First Part

Halos hindi na ako makakita dahil sa mga flashes ng camera sa paligid. Picture dito, picture doon. Ngiti dito,ngiti doon. Halos mangalay narin ang bibig ko sa kakangiti at paa ko dahil sa heels.

"Ms. Fessa anong nararamdaman mo ngayong premier ng panibago ninyong pelikula with your loveteam, Mr. Aldis?"

I was taken aback with the reporter dahil hindi ko napansin na nakalapit na pala siya saamin.

Habang nakakawit ang mga kamay ko sa braso ni Aldis ay binigyan ko ng matamis na ngiti ang reporter.

"So totoo lang po sobrang excited ako sa magiging reaction ng mga manonood sa aming pelikula dahil nag effort po talaga kami sa pag-gawa 'non and we gave our best to make the film perfect as possible. Lalo na po itong si Aldis, sobrang effort po ang binigay niya." Pinisil ko pa sa pisngi si Aldis na nakapag pakilig sa mga camera man at reporter sa gilid.

"Tama po si Fessa, and we are hoping that the audience will like and love our movie po." Sagot din ni Aldis at hinawakan na ako sa bewang para makapasok kami sa loob ng venue.

Alam ko na hindi naka iwas sa pansin ng mga reporter at camera man ang paghawak ni Aldis sa bewang ko at paniguradong news flash na naman iyon sa mga balita bukas.

Hindi na nga lang bago iyon para saamin dahil bilang artista mas gusto mong nasa balita ka talaga.

Pagpasok namin sa loob ay naabutan namin ang buong crew at staff ng pelikula na hinihintay kami at sobrang excited narin na makita ang buong pelikula.

Umupo kami ni Aldis sa pinaka unahan habang ang iba ay busy pa sa kanilang mga ginagawa.

"Panigurado bukas, nangunguna na naman tayo sa balita." Natatawa kong pag predict sa mangyayari bukas.

Tumawa rin si Aldis at sumang-ayon din naman saakin.

"May date kayo ni Duze after ng premiere?" Tanong ko sakanya. Habang inuumpisahan nang kainin yung popcorn na nakita ko sa may table kanina na pasimple kong kinuha.

"Oo, excited na nga siya eh. Minsan nalang kasi kami makapag date. Alam mo naman yung mga paparazzi di'ba?" Pasimple rin siyang nadukot sa popcorn ko pero hinayaan ko nalang. Sharing is caring naman.

After the premiering night matiwasay kaming nag hiwalay ng landas ni Adlas thanks sa mga staff and guards sa venue. Ang dami parin kasing reporters sa labas at pagod na kami kaya hindi na namin ginustong makipag interact sakanila.

Nakakapagod din kayang maging sweet sa harap ng camera.

Hinatid muna ako ng manager ko na si Amari sa condo ko bago rin siya nakauwi. Sakanya ako sumabay kanina papunta sa venue kaya siya rin kasabay ko pag uwi.

Aldis and I are one of the strongest loveteam. I've been working with him for atleast 4 years already.

He is such a sweet,caring, and thoughtful guy. Almost lahat ng mga fans namin ay iniisip na him and I are dating pero in reality, hindi talaga.

Kahit na pagod na ay binura ko muna ang make up ko at nag shower para malinis ang katawan ko bago matulog.

I was about to sleep when i received a message notification sa cellphone ko.

Amari:
Nakauwi na ako.
See you tomorrow.
Goodnight.

After basahin ang message ng manager ko ay nilapag ko na ulit ang cellphone ko sa bedside table at natulog na.

Finally a rest after such a long exhausting day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top