BTP 12: Don't leave me


Keallyn's POV

Habang pinapaharurot ang dala kong Ducati, andaming pumapasok sa isip ko na pwedeng gawin  kay Knite once na magkita kami.

Bubugbugin ko ba? Sisipain? Pagsasapakin ko kaya? At kung anu-ano pang way para masaktan siya. Hindi kase biro ang pag-aalala ko sa kaniya. Gusto ko siyang saktan ng pisikal nang mabakawi sa pagaalalang pinaramdam niya sa akin.

But now that I'm infront of him.

I do nothing.

Why?

Because after our eyes met. The first thing he do is to hug me, tightly.

Sobrang higpit na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Don't...don't leave me" paulit ulit niyang bulong habang nakayakap sa akin "H..huwag kang sumama sa kaniya. Akin ka na eh, kaya wag kang sasama"

Binalak kong humiwalay para tanungin kung ano ang pinagsasabi niya. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"Please don't" pagmamakaawa niya. Then after a seconds nararamdaman ko na ang paggalaw ng kaniyang balikat at nakakalusot na sa pandinig ko ang pagsinghot niya.

Damn! Bakit siya umiiyak.

Tuluyan ko na siyang tinulak. Hinawakan ko ang magkabilaang pisnge niya at hinarap sa akin.

"You're drunk"  sabi ko nang mapansin ang mapula niyang pisnge at tenga. Pati na rin ang sobrang pungay niyang mata

Nilibot ko ng tingin ang kwarto niya. Ngayon ko lang napansin na ang daming nakakalat na bote ng beer. May iilan pa ngang basag, halatang ibinato sa pader.

Muli ko siyang hinarap "Sinabi ng kapatid mo na umuwi ka ng lasing kagabi, then now maabutan pa rin kitang umiinom?!"

Mukhang hindi niya inintindi ang sinabi ko. Ngumiti lang siya at mabilisan akong hinalikan sa labi.

"Knite! Lasing ka n--"

"I love you" putol niya sa sasabihin ko

What the hell?

"Hmm I..Love..you. You know that, right?" Mabagal at pipikit pikit niyang saad. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong hinaplos sa kaniyang mukha.

Nanatili lang akong tahimik. Nakatitig sa asul niyang mata.

"Huwag kang sumama sa kaniya." muli niya akong niyakap at bumulong "Huwag please"

Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Kung iintindihin kase, ipinahihiwatig niya na aalis ako na para bang may kukuha sa akin. Pero mas pinili ko na lang itong balewalain. Lasing siya, wala sa sarili. Maaring dala lang ng kalasingan ang mga pinagsasabi niya. As well as 'wag ko na lang pansinin.

Humugot ako ng lakas para tuluyan siyang itulak pahiga sa kama. Nagsucess naman pero agad din niya akong nahatak kaya sabay kaming bumagsak at napahiga ako sa dibdib niya.

"Knite!" Saway ko rito. Binalak kong tumayo ngunit muli nanaman niya akong kinulong sa kaniyang braso.

"Bitawan mo nga ako!"

"Hindi"

"Isa!"

"Hmm hindi kita bibitawan. Magkamatayan na pero hindi kita papakawalan"

Dahan dahan akong tumigil sa pagkawala sa kaniya. Nanahimik ako at hindi gumalaw.

Ako lang ba 'to o parang double meaning ang sinabi niya?

Seriously, I don't want to bother myself thinking about what the hell he was saying. He's drunk for pete's sake.

But there's something in his situation that makes bother.

May mali eh.

First ang biglaan niyang pagkawala kahapon then umuwi daw siya ng lasing. Tapos ngayon nagpapakalunod pa rin siya sa alak. Nakakapagtaka dahil bibihirang uminom si Knite at ginagawa lang niya 'yon pag may pino-problema siya. Sa lagay niya ngayon mukhang hindi lang basta bastang problema ang iniisip niya.

At alam kong may kinalaman duon ang mga pinagsasbi niya ngayon.

Maya-maya'y nararamdaman ko na ang pagluwag ng kaniyang pagyakap. Tinignan ko siya at duon ko lang napagtanto na tuluyan na siyang nakatulog.

Dahan dahan akong umupo at pinagmasdan ang kabuuan niya.

Ganun na lang ang aking gulat nang makita ang iilang pasa at mababaw na hiwa sa mga braso niya.  Inangat ko ang suot niyang shirt at bumungad sakin ang mga naglalakihan niyang pasa sa tiyan at dibdib.

Damn! saan niya 'to nakuha?

---


Knite's Point of View.


" She's still my queen, our queen,  Hara's soon to be queen. Gagawin ko ang lahat makuha lang namin siya."

Umiling lang ako sa kahibangan ng gagong 'to.

Queen their ass.

Hindi magiging queen ng hara si Kea. I know how much she hate this downright bullshit idea. Napilitan lang naman siya noon dahil wala na siyang choice, pero kung papipiliin siya ngayon alam kong hinding hindi siya papayag.

At mas lalong hindi AKO papayag.

"Dream on dude, imposible ang sinasabi mo"

Ngumisi siya, ngisi na kagaya ng mga kalahi niyang demonyo.

"Posible, she has lot of weaknesses. I can easily use one of those" prente niyang saad na lalong nakapagpainis sa akin.

