Chapter 5
Chapter 5
Maria Bella:
"I love you so much, Cassandra."
Napangiti ako nang makita kong hinalikan ni Yohann ang kamay ni Cassandra. Nakakatuwa lang silang tingnan dahil sobrang sweet nilang dalawa na parang bang walang nangyari kanina sa lobby ng hospital ni Yohann.
Kanina ay nagkaroon ng kaunting kaguluhan doon dahil sa maling akala. Napagkamalan kasi namin na may ibang babae ang boyfriend ni Cassandra iyon pala ay hindi. Grabe naman kasi makabalingkis kay Yohann ang kakambal nito kaya kahit sino iisiping may namamagitan sa kanila. Nasapak ko tuloy ito ng wala sa oras. Nakakahiya sa totoo lang.
"Thank you, Yohann and I love you too."
Ano ba 'yan? Nakakakilig naman sila. Bumuntong hininga ako. Na-miss ko tuloy si Ciro. Isang linggo na kaming hindi nagkikita at nag-uusap. Gusto ko siyang tawagan pero hindi ko magawa dahil sa nangyari last week. May kasalanan siyang ginawa kay Yllac at alam ko sa sarili kong may ginawa rin akong kasalanan kay Ciro. Pinagsisihan ko iyon. Kissing other man means that I already cheated my boyfriend. Isang nakakakonsensyang pangyayari. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ciro. Muli akong bumuntong hininga.
"Ang lalim naman ng iniisip mo, Bella."
Nginitian ko lang si Canssandra.
"Puntahan mo na siya sa office niya. Sigurado akong gusto mo rin siyang magkita."
"Tama si Yohann, Bella."
Umiwas ako ng tingin. "Ayoko nga."
"He missed you a lot, Bella. I knew that he beat your friend because he was jelous so much. Its common for us if we feel that someone trying to steal our girl." Napatingin ako kay Yohann nang tapikin niya ang balikat ko. "Kaya puntahan mo na siya. Wala siyang patient sa ganitong oras."
Ngumiti ako bago tumango. Iniwan ko sila at pumunta kaagad ako sa office ni Ciro. Hindi kaagad ako kumatok at dinikit ko ang tenga ko sa pintuan.
"Aw, Ciro! It hurts so much!"
"Kababae mong tao tapos may pasa ka sa mukha. Sino bang sumuntok sa iyo."
"How many times do I tell you that its your girlfriend who punched me."
"How many times do I tell you that she'll never gonna do that, Angeline. I love her."
"But I love you too. Do you love me, Ciro?"
"I love you, Angelique-"
Parang piniga ang puso ko sa narinig ko. Walang sabi-sabing binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin ang boyfriend ko na may kahalikang ibang babae. The worst thing is the woman who I punch is the woman who he's kissing right now. Nakakandong rin ito kay Ciro. "What a great view, babe." Sarkastikong sabi ko.
Tinulak ni Ciro ang kakambal ni Yohann. "Bella!" Nagmadali siyang lumapit. "You're wrong on what you thinking, Bella."
Agad akong lumayo kay Ciro nang tangka niya akong hawakin. "Na ano, Ciro?"
"Hindi ko hinalikan si Angelique-"
"Hello, we're kissing, Ciro."
"Shut up, Angelique." He hold me in my shoulder. "Bella, hindi ko ginustong halikan si Angelique. She's the one who insist."
Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Ang sakit pala. Sobrang sakit. "But I saw it, Ciro. Still you kissed her and you love her."
"Bella-"
Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Ciro. "Ayoko munang makita ka." Nilingon ko si Angelique. "Pasalamat ka naging advance ang pagsuntok ko sa iyo, bitch." Nagmadali akong lumabas ng office ni Ciro. Hindi ko na rin dinaanan si Cassandra. Imi-message ko na lang siya. Napahinto akong maglakad nang pinigilan ako ni Ciro.
"Bella, lets talk."
Umangat ako ng tingin at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Please, Ciro, hayaan mo muna ako."
"Bella, dont leave. We need to talk, we need to clear this issue. Mahal ko si Angelique pero hindi katulad ng iniisip mo. I treat her as a sister."
