BTP 15: Bitchy Catastrophe
Knite's POV
Ilang oras na ang nakalipas pero hanggang ngayon 'di pa rin ako maka move on sa eksenang nasaksihan ko kanina. Saglit lang yung naganap na laban pero grabe na ang idinulot na tensyon noon sakin. Sa mga oras na iyon, parang huminto ang mundo ko at ganun na lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang muntik matamaan ni Cas ang mukha ni Kea. Ni hindi nga mawala sa utak ko yung itsura nilang dalawa na nagtitigan. Bakas sa mga tinginan nila ang galit at hinanakit sa isat isa. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ano bang meron sa nakaraan nila at ganun na lang sila kagalit?
"sir Knite?" Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang pagkatok at pagtawag sakin ng isa sa mga katulong dito sa Mansion
"Pasok" sigaw ko. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Hindi pala siya katulong, isa siya sa mga secretary ni Kea dito sa mansion.
"Bakit?"
"Pinapatanong po kase ni Malady kung itutuloy daw po ba ang training niyo ngayon?"
After kasi ng nangyari kanina nagwalkout sila pareho. Pareho silang lumabas ng gym at naglakad sa magkabilang direksyon. Im pretty sure na sa kwarto niya dumiretso si Kea, di ko lang alam kay Cas.
Napakunot ang noo ko. " You should ask our trainor. Siya lang naman makakasabi kung matutuloy pa ba o hindi."
"Nakausap ko na siya sir kaso-" bahagya siyang tumigil. Nagtaka pa ako dahil biglang naging emotional siya at parang maiiyak.
"kaso?"
"S..sinampal niya po ako at sinabing kayo lang po ang may karapatang kumausap at magtanong sa kaniya"
" What the....Teka, tama ba yung narinig ko? Ikaw? Sinampal ni Cas?!"
Mangiyak ngiyak lang siyang tumango. Di ko alam kung maawa ako sa kaniya dahil nakaranas siya ng sampal sa nagiisang Catastrophe o matatawa dahil nakakaloko yung dahilan ni Cas.
"Bitchesa din pala yung isang yun." Mangha kong bulong.
Tuluyan na akong bumangon sa kama at naglakad patungo sa secretary ni Kea.
"Fine missy, kakausapin ko si Cas at ako na lang din ang magsasabi kay Kea. Aright?" Bahagya ko siyang tinapik sa balikat bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Hindi na ako nahirapan pang hanapin si Cas dahil dito ko lang siya sa sala natagpuan. Nakahalukipkip habang tahimik na pinagmamasdan ang mga nakadisplay na litrato sa pader. Mukhang masyado siyang focus sa pagtingin dahil 'di man lang niya naramdaman ang paglapit ko. Ilang hakbang lang ang distansiya ko mula sa gilid niya kaya kitang kita ko ang reaksyon niya sa bawat litratong tinitignan. Puro litrato kase ng pamilya ni Kea ang nakadisplay, karamihan ay picture ni Kea mula pagkabata hanggang sa paglaki. Kung lumaki nga ba? Joke.
Nahiwagaan ako dahil bahagyang ngumiti si Cas sa isang childhood picture ni Kea pero agarang naglaho ang mga ngiting iyon nang lumapat ang mata niya sa larawan ni tito Ricky. Matagal niya itong tinitigan, sa bawat segundo nga ata na lumilipas ay palungkot ng palungkot ang mata niya.
"Mukhang hindi lang si Kea ang kilala mo diyan, well kung sparring partner ka ni Kea dati hindi na nakakapagtakang kilala mo si tito Ricky" pambabasag ko sa katahimikan na bahagya niyang ikinagulat.
Cute.
Agarang nakarecover sa pagkagulat si Cas at ngumisi, muli niyang tinitigan ang larawan ni tito Ricky na nasa harap. "Yeah kilalang kilala ko siya" saad niya na talagang may diin ang 'kilalang kilala'
"Isa siya sa mga hinahangaan at nirerespeto ko noon" dagdag niya.
