BTP 14: Cas and Kea
Knite's POV
Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Cas at Kea na parehong nakatayo sa pinto ng gym. Magkaharap na naguusap, may kalayuan sa pwesto ko.
Nanatili lang akong tahimik at nakaupo. Walang magawa dahil sa gulat. Gusto kong magsalita. Gusto kong magtanong, gusto kong malaman kung bakit nandito si Cas at anong ginagawa niya dito? pero pumipigil sakin ang matinding tensyon sa pagitan nila.
Natuon ang atensyon ko sa suot ni Cas. A pair of black sports bra and leggins na lalong dumepina sa magandang hubog ng katawan niya
One word to describe.
Sexy.
Mukhang naramdaman niya ang pagtitig ko kaya sandali siyang humarap sa akin. Nginitian ako at kinindatan sabay balik sa kaharap.
Duon ko lang napansin na wala siyang makeup pero lumutang pa rin ang kagandahan niya. Nagmukha siyang inosente at mabait kumpara sa intimidating look tuwing nakaredlipstick. Umaliwalas din ang mukha niya dahil nakatali ang itim at mahaba niyang buhok.
Natagpuan ko na nga lang ang sarili kong nakapangalumbaba at nakangiti habang nakatitig sa kaniya.
Teka...
Agad akong tumuwid ng upo at umiling iling dahil sa mga pinagiisip ko kay Cas. Shit, nababaliw ka na Knite.
Imbes na umupo dito, napagdesisyunan ko na tumayo at lumapit sa kanila. Para makaiwas na rin sa pagiisip ng kung anu-ano.
"Hey" singit ko sa usapan nila sabay akbay kay Kea. Sabay silang lumingon sa akin.
"Anong meron?" taka kong tanong habang nakatingin sa kanila.
Bahagya akong nagulat nang kumapit si Kea sa bewang ko. "Siya ang kinuha kong trainor natin Knite?"
"Huh?" Itinuro ko si Cas "Siya ang kinuha mo?"
"Yup" imbes na si Kea, si Cas ang sumagot.
Bumalik ang tingin ko kay Kea na alanganing nakangiti sa akin. Hinatak ko siya palayo kay Cas at kinausap ng masinsinan
"The last time na nagusap tayo tungkol kay Cas, sinabi mo kung gaano kalaki ang galit mo sa kaniya. Nagrequest ka pa nga sakin ng laban para mapatay siya. Then now malalaman kong kinuha mo siyang trainor natin?! " Pabulong kong bulyaw. Naguguluhan kase ako sa desisyon niya.
"I have no choice Knite, yes I still want kill her pero siya lang ang pwedeng makatulong para magenhance ulit ang skills natin. Marami akong kilalang magagaling na trainor sa mafia world pero si Cas lang ang nakakaalam ng routine na ginamit sa akin ni tito Ricky noon, secret routine kung bakit mataas ang level ng fighting skills ko dati"
"I don't get you, bakit kailangan pa siya eh alam mo rin naman yun 'diba? "
Ngumisi siya "trust me, kailangan natin siya Knite"
"Bahala ka nga, okay lang naman sakin na siya ang trainor, ang ikinababahala ko lang kase..." Saglit akong tumigil at alanganing ngumiti. "parang hindi magandang ideya na pagsamahin kayo sa isang lugar."
Muli, ay ngumisi siya at mabilisang tumingin sa gilid ko, kay Cas siguro. 'Yung ngising alam mong may masamang binabalak sabay sabing... "hindi talaga magandang ideya"
Patay.
***
Tahimik ang buong gym, tanging tunog lang ng sapatos ni Cas ang maririnig. Pabalik balik siyang naglalakad sa harap namin ni Kea, palipat lipat ng tingin sa aming dalawa na animo'y sinusuri ang buo naming katawan. Una siyang lumapit sakin at kinapa ang braso, tiyan at dibdib ko. 'Di ko alam kung bakit nagtaasan ang balahibo ko, dahil siguro dahan dahan ang pagkapa niya dito? O dahil sa kakaibang ngiti na nasa mukha niya habang ginagawa ito? Ewan.
"Good, perfectly fit body with firm muscle. Mukhang inaalagaan mo ng maiigi ang katawan mo, 'di na kita kailangang bigyan ng advice tungkol sa dapat na diet mo" then she tapped my shoulder "keep it up babe" sabay kindat.
