Second Part
Nagising ako sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Wala akong shoot, taping, event o ano pa man para sa araw na ito kaya bakit naman tunog ng tunog ang cellphone ko dahil sa kung sino man ang tumatawag saakin?
Inis kong inabot sa bedside table ang cellphone ko at sinagot ang tawag ng hindi tinitignan ang caller ID.
"Hello?" Sagot ko sa inaantok pang boses at gumulong pagitna sa kama kaya nagmukha tuloy akong burrito. Who cares? Wala namang nakakakita.
"Get up now, Fessa! May malaki tayong problema!" Sigaw ng kung sino man ang nasa kabilang linya.
"Problema? Kakatapos lang ng premiere kagabi, paanong may problema?" Takhang tanong ko.
Nakarinig muna ako ng pag-type sa computer sa kabilang linya bago ito sumagot sa tanong ko.
"I sent you an email. Doon mo tignan. Malaking problema ito sa career niyong dalawa ni Aldis. Kaya bumangon kana diyan!" Sigaw na naman niya sa kabilang linya.
After niyon ay namatay na ang tawag at doon ko lang narealize na ang manager ko pala iyon.
Kahit antok na antok pa ay bumangon na ako. Nahirapan pa dahil sa nakabalot ako sa comforter.
Malaking problema sa career? Anong ibig niyang sabihin? Kinuha ko muna ang laptop ko sa drawer ng bedside table ko bago sumalampak ng upo sa couch sa living room.
Agad kong binukasan ang email at halos malaglag sa sahig ang laptop ko dahil sa gulat ng mabasa ko ang headline ng balita.
Hindi ito ang inaasahan kong headline na makikita ko sa Umaga!
Paano? Bakit?
Bakit hindi sila nag ingat?
"ALDIS SPOTTED SA ISANG MALL KAGABI NA MAY KAHALIKAN NA ISA RING LALAKI"
Sa ilalim niyon ay may picture ni Aldis na may ka holding hands na lalaki at picture nilang magka-kiss.
Damn.
I rushed to log in to my social media accounts at sobrang daming notification.
May isa pang article na pinost sa isang site patungkol sa issue.
Ang mga fans ko at fans ni Aldis ay pinapasabog na ang notification ko at messages.
Pagbukas ko ng Twitter ay trending ang hashtag na, #BaklasiAldis.
May isa pang post na mukhang gusto pang maging malala ang issue kaya kung ano ano nalang sinasabi sa post.
Sinubukan kong basahin ang ilang comments at tinigil din kaagad. Puro sila conclude na bakla si Aldis, ano daw nararamdaman ko, kawawa naman daw ako at kung ano-ano pa.
Hindi na ako nag scroll pa at sinara nalang lahat ng social media ko at piniling tawagan si Aldis.
Nakakailang tawag na ako pero hindi sinasagot.
Pabalik-balik na ako ng lakad sa pwesto ko habang tinatawagan parin si Aldis ng bumukas bigla ang pintuan.
Ang manager ko ang bumungad saakin na may nag-aalalang mukha. Nag-aalala si Amari.
Pinatay ko muna ang call dahil hindi parin niya sinasagot bago sumalubong ng yakap kay Amari.
"We will fix this okay? Maaayos natin itong issue na ito." She reassures me habang hinahaplos ang buhok ko.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang bilang pag sang-ayon.
Sa tagal ng loveteam namin ni Aldis, ngayon lang may nangyaring ganitong kalaking issue. Palagi naming iniingatan ang image namin sa media at sa publiko dahil ayaw namin ng gulo. Pero kung ano pa nga ang kinakatakot mo, iyon pa ang mangyayari sayo.
Kumalas ako ng yakap kay Amari at kinuha ang wallet at susi ng condo ko bago nilagay iyon sa pouch bag ko.
"Anong ginagawa mo? Aalis ka?" Tanong ni Amari.
Hindi ko siya pinansin at pumasok sa walk-in closet ko para magbihis ng casual na damit.
"Fessa hindi ka pwedeng lumabas! Paniguradong aabangan ka ng media sa labas!" Sigaw niya mula sa labas pero Hindi ko parin siya pinansin.
Paglabas ko sa walk-in closet ay frustrated na mukha niya ang unang sumalubong saakin.
"I'm still your manager,Fessa. Makinig ka saakin. Huwag ka munang lumabas. Mainit ang mata sainyo ng media ngayon." She started combing her hair out of frustration.
Umiling ako sakanya, "Aldis and Duze needs us. Hindi sumasagot sa mga tawag ko si Aldis pero paniguradong nasa condo lang siya ni Duze."
"May point ka," Pag sang-ayon niya rin sa wakas. "Sa back parking lot ako nag park. Tara na." Kinuha niya sa bulsa ang susi ng kotse niya at hinawakan ako sa kamay bago kami lumabas ng condo.
Suot ang cap ay medyo yumuyuko ako para hindi makilala ng mga nakakasalubong namin.
Actually, hindi alam ng fans kung saan ang condo namin. Kahit ang mga staff at tao dito sa building ay hindi alam na dito ako nakatira. Pero kahit na ganoon ay hindi parin ako kampante. Kaya gumamit ako ng ibang identity at ID para hindi sila mag duda.
Nakarating na kami sa sasakyan ni Amari at mabilisan siyang nag maneho papunta sa condo ni Duze, ang boyfriend ni Aldis.
I have to talk to them. This is a complete chaos that we really need to resolve asap.
I didn't know the thing I'm always afraid of is now happening in just a blink of the eye.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top