BTP 13: KniteLyn Moments.
KNITE'S POINT OF VIEW
" Saan ka naggaling kahapon? Bakit bigla kang nawala?" Yan agad ang bungad na tanong sakin ni Kea nang makauwi kami sa mansyon niya.
Gusto kong matuwa dahil sa wakas kinausap niya ako. Never niya pa kasi akong inimik simula nang magkita kami. Iniisip na nga ng family ko na nag-away kami dahil sa cold treatment niya sa'kin. And now that were here, she finally speak but damn! I can't answer her questions.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya "may emergency akong pinuntahan" kasuwal kong sagot. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mata, dahil alam kong mauutal ako once na ginawa ko 'yun.
" Are you fucking kidding me Knite? After mawala ng mga shinobi, bigla ka ring nawala! Pati ang phone mo at blackcard naiwan sa sahig tapos sasabihin mo saking may emergency? Anong tingin mo sa'kin? tanga na maniniwala sa unrealistic mong sagot"
I took a deepbreath "If you don't believe then don't" 'yun na lang ang sinabi ko bago siya tuluyang lagpasan. I don't to want argue with her, alam kong matatalo lang ako.
"Kinuha ka nila hindi ba? I mean ng Hara?"
Para bang pinagbagsakan ako ng sampung bomba sa tanong niya. Nanigas ako at nahinto sa paglalakad. Hindi naman sa natatakot ako na malaman niyang kinuha ako ng Hara. Mas ikinababahala ko ang tsansa na malaman niyang buhay pa ang gago kong pinsan. Hindi! Hindi pwede!
Napailing na lang ako at muling nagdire-diretso sa paglalakad.
Tumakbo siya sa harap ko para pigilan akong umalis.
"Oo o hindi lang Knite" mariing aniya, halatang nagtitimpi ng galit
"Hindi"
"Sinungaling, sabihin mo sa akin ang totoo"
Mapakla akong natawa "Ano naman kung nagsisinungaling ako? Nagsinungaling ka rin sakin hindi ba? Ni hindi mo nga sinabi na nagpaparamdam na pala sa'yo ang Hara, para akong tanga na nangangapa kung ano bang nangyayari sa'yo"
"May rason ako, hindi ko sinabi dahil ayaw kong mapahak ka. Nagsinungaling ako para di ka na mangialam dahil ayokong masaktan ka nanaman nila! That reason is enough! Pero ikaw, bakit ayaw mong umamin na nakuha ka nila?"
"Ayaw mo akong mapahamak? Anong tingin mo sakin, Mahina? I am your keeper for pete's sake Kea!"
"Thats not my point! Mahalaga ka sakin kaya nagsinungaling ako! Ngayon, sabihin mo na kinuha ka nila, na sila ang dahilan ng mga pasa at sugat mo. Dahil kung Oo, hindi ako magdadalawang isip na tapusin uli ang Hara." saglit siyang tumigil at lumunok, halatang nagbabadya ang luha sa mata "Ikaw na lang ang natitira sa'kin, di ko alam ang gagawin ko kung pati ikaw mawala. No, never" a tear escaped through her eyes
I am totally speechless by her line.
So thats it? Kaya nililihim niya sa akin dahil ayaw niya akong mapahamak. Nakakatapak ng pride dahil ako dapat ang nagsasabi ng ganiyan sa kaniya. Ako dapat ang nagliligtas sa kaniya mula sa kapahamakan.
Gusto kong mainis pero mas nanaig ang tuwa sa sistema ko, ipinaramdam niya kase sakin kung gaano ako kaimportante sa buhay niya.
Bah
agya akong lumapit at tuluyan siyang niyakap. Isinubsob niya ang mukha sa aking dibdib at tinuloy ang pag-iyak. Ito ang pinakaayaw ko eh, yung umiiyak siya. Doble kase ang sakit na idinudulot sa'kin. Ang tangi ko lang nagawa ay haplusin ang kaniyang buhok at paulit ulit na bumulong ng 'sorry'.
Sorry dahil pinaiyak kita.
"God knows how much I am worried Knite. Ni hindi ako nakatulog kakaisip sa kalagayan mo. Tapos makikita kitang lasing at maraming sugat? Damn you, papatayin mo ata ako sa pagaalala" she said beetween her sobs.
Malungkot akong napangiti. Mukhang tama ang gago kong pinsan sa sinabi niya, na isa ako sa mga kahinaan ni Kea. Hindi maganda 'yon, dahil sa sitwasyon namin ngayon hindi dapat siya magkaroon ng kahinaan.
Lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kaniya at nagdesisyon.
Mukhang kailangan ko nang sabihin ang totoong nagyari akin, pero hindi lahat.
"Yes, tama ka ng hinala pero hindi nila ako sapilitang kinuha. Kusa akong sumama sa leader nila" bulong ko, sapat para marinig niya.
Agad siyang humiwalay ng yakap at gulat tumingala sa'kin.
"Sinong leader?"
Sa dami ng tanong bakit 'yan pa?
Alangan naman isagot ko na 'Yung gago mong ex-lover na niligtas ka lang naman sa pagsabog 4 years ago' there's no way I will tell you that. Patay na siya sa isip mo. As well as tuluyan ko na siyang patayin sa laban namin ng hindi mo alam
"I don't know him, mukhang bagong leader nila." pagsisinungaling ko and thanks god mukhang naniwala naman siya.
"Saan ka nila dinala?"
"I don't know the exact place pero sa isang warehouse" another lie, alam ko ang exact place at mas lalong 'di nila ako dinala sa warehouse instead sa bagong palasyo ng hara.
"Any clue para malaman natin ang lugar nila?"
