Chapter 4



Chapter 4



Napangiti ako nang makita ko si Ciro na papalapit sa akin. He really knew where he can find me inside the mall. Lalo na kung sa Mall Of Asia ang kitaan namin. Nasa Philippine Literature shelves ako, to be exact sa shelves ng mga pocketbook kung saan nakahanay ang mga sinulat ko.

"Hello, babe." He kissed me in my forehead. Napatingin si Ciro sa mga hawak kong pocketbook. "You really loved reading pocketbooks. Akin na ang mga 'yan para makapili ka pa."

"Thank you." Binigay ko sa kanya ang mga hawak kong pocketbook.

"May new novel si Miss Bella Santos."

Hindi ko nilingon ang teenager na katabi ko. Tahimik lang akong tumitingin ng mga pocketbook. Pati rin si Ciro, bumili.

"Hala, hindi ko siya mabibili. Kulang itong ipon ko." Pasimple akong tumingin sa teenager na babae. Huminga ito ng malalim at tinago sa likod ng mga libro na sulat ni Bienvenido Santos. "D'yan ka lang. Babalikan kita. Uunahin ko muna ang project ko." At naglakad na papalayo sa amin ang teenager.

Sinundan ko ng tingin ito. Tama lang ang ginawa ng batang iyon. Unahin muna ang school requirements bago ang mga gustong bagay. Makukuha din naman nito ang gusto basta mag-aral lang ng mabuti.

"Babe..."

"Ganyan din ako dati." Nilingon ko si Ciro. "Tinatago ko sa libro ng mga libro nila Nick Joaquin, Bienvenido Santos at Lualhati Bautista ang gusto kong bilhin na pocketbook para may matira para sa akin tapos pag-iipunan ko ang pambili ko nun."

He pinch my nose. "Ngayon, nabibili mo na ang mga gusto mo."

"Tama kaya nga namumulubi ako dahil sa luho ko." Malakas akong tumawa. "Halika na nga, babayaran ko na iyan." Naglakad na kaming dalawa papunta sa counter. "Naalala ko, last two weeks bumili kami ni Yllac ng pocketbook. Loko-lokong lalaki, binili ang bawat copy ng bagong published kong libro."

"Bella..."

Nilingon ko si Ciro. "Magugustuhan mong makausap siya once na magkita kayo ulit. He's nice." Binayaran ko na ang mga napili kong pocketbook. Ang gusto ni Ciro ay siya na ang magbayad pero tinanggihan ko iyon. Luho ko ito kaya dapat ako ang gumastos. Naregaluhan naman niya ang ng mga libro pero kapag kasama ko siyang bumili ng libro, ah! Never ko talaga siyang pinagbayad. "Bigyan mo nga ng advise 'yon. Medyo nahihirapang dumiskarte sa gusto niyang babae."

"Mukhang close kayo ng Yllac na 'yon."

"Oo naman."

"Halata nga eh. Kapag tinatawagan kita, siya ang bukambibig mo."

Humarap ako sa kanya. "Bakit parang galit ka? Kinukwento ko lang naman sa iyo 'yong tao."

"Dahil palagi na lang 'yang Yllac na iyan ang topic mo. Wala ka na bang ibang makwento bukod sa kanya? Hindi naman pwedeng sa buong oras na magkasama tayo, ibang lalaki ang bukambibig mo."

Napangisi ako at bumalingkis ako sa braso ng boyfriend ko. "Ayie, nagsiselos si Ciro." Pasimple ko pa siyang sinundot sa tagiliran.

"Hindi ako nagsiselos, Bella."

"Asus, nagsiselos ka kay Yllac. Babe, ikaw lang ang lalaking mahal ko kaya nga pumayag ako sa wedding proposal mo sa akin. Kaya huwag kang magselos doon sa tao. Natutuwa lang ako sa kanya kaya kinukwento ko sa iyo dahil alam kong magugustuhan mo rin siyang maging kaibigan."

"Sa tingin ko hindi. Layuan mo na si Yllac."

Sumimangot ako. "Bakit naman?"

Bumuntong hininga si Ciro. "Basta. Saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan." Para akong nawalan ng ganang kumain. Hindi ako natuwa sa sinabi ni Ciro at hindi naman ako manghuhula para malaman kung bakit gusto niya na layuan ko si Yllac.

