BTP 20: No More Secrets
Keallyn's POV
"Mommy, can we play?" My little self asked my mom.
Well, mom is a busy person, bihira lang itong magka day off kaya kinuha ko na ang pagkakataon na makalaro at makasama siya.
"No baby, finish your homework first"
I pout my lip. Tumayo ako mula sa study table ko at hinawakan ang malambot niyang kamay. "Please, One subject na lang 'to. Later ko na lang gagawin." Pagmamakaawa ko.
She smile, that is the sweetest smile I've ever seen in my life.
"Fine, but promise me you will finish it later okay?"
"Okay po"
Hinatak ko siya pababa upang mapalapit ang mukha niya sa akin. Then I kissed her.
" I love you po"
"I love you too baby"
Dinala ko siya sa playroom ko. I have lots of toys in this room. From different size of stuffed toys to arcade machine. Lagi kase akong binibilhan ni mom at dad, lalo na ni dad. Pero ang pinaka favorite ko sa lahat ay ang doctor set na binili sa akin ni mommy. Gusto ko din kase maging doctor kagaya niya. I want to save other's life like what my mom did.
Niready ko na ang doctor set ko at nakipaglaro kay mommy. Today, I will be her doctor.
Everything went smooth. Naging masaya ang ilang oras na paglalaro namin dahil magaling siyang umacting as patient, sometimes tinuturuan pa niya ako gaya kung paano mag-CPR at magfirst aid pag may injury.
Pero bigla na lang tumahimik ang batang ako. Tahimik na nakatingin kay mommy. Para bang may malalim akong iniisip.
"Mom, do you love dad?" My little self asked.
"Ofcourse, I love him so much. Why?" Pagtataka ni mommy sa biglaan kong pagtanong nito.
"I need to tell you something mom"
"What is it?"
"I don't think dad loves you"
"Why?"
"I saw him yes--"
Natigil ako sa pagsasalita nang may marinig akong maiingay na tunog. I know that sound. Tunog ito ng sunod sunod na pagputok ng baril.
Mahigpit akong hinawakan ni mommy at dali daling hinatak papunta sa kwarto ko.
Nakaramdam ako ng takot dahil bukod sa putok ng baril ay rinig na rinig din sa buong mansiyon ang pagsigaw ng mga tauhan at katulong namin.
Ramdam ko rin ang panginginig ng kamay ni mommy.
Anong nangyayari?
Nanginginig niyang sinarado at nilock ang kwarto ko.
Lumuhod siya, tinapat ang mukha sa akin.
"Listen to me, hide to your closet. Whatever happens, stay quiet."
Nagtataka man ay agad kong sinunod ang utos niya. Nagtago ako sa closet. Mula rito ay kitang kita ko sa mga awang nito si mommy na nagpapabalik balik ng lakad.
Maya maya'y nakarinig nanaman kami ng sunod sunod na pagputok, this time mas malakas.
"Mommy....daddy"
My little self cried, natatakot sa mga nangyayari.
Pagkatapos ng ilang putok ay malakas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
Napatakip na lamang ako sa tenga.
Kinakausap nila si mommy pero mukhang hindi sila natuwa sa sagot nito kaya malakas nila itong sinikmuraan.
No!
Mas lumaki ang takot sa sistema ko. Anong ginagawa nila kay mommy?
Pinaluhod nila si mom at tinutukan ng baril sa dibdib.
I wan't to shout pero pinipigilan ako ng takot ko.
No! Please! No!
Dad! save her please...please.
Tumingin si mommy sa direksyon kung nasaan ako at ngumiti. Ngumiti siya na para bang okay lang ang lahat.
Parang tumigil ang mundo ko sa sumunod na nangyari.
Rinig sa buong kwarto ang malakas na pagputok at kitang kita ko kung paano siya bumagsak.
"No!"
"Kea!" Pagdilat ko ay bumungad agad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Knite. Hawak niya ang magkabilaang braso ko.
"Thanks God, gising ka na." Dahil sa sinabi niya, duon ko lang narealize na panaginip lang pala.
Pero... bakit parang totoo?
Umupo ako at pinunasan ang pawis sa noo ko. Napansin ko din na basa ang pisngi ko dahil sa pagluha.
What the hell?
"Nightmare?" Tanong ni Knite habang inaabot ang tubig sa akin. Tumango muna ako bago ito inumin.
"Mukhang nakakatakot ang napanaginipan mo. Kanina ka pa umiiyak at sumisigaw"
"Pinatay daw si mommy at nakita ko mismo"
Muli akong natutulala at inalala ang nakita ko sa panaginip. Alam kong namatay si mommy sa sakit kaya impossible na totoo 'yon pero kahit alam kong panaginip lang nasasaktan pa rin ako at hanggang ngayon may bahid pa 'rin ng takot sa sistema ko.
Natigil ako sa pagiisip nang hinawakan ni Knite ang kamay ko.
"It's just a dream, a bad dream. Kalimutan mo na lang."