Napangiti na lang ako sa pagpuri niya at sa huling biro na pagtawag sakin ng 'babe'. Like the last time, alam ko namang biro lang niya 'yun para inisin si Kea. Speaking of...lumingon ako kay Kea and as expected, halos magsalubong ang kilay nito habang nakatingin kay Cas.
Selosa.
Bahagya akong yumuko upang bumulong sa kaniya.
"Masanay ka na malady~ masyadong gwapo ang future boyfriend mo kaya lapitin ng---" kusa akong tumigil nang humarap siya at pinanlisikan ako ng titig "sabi ko nga, tatahimik na hehe" pagpapatuloy ko.
Inirapan lang ako nito at bumalik ng tingin kay Cas na ngayon ay sinusuri naman ang katawan niya. Hinawakan nito si Kea sa balikat at mabilisang pinaikot.
Umiling muna ito bago bitawan ang nakakawindang na linyang alam kong makapagpapainis sa mga babae na gaya ni Kea.
"Tumaba ka" linya na parang bomba at walang pasabi na pinasabog sa harap namin.
"W..what?!"
"Lumaki ng bahagya ang braso at binti mo kumpara sa dati. Lumaki nga ang boobs mo pati tummy mo naman sumabay. Sa pagkakaalala ko malapit ka nang magkaroon ng abs dati, anong nangyari? Bakit puro belly fats ang nakikita ko ngayon?"
Bawat parte ng katawan na binabanggit niya ay sinasabayan namin ng tingin. Halata sa mukha ni Kea ang pagkadismaya sa sariling katawan.
"Teka, lumaki ang braso, binti, boobs at tiyan? Yung boobs oo, pero yung braso, binti ,at tiyan? Hindi naman ah" pagtatanggol ko, siyempre to rescue ang future boyfriend niyo. "Actually, sumexy nga siya kumpara dati" papuri ko sa kaniya. Tinignan ko si Kea at halos lumundag ang puso ko nang makita na nagpipigil siyang ngumiti.
Damn shit. Nagpipigil 'to ng kilig.
"Boys, boys, boys" iiling iling na banggit ni Cas. Lumapit siya sakin, kinausap ako ng harapan. Pag sinabi kong harapan, as in harapan na ilang inch na lang ang layo ng mga mukha namin. "Pareho pareho talaga kayong mga lalaki na boobs ang basehan sa kasexyhan. Lumaki lang ang boobs? Sumexy na? Tsk. And papaalala ko lang sa'yo na lagi kayong magkasama kaya hindi mo talaga mapapansin ang paglaki ng..." lumipat siya ng tingin kay Kea "Braso, binti at tiyan niya" dugtong nito, may diin sa bawat parteng binabanggit.
Hindi na ako nagulat nang biglang lumipad ang kamao ni Kea papuntang mukha ni Cas, mabuti na lang alerto ito kaya agad niyang nasalag.
Sa kabila ng tensyon na namamagitan sa kanila nakuha pang humalik ni Cas ng mabilisan sa pisnge ko bago ako itulak palayo sa kanila.
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Nagpapalitan sila ng sapak pero kapwa nila itong nasasalag. Nagbigay ng sidekick si Kea sa kanang pisnge ni Cas pero sa kasamaang palad nasalo ito ng mismong kamay ni Cas. At dahil mas inintindi ni Kea ang balanse niya, hindi niya napansin ang sidekick Din ni Cas na tatama sa pisngi niya.
"No..no..no damn stop it!" Taranta kong sigaw habang patakbong lumalapit sa kanila.
Para akong aatakihin sa puso nang ilang metro na lang ay tatama na ang malakas na sipa ni Cas sa mukha ni Kea.
"Cas!" Kasabay ng muli kong pagsigaw ay ang saktong paghinto ni Cas. Halos nakadikit na ang paa niya pisngi ni Kea. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Kea pero nakangisi lamang siyang tinitigan ni Cas.
Sa mga oras na 'to, habang tinitigan sila. Dito ko napagtanto at napatunayan na...
Hindi nga maganda ang Ideya na Pagsamahin sila.
[TBC..]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top