BTP 10: Shinobi on a Red and black mask
Knite's POV
Ilang beses ko nang napapanood ang video pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over sa nilalaman nuon.
Mahigit labing lima na kalalakihan ang tinalo ni Kea, well except duon sa huli dahil sinadya niyang magpatalo. Pero yung bilis at liksi niya ang nagpabilib sakin. May times pa nga na triplet ang sabay sabay na sumugod sa kanya pero ni isang beses hindi siya pumalpak sa pagsangga sa anim na balisong ng mga ito.
Eto pa, muntik na siyang macorner ng isang hapon pero tumakbo siya ng mabilis patungo sa pader, sinipa ito upang makabwelo at tumambling sa ere. Ang lupit diba?
"Hindi ka ba nagsasawa diyan?"
Bahagya kong inangat ang phone at nginitian si Kea na nakahiga sa lap ko.
"Hindi"
"Almost week mo na 'yang paulit ulit na pinapanood"
"Wala e, hindi ako nagsasawang makita yung mga moves mo" mahina ko siyang pinitik sa noo "ayaw mo kaseng ipakita sa'kin ng live"
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako lalaban sa Venom Arena"
Inismiran ko lang siya at tinuloy ang panunuod. Ilang beses ko na kase siyang pinilit na sumali sa match pero gaya ngayon paulit ulit lang niya akong tinatanggihan. Malapit na akong mainis sa totoo lang.
Nakakainsulto kase na malamang all this time na seryoso ako sa tuwing laban namin, habang siya libangan lang pala. Lakas makatapak sa pride ko 'yun bilang lalake tsk.
Ito rin ang rason kung bakit pinipilit ko siyang sumabak sa Venom. Gusto kong makita ang totoong lakas niya. Nang sa ganon ay mapagaralan ko kung paano siya pantayan o higitan pa kung pwede. Dahil bilang isang personal keeper, tungkulin kong panatilihin ang kaligtasan niya lalo pa't nagpaparamdam ang Hara nitong nakaraan. E pano ko magagawa 'yun kung mas malakas siya sa'kin?! Baka nga ako pa ang iligtas niya at mas nakakatapak ng pride iyon.
"Hoy, galit ka?"
Nakapokerface ko siyang tinitigan "hindi" sabay tingin ulit sa phone.
"hindi daw pero kung magsalubong 'yung kilay mo kanina para kang papatay" pabiro niyang sabi. Mukhang nabo-bother sa inaasta ko.
Tinignan ko lang siya saglit tapos tumingin ulit sa phone.
Sige lang Knite, wag mong pansinin baka sakaling pumayag. Good idea haha.
"tsk galit nga"
Mukhang di nakatiis dahil bumangon siya at tumabi sakin. Hinawakan ang magkabilaan kong pisnge at pinaharap sa kanya.
"Fine, lalaban ako unless..."
Yes! sabi sa inyo e, di niya ako matitiis. Tama nga 'yung sinabi ni Cas na ako ang weaknes ni Kea. Gwapo ko talaga shit.
"Unless?" masigla kong tanong sabay akbay sa kanya.
"Si Cas ang makakalaban ko"
Lahat ng saya ko unti unting naglaho. Si Cas? Ayos lang sana kaso... hindi ko alam kung nasaang lupalop ang babaeng 'yun! The last time I saw her was 2 weeks ago, 'yung time na nagising siya at nagusap kami. After nun para siyang bula na naglaho nung kinagabihan. Pinahanap ko siya sa buong mansyon pero wala. Tinawagan ko rin siya pero not available ang ang binigay niyang number sakin.
Shit, pa'no to?
"Bakit si Cas pa, marami namang pwede diyan?" alanganin kong tanong, baka makalusot.
"Simple lang, I want to kill that bitch. Sapat na siguro ang buhay niya para pagbayaran ang mga kasalanan niya sa akin. Besides gusto kong malaman ang level ng skills niya at patunayan na hindi ako mahina gaya ng sabi niya sa mall."
Patay, sa galit ni Kea mukhang wala akong lusot. Kailangan ko ngang hanapin si Cas.
"Aahh sige i-papasched ko na ang laban niyo hehe"
"Good"
"Nga pala, ano bang mga kasalanan sa'yo ni Cas at ganyan na lang ang galit mo?"
"Niyakap k-- i mean dahil sa kanya may nasayang na laban. Worth million din 'yun tsk"
"Nadulas ka na e, Ayos lang 'yan alam ko namang patay na patay ka sakin" sabay pindot sa tagiliran niya.
"Kapal"
"Pero seryoso, hindi 'yun ang ineexpect kong sagot, I mean bukod duon? Nasabi niyang naging sparring partner mo siya for 7 years" saglit akong huminto dahil mukhang apektado siya sa tanong ko "May ginawa ba siya dati para magalit ka ng ganyan?"
Sa wakas natanong ko rin. Ito talaga 'yung gusto kong malaman since nakilala ko si Cas. I'm damn curious about their past.
Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti "sabihin na lang natin na sinira niya ang tiwala ko. Bibihira akong maniwala sa isang pangako Knite, bibihira lang din akong magtiwala sa isang tao pero sinira pa niya"
I wan't to ask more, kulang eh. Kulang 'yung sinabi niya. Paano, kelan at bakit?
Pero habang tinitignan ko ang seryoso niyang mukha, mas pinili ko na lang na tumahimik. Mukhang hindi ito oras para dito. Hintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi.
Kung sasabihin niya.
Keallyn's POV
I bit my lower lip.
I feel burdened habang tinitigan niya ako. Tahimik lang siya habang walang reaksyon. Hindi ako sanay. Hindi ganito ang Knite na kilala ko.
Nagaalala tuloy ako kung ano ba ang iniisip niya. The way kung paano siya magtanong, halatang gusto niyang malaman lahat. Pero sana...sana wag na niyang alamin.
"Hmm I guess that something ridiculous for you to hate her" kibit balikat niyang sabi "by the way wala ka bang naalala na lakad natin ngayon?
Nakahinga ako nang maluwag sa pagiiba niya ng topic.
" Lakad? Wala naman"
"Death anniversary ni Cy ngayon, remember?"
Napatampal ako sa noo. O geez nakalimutan ko kailangan pala naming bumisita.
***
"4 years na pala" wala sa sarili kong banggit, habang tahimik naming tinatahak ang puntod ni Cyrene.
Tanaw ko na ang puntod niya at habang pinagmamasdan ito, bigla kong naisip na apat na taon na pala ang nakalipas.
Mapakla akong napangidDwfti. Isang lugar lang kase pumapasok sa isip ko ngayon.
Ang Hokusai Palace.
Apat na taon? Bakit parang ambilis. Para kaseng kahapon lang nangyari ang lahat.
Minsan nga-- ay hindi madalas pala. Madalas kong naiisip na...
Paano kaya kung in the first place hindi ako nagplano ng pagsugod sa kanila?
Paano kung hindi kami nagtanim ng bomba?
I sighed heavily.
Malamang nageexist pa sana ang Hara ngayon at kinakalaban kami. Walang katapusang laban sa mafia world ang ganap.
But on the positive thought.
Atleast buhay pa sana sila.
Si Ninong Ricky, si Aki at...
Bumaba ang tingin ko sa puntod na nasa harap ko. Sa puntod nang kinaiinisan kong babae noon. Sa babaeng ginawa ang lahat para iligtas ako at ang Abueva siblings.
"Kundi dahil sa'kin, buhay pa sana siya." Agad kong naitikom ang bibig ko. The eff! Nadulas ako shems, sa isip ko lang sana 'yun.
"Too late to shut your mouth miss, narinig ko na." Nakangising sabi ni Knite matapos ilapag ang bulaklak.
Nanatili lang akong tahimik.
"Alam mo bang ganyan din ako dati? Palagi ko ding sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay ni Cy. Nangako ako na babalikan siya dahil iniligtas niya kaming magkakapatid , pero tama nga ata ang sabi nila na promises ang meant to be broken" mapakla siyang natawa at tuluyang umupo sa damuhan
"Hindi ko siya naligtas Kea, hindi. Thousand times ko na ring pinagmumura at iniinsulto ang sarili ko noon. Duwag, mahina, talkshit, walang kwentang kaibigan. Paulit ulit ring kong tinatanong na paano kaya kung nabalikan ko si Cy? Siguro buhay siya , siguro hanggang ngayon malakas siya, siguro araw araw ko siyang nakikita at sa tuwing naiisip ko ang mga posibilidad na 'yun, naiinis ako sa sarili ko noon" tumingala siya sakin "alam mo kung bakit ko 'to sinasabi sa'yo?"
Umiling lang ako.
"I just want to say that 'everything's happen not because of who or what are cause of it. Everythings happens for a reason'. After a year, narinig ko ang quote na 'yan kay mom. Then I realize na namatay si Cy hindi dahil sa kagagawan ko, kundi may rason ang nasa itaas kung bakit niya hinayaang mangyari 'yon. Kung anuman 'yon walang nakakalaalam pero sigurado akong maganda ang rason niya. Kaya ikaw, stop blaming yourself malady. Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa Hokusai Palace"
I am totally speechless. Like seriously? Si Knite ba 'to?
Kinapa kapa ko ang noo niya, hindi naman mainit.
Pumantay ako ng upo at hinawakan ang magkabilaan niyang pisnge.
"Teka si Knite ka ba--ouch" sigaw ko nang pitikin niya ako sa noo.
"Sira, ako pa rin 'to"
"Bigla bigla ka kaseng nag wo-word of wisdom diyan pero hands up ako sa sinabi mo. Gets ko 'yung point, its just that...I can't accept it easily. Sa sitwasyon mo kase hindi naman ikaw ang pumatay kay Cy, e sakin..."