"Wala namang kainang kahit saan."

"Kung saan mo gustong kumain."

Marahang pinisil ni Ciro ang kamay ko at hinila ako papunta sa isanf fine dinning restaurant. Pagpasok namin sa loob ay napatingin sa gawi namin ang ibang customer at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Yllac na dahilan kung bakit medyo inis ako kay Ciro.

"Yllac!" Bumitaw ako kay Ciro at nagmadali akong lumapit kay Yllac.

"Oy! Kumusta?" Tumayo si Yllac at magaan akong hinalikan sa pisngi. Nakasanayan ko nang ginagawa ito ni Yllac sa tuwing nagkakatagpo ang landas naming dalawa. "Bakit ka nagawi dito?"

"Ah, kasama ko ang—"

"Dito kami magdi-dinner ng fiancé ko." Hinapit ako ni Ciro at may diin ang pagkabigkas niya ng fiancé ko.

"Oh! That was great. Dito na lang kayo sa table ko. Kararating ko lang dito para mag-dinner."

Lumawak ang ngiti sa labi ko. "Sige, para naman makapag-usap kayong dalawa ni Ciro, right babe?"

Tiimbagang na tumango si Ciro. "Of course, yes. Its my pleasure to meet my fiancé's new friend."

"That's great! Please sitdown." Sabay kaming tatlong umupo. Lumapit sa amin ang isang waiter at binigyang menu list. Si Ciro na ang pinag-order ko. As usual, wala na naman akong naintidihan sa nakasulat sa menu dahil parang Italian dish ang sine-serve ng restaurant.

"So you are Bella's new friend? Nag-meet na tayo noon."

"Yes. Doon sa coffee shop na meeting place ninyo ni Bella. Marami siyang nakwento sa akin tungkol sa iyo. You're lucky to have her, Ciro."

"Of course I'm so lucky to have her."

Napangiwi ako. Dama ko ang tensyon sa kanilang dalawa at hindi maganda iyon. Parang wala ako kung mag-usap sila. Medyo awkward.

"Well that's good."

Dumaan ang katahimikan sa aming tatlo. Hindi ko na talaga gusto itong tensyon sa paligid ko. Huminga ako ng malalim. "Yllac, thankful ako sa ginawa mo para sa akin."

"Ginawa ko para sa iyo?"

"Yung pag-usap mo sa boss natin na taasan ang fee ko. Malaking tulong sa akin iyon."

"Wala iyon. Malakas ka sa akin. Sabihin mo lang ang gusto mong iparating kay boss, ako ang bahala sa iyo."

"Ay may tanong ako!"

Napasalumbaba si Yllac. "Ano?"

"Bella..."

Hinawakan ko ang kamay ni Ciro. "Bakit palaging ina-agree ng mga editor ang manuscript ni King Red kahit hindi pa deserve i-published? Feeling ko palagi siyang bini-V.I.P ng mga editor."

Tumabingi ang ngiti sa labi ni Yllac. "Bakit naman? His novels are great. Proven 'yan dahil best selling ang novel niya."

"Frankly speaking, his novel Falling To Fierce doesn't deserve to be published. Its not suited for him to write romance novel. Dapat mag-concentrate na lang siya sa pagsusulat ng mystery."

"But writing a story that different from his genre makes the writing skills of the writer improve."

Kumibit balikat ako. "Tama ka naman. Ewan, parang naging threat lang siya sa akin kaya siguro ako nagkakaganito."

Bumalik ang ngiti nito na parang nagiliw sa sinabi ko. "Huwag kang mag-alala. Sa pagkakaalam ko, ang Falling To Fierce lang ang sinusulat niya na romance dahil may pagka-connect sa real life story iyon. Kaya huwag ka nang ma-threat sa kanya."

"Talaga?"

"Yes. Gusto lang niya i-release sa pagsusulat ang nararamdaman niya sa isang babae."

Hindi na ako nakapagsalita nang biglang tumayo si Ciro. "Lets go."

Kumunot ang noo ko. "Hindi pa dumadating ang order natin."

"Malapit na ang fireworks display. 'Di ba gusto mong mapanood iyon?"

