Third Part

Pasimple kaming pumasok sa building ng condo ni Duze at ganoon din sa pagsakay ng elevator.

Pagkalabas namin sa elevator ay tumakbo na kami kaagad sa tapat ng room ni Duze. Nakalock ang pinto. Mabuti nalang may spare key ako ng room ni Duze kaya nabuksan namin kaagad ang pinto.

Naabutan namin sila Aldis at Duze na magkayakap sa may couch. Umiiyak si Duze at halatang nag papanic mula sa nangyayari habang paulit-ulit na nagsosorry kay Aldis. Habang si Aldis ay pilit na pinapakalma si Duze at hinahaplos ang buhok nito.

Hindi ko na napigilan na maiyak sa itsura at kalagayan ni Duze kaya tumakbo ako kaagad sa direksyon niya at inalis sa pagkakayakap si Aldis para mayakap ko si Duze.

Hindi nag protesta si Aldis at worried na nakatitig lang saamin. Habang si Amari ay dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.

"Shh Duze, wala kang kasalanan. Hindi naman natin alam na may paparazzi palang nakasunod sainyo kagabi. Maaayos natin itong issue don't worry." Pagpapakalma ko dahil walang tigil siya sa pagiyak.

Inabutan ako ni Amari ng tissue at baso ng tubig kaya pinunasan ko muna ang luha ni Duze bago ko siya pinainom ng tubig para kumalma na siya.

I looked up to Aldis face and he is thinking deeply.

"Adlis." Pagkuha ko ng atensyon niya.

"Adlis." Ulit ko.

Kahit sila Amari at Duze ay napatingin narin sa direksyon ni Adlis na nakatulala at malalim ang iniisip.

"Adlis!"

"Huh?" Finally bumalik na ang atensyon niya sa realidad.

"Ano ng gagawin natin? Hindi ito ang oras para mag-isip kung sino ang may kasalanan sa nangyari dahil wala namang matutulong iyon sa sitwasyon natin ngayon."

"Tama si Fessa, Aldis. Anong Plano mo?" Pag sang-ayon saakin ni Amari.

Duze is silent beside me and just staring at Aldis.

"I'm planning to tell them the truth." Sagot niya. He looked at Duze's direction and give him a reassuring smile.

Halata sa mukha ni Duze na kinakabahan siya sa gustong mangyari ni Adlis pero hindi na siya umangal.

"Adlis, if you don't mind me asking. What really happened last night at paanong nakuhanan kayo ng litrato sa parking lot?"

Lahat kami ay napatitig kay Amari. "What? I want to know." She snapped.

"Nag dinner date kami ni Aldis after ng premiere. Tapos after non nag libot lang kami sa mall tapos pumunta na kami sa parking lot kasi uuwi na kami." Paliwanag ni Duze.

"We were talking happily that night and syempre, we are a couple, I kissed him bago siya pumasok sa kotse ko. Hindi namin napansin na may paparazzi sa parking lot kaya paggising namin kaninang umaga ay nagulat nalang kami sa balita." Dagdag naman ni Aldis.

"You want to finally reveal Duze to the media right?"

"Yes Fessa, I want the media know the truth. Sana lang hindi maapektuhan ang trabaho natin." Kita sa mukha ni Aldis na nag aalala siya sa pwedeng outcome ng desisyon na ito.

Umiling ako sakanya at nginitian siya, "hindi yan. Hayaan nalang narin yung mga fans na magdamdam after ng press conference then balik trabaho na ulit tayo."

"Press conference?" Sabay na tanong nilang tatlo.

"Yes, mag papa-press conference tayo mamayang 3PM. Huwag na nating patagalin. Para humupa narin kaagad." Sagot ko.

Tumango-tango sila at umupo narin sa couch kasama kami ni Duze.

I just hope that the press conference will go well.... It has to go well.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top