hindi naman na nila ako miyembro ngayon."

"Buhay mo ang nakataya sa pinagsasabi mo b*tch, to be our trainor is already a big risk to your life. Ganoon ka ba kagipit? Tingin mo ba dadagdagan ko ang bayad ko sa'yo pag may sinabi kang ganitong information?" Pagsusuway ko sa kaniya.

Hindi ko alam bakit  siya ngumiti sa sinabi ko.

"Sounds harsh pero alam kong nagaalala ka pa rin sa akin Keallyn" paguumpisa niya. "Kung nagaalala ka, said it nicely hindi 'yung iinsultuhin mo pa ako. Oo kailangan ko ng pera, pero hindi lang pera ang dahilan bakit ako pumayag sa alok mo. Malaki ang utang na loob ko sa Venom, kahit na malaki ang tampo ko sa'yo hindi pa rin mawawala ang katotohanan na ang Organization mo ang tumulong sa akin noong panahong walang wala ako."

Nanatili akong tahimik, hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya.

"At bago pa ako maging trainor mo, nasa panganib na talaga ang buhay ko. Kaya walang mababago kahit sabihin ko man o hindi ang mga sikreto ng Hara. "  Pagpapatuloy niya.

"Panganib?" Nagtatakang tanong ni Knite.

"Once na sumanib ka sa Hara, isa lang ang paraan para makaalis ka sa kanila. Ang mamatay."

"Ibig sabihin papatayin ka nila dahil umalis ka sa Hara?"

"Siyempre. Kaya nga patago tago ako, ilang beses na nila akong sinubukang patayin pero lagi akong nakakatakas. Sa Venom Arena lang ako ligtas dahil hindi sila pumupunta doon."

"Bakit hindi mo agad sinabi? Edi sana sa mansiyon ka namin pinatira para ligtas ka"
Tinitigan ko nang masama si Knite. Ayan nanaman siya sa mga desisyon niyang hindi muna tinatanong sa akin.

"As if naman payagan ako nito" turo niya sa akin "Baka siya pa mismo papatay sa akin pag duon ako tumira"

"Buti alam mo" pagtataray ko.

Buti na lang at dumating na ang pagkain kaya nahinto na ang usapan namin tungkol sa Hara.

Habang kumakain  ay patuloy pa rin na naguusap si Cas at Knite. Naguusap sila tungkol sa kurso nila sa kolehiyo. Ngayon lang kase nila nalaman na pareho pala silang Business Management. Ilan taon na 'ding graduate si Cas dahil mas matanda siya sa amin ng limang taon.

Gusto kong pumasok sa masayang usapan nila pero feeling ko sisirain ko lang ang mood kaya nanahimik na lang ako hanggang sa matapos kami kumain.

Nag-aya na rin agad si umuwi si Knite. Masyado kaseng nakakapagod ang araw namin ngayon at maaga pa kami bukas.

"O sige, dito na lang ako. Happy Birthday ulit Knite. Ingat kayo pauwi" muling pagbati ni Cas nang makalabas kami sa Restaurant.

"Thankyou, ikaw 'din magingat ka" pagpapaalala ni Knite

Tatalikod na sana siya sa amin pero pinigilan ko siya.

"Wait, saan ka umuuwi?"

"Secret, at bakit mo natanong?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya "Your life is in Danger, sa mansiyon ka na tumira simula ngayon"

Nagulat ako nang biglang kumapit si Cas sa braso ko.

"Hanggang ngayon sweet ka pa rin sa akin!" Pangaasar niya. Ngumiti si Knite, mukhang natutuwa sa nakikita niya.

Agad kong inalis ang braso ko sa kaniya.

"Wala pa rin akong pake sayo kung mamatay ka tsk, hindi lang namin kaya mawalan ng trainor ngayon. Lalo na't kumikilos ang Hara"

Tumalikod na ako at naunang naglakad papuntang parking lot.

"Thankyou, Keallyn! Love na love mo talaga si Ate Cas mo!"

Rinig kong sigaw niya mula sa likod.

Bwisit. Ang galing niya talaga mang-inis.

Hindi ko na lang sila pinansin, bahala siya sa kalokohan niya.

Tuloy tuloy lang akong naglakad papuntang sasakyan namin.

"Keallyn!" Natigil ako sa paglalakad ng bigla akong hinatak ni Cas at pinadapa.

Kasunod nito ay ang...

Pagsabog ng sasakyan namin.

[TBC]






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top