BTP 2: Tired asf.
Keallyn's POV
Pirma
Basa
Pirma
Lipat ng page.
Kuha ng onother folder.
Basa ng nilalaman.
Approve.
Pirma
lipat ng page
pirma
lipat ng page
pirma
lipat ng page
pirma
lipat ng page
pirma
at waaaalang katapusang pirma
"argh!"
Sa sobrang inis, padabog kong binagsak ang ballpen na hawak ko sabay hagis ng folder sa kung saan.
"Bwisit, bwisit, bwisit!" muli kong sigaw. Sabay hampas ng malakas sa desk.
Nakakasawa! nakakapagod na!
Saglit akong natigilan nang umalingawngaw ang tawa ni Knite sa aking opisina.
Lumipat ang tingin ko sa kanya na ngayon ay prenteng nakahiga sa mahabang sofa, nakaunan ang isang braso habang isang kamay naman niya ay nakahawak sa tiyan dahil sa sobrang kakatawa.
Lalong naginit ang ulo ko sa inaasta niya.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan ha?! Get out!" Sita ko pero lalo lang niya akong tinawanan, abat!
Dinampot ko ang pen ko at malakas itong binato sa kanya na agad naman niyang nasalo.
"Woah hahaha chillax okay?" aniya sabay upo "natatawa lang ako sayo, ang cute cute mo kaseng mapikon. Para kang spoil brat na batang nagta-tuntrams. Damn cute haha"
"Cute? Cute ba yun para sayo?! Cute kase hirap na hirap na ako ha? Cute Kase sawang sawa na ako sa buhay ko? Cute para sayo na nakikita akong pagod at sawa na sa buhay ha! Cute para sayo yun?!" sigaw ko, halos mapiyok pa nga ako sa sobrang lakas.
Hindi maganda ang mood ko ngayon, idagdag mo pang stress, puyat at masakit ang ulo ko.
Nagpatong patong lahat!
Kaya siguro bigla akong sumabog kanina. Tapos itong kaisa-isang taong alam kong magpapagaan ng loob ko ngayon. Makikita kong tinatawanan ako, dahil ano? Dahil Cute ako?! Shit lang.
Unti unting nawala ang ngisi sa mukha niya "S..sorry i didn't-".
"Get out" malamig kong sabi habang nakaturo sa pinto.
"Sorry talaga hindi ko naman-"
"I said, get out! GET OUT OF HERE!"
Tumayo siya at akmang lalapit sakin "Sorry na nga e"
"Wag kang lalapit, makakatikim ka talaga-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong hinatak patayo at niyakap.
Mahigpit.
Sobrang higpit.
"Sorry" ramdam ko ang sinseridad sa boses niya "Hindi ako tumawa para insultihin ka malady. Tumawa ako kase nagbabakasakali akong kahit papano mahahawaan kita ng tawa ko at gumaan naman ang loob mo." medyo nabawasan ang inis ko dahil sa sinabi niya
Yumakap din ako ng mahigpit sa kaniya. I need this now, I need his warm and comfortable hug. I feel safe, para bang saglit na nawawala ang mga problema ko pag nakayakap ako sa kaniya.
Yung bigat sa dibdib ko ay parang nawawala.
"Alam ko namang pagod at sawa ka na e" pagpapatuloy niya "Kahit hindi mo sabihin, kilala na kita malady bawat galaw ng bituka mo alam ko."
"Bwisit ka" bulong ko. Nakuha pang magbiro.
"Lagi naman akong bwisit para sayo haha, pero okay lang kase tong gwapong bwisit nato? Mahal na mahal ka." Naramdaman kong hinalikan niya ako sa buhok "Pagod ka na diba? take a break malady.One or two months is enough" humiwalay siya ng yakap at nakangiting humarap sakin "Hmm okay ba yun sayo?"
"Gustuhin ko man, hindi pwede--"
"Pwede malady, pwede. Nandyan si Macey ang masipag at matalino mong sekretarya o kung gusto mo kakausapin ko si mom and dad para pumalit muna pansamantala sa yo"
"Hindi pwede Knite, nakakahiya sa kanila"
"Okay lang kayla mom yun"
"Pero-"
"Wala nang pero pero, magbabakasyon ka sa ayaw at sa gusto mo. You need a break for petes sake! Look at yourself , pumapayat ka na kakatrabaho." Seryoso at halatang nauubusan na siya ng pasensya sakin.
"Knite please~ not now."
"No Kea. Kahit two weeks okay? give yourself a break. Ikaw na mismo ang nagsabing pagod at sawa ka na"
"No, kailangan ako ng kumpanya"
"Kailangan? Kea kahit wala ka kaya nitong magpatakbo ng mga empleyado mo."
"Pero Knite"
Oo nakakapagod at nakakasawa pero mas pipiliin ko ang maging busy kesa magbakasyon.
"Tigas ng ulo, bakit ba ayaw mong magbakasyon?"
"Basta ayoko tsk"
"Ahh yeah right. Pinili mo nga pala maging busy para makalimot"
"Ano bang sinasabi mo?" malumanay kong tugon, nakaramdam ako ng kaba dahil pakiramdam ko may ideya na siya kung bakit ako nagkakaganito.
" Hanggang ngayon sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari sa Hokusai. Kaya mas pinili mong magpakalunod sa kakatrabo para kahit papano matuon ang atensyon mo dito at nang hindi na sumagi sa isip mo ang nangyari apat na taon na ang nakakaraan. Tama ako diba?"
Mapaklang akong napangiti sa sinabi niya. Di ako sumagot, sa halip ay iiling - iling lang akong umupo.
Tama siya, tamang tama.
Pabor din sakin ang pagiging busy at ang pagkakaroon ng hectic na schedule. Oo nga't nakakapagod pero mas okay na ito para maiwasang makapag isip-isip. Ito kase ang way ko para makatakas sa nakaraan.
