Chapter 8
Chapter 8
"Wear this."
Kumunot ang noo ko. Isinuot sa akin ni Yllac ang isang kulay pink na flat shoes. "Bakit kailangan kong magsuot ng ganyan kung dito lang ako sa loob ng bahay mo?"
"Our house, Bella." Tumayo si Yllac. "Lalabas tayo. Bibili tayo ng stock dito sa bahay at kung anong gusto mo rin bilhin. Lets go." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay. Napapikit ako nang sumalubong sa akin ang liwanag galing sa araw. Dalawang buwan rin akong hindi lumabas ng bahay kaya naninibago ako ngayon.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse bandang passenger seat. Nang makapasok na ako sa loob ay sumunod na si Yllac. Siya rin ang nagsuot sa akin ng seatbelt. Napatingin ako sa skin ko. Ang pale pala ng kulay ng balat ko. Halatang hindi ako nagpapaaraw.
"Huwag na huwag mong paplanuhing tumakas, Bella. Alam mo kung anong mangyayari."
Bumuntong hininga ako at tumingin na lang ako sa view sa labas. Pasimple kong hinaplos ang tiyan ko. Paano kung may laman na itong sinapupunan ko? Matatanggap ko ba ang batang ito?
"Nagugutom ka ba?"
Umiling ako. Tahimik lang kami buong byahe. Tanging ang mga kanta mula sa stereo ang maririnig dito sa loob ng kotse ni Yllac.
Nag-park kami sa parking lot ng isang mall. "We're here." Lumabas na si Yllac. Hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako ng pintuan. Kusa na akong lumabas. Magkahawak kamay kaming pumasok sa mall. Una muna kaming pumunta sa grocery. Ako mismo ang nag-insist na pumunta doon.
Si Yllac ang nagtutulak ng cart habang ako ang pumipili ng stock namin. Naglaway akong nang nakakita ako ng mga pack ng chocolate chips cookies. Kumuha ako ng isang pack.
"You like it?"
"Oo, pwede na ba itong kainin?" Nilingon ko si Yllac.
"Lets pay first before you eat that. Kumuha ka pa para hindi ka mabitin."
Napangiti ako at kumuha pa ako ng lima pang pack ng chocolate chips cookies. "Lets go." Kumunot ang noo ko dahil natulala si Yllac. "Okay ka lang?"
"Ngayon lang ulit kita nakitang ngumiti."
Sumimangot ako at naglakad na ako papunta sa mga tissue. Kumuha ako ng tissue na buy 1 take 1.
"Sanitary napkin, hindi ka bibili?"
Natigilan ako. Kumuha na lang ako ng dalawang pack ng napkin. Hindi naman ako sure talaga kung buntis ako. Baka mamaya, biglaan akong magkaroon. Nang ma-sure namin na okay na ang bibilhin namin, binayaran kaagad iyon ni Yllac. Nilagay muna namin sa kotse niya ang na-grocery namin bago bumalik sa loob.
Dumaan kami sa mga boutique. Kung anong matipuhan ni Yllac na damit para sa akin, kaagad niyang binibili kahit kalahating milyon pa ang presyo nun. Minsan nga, tumatanggi na ako pero pinipilit pa rin niya bilhin. Mayaman kasi kaya wala sa kanya ang mga presyo ng mga damit, bag at sapatos. May pinagamit siya sa aking sling bag. Mayroon na ring wallet iyon at nilagyan rin niya ng laman.
Huminto akong maglakad nang madaanan namin ang isang pharmacy store. Kailangan kong bumili ng pregnancy test para ma-sure ko kung buntis ako o hindi. "May bibilhin lang ako sa loob."
"Pumasok—"
"Ano na lang mag-isa. Hindi naman ako tatakas. Maniwala ka sa akin."
Bumuntong hininga siya bago tumango. "Hihintayin kita dito sa loob."