Damn bakit andami niyang tanong.
Umiling ako "sorry"
Inis niyang hinawi ang kaniyang buhok " Seriously kung sino man ang leader nila I want to punch the hell out him hanggang sa 'di na siya makatayo. Okay pa sakin ang pagsugod nila ng hindi natin alam, pero ang kunin ka at ibalik ng ganiyan ang kalagayan mo? Ibang usapan na, baka mapatay ko siya ng 'di oras pag nagkita kami"
I'll bet my life hindi mo siya kayang patayin, you owned your life to him Kea. Kung hindi mo kaya ako nalang ang gagawa, just wait another month sa venom arena... just another month.
Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong hinalikan "Masyado mo akong pinapakilig sa mga linyahan mo" biro ko.
"Sira, nakuha mo pang magbiro" aniya, hindi nakatakas sakin ang mumunting ngiti sa kaniyang labi.
"Pampagood vibes lang. Pero seryoso, kung may plano kang gawin sa Hara, please sabihin mo sa akin. Wag ka nang maglilihim. Hindi lang ikaw worried ang dito, ako din"
"But Knite--"
"Alam ko, nagaalala ka dahil walang panama ang level ng skills ko sa pakikipaglaban kumpara sa'yo pero please 'wag mo nang ipamukha. Promise, gagawin ko ang lahat para maging kasing lakas mo. Sasabak ulit ako sa matinding training"
"Di na ako kasing lakas gaya ng inaasahan mo. Ilang years din akong di nakasabak sa totoong laban. I need training too"
Nakangisi akong umakbay sa kaniya "Good Then, mukhang magiging training buddy pa ata kita"
----
"46...47...48....49" huminga ako nang malalim, bago gawin at bilangin ang pinakahuling push up na gagawin ko. "50! Aaah shit!" Tuluyan na akong napahiga sa sobrang hingal. Para akong mauubusan ng hininga.
I'm already tired as hell. Takenote umpisa pa lang 'to sa mas pina-enhance na routine ng training ko. Warm up palang kumbaga.
50 fucking pushup for warmup? Gusto ata akong patayin ng trainor ko sa pagod.
It's been a 3 or 4 years, I guess? since the last time na sumailalim ako sa matinding training. Nagfocus kase ako sa pagaaral kaya light exercise at sparring battle lang ang naisisingit ko. Ito din ang dahilan kung bakit andali kong napagod ngayon, hindi na sanay ang katawan ko sa ganito.
"Warm up palang pero pagod ka na?"
Speaking of trainor. Tinignan ko lang si Kea nakatayo sa ulunan ko.
Yeah, you read it right. Siya ang ang trainor ko.... Sa ngayon. Mamaya pa kase darating ang trainor na kinuha niya.
"5 minutes please" sagot ko.
"No, standup...now."
Gumulong ako padapa "pagod...pa...ako"
Sumalampak siya ng upo sa tabi ko at hinampas ako sa braso. "Knite! May one handed push up ka pang gagawin...tig-25 " mukhang natutuwa siya sa paghihirap ko, nakuha pang tumawa tsk.
Pumantay ako ng upo at inipit ang magkabilaan niyang pisngi cute "Bakit ba ako pumayag na maging trainor ka ng isang oras? pinagti-tripan mo lang ata ako"
Nakangiti niyang tinampal ang kamay ko para bumitaw "sort of, pinagti-tripan kita" pilyang aniya "but hey,may silbi naman ang pinapagawa ko sa'yo. Kailangan 'yan para maenhance at maging firm ang muscle mo!"
"Para maenhance ang muscle ko?" inilabas ko biceps ko sa kaniya " Itong muscle na'to kailangan pang maenhance?" pagmamayabang ko, sabay angat ng suot kong sando para ipakita ang naguuminting kong abs "Hindi pa ba sapat 'to?"
Binigyan niya ng tig isang sapak ang biceps at abs ko....tsansing.
"Hambog talaga tsk. Hindi importante ang look ng muscle, mas mahalaga kung kaya nitong magrelease ng malakas na sapak. In your case mukhang namang weak" alam kong biro ang lang huli niyang sinabi pero natamaan ako.
"weak pala huh" binigyan ko siya ng nakakalokong lagot-ka-sakin look. Mukhang nagets niya dahil dali dali siyang tumayo.
Pero huli na, nahawakan ko siya sa kamay at mabilisan inipit gamit ang braso ko. Dinikit ko pa ang pawis kong kilikili sa batok niya dahilan para siya'y mapatili.
"Knite! Kadiri ka" sigaw niya. Pilit niyang inaalis ng braso ko.
"Sinong weak huh?" tanong ko
"Ikaw, kadiring weak" pangaasar niya.
God, I love this childish side of her. Minsan lang 'to mangyari kaya sulitin ko na.
Pinakawalan ko na siya sa pagkakaipit pero mabilisan siyang kiniliti sa bewang.
"S..top...stop it! hahaha" tuluyan na siyang napahiga habang humahagalpak ng tawa.
I was amused by her laugh. Genuine laugh. Matagal tagal na rin simula makita siyang ngumiti ng ganito. And I was glad na ako ang nagdulot nito.
"ehem" natigil kami sa paghaharutan nang may tumikhim mula sa pinto ng Gym. Tsk istorbo.
Inis ko itong nilingon, pero ang aking inis napalitan ng gulat nang marecognize kung sino siya.
"Cas?!" yes as in Cas, Catasrophe and ms. Ratatat. Bakit siya nandito sa mansyon ni Kea?
[TBC...]
A/N: Sinong KniteLyn Shipper dito? araw niyo ngayon gals~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top