BTP 21: Visit
Keallyn's Point of view
Amanda Wibbleton
Rest in Peace
Our beloved Doctor.
"Hello mom, sorry kung ngayon lang kita nabisita"
Umupo ako sa tapat ng kaniyang puntod at nilapag ang white tulips na dala namin ni Knite.
It's been a year since the last time I visit her. Masyado na ata akong naging abala kaya siguro nagpakita siya sa panaginip ko last week.
Sa nakalipas na araw nga, hindi ako nakatulog ng maayos. Paulit ulit ko kaseng naalala kung paano siya nabaril and I was scared na muling mapanaginipan o makita ito.
Umupo si Knite sa tabi ko. Ibinaba niya ang kandila at sinindihan ito. First time niyang makabisita sa puntod ng mommy. Never ko kase siyang sinama, mas gusto kong bumisita mag-isa pero naginsist siya na samahan ako dahil anytime, pwede daw akong balikan ng Hara.
Bumalik ang atensiyon ko sa puntod ni mommy. I really miss her. Sa tuwing bumibisita ako dito ay lumalaki ang pangungulila ko sa kaniya, sa kanila ni Dad. Masakit mawalan ng magulang, lalo na kung nasa murang edad pa lamang. Lumaki ako na naging dependent sa sarili ko dahil 'yun ang turo sa akin ni ninong Ricky. Naging guardian ko siya pero hindi niya ako pinalaki na umaasa sa kaniya o sa kahit kaninuman. Pinalaki niya akong matapang at hindi dumedepende sa iba dahil 'yun ang magandang katangian ng isang mafia leader, kaya lumaki ako na andaming 'what if's' sa utak ko. Sa tuwing nahihirapan ako sa training o kaya'y pagkatapos ng nakakapagod kong araw sa U.S, lagi kong iniisip kung paano ang buhay ko kung nandito pa ang magulang ko? Mahihirapan kaya ako ng ganito?
Gusto ko ulit maramdaman ang pakiramdam na may someone na nagaalaga at nagmamahal sa akin unconditionally. Wala ata talagang makakatapat sa pagmamahal ng magulang.
Napabuntong hininga ako sa naiisip ko.
Lumapit sa akin si Knite at pinasandal ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan ang braso ko.
Saglit kaming nanamihik bago siya nagsalita.
"Miss her?" Malumanay niyang tanong.
"Sobra"
"Hindi ko alam paano magcomfort sa ganitong sitwasyon, but if you want a shoulder to cry or a hug to comfort you, I'll be here"
Alam na alam niya talaga kung kailan at paano pagagaanin ang loob ko.
"Alam ko na kung bakit ka maganda" pagiiba niya ng usapan habang nakatingin sa picture ni mom.
"Hawig na hawig mo ang pagiging meztisa look niya, pati iilang feature sa mukha, sa mata lang hindi"
Ito din ang unang pagkakataon na makita niya ang itsura ni mommy. For some reason, hindi pinayagan ni tito Ricky na idisplay ang picture ng mga magulang ko sa mansiyon. I was too young para tanungin ang desisyon niya. Maybe after this visit magpapalagay na ako.
"Yep, I inherit my dad's eye." Pagmamalaki ko
"Ganun" saglit siyang tumigil, para bang may iniisip "Pag nagkaanak kaya tayo? Sino magiging kamukha" pabiro niyang tanong.
"Malamang ak- tsk siraulo ka talaga" natawa siya sa naging reaksyon ko. Huli na nang marealize ko ang tanong niya. Agad kong inalis ang pagkakasandal ko sa kaniya.
"Sumagot ka" Aniya habang nakangiti. "It means pumapayag ka nang magkaanak saken? Tapos kamukha mo pa!"
Gusto kong magalit dahil nakuha niyang magbiro sa harap ng puntod ni mom. Pero napapangiti ako sa pagiging epic ng tanong niya, lalo na sa pagsagot ko.
Muli siyang lumapit ng upo sa akin at inakbayan ako.
"Alam kong patay na patay ka sa'ken pero bawal muna. Gawin mo muna akong official boyfriend mo tapos magpakasal tayo. Pwede na tayong magkaanak after nun. Kahit ilan gusto mo. No choice naman ako eh" aniya na para bang simpleng bagay lang ang sinasabi niya. Na para bang napipilitan siya at ako pa ang namimilit sa ideya niya.
Malakas ko siyang siniko sa tagiliran kaya napasigaw siya at napahiga sa damuhan.
"Ibang level talaga kayabangan mo"
"Ang saket nun sh*t" muli siyang umupo. "Literal na masakit ka magmahal"
Nakuha pang magdrama.