Mariin akong umiling. "Huwag muna ngayon. Isang linggo tayong hindi nagkita pero ito ang madadatnan ko. Nagiging toxic tayo ngayon, Ciro."
"Please, Bella..."
"Tsaka na tayo mag-usap, Ciro." Kaagad akong pumara ng taxi. "Kapag kaya ko na i-absorb ang nakita at narinig ko. Doon lang tayo mag-uusap." Sumakay na ako ng taxi. Nang makaalis na ang sinasakyan ko, doon lang ako napahagulhol.
----
Nakatingin lang ako sa mga sumasayaw sa dance floor ng bar na pinuntahan ko. Ang tagal rin noong huling punta ko dito. Ininom ko ang natitirang laman ng beer na kanina ko pa iniinom. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Its Yllac. "Hello?"
"Bella, nasa bahay mo ba ikaw? Pupuntahan sana kita."
"Wala ako sa bahay." Napakagat labi ako. Pinipigilan kong umiyak. "Yllac, I need a crying shoulder right now. I need you."
Narinig kong napamura si Yllac. "Where are you, Bella."
Sinabi ko kaagad kay Yllac kung nasaang bar ako ngayon. Sumubsob ako sa counter at hindi ko mapigilang umiyak. Sobra akong nasasaktan ngayon. Akala ko ba mahal ako ni Ciro? Bakit ganoon ang nakita ko?
Nag-order naman ako ngayon ng vodka. Alam kong mahal ang mga inumin dito sa bar at wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay magpakalasing at makalimutan ang nangyari kanina. Na-text ko naman na si Cassandra at ang alam nito ay nasa bahay ako.
"Bella..."
Lumingon ako sa tumawag sa akin. "Yllac..." Tumakbo ako papunta kay Yllac at yumakap ako sa kanya. Lalo akong napaiyak nang gumanti siya ng yakap sa akin.
"What happened, Bella?" Hinila niya ako papunta sa isang bakanteng mesa.
"Si Ciro."
"Anong nangyari sa boyfriend mo?"
"I saw him kissing with another girl."
"What?" Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. "Kilala mo ba kung sino ang kahalikan ng boyfriend mo?"
"Its Angelique Valdepeña, twin sister ng boyfriend ni Cassandra. I heard him sayin' that he loved her. Ang sakit, Yllac."
"Sssh..." He wiped my tears. "Did you saw him kissed back to Angelique?"
Umiling ako. "Hindi pero hinalikan pa rin niya si Angelique."
"Gusto mo bang hiwalayin na si Ciro? Okay lang ba sa iyo na mawala na siya sa buhay mo?"
Natigilan ako sa sinabi ni Yllac. Hindi ko kayang makipaghiwalay kay Ciro at lalong ayokong mawala ang boyfriend ko sa buhay ko. He's very special to me. Dahan-dahan akong umiling. "No."
"Kaya mo na ba siyang kausapin ngayon?"
"H-Hindi ko pa alam."
"Okay." Huminga si Yllac ng malalim. "Want to have some drinks?"
Tumango ako kaya iniwan muna niya ako. Mariin akong pumikit. Kaya ko bang kausapin ngayon si Ciro? I know I can't right now but still I want to talk to him. I want to make things clear.
"Here you go." Umupo ulit sa tabi ko si Yllac. "Ladies drink lang ang pinili ko para sa iyo. Mukhang marami na rin ang nainom mo."
Ngumiti ako. "Thank you." Uminom kaagad ako sa ladies drink na binili para sa akin ni Yllac. I made my decision. Kakausapin ko si Ciro. Ayoko nang umabot ng hanggang bukas ang gulong ito. "Yllac, mauna na ako. Kakausapin ko si Ciro ngayon."
"But-"
"I need to go now." Naglakad ako papalayo kay Yllac. Eksaktong nag-ring ang cellphone ko. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ni Ciro. Sinagot ko ang tawag nang makalabas ako ng bar. "Ciro?"
"Bella, please lets talk. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."
"Sige pumapayag akong-" Napasapo ako sa noo ko nang maramdaman ko ang biglaang pagkahilo. Parang nag-blurred ang paningin ko. "Mag-usap tayo-" Nabitawan ko ang cellphone ko at bago pa ako matumba ay may sumalo sa akin.
