Chapter 2: Payong
STELLA || TWO
Busangot ang mukha kong lumabas ng bahay. Bitbit ang payong sa kanan at sobre sa kaliwa. Isa 'tong suicide mission, Mama!
Binuksan ko ang payong. Kahapon, grabe ang weather kung magpa-ulan. Ngayon, daig pa panahon ng El niño sa init. Buang lang.
"Magandang umaga, Stella!" bati sa akin ng kapit-bahay naming may maliit na karinderya.
"Hello po." famous ako dito. Bukod sa matagal na kaming naka-tira dito. Lahat na rin kasi ng batang-kalye ay naka-laro ko na.
"Huy Ella, ikaw na ba 'yan? Parang dati lang ang liit mo pa ah! Hindi ka pa nga marunong mag-punas ng sipon mo no'n."
Nangitian ko na lang din si Ate kahit gusto ko na siyang beltukan. Grabe! Ang lakas ng memory niya!
Tumuloy na ako sa pag-lalakad hanggang sa narating ko na nga ang nakakatakot na daan. Naka-tayo ako sa bungad ng driveway. Nagdadalawang-isip kung papasok o magpapa-kalbo na lang ako kay Mama.
Punyeta! Ayoko talagang pumasok! Kaso makakalbo ako ni Mama kapag umuwi ako nang mission unaccomplished.
Pumitas ako ng bulaklak. Tinanggal ko ang isang petal nito.
"I will enter.." tinanggal ko ulit ang isang petal.
"I will not enter.." tinanggal ko ulit ang isang petal.
"I will enter.."
"I will not enter." nang makita kong nag-iisa na lang ang petal ay alam ko nang papasok na talaga ako. Kaya hinati ko pa sa dalawa ang petal.
"Hehe. I will not enter."
Tumalikod na ako pauwi. Haha! Akala ba ninyo wala akong basehan? Goodbye maderpakers! Okay lang makalbo kesa mamatay!
Nagulat ako ng biglang humangin ng malakas. Bumaliktad ang payong ko at nagmistulang dish satellite ng kapit-bahay! Gamit ang dalawang kamay ay ibinalik ko ito sa dati ngunit nilipad ang hawak kong sobre!
Tangina marunong umuwi yung sobre sa kanila!
Hinabol ko naman ito papasok sa driveway. Ang init-init tapos ang lakas ng hangin?! Depungal na weather 'yan! Nakayuko ako habang tumakbo. Daig pa kasi ng palaka ang sobreng ito. Marunong tumalon!
Sa wakas! Nakuha ko rin ito. At nahulog ang panga ko sa aking nakita. Kung alam niyo ang Garden of Eden, pwest itulad niyo ito sa itsura ng mansyon.
Mukhang hindi naman talaga totoo ang mga usap-usapan. Sa itsura ng mansyon, masasabi ko na parang anghel ang naka-tira sa loob.
Itim na itim ang malaking gate. Pero makikita pa rin naman ang malaking victorian mansion sa loob. Kinatok ko ang gate.
"Tao po." ang bobo lang no? Anong akala ko sa gate? Pinto?
Wala kasing doorbell, wala ring mailbox para sa sobreng hawak ko. Muli akong sumigaw.
"May tao po ba diyan?!"
Wala pa ring lumabas mula sa mansyon. May malaking fountain sa labas at napapaligiran ang buong mansyon ng mga naglalakihang mga puno kaya naman walang pumapasok na sinag ng araw dito.
"Shoppee delivery po!" biro ko sa sarili ko. Awit, ang corny ko e.
Tinulak ko ng marahan ang gate. Hindi ito nakasara kaya pumasok na ako. Hindi naman siguro nila sasabihing tresspassing ako?
"Ang ganda. Kung walang naka-tira dito, yayaan ko na lang si Mama." tugon ko habang lumilinga-linga.
Naka-lapit ako sa malaking double door. Muli akong kumatok at nagsalita. Matagal akong nag-hintay pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.