Nagmadali akong pumasok sa loob ng pharmacy store. Kaagad kong hinanap ang stall ng pregnancy test at sa awa ng Diyos, nakakita kaagad ako. Kumuha ako ng isang box. May nakita rin akong mga facial mask kaya kumuha ako ng sampung pack. Nagmamadali akong binayaran ang mga kinuha ko. Nilagay ko sa loob ng sling bag ang pregnancy test at tinapon ko sa trashbin ang resibo. Huminga ako ng malalim bago lumabas.
"Anong binili mo?" Tanong kaagad sa akin ni Yllac.
Pinakita ko sa kanya ang maliit na paperbag. "Facial mask. Gusto mo?"
Ngumiti siya sa akin. "You dont need to use these kind of product. You're already beautiful, Sweetie."
"May whiteheads na ako kaya kailangan ko nito. Ayokong pumangit."
He chuckled. "Okay, if that's what you want. Nagugutom na ako, kumain na tayo. Nag-reserve ako sa isang fine dining restaurant. They have the best steak."
Napilitan na lang akong ngumiti bago nagpatangay sa kanya.
---
Pasimple akong tumitingin sa cellphone na nasa coffee table tapos bumalik ang tingin ko kay Yllac. Nasa sala kami ngayon at nanonood ng movie sa isang cable channel. Kailangan kong makuha ang cellphone para makatawag. Ngayon ko lang nakita iyon kaya dapat hindi ko sayangin ang tsansang makahingi ng tulong.
Malakas na tumawa si Yllac. "He's crazy."
"Oo nga." Pilit akong ngumiti. "Yllac..."
"Hmn?"
"Gusto kong uminom ng orange juice. Pwede bang kuhaan mo ako ng juice?" Niyakap ko siya kahit na labag sa loob kong gawin ito.
"Okay, I will make sandwich for you." He kissed me in my temple before he leave.
Nakahinga ako. Kaagad kong kinuha ang cellphone at nilagay ko iyon sa bulsa ko. Pumunta ako sa kusina. "Yllac, maliligo muna ako ah." Tumango siya kaya iniwan ko na siya. Nagdali akong pumunta sa kwarto namin.
Kinuha ko sa sling bag ko ang pregnancy test at nagmadali akong pumasok sa loob ng CR. Ginamit ko iyon at habang naghihintay ay tiningnan ko ang contacts sa cellphone ni Yllac. Nakita ko kaagad ang pangalan ni Yohann kaya kaagad akong nag-dial sa number nito. Lumabas ako ng CR dala-dala ang pregnancy test.
Napakagat labi ako at hindi ko napigilang tumulo ang luha ko.
"Hello, Kuya Iñigo?"
"C-Cassandra, ikaw ba 'yan?"
"Bella? Bakit nasa sa'yo ang cellphone ni Kuya Iñigo?"
Napahagulhol ako dahil ang best friend ko ang tumawag. "C-Cassandra, positive siya. I'm pregnant, s-si Yllac ang t-tatay."
"A-Ano?"
"He raped me, Cassandra. Kinidnap niya ako, dinala niya ako dito sa America at pinilit niya akong pakasalan siya pagkatapos niya gawin 'yon sa akin."
"S-Sino?"
"Sabihin mo kay Ciro na h-huwag na niya ako hanapin. Magkakaroon na ako ng pamilya—" Nanlaki ang mata ko nang pumasok sa loob ng kwarto si Yllac at galit ang mukha niya. "Y-Yllac..."
"Sinong kausap mo?"
Napahakbang ako patalikod at nabitawan ko ang hawak kong pregnancy test. "Si C-Cassandra."
"Sinabi ko bang tumawag ka sa kanila?"
Napatalon ako dahil sa pagsigaw niya. "I-I'm sorry." Lalo lumakas ang iyak ko.
Napatingin sa sahig si Yllac at bago ko pa makuha ang pregnancy test ay naunahan na niya ako. "You're pregnant?" Hindi ko sinagot si Yllac dahil sa sobrang takot ko sa kanya. "Answer me, Bella. Are you pregnant?" Dahan-dahan akong tumango. "Is a yes?"