Napatitig ako sa kamay namin. Sapat na ang hawak niya para mapakalma ako.
" Yeah" pangsang ayon ko sa sinabi niya.
Mabuti na lang at nandito siya, somehow nakampante ako sa presence niya. Pero teka...
"Bakit ka pala nandito sa kwarto ko?"
Muntik ko nang makalimutan na may atraso siya sa akin.
"Gigisingin sana kita para magbreakfast, pero sa pinto pa lang rinig na ang sigaw mo. Akala ko may masamang nangyari, binabangungot ka pala"
Kaya pala.
"Ako din kase ang magluluto ngayon pang peace offering ko sa'yo" dagdag niya.
"Tingin mo? Mawawala galit ko dahil sa luto mo?" Pagsusungit ko.
"I love you" bigla bigla niyang singit sa usapan namin. Seryoso ang titig at mas lalong inilalapit ang mukha sa akin.
Hindi ata handa ang sistema ko sa sinabi niya, bumilis ang tibok ng puso ko at hindi makahanap ng tamang salita na sasabihin sa kaniya.
Idagdag pang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya mas lalo akong kinabahan.
"Kitam, I love you ko palang nagblush ka na, paano pa kaya pag nagluto na ako"
Agad kong hinatak ang kamay ko na hawak niya at malakas na pinalo sa kaniyang ulo.
"Ah! Ganiyan ka ba mag I love you too?"
"Ang aga aga kayabangan mo agad naririnig ko tsk. Saka ikaw? Magluluto, marunong ka ba?"
"Oo naman! Aba best chef ata 'to" hambog talaga kahit kelan.
Best chef? Never ko nga siyang nakitang magluto. Puro instant noodles at pizza na pinainit sa Oven lang ang nakikita ko na kaya niyang i-prepaire.
"Bahala ka nga. Mauna ka nang bumaba, susunod na lang ako. Maliligo pa ako."
Ano kayang klaseng pagkain ang lulutuin niya?
"Tara!" Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin patayo.
"Anong tara?"
"Tara sabay tayong maligo" aniya sabay ngiti ng nakakaloko.
Dumampot ako ng unan at hinmpas sa kaniya.
"Manyak, lumabas ka na nga baka kung ano pa mabato ko sa'yo"
Matawa tawa siyang lumabas, kinindatan pa ako bago isara ang pinto.
Siraulo talaga.
Pero salamat sa siraulo na 'yan, nawala ang kaba at takot ko dahil sa napanaginipan ko kanina.
---
"Edible ba 'to?" Tanong ko nang makita ang niluto niya.
Omelette and fried rice ang niluto niya. The fried rice is fine pero 'yung omelette, nasunog ng kaunti.
Umupo siya sa tabi ko at inaayos ang plato namin. Napansin ko ang iilang maliit na paso sa kamay niya. Umaangat sa maputi niyang kamay ang pamumula nito.
"Ofcourse Edible 'yan. Taste it first bago mo husgahan" pagmamalaki niya tapos ay nilagyan ang plato ko.
Hindi na ako nagsayang ng oras at tinikman ito. Una kong tinikman ang omelette, medyo mapait pero pwede na. Mabuti na lang marami akong ketchup na nilagay.
Nakatingin siya sa akin, inaabangan ang magiging reaksyon ko sa luto niya. Nagthumbs up ako na ikinangiti niya.
Next na kinain ko ay ang fried rice niya. Mukhang masarap naman ito kaya hindi na ako nagdalawang isip na isubo. Pero nagkamali ako.
Ang alat!
Fried rice ba 'to o fried salt?
Gusto kong iluwa pero ayokong masayang ang effort niya. Nagka paso siya para lang lutuin ito.
Muli akong nagthumbs up na lalo niyang ikinangiti.
"Ang galing ko talaga, pwede na akong mag-asawa" biro niya.
Napailing na lang ako at tinuloy ang pagkain kahit na sumasakit ang lalamunan ko sa alat.
Naglagay na rin siya ng pagkain sa plato niya at agad itong kinain.
Unang subo pa lang niluwa na niya ito.
"F*ck ang alat!"
Nagsalin siya ng tubig at agad na inabot sa akin. Dali dali ko naman itong ininom.
"Bakit di mo sinabi na maalat?"
"Sayang 'yung luto mo"
"Pwede naman magpadeliver o kaya magpaluto na lang sa cook tsk"
Kung gaano siya kayabang kanina, ganoon din siya nahihiya ngayon. Ni hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
Ang sarap niya picturan.
"Ngayon ka lang nagluto ng ganito kaya ayokong masayang"
Muli siyang tumingin sa akin.
"Dahil sa effort mo... apology accepted na" anunsyo ko na ikinangiti niya
"Talaga?"
"Yep. Alam ko namang may dahilan ka bakit hindi mo sinabing buhay si Aki, besides nagsecret din ako sa'yo tungkol sa Hara."
"Just promise me one thing Knite... From now on, no more secrets "
Tumango siya sa sinabi ko. "Hell yeah! No more secrets"
[TBC]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top