Pinihit ko ang hawakan at napagtantong hindi ito naka-lock. Nakakapag-taka naman 'tong bahay na 'to. Gate at pinto hindi sinasara?
Malinaw sa akin na tresspassing ang ginagawa ko pero nauunahan na kasi talaga ako nang kuryosidad. Pumasok ako sa loob.
Bakit ang dilim? Piano ba iyong naririnig ko?
Masarap sa tenga ang tugtog na naririnig ko. Makapal ang mukha kong hinanap ang switch ng ilaw at makapal din ang mukha kong binuksan ito.
Kapag talikod ko ay nakita ko ang isang bulto ng lalaking nakatalikod at nakaupo sa harap ng piyano. Napaka-pormal ng damit nito pero ang mas nagtataka ako?
Bakit siya nagpi-piano sa dilim?
Tumigil ito sa pagtugtog pero nananatili itong naka-harap sa pulang piyano. Tumikhim ako.
"I have a letter for you, Sir." magalang kong tugon. Hindi ako nito pinansin at muling tumugtog. Pero madiin ang pagtitipa nito kaya naman gulat akong nagsalita.
"I'll just leave this letter here, Sir." mabilis kong ilinapag ang sobre sa malapit na mesa at tumalikod pero sa pag-ikot ko ay biglang namatay ang ilaw na parang may nag-switch off nito.
Napa-tigil ako sa paglalakad. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang tumigil ang tugtog na naririnig ko. Crap. Mukhang nagalit si kuya sa pagpasok ko!
Dahan-dahan akong naglakad at nangapa sa dilim. Hinahanap ang sedura ng pinto. Kailangan kong maka-alis kung hindi ay makakasuhan ako ng tresspassing. Mas makakalbo ako ni Mama.
"Goodmorning, Milady." isang malamig na bulong ang narinig ko malapit sa aking tenga. Napa-pitlag ako at sumigaw.
"Goodmorning din pero kailangan ko nang umuwi!" kahit madilim ay tumakbo ako, buti naman at nakapa ko ang pinto at mabilis na pinihit ang sedura nito.
Walang lingunan akong lumabas ng napaka-laking mansyon pero hindi ko kinalimutang isara ang gate bago umalis.
Putaragis na bahay 'yon! Ang weird nung lalaki sobra. Parang siyang bangkay na nabuhay. Napaka-lamig ng hanging naramdaman ko nang bumulong siya. He was like a walking corpse.
Tumakbo ako palabas. Nang maka-uwi at kaagad akong dumiretso sa kusina at ni-raid ang ref. para uminom ng tubig.
"Naibalik mo na?" bungad sa'kin ni Mama. May dala itong bayong, mukhang kakatapos lamang mamalengke.
"Op ho." sabi ko dahil sa hingal.
"Napaka-arte mo kasi. May pa-ayaw ayaw ka pang nalalaman. O asan na 'yung payong mo?"
Nang malaman ko ay wala pala akong dalang payong pauwi. Nginitian ko na lamang si Mama.
"Sinasabi ko na eh! Galing pa 'yung Avon, Stella! Balikan mo yun do'n ah."
"Mama naman!" daing ko. Balak ba niyang ipabisita ako araw-araw sa mansyon na 'yun?
Padabog na umakyat ako sa taas. Narinig ko pang natawa si Mama sa ginawa ko.
*****
Araw ng linggo. Maaga akong ginising ni Mama dahil may emergency. May nangyari daw sa isa naming kamag-anak sa probinsya. Hindi ko kilala kung sino pero kamag-anak daw namin.
Mugto ang mata ni Mama habang kinakausap ako. Nahawa tuloy ako sa iyak niya kahit hindi ko naman kilala kung sino ang napano.
"Mag-iiwan ako ng pera, nak. Pero magpapadala pa rin ako sa'yo ha. Emergency lang talaga 'to. Hindi natin kaya ang pamasahe ng dalawa sa eroplano kaya ako na lang mag-isa. Isipin mo din ang pasok mo dito. Ayokong mahuli ka sa klase."