"O-Oo."
"Yes! I'm gonna be a father!" Bigla niya akong binuhat kaya nabitawan ko ang cellphone niya. Ilang beses siyang umikot bago ako binaba. "I'm so happy, Sweetie." Then he kissed me in my lips. "Magkakaroon na rin tayo ng pamilya. Thank you so much."
Lalong lumakas ang iyak ko. No! Hindi ko matatanggap itong bata sa tiyan ko. Anak ng lalaking sumira sa buhay ko ang batang ito.
----
"Mommy, look at your baby." My OB said. Isang Pilipinang doctor ang pinili ni Yllac para mag-checkup sa akin.
Hindi ko magawang lumingon sa monitor. Hindi ko kayang tumingin sa batang nasa tiyan ko.
Yllac brush my hair. "C'mon, Sweetie, look at our baby."
Umiling ako. "Ayoko."
"Sir, can you leave us alone for a little while?"
He looked at me. "Okay, I'm just outside the room." At iniwan na niya kami.
"Mommy, sige na tingnan mo na ang baby mo. The fetus is already seven weeks."
Dahan-dahan akong tumingin sa monitor. Doon ay nakita ko ang isang parang kasing laki ng isang blueberry. "Iyan ang baby ko?"
"Oo. Bakit ayaw mong tumingin kanina sa baby mo?" Umupo sa tabi ko ang doktora.
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko kasi tanggap ang batang 'yan."
"Bakit naman?"
"Galit ako sa tatay niya. Hindi ko kakayaning malahian ako ng lalaking iyon." Humigpit ang kapit ko sa bedsheet ng hospital bed na hinihigaan ko.
"Gusto mo bang mag-conduct tayo ng abortion para mawala ang bata sa tiyan mo?"
Natigilan ako sa narinig. Abortion para lang mawala ang batang nasa sinapupunan ko. Para akong sinipa ng kabayo sa dibdib. Napahawak ako sa tiyan ko at tumingin ulit ako sa monitor. Bigla akong nagising sa katangahang pinag-iisip ko. Walang kasalanan ang baby ko sa ginawa ng tatay niya. Tumulo ang luha sa pisngi ko at sunod-sunod akong umiling. "H-Hindi. Hindi ko kayang gawin iyon sa kanya."
"Pero ayaw mo sa baby mo. Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo?"
"Ayoko. Ayokong mawala ang baby ko." Umupo ako. "Hindi ko hahayaang mawala siya."
Ngumiti sa akin si Doctor Galvez. "Very good decision, Mrs. Valdepeña. Tatawagin ko na ang asawa mo para marinig niya ang mga sasabihin mo."
Tumingin ako sa monitor. "I'm sorry, baby. Hindi ko dapat sinabi iyon sa iyo. From now on, hindi na kita iisipan ng masama. I will take care of you."
"Bella..." Lumapit sa akin si Yllac at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. "Bakit siya umiiyak, Doctor Galvez?"
Nagkasalubong kami ng tingin ni Doctor Galvez at tinanguhan niya ako. "Its a tears of joy, Mr. Valdepeña. Okay, lets continue. Seven weeks na ang baby, nag-ii-start na ring mag-develop ang kidneys, forming of legs and arms. This is the best thing for you, Mommy and Daddy." May pinindot si Doctor Galvez. May tumunog na kung ano.
"Ano po 'yan, Doktora?"
"Your baby's heartbeat."
Napangiti ako. "Ang sarap pakinggan."
"You're right, Sweetie." Mabilisan akong hinalikan ni Yllac sa labi.
Marami pang sinabi si Doctor Galvez. Mga bawal kong kainin at gawin na risk sa pregnancy ko. Niresetahan din niya ako ng mga vitamins. Nakadama ako ng excitement habang naririnig ko ang mga sinasabi ng doktora.