Muli akong nagpumiglas sa mga gagong shinobi na nakahawak sa magkabilaang braso ko. Pero masyado nang mahina ang katawan ko dahil sa mga pasa at iilang hiwa na  natamo ko kanina.

"Gago! Kaya mo ako kinuha para ipanakot sa kaniya? Oh common, gamit na 'yang istilo mo"

Lumapit siya sakin at mahigpit na hinawakan ang mukha ko. "I admit it, isa ka sa mga kahinaan ni Kea pero hindi ko na kailangan pang gumamit ng ibang tao para matuloy ang kasal namin. May alam akong paraan pa kusa siyang Um-oo"

Padaskol kong inalis ang pagkakahawak ng kanang braso ko at agaran ko siyang sinapak sa panga. Babawi sana ang mga tauhan niya pero agad siyang sumenyas para tigilan ang mga ito. Kumawala din ako sa isa pa at mabilis siyang hinawakan sa kwelyo.

"Huwag kang pakampante" seryoso kong saad. "Kahit anong paraan pa 'yan sigurado akong hindi siya papayag. Alam kong malaki ang galit niya sa Hara, lalo na sa'yo" binigyang diin ko talaga ang huli kong sinabi.

Gusto ko siyang gisingin sa kahibangan niya.

Pero sa kabila ng sinabi ko, nakuha pa niyang ngumiti.

" Paano siya magagalit sa taong nagligtas sa kaniya?" Aniya sabay tulak sakin.

Hindi ako natinag, sa halip mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala kang alam?" Saad niya, animoy nangaasar. "Ako ang dahilan kung bakit buhay pa siya. Ako lang naman ang nagligtas sa kaniya."

Unti unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kaniya.

Siya ang nagligtas kay Kea?

Apat na taon na ang nakalipas pero misteryo pa rin sa akin kung bakit siya nakaligtas sa pagsabog noon . I asked her many times pero hindi niya ako sinasagot. Paulit ulit ko siyang tinanong hanggang sa magsawa na ako at hindi ko na inalam pa.

Tapos ngayon malalaman kong, ang gago kong pinsan ang nagligtas sa kaniya?

"I--ikaw ang nagligtas sa kaniya?" Paninigurado ko. Nanginginig na ang kamao ko sa sobrang galit.

Hindi...hindi pwede.

"Oo. Kaya hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon Inlove pa siya sakin"

Tangina.

Hindi na ako nakapagtimpi at muli ko siyang sinapak, pero mabilis ang gago kaya agad siyang nakaiwas. Sa halip ako pa ang nasapak niya. Sinipa pa niya ako sa sikmura dahilan para paupo akong bumagsak. Tatayo pa sana ako pero sinipa niya ako sa dibdib kaya tuluyan akong napahiga.

Hilong hilo na ako, fuck.

Inapakan niya ang dibdib ko. "Gustong gusto kitang patayin Knite. Masyado kang paggulo sa mga plano ko pero ayokong tapusin ka ng ganito lang. Gusto ko ng patas na laban, ipapakita ko sa'yo kung paano kita dudurugin." Umupo siya at pinaharap ang mukha ko sa kaniya "Next month, sa Venom Arena. Gusto ko ng One on One. 'Wag kang mag-alala dahil hindi pa ako magpapakita kay Kea, gagawin ko lang 'yun sa lamay mo.

" Knite!" Nagising ako sa pagbabalik tanaw nang marinig ang pagtawag ni Mom sa akin. Kasalukuyan kaming nandito sa kwarto, magkaharap na nakaupo habang nililinis niya ang mga sugat sa braso ko .

"P..po?"

"Natulala ka na. Tinatanong kita kung saan mo nakuha ang mga sugat mo?"

Agad akong umiwas ng tingin.

"Napaaway lang"

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya "May problema ba kayo ni Kea? Sinabi sa'kin ng kapatid mo na di ka umuwi sa mansiyon nila kagabi. Alam mo bang alalang alala siya sa'yo? Madaling madali pa nga na pumunta dito"

"Pumunta siya?" Gulat kong tanong.

"Oo, naabutan ka ngang lasing na lasing"

Mariin akong napapikit, damn! Naabutan niya akong lasing. Kung anu-ano pa namang ginagawa ko pag lulong ako sa alak.

"Nasan siya?"

"Nasa kwarto ni Knia, tulog"

Tumayo ako para sana puntahan si Kea pero agad akong hinawakan ni mom sa braso.

"Alam kong hindi lang basta away ang dahilan ng mga hiwa mo Knite. I am a former shinobi kaya alam ko kung gaano kanipis at kababaw ang mga hiwa na dulot ng shuriken"

Gulat akong tumingin sa seryoso niyang mukha. She's right, nakuha ko ang mga sugat sa shuriken na ginamit ng mga Shinobi. Malinaw pa sakin kung gaano ako nagsumikap na ilagan ang nagliliparan nilang shuriken nang makarating ako sa bagong nilang palasyo.

"They're back right?" She asked. I know, she's reffering to Hara.

Tumango ako "Yeah, bumalik sila and worst is buhay si Aki, Mom."

"Oh god! " Tumayo siya at niyakap ako. Sakto, dahil kailangan ko ng yakap niya ngayon. "Please stay safe son, magingat kayo ni Kea"

"Natatakot ako mom" bulong ko "hindi para sa kaligtasan ko. Natatakot ako dahil anytime...anytime soon pwede niyang makuha sa'kin si Kea"

[TBC. ..]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top