"Noon? Bat hindi hanggang ngayon?"
"Nawala kasi yung kaisa isang dahilan kung bakit ko siya hinahangaan at nirerespeto" aniya.
"Anong dahilan? Is it something na related sa past niyo ni Kea? Kung bakit kayo nagkagalit hanggang ngayon?"
Umirap siya sa hangin at pasimangot na humarap sa'kin.
"Alam mo...andami mong tanong. Hindi ako nanampal ng secretary para lang makausap ka tungkol sa past namin ni Kea tsk" tapos ay dumiretso siya ng upo sa sofa.
"Masyado kasi kayong pamysterious ni Kea. Like the eff, masyado akong nacucurious sa past niyo. How those two bitchy sparring partner became worst enemy."
"Hmm sabihin na lang natin na may mga tao talaga na ang dali makalimot. Sa dami ng magagandang bagay na ginawa o tinulong mo sa kaniya makakalimutan at makakalimutan niya ang mga iyon once na may magawa ka lang na isang pagkakamali."
Nanatili lang akong tahimik dahil sobrang seryoso niya ngayon.
"Alam mo 'yun Knite, para akong isang puting papel na may tuldok. Kahit gaano kalaki o kalawak yung puting papel, 'yung dot o tuldok lang ang tinitignan niya. Worst is, di man lang niya inalam kung bakit mayroong tuldok sa papel na 'yun" she sighed. "I hate her so much"
Ramdam sa bawat bigat ng paghinga ang galit niya. Mukhang sobrang close sila ni Kea noon kaya ganiyan siya maapektuhan ngayon. Although malalim yung pagkakasabi niya, nagets ko naman yung point. Isa lang ang malinaw, may something siyang nagawa kay Kea na naging cause na matinding away nila hanggang ngayon. Sa totoo lang gusto kong malaman pero hintayin ko na lang siguro na isa sa kanila ang magkwento sakin.
"Kung anuman ang pinagawayan niyo, hindi ko na muna kayo kukulitin. Okay?" saad ko tapos ay umupo sa tabi niya.
"Nakakapagtaka lang na sa kabila ng matinding galit niyo sa isat-isa, bakit ikaw ang kinuha niyang trainor namin at pumayag ka naman"
"Hindi ko din alam sa kaniya,dahil siguro alam ko yung routine na ginagawa ni Ricky? um-Oo na lang ako kasi gipit ako. Wala akong source of income saka baon ako sa utang ngayon"
"Ahh, kaya pala ayaw mo magpahospital nung huli, tinataguan mo yung pinaguutangan mo?"
Seryoso 'yung tanong ko pero ewan ko ba kung bakit siya natawa.
"Sira, hindi ako nagtatago para lang sa utang haha."
"Eh bakit ayaw mo magpahospital? Ang sinabi mo sakin nun ay makikita ka nila. Sino yung 'nila' na iniiwasan mo?"
"Atin atin lang to ah" mahina niyang sabi "Nakikita mo 'tong mukha ko?"
Tumango lang ako.
"Ang ganda 'diba? Sa sobrang ganda niyan,siguradong pagkakaguluhan ako sa hospital. Makikita ako ng mga lalaking nurse at doctor duon at ako na lang ang aatupagin nila. Kawawa naman yung ibang pasyente diba?"
Napa-pokerface na lang ako sa sinabi niya.
"Grabe yang kapal ng mukha mo. Nakaka- ugh nako ang sarap manakit. Kung di ka lang babae "
"Wushu kunyari ka pa pero aminin natulala ka sa ganda ko kanina noh?" lalo niyang inilapit ang mukha sakin at nakangiting nagtaas baba ng kilay.
Napaatras ako at bahagya siyang tinulak sa balikat.
"S-seryoso na kasi" oh shit bat ako nauutal?!
"Kitam! May epekto talaga 'tong ganda ko sayo eh" ngising ngisi niyang sabi. "Pero sige, para matahimik 'yang palatanong mong kaluluwa sasabihin ko na kung sino yung tinataguan ko" umayos siya ng upo.