Naluluhang tinulungan ko pa siyang magimpake. Parang mag-aabroad lang siya ah?! Lumabas na kami ng subdivision bago ko siya inantay na maka-sakay ng jeep.
Malungkot akong umuwi. Punyemas, sino maglalaba ng mga salawal ko?
Binuksan ko ang TV. Malungkot akong nanonood pagkatapos ay malungkot akong kumain. Malungkot din akong naligo bago malungkot din akong natulog.
Hays. I wanna die. Chos lang.
"Na-perfect mo yung quiz sa science?" hindi maka-paniwalang tanong sa akin ni Pia. Tumango ako.
"I may be stupid but not that much." proud ko pang sagot. Inayos ko na ang mga gamit ko para sa susunod na subject.
Nang maka-upo ako sa next subject ay saktong pumasok sa loob si Ma'am na may kasamang estudyanteng napaka-gwapo.
Nagtiliaan ang mga kababaihan sa nakita. Sa tingin ko nga rin ay nabakla na rin ang mga lalaki. Napapasipol din kasi.
Itim ang buhok nito, malaking lalaki at napaka-puti ng mga balat. Sagad itong tumingin sa kaluluwa at parang hindi maganda ang umaga. Blangko lang ang mukha nito na parang manikin sa tindahan.
"This is Laurent, class. Ang bago niyong kaklase para sa subject na ito."
Halos mabaliw na ang mga kaklase kong babae nang magsimula itong mag-lakad sa dulong gawi at naupo sa malapit sa sulok. Hindi man lang niya kami dinapuan ng tingin o nagsalita man lang.
Mas lalong kiniliti ang mga singit ng kakaibahan dahil dito. "Shet! Ang cold."
"Bet ko na siya, sis!"
Matapos no'n ay tahimik na kaming nakinig sa klase. Nilingon ko si Laurent sa likod. Hindi man lang siya nagsusulat katulad namin. Naka-sandal lang ito sa upuan at naka-tingin sa blackboard.
Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko sa kaniya. Pangamba o takot? Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at muling nag-sulat.
Grabe ka, Stella. Kabago-bago nung tao pagdududahan mo.
Malalim akong bumuntong-hininga. Ng matapos ang huling klase ay sabay kaming lumabas ng school ni Pia. Nagpaalam na ito sa'kin dahil nand'yan na daw ang sundo niya.
Mag-isa akong naglakad ngunit may naramdaman kong may sumunod sa akin. Hindi ko alam kung paranoid lang ako o ano. Basta nararamdaman kong sinusundan ako.
I look back. Nakita ko si Laurent. Kapit-bahay namin siya? Mag-isa rin itong naglalakad sa bangketa katulad ko.
Nagkatinginan kami pero tumawid ito sa kabilang kalsada at lumiko sa isang magubat na driveway.
No way.
Doon siya naka-tira?! Kung gano'n ay sino ang lalaking nakita ko kahapon sa mansyon na 'yon? Siya kaya 'yon?
Alam ko na kung kanino ko kukunin ang payong! Mabilis akong tumawid sa kabilang gawi at sinundan siya.
Bakit ang bilis niya namang nawala?
Pumasok ako sa makapal na daan. Bakit ba kasi ang haba ng daan na ito? Nang matanaw ko na ang mansyon ay mabilis akong sumigaw dahil mukhang kapa-pasok lamang dito ni Laurent.
"Laurent!"
Nagtatakang tinignan niya ako. "Ako nga pala yung naghatid ng sobre kahapon. Mukhang naka-limutan ko kasi sa loob yung Avon na payong ni Mama."
Napa-ngiti ako nang buksan niya gate at iminuwestra ako papasok. Atlis hindi masungit diba?
"Please. Feel at home, milady" magalang nitong tugon. Siya nga yata ang lalaki kahapon. Ngunit bakit niya naman pinatay ang ilaw diba?
Parehas kaming naglakad papasok. I just heard him whispered something.
"Tonights dinner looks appetizing."
******
You may encounter grammatical and typo errors. Just leave your feedbacks and opinions to the story. Stay safe and take care everyone❤
-Pneumoniaaaa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top