Yet stressful but atleast not painfull.
Dahil sa tuwing wala akong ginagawa, di ko naiiwasang alalahanin ang lahat. Na mauuwi sa pagsisisi ko sarili at pagiyak, gaya na lang ng nangyari kanina.
Sandali lang ako tumunganga noon, pano pa kaya pag magbakasyon ng isang buwan o dalawa tsk?
"Please Keallyn, move on. Its been 4 years for whoever's sake! Lahat kami nakamove-on na. Ikaw na lang ang hindi, Yes you always act in front of us na 'okay ka na' pero I know deep inside nasasaktan ka. Sinasaktan mo lang ang sarili mo!"
Okay. he's totally mad now.
Hindi ko na makita ang palabiro at lokolokong Knite sa harap ko. Napakaseryoso niya ngayon.
I took a deep breath bago ko siya patingalang nilingon.
"Move on?" I asked sarcastically
"Parang andali lang ng inuutos mo Knite"
"Madali kung gugustuhin mo"
"HINDI, never yun magiging madali para sakin. Wala ka sa posisyon ko para sabihin saking madali 'yon. Hindi mo alam ang nararamdaman ko"
"Yes wala ako sa posisyon mo pero alam ko ang nararamdaman mo. So please give yourself a break. Time ang kailangan malady, oras sa sarili nang makapagisip- isip ka at marealize mong WALA KANG KASALANAN."
"Kahit gaano kahaba ang oras na ibigay ko sa sarili ko Knite, hindi siguro magsisink-in sa utak ko na wala akong kasalanan"
"Aksidente ang lahat! walang may gustong mangyari yun"
"Ako! ginusto ko yun una, pinlano ko nga diba?"
Napahawak siya sa sintido, in that posisyon alam kong nagpipigil siyang mainis.
"Tigas ng ulo tsk, Look concern lang ako sa'yo. Matagal ko nang planong pagbakasyonin ka dahil nagaalala na talaga ako, ngayon lang ako naglakas ng loob na pilitin ka dahil ngayon ko lang narinig sa bibig mo mismo na 'pagod' ka na. So please kahit ngayon lang makinig ka sakin"
"a-yo-ko Knite ayoko"
Mariin siyang napapikit sa sagot ko, mukhang nauubusan na siya ng pasensya.
"Fine! kung ayaw mo edi wag.
Sige! lunurin mo ang sarili mo kakatrabaho tutal dyan ka naman magaling" lumapit siya sakin at yumuko para magpantay ang mukha namin "Pero oras na magkasakit ka wag na wag kang lalapit sakin. Wag na wag mo na rin akong hahanapin, hindi na ako magpapakita sayo. Geh tuloy mo lang yang trabaho mo, walang nang Knite na mangugulo sayo" Tapos ay tinulikuran ako at mabilis na naglakad papalabas.
Nagising lang ang diwa ko nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto.
'Wag na wag mo na rin akong hahanapin, hindi na ako magpapakita sayo'
'Wag na wag mo na rin akong hahanapin, hindi na ako magpapakita sayo'
'Wag na wag mo na rin akong hahanapin, hindi na ako magpapakita sayo'
Shit.
Saglit akong napakurap kurap.
Nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib, doble sa nararamdaman ko kanina. Parang may bumabara sa lalamunan ko.
'Wag na wag mo na rin akong hahanapin, hindi na ako magpapakita sayo'
Dali dali akong tumayo at mabilis na lumabas ng opisina.
"Oh ma'am!" Gulat na usal ni Macey. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa elevator.
Agad akong nanlumo nang wala na itong laman, napatagal ang pagsunod ko. Mukhang nasa lobby na siya!
Sumakay ako ng elevator at hinihiling na sana bumilis ang pagbaba nito.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Sa tono niya kanina mukhang tototohanin niya ang sinabi niya.
'Please Knite, ikaw na lang ang nakakaintidi sakin ngayon. Plase wag mo kong iwan'
*Ting!*
Agad kong pinunasan ang luha ko at tumakbo papalabas ng building. Mukhang nagulat rin ang ibang employee na nakakita sakin pero di ko sila pinansin dahil ang tanging nasa isip ko ay mahabol si Knite!
Pag di ko siya nahabol, baka yun na ang huli naming paguusap. Wag naman sana.
'Aish bat ba ang tigas ng Ulo mo Keallyn'
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makitang papalabas palang dito ang sasakyan niya.
Humarang ako nang mapatapat ito sakin. Ngunot noon naman siyang bumababa ng sasakyan.
"Bawiin mo yung sinabi mo kanina" Angil ko habang papalapit at nakaduro sa kanya.
"Yung alin?" nakangisi nitong sabi.
"Y..yung Iiwan mo ako" saglit akong lumunok para mapigilan ang nagbabadyag luha "Wag mo naman akong takutin ng ganito Knite. Di ko alam ang gagawin ko pag nawala ka, di ko ata kaya."Pahina ng pahina kong usal "Papayag na ako sa bakasyong sinasabi mo, kahit gaano pa katagal yan. Wag na wag mo lang akong iwan"
Sunod sunod na naglandasan ang luha ko dahil sa pagngiti niya.
"Kailangan mo pa palang takutin para mapapayag ka. Don't worry malady, ang iwan ka ang huling bagay na naisip kong gagawin ko sayo. Sinabi ko lang yun para matakot ka, alam ko namang patay na patay ka sakin" para akong baliw na iyak tawa dahil sa sinabi niya.
Sinapak ko siya sa dibdib ng yumakap siya sakin "As i said, Move on malady. Kung hindi man madali, nandito ako para tulungan ka. Hinding hindi kita iiwan. I love you"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top