Habang hinihintay namin ang mga prenatal results ay iniwan ako sandali ni Yllac dahil may tumawag sa kanya pero binalikan naman niya ako kaagad.
"Uuwi na tayo ngayon sa Pilipinas."
Nanlaki ang mata ko. "As in ngayon na?"
"Oo. Naka-ready na lahat ng gamit natin. Kukunin na lang natin ang result mo tapos dederetso na tayo sa airport."
"P-Pero—"
"Kukunin ko na ang result mo."
Bumuntong hininga na lang ako. Babalik na kami sa Pilipinas, paano ako haharap kina Cassandra at Ciro? Ayokong makitang nasasaktan si Ciro nang dahil sa akin. "Nanggigigil ako sa tatay mo, baby. Gago kasi siya talaga."
Mayamaya ay bumalik na si Yllac at kaagad naming nilisan ang clinic. Mabilis rin kaming nakarating sa airport. Ngayon ko lang nalaman na may private plane pala itong tukmol kong asawa.
"May stock ba dito ng chocolate chips cookies?" Bulong ko kay Yllac nang makapasok na kami sa loob ng private plane.
"Gusto mo bang kumain nun?"
Sunod-sunod akong tumango. "Pati na rin bagoong alamang. Ita-toppings ko sa cookies."
"Bella, walang ganoon dito."
Napasimangot ako. "Gusto kong kumain ng cookies na may bagoong alamang. Mayroon namang Filipino store dito. Baka mayroong bagoong doon."
"Pero aalis na tayo."
"Eh 'di huwag muna tayong umalis. Magpabili ka ng bagoong alamang. Nagugutom na ako bilisan mo!" Nanggigigil kong sabi at inalog ko pa si Yllac.
Napa-facepalm siya bago kinuha ang teleponong nandoon. "Hello... Buy me a bagoong alamang now... Find Filipino store to buy that!... Damn it! Ano ako pa ang bibili tapos itatanggal na lang kita? Hurry up!" Binalik niya sa lalagyanan ang telepono. "Ayan na."
"Nagagalit ka?"
"Hindi."
"Nagagalit ka eh. Sabihin mo lang na ayaw mong bilhin ang gusto kong kainin kaya ka nagagalit." Sobra talaga akong naiinis sa kanya.
"Hindi ako nagagalit sa iyo, Bella."
"Alam mo nakakainis ka. Gusto kong sapakin 'yang mukha mo." Nag-cross arm ako.
Kumunot ang noo ni Yllac. "What did you say?"
"Gusto kong sapakin 'yang gwapong mukha mo. Nakakainis kasi 'yang pagmumukha mo." Tumingin ako sa salamin at halos mapamura ako nang makita kong wala na ang contact lens ko sa mata ko. Kaya pala ganoon makatingin ang mga taong nakakasalubong namin dahil magkaiba ang kulay ng mata ko. I have a color green pair of eyes.
Nakasanayan ko nang magsuot ng contact lens na color brown dahil kay Mama. Noong bago kami pumunta sa Scotland para bisitahin si Papa, pinilit niyang isinaksak sa isipan kong dapat akong magsuot palagi ng contact lens na color brown.
Tinanggal ko ang nag-iisang contact lens sa mata ko. "Nakakainis naman! Kasalanan mo ito eh!"
"Wala namang problema sa kulay ng mata mo, Bella. You have a beautiful pair of emerald color eyes."
Natigilan ako. Bakit ang sarap pakinggan nang pinuri ni Yllac ang kulay ng mata ko? No! Hindi dapat ako magpadala sa sinasabi niya. Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo. Nakakainis ka pa rin." Wala na akong narinig mula kay Yllac. Nahuli ko siyang kinukuhaan niya ako ng picture. "Anong ginagawa mo?"
Tumikhim siya. "Wala."
"Wala ka d'yan." Hindi ko na lang siya pinansin at nanahimik na lang ako. Bahala siya d'yan sa buhay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top