Dinuro niya ang noo ko "Hindi rin naman ikaw ang nagpasabog sa Hokusai"
"Pero dahil sa'kin, nagtrigger ang mga bombang tinanim namin"
"Paano ka nakakasiguro? as far as I know bukod sa mga hightech bomb na tinanim mo, may itinamin din si Kean na tatlong timer bomb. Malay mo 'yun ang sumabog"
"Hindi eh, 3 hours na mas maaga sa oras ang pagsabog kaya impossible ang timer bomb ni Kean. Saka tatlo lang 'yon, kulang para sirain ang Hokusai. Kaya 100% akong sigurado na hightech bomb ko iyon. Pero..."
"Pero? Pasuspense pa"
Nanlaki ang mata ko nang bigla kong maalala ang sinabi sa'kin ni Mitsuki noon.
"And ipapaalala ko pa pala, Nakadeactivate na lahat ng Hightech bomb na itinanim mo sa palasyo ko. Thanks to your Ninong Ricky, anyway"
"Nakadeactivate ang mga bomba. Si Ninong Ricky mismo ng gumawa Knite!" Shit, bakit ngayon ko lang 'to naisip?
"Oh? Tapos?"
"Paano sasabog 'yun kung nakadeactivate?!"
" Chillax, wag hyper okay? Baka naman hindi talaga dineactivate ni tito Ricky. "
"Impossible, may event na gaganapin noon. Sigurado akong dineact 'yun ni ninong para sa kaligtasan ng mga guest sa kasal"
"Teka teka nga, ano bang pinapalabas mo?"
Napatampal ako sa noo "Di mo ba naiisip? May nagactivate ng mga bomba!"
Mukhang nagsink in pa sa utak ni Knite ang sinabi ko. Matagal siyang natahimik bago magsalita.
"Oo nga noh. Kung walang nag activate malamang walang pagsabog na magaganap."
"Sakto!"
Seryosong tumingin si Knite sa kawalan .
"Ang tanong...sino?"
Natahimik ako sa tanong niya. Tama, sino?
Magsasalita sana ako ukol sa tanong ni Knite ngunit natigilan ako nang may maramdaman akong kakaiba.
Pinakiramdaman ko ang paligid.
Tahimik.
Tanging hangin lang ang maririnig.
Ngunit nang pinakinggan kong maiigi, may narinig akong mabibilis at sobrang hinang hakbang.
May ibang nandito.
Tumingin tingin ako sa paligid. Walang mababakas na may ibang nandito. Pero sigurado akong nandito sila, Oo 'Sila' dahil maraming hakbang ang naririnig ko.
Nasan sila?
Sa mga puno? Matataas na puntod? Saan?!
"Bakit parang di ka mapakali? Anong meron?"
"Shhhh"
"Ano--shit!" Malakas ko siyang naitulak dahilan para mapahiga kami sa damuhan.
Mabilis akong bumangon at tinignan ang basag na vase sa puntod ni Cyrene. Isang kunai ang bumasag dito.
Kung hindi ko 'to naramdaman siguradong kay Knite ito tatama.
Bumalik ang tingin ko kay Knite na gulat sa nangyari.
Dinampot niya ang kunai at ngayon ko lang nakita na may kasama palang itong...itim na card. Mabilis akong kumilos para hablutin 'to sa kanya pero agad siyang tumayo at ibinulsa ang card. Bwisit.
"Give it to me"
"Para ano? Para itago nanaman sakin? Para ilihim nanaman ang tungkol sa Hara?" Seryoso niyang sabi.
"Papanong.."
Paano niya nalaman? Never pa akong nagkwento sa kanya.
"Oo alam ko pero hindi ito oras para magkwento kung paano" ngumisi siya at inihagis ang kunai sa taas ng isang puno. Hindi na ako nagulat na may bumagsak na shinobi dito.
At ipinagtaka ko lang ay kung bakit nakamaskara ito.
Lalapitan sana ni Knite pero pinigilan ko siya dahil sunod sunod na lumabas ang mga kasama nito at mabilis kaming pinalibutan.
Gaya ng nahulog, lahat sila ay nakasuot ng maskara. Ngayon ko lang napagmasdan na itim at pula ang kulay.
Gusto kong matawa? Anong pauso 'to? Jabawokis? Ang baduy.
Siniko ko si Knite para tignan kung anong reaksyon niya. Malakas pa naman magalaska ang isang 'to.
Pero malayo sa expectation ko ang reaksyon niya. Pulang pula ang mukha, nakaigting ang panga at nanginginig ang kamao sa galit.
"Tama ang nakita ko sa arena" he whisper something pero hindi ko masyadong naintindihan.
Nagkibit balikat na lang ako. Mukhang seseryosohin niya ang laban, as well as gayahin ko na lang siya.
Nagstretching muna ako bago sumugod.
Mukhang mahaba haba 'tong laban.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top