My Neighbor, My Husband?!


When I wrote "Kung Sana Noon Pa," real name ko pa ang gamit ko kaya nababasa ng mga students ko 'yong story.

There was one student who was blunt enough and told me "Ma'am ayoko nung sinusulat mong story! Sa probinsya kasi ang setting. Mas gusto ko sa city." I just chuckled. But then I told myself, why not?

Tapos pag-uwi ko ng apartment that afternoon, nadaanan ko 'yong guwapong neighbor ko. HahaHa! Half-naked siya, kita ang abs.Hehehe!

Sabi ko, what if may isang guwapong lalaki na biglang sasabihing asawa ko siya? Whoa! Gawan ko nga ng story.

Pero paano ako ikakasal nang hindi ko namamalayan? So, I thought na dapat lasing 'yong babae. Why did I think it was possible na makalimutan niya ang nangyari after niyang malasing? Nangyari po kasi sa akin. Haha!

Let me tell you a short story,

Party ng friend ko, overnight drinking kami. Ako 'yong unang nalasing, nagsuka pa ako, eww! Kinaumagahan, may lalaking kasama yung ibang friends namin tapos sabi niya sa akin, "Ano okay ka na?" Nagtaka ako. I don't know the guy. First time ko lang siyang nakita that morning. Tinanong ko kung sino 'yon tapos sinabi sa akin 'yong pangalan. Nagtaka ako kung bakit ako kinausap. Hindi ko naman kilala. Tapos they are claiming na kasama naming nag-inuman no'ng nagdaang gabi. Common friend daw ganyan. Nagbibiruan pa nga daw kami. So I answered with conviction, "Hindi no, tayo tayo lang kaya kagabi."

Saka 'di ko ugaling makipagbiruan sa bagong kakilala. Hindi ako FC (feeling close).

Dahil ayaw ko talagang maniwala, pinakita nila 'yong mga pictures namin nang nagdaang gabi. Katabi ko nga 'yong lalaki. Kausap ko pa pero hindi ko na talaga maalala hanggang sa ngayon na nangyari iyon. How sad?


Back to story, inisip ko kung saan ba puwedeng mabilis magpakasal? Kapag sa Pilipinas, impossible. Kaya naalala ko yung mga movies sa Hollywood madaling magpakasal sa Las Vegas so I researched kung gaano kadali, ID lang pala kailangan. Kaya nabuo yung plot. Pangarap ko din maging accountant kaya 'yon yung trabaho ni Sheena.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top