"Pamilyar ka sa Hara Organization?"
"Hara? As in yung Org ng mga Shinobi?!"
"Yeps. Sila yung tinataguan ko, sinuway ko kasi yung bagong lider nila kaya ayun pinapapatay niya ako ngayon" sinabi niya 'yun sa tono na parang wala lang.
"Fuck. Ibig sabihin, former shinobi ka? Aware ka ba na mortal na kaaway ng Venom ang org na iyon?!"
Hindi ko na mapigilang sumigaw dahil sa nalaman ko ngayon.
"Woah, relax okay? Yep, alam ko na kaaway ng Venom kaya nga ako lumipat diba? Duh galit ako kay Kea kaya sa kaaway niya ako pumunta tsk. Pero simula nagpalit sila ng lider, nawalan na ako ng amor sa org na 'yun. Masyadong sakim ang bagong lider nila"
"So kilala mo 'yung lider nila?"
"Malamang"
This time ako naman ang lumapit sa kaniya at bumulong.
"Alam mo bang hinamon ako ng laban nun sa underground kaya gusto kong magtrain,pero hindi alam ni Kea ang tungkol dito
"Wait. What? Maglalaban kayo? Kailan?" gulat niyang saad.
"Next month"
"Agad agad? Eh Bakit ayaw mo pasabi kay Kea?"
"Basta...kumplikado eh. Pero please, itrain mo ko para matalo siya since former shinobi ka."
I'm pretty sure na alam niya ang galaw at kilos ng isang shinobi at isang malaking advantage sa akin pag nalaman ko ito.
"Hindi kasi ako nagte-train ng libre"
"Binayaran ka ni Kea 'diba?"
" Ni Kea? Ay oo nga pala noh, si Kea nagbayad sa'kin so dapat alam niya kung bakit ko ite-train yung keeper niya. Ano bang magandang sabihin? Hmm na magtetrain ka kasi maglalaban kayo ng lider ng ha-"
"Oo na! Oo na! Andami pang sinabi tsk. Magkano?"
Umiling iling siya "hindi 'magkano' kundi 'ano'"
"Edi Ano? Tsk"
Dahan dahan siyang tumingin pababa sa katawan ko.
"Uhm katawan mo"
"W..what?!"
"Joke lang haha. Eto naman,hindi mabiro. Hmm naalala mo yung boutique sa mall mo na binilhan natin ng damit?"
"Oh? Ilang damit gusto mo ngayon?kahit anong design pa yan o kulay makukuha mo"
"'Yung buong boutique sana ang gusto ko"
"What?! Yung mall lang ang pagaari ko, hindi yung mga stall duon"
"Edi 'wag, sasabihin ko na lang kay Kea na--"
"Fine, Fine! Makukuha mo na ang gusto mo, basta wag ka lang magsasalita kay Kea"
Napapalakpak si Cas. "Yes! May boutique na---"
"Anong hindi sasabihin sa'kin?"
Pareho kaming natigilan nang marinig si Kea. Dahan dahan ko siyang nilingon sa likod ko. Naka serious mode at taas kilay na nakatingin samin, especially sa akin.
Napalunok na lang ako sa kaba.
Patay.
[TBC..]
A/N: Happy 259 K reads at 6.97 K votes sa Behind Those Glasses! Hanggang dito sa book 2: Behind The Past, humahakot pa rin ng votes at reads. Grabe! Thankyou sa mga warla na sumusuporta at tuloy tuloy na nagbabasa nito. Lalong lalo na sa mga nagcocomment na naging dahilan kung bakit muli akong nagkainspirasyon sa pagsusulat. Maraming maraming salamat po julit😇😘
Dedicated ang chapter na'to sa more than one year ko nang Baks, naging frienny ko siya dahil sa pagsusulat. JARJA06, hi Baks!
Try niyo rin pong basahin ang akda niya. Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top