"Stop joking, nasa harap lang natin si mom" pagsasaway ko.
"Joke? Tingin mo nagjo-joke lang ako?" Eksaherada niyang tanong. "Oo pabiro kong sinasabi pero pagdating sa'yo hindi ako nagbibiro. I really love you Kea, pakakasalan talaga kita at gagawing nanay ng mga anak ko"
Tahimik kong tinitigan ang mukha niya. Seryoso ito at walang bahid ng pagbibiro. Sincere ang asul niyang mata na nakatitig sa akin.
"As if pakakasalan kita" I didn't mean it. Ganito naman ako everytime na magcoconfess siya. Magsasalita ako ng mean comment para matapos ang usapan.
Sa apat na taon na magkasama kami, naging palagay na ang loob ko sa kaniya. Bawat oras na magkasama kami, lagi niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Marrying him and having a child is one of my dream pero impossible itong mangyari habang ako ang nagpapatakbo ng Venom. Iniisip ko palang na pag nagkapamilya ako at mapapahamak dahil sa trabaho ko ay napapailing na ako. Mas mabuti pang maging single.
"Mood wrecker ka talaga" aniya. "Kunyari ka pang ayaw mo, kinikilig ka naman"
"Saan ang nakakakilig sa sinabi mo? Puro kayabangan mo lang--"
"I love you" natigil ako sa pagsasalita dahil sa sinabi niya.
Ilang beses na siyang nagconfess sa akin pero hindi pa rin nagbabago ang epekto nito. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa bawat 'I love you' niya.
"Nagblush ka Kea, aminin mo na kaseng gusto mo rin ako"
Doon lang ako natauhan sa sinabi niya.
"Mainit kase tsk" pagtanggi ko.
"Sinungaling. Mahirap bang sabihin ang I love you too? Apat na words lang 'yun?"
"Seriously? of all places to flirt, dito pa talaga?"
"Hindi lang 'to basta flirt Kea. Hindi lang kita nilalandi, minamahal 'din kita." Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Ang corny mo"
"Nagiging corny para sayo"
Hindi ko na kinakaya ang ka-cornyhan niya. Ano bang nakain nito?
"Kinikilig ka nanaman"
"Kinikilabutan hindi kinikilig" pagtataray ko
"Sungit"
Hindi ko na sinundan pa ang sinabi niya para matapos ang usapan. Mukhang naintindihan niya kaya nanahimik na rin siya.
Lumipas ang ilang minuto bago kami magpaalam kay mommy at bumalik sa sasakyan.
"Tapatin mo nga ako, may chance bang main-love ka sakin?"
Tanong ni Knite habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Tinignan ko ang driver sa harap, umaasang hindi narinig ang tanong niya. Mukhang hindi naman dahil nakaearphone ito.
"Bakit mo natanong?" Hininaan ko ang boses ko hangga't maaari.
"Nakakasawa na kase"
"Nakakasawa?"
"Nakakasawang maging keeper mo lang. Keeper na laging nasa tabi mo kase 'yun ang trabaho ko. Keeper na umaasa sa sweet gesture mo. Kung may chance na main-love ka sa akin, gagalingan ko pa sa panliligaw sa'yo, kung walang pag-asa sabihin mo na agad para tumigil na ako"
Nasaktan ako sa huling sinabi niya. Naiintindihan ko naman siya, sa sitwasyon namin ngayon, siya ang lugi. Natatanggap ko lahat ng pagmamahal niya samantalang ako walang naibibigay sa kaniya.
"It's neither yes or no. Yes, you have a special place to my heart Knite, pero hindi ko masasagot ang tanong mo. Wala sa priority ko ang magmahal o pumasok sa isang relasyon sa ngayon. Masyado pang magulo ang buhay ko at ang Venom. Isa lang ang sigurado ako."
"Ano?" Kuryoso niyang tanong
"Ayokong mawala ka sa buhay ko."
Napangiti siya sa sinabi ko. Pinipigilan pero halatang kinikilig.
"Mas better kesa sa 'no'. " Tatango tango niyang sabi.
Nginitian ko na lang din siya.
Tatapusin muna natin ang Hara Knite. Pag wala nang gulo, pag okay na ang lahat, ikaw naman ang magiging priority ko.
[TBC]
A/N: Road to 500k na ang BTG!😍 thankyou sa mga patuloy na nagbabasa hanggang Book 2 kahit na ang tagal kong mag-update. Promise, tatapusin ko na talaga 'to habang marami tayong oras.
Ingat lagi mga bebs.
Godbless!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top