"Gotcha!"
Then everything turned into black.
----
I felt someone's kissing me in my neck. Pinipilit kong itulak ang taong iyon pero hindi ko magawa dahil sobra akong nanghihina. His hands caressed my hair and kept kissing me in my neck up to my face.
"H-Huwag..."
"Sssh, keep sleeping my lady. Tomorrow you need to have so much energy."
I cried. I know his voice. Its Yllac. His hands started roaming in my body. "D-Don't-" Napahinto ako sa sabihin ko nang halikan niya ako sa labi.
"Sweetie, sleep now. I'm here beside you. Don't worry."
Naramdaman ko ang pagtusok ng karayom sa bandang kanang braso ko. Gusto ko mang manlaban at manatiling gising ay hindi ko magawa. Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. No.
"C-Ciro..."
----
Unti-unti akong dumilat. Kulay cream na kisame ang bumungad sa akin. Nakahiga rin ako sa isang malambot na kama. Nanghihina pa rin ako. Napatingin ako sa kamay ko. Naka-handcuff sa headboard ng kama ang isang kamay ko. Pinakiramdam ko ang katawan ko. Walang masakit bukod sa kamay kong naka-handcuff. Iba na rin ang suot kong damit. Isang long sleeve polo na panglalaki. Iba na rin ang suot kong bra at underwear.
Napa-ungol ako at dahan-dahan akong umupo. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa gitna ng kwarto ang hinihigaan kong kama. Para akong nasa isang dance studio dahil puros salamin ang pader ng kwarto kaya kitang-kita ko lahat ng ikikilos ko. May sofa, cabinet at coffee table dito. May sidetable rin at may nakapatong na flower base at mukhang bagong lagay lang ang mga bulaklak doon. Nasaan ako?
Ang naaalala ko lang ay kausap ko si Ciro sa phone tapos nahilo ako. May sumalo rin sa akin nang matutumba na ako. Sumunod na naaalala ko ay may humahalik sa akin at alam ko kung sino iyon. Napakagat labi ako. Si Yllac ang nagdala sa akin dito.
Tiningnan ko ang kamay kong naka-handcuff at kinapa ko ang buhok ko. Wala na ang hairpin ko. Dapat naniwala ako sa sinasabi ni Ciro. Dapat hindi kaagad ako nagtiwala kay Yllac. Napaiyak ako. Dapat wala ako dito ngayon.
"Hey, why are you crying?"
Nilingon ko ang nagsalita. Si Yllac at may dala siyang tray. "H-Huwag kang lalapit sa akin." Nagsumiksik ako sa headboard.
"Why?" Pinatong niya sa coffee table and tray na dala niya at lumapit siya sa akin. "Is there any problem, Sweetie?"
"Huwag mo kong hawakan!" Nagpumiglas ako nang hinawakan niya ako sa braso. "Layuan mo ako."
"I can't, Bella. Lalo na ngayon, nandito ka na sa akin. You're mine now."
Mariin akong umiling. "No, I'm not yours, Yllac. Pakawalan mo na ako. Gusto ko nang umuwi."
"Tapos ano?" Hinawakan niya ang mukha ko. "Mapupunta ka ulit kay Ciro? No, never." Then he kissed me.
Pinipilit ko siyang itulak palayo pero hindi ko magawa. Mas malakas siya sa akin. He bite my lower lips that made me open my lips that's why he have an access to enter inside my mouth. No!
My tears started to fall down in my cheeks. Lumayo siya sa akin. "Sssh, don't cry, Sweetie." Then he wiped my tears but I can't stop crying.
"Please, Yllac. Hindi kita isusumbong sa mga pulis basta pakawalan mo na ako."
He smiled. "I will do that for you." Then he unlock the handcuff.
Hinawakan ko ang medyo namumula kong kamay. "T-Thank you."
Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan kaya sumunod ako. "Papakawalan kita sa pagkakaposas mo pero hindi ka makakaalis dito." Tinulak niya ako at mabilis na nakalabas ng kwarto.
Sinubukan kong buksan ang pintuan at talagang naka-lock ito sa labas. "Yllac, palabasin mo ako dito!"
"No."
"Yllac, buksan mo itong pintuan!" Wala na akong narinig mula kay Yllac. Mukhang umalis na siya. Umupo ako sa sahig. Nilibot ko ang paningin ko. Wala man lang bintana dito kaya hindi ko rin magagawang makatakas. Paano na ako nito? Niyakap ko ang sarili ko at sumubsob ako sa tuhod ko. "Ciro, help me."
----
Hindi ako lumingon nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Alam ko naman kung sino iyon at wala akong ganang makita siya ngayon. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan.
Naramdaman ko na nasa tabi ko ngayon si Yllac at niyakap niya ako. "Bakit hindi mo kinain ang pagkain mo?"
"Sa tingin mo magkakaroon akong ganang kumain habang nakakulong ako dito?"
"You need to eat your food, Bella."
"I don't want to see you. Leave me alone."
Narinig kong bumuntong hininga si Yllac bago niya ako hinalikan sa noo ko. "Mayroong bagong pagkain akong dinala para sa iyo. Its your favorite food." Tumayo na siya sa kama. "Just press the red button near in the switch of the light if you need something."
Nang makalabas na si Yllac ay umupo na ako. Hinanap ko kaagad ang sinasabi niyang red button. Nandoon lang iyon banda sa pintuan. Napatingin ako sa tinolang manok na nasa coffee table. Kumalam ang sikmura ko dahil hindi pa talaga ako kumakain. Siguro isang araw mahigit na akong nandito. Kanina pa din ako naiihi at walang C.R dito sa kwarto ko.
Biglang may pumasok sa isipan ko. Kaagad kong pinindot ang red button. Mayamaya ay bumukas na ang pintuan at pumasok si Yllac.
He smiled at me. "Hey."
Pilit akong ngumiti. "Gusto kong mag-CR."
"O-Okay." Hinawakan niya ang kamay ko at pinosasan niya ako. Kumbaga hindi ako magagawang tumakbo papalayo sa kanya dahil sa kanya ako nakaposas. Marahan niya akong hinila papunta sa CR. Katabi lang iyon ng kwarto ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano ako makakaihi kung nakaposas ako sa iyo?"
"Pwede ka namang umihi kahit nakaposas ka."
"Can't you understand the word privacy?"
Bumuntong hininga siya bago tinanggal ang posas sa kamay niya. "Go on. Nasa labas lang ako." Iniwan na niya ako sa loob ng CR.
Habang umiihi ako ay in-observe ko ang loob ng CR. Naghahanap ako ng mga bagay na pwede kong gamitin para pang-defense. Gagawa ako ng paraan para makatakas dito. May mga gamit pambabae sa loob at hindi pa iyon gamit. Binuksan ko ang shelf doon at may nakita akong perfume na panglalaki. Kinuha ko iyon.
Huminga ako ng malalim. "Yllac!" Tili ko at kaagad namang pumasok sa loob si Yllac.
"What happened-" Ini-spray ko sa mata niya ang perfume. "Aaaah!"
Binitawan ko kaagad ang perfume at tumakbo ako palabas ng CR. Gusto kong maiyak dahil napakalaki ng bahay na kinaroroonan ko. Nagmadali akong bumaba nang nasa hagdanan na ako.
"Bella!"
Panay ang tulo ng luha ko. Kailangan kong makatakas dito. Hindi ko hahayaang tumagal ako dito.
Napatili ako nang may humila sa akin at ipinid ako sa pader. "Bitawan mo ako!"
"Sa tingin mo makakatakas ka sa akin, Bella?"
"Please let me go, Yllac."
"No. You're hardheaded lady, Bella. Hindi ka makakaalis dito." Napahiyaw ako nang may tinurok siya sa akin. No! Not again! Hinila niya ako at dinala niya ako banda sa bintana. Puros puno ang nakikita ko sa labas. "Hindi ka makakaalis dito, Bella. Kahit makatakas ka sa bahay na ito, hindi ka pa rin makakawala sa akin. Wala ka rin sa Pilipinas kaya walang tutulong sa iyo."
Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
"You're mine, Bella. Only mine."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top