"Pero 'yong pagkain natin—"

"Bumili na lang tayo sa iba." At hinila niya ako palabas ng restaurant.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Ciro sa braso ko. Pumiksi ako. "Nasasaktan ako, Ciro." Hinaplos ko ang namumula kong braso.

"I'm sorry."

Lumayo ako kay Ciro nang tangka niyang hahawakan ang namumula kong braso. "Ano bang problema mo? Bakit ka nagkakaganyan?"

"Wala akong problema. C'mon, pumunta na tayo sa venue ng fireworks display."

"Walang problema pero 'yung inaakto mo hindi maganda."

"Huwag na natin itong pag-usapan, Bella." Naunang maglakad si Ciro na kaagad ko naman siyang sinundan. Hindi ko hahayaang magganyan siya sa akin.

"Mag-usap nga tayo. May ginawa ba akong masama sa iyo para gumanyan ka sa akin."

"Wala, Bella, kaya tigilan na natin ito."

"Mayroon kang problema sa akin. Ayaw mo lang sabihin." Naiinis kong sabi sa kanya.

Napa-facepalm si Ciro na halatang sobrang naiinis na siya. "Look, Bella. Wala akong problema sa iyo pero sa kaibigan mo mayroon."

"Ano namang ginawa sa iyo ng tao?"

"Masyado na kayong malapit sa isa't isa. To the point na hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko sa iyo sa tuwing kasama mo siya. Parang wala ako kanina sa tabi mo habang nag-uusap kayo."

Napanganga ako at napahilamos na ako ng mukha. "Tinutulungan lang naman niya ako dahil staff siya ng boss ng Le Saisons at reader ko lang 'yong tao kaya ganoon ang treatment ko sa kanya. Mabait lang si Yllac, Ciro."

"Mabait dahil may gusto sa iyo ang lalaking iyon. Hindi mo ba napapansin iyon, Bella?"

"Walang gusto sa akin si Yllac. Kung anu-ano ang pinag-iisip mo sa kanya."

"May gusto siya sa iyo. Lalaki ako, Bella, kaya alam ko kung ang lalaking lumalapit girlfriend ko ay may gusto o wala. Hindi ka dapat nagtitiwala sa kanya ng ganoon-ganoon lang dahil hindi mo pa siya kilala. Paano kung masama siya?"

Huminga ako ng malalim at pilit kinakalma ang sarili. "Ewan ko sa iyo. Nawalan na ako ng ganang manood ng fireworks display. Umuwi na tayo." Naglakad ako palayo kay Ciro. Lalo lang kaming mag-aaway kung magtatagal pa kaming magkasama. Napahinto ako sa paglalakad nang bigla akong hinila ni Ciro at niyakap ng mahigpit. Pinipilit kong kumawala sa kanya pero lalo lang humigpit ang pagyakap niya sa akin. "Ano ba, Ciro?"

"I'm sorry." Halos pabulong niya sa akin. "Nagselos lang ako kaya ako nagkakaganito."

Nawala ang inis na nararamdaman ko at gumanti ako ng yakap sa kanya. "I'm sorry rin."

"Bati na tayo?"

Umangat ako ng tingin at ngumiti ako sa kanya. "Okay."

"Hindi ka na naiinis sa akin?" Kaagad akong tumango. Ngumiti siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi bago niya hinawakan ang kamay ko. "Pumunta na tayo doon sa venue ng fireworks display." At naglakad na kami papunta sa venue.


Iñigo Yllac:


I looked at the couple far from me. They are so sweet to each other that wants me to wring the neck of that man. That should be me the man who's kissing, hugging and having a good memory with Bella right now. I am the one who supposed to be the reason why she's smiling and not that Ciro.

I clenched my fist when I saw them kissing each other. Ciro hugs my woman. They even share in drinking beer. I'm so jelous right now. I want to punch him but I know Bella will get mad at me.

"I love you."

She smiled. A sweet smile. "I love you too."

Those words made my heart shattered. "No, Bella. Don't say that to him. I am the one who deserve that sweet words." They laugh like there's no one around them. I gritted my teeth. No! Hindi ko hahayaang tuluyang makuha ni Ciro si Bella. Naglakad ako papunta sa kanila. "Bella!"

She looked around until she saw me. "Yllac!" Humiwalay siya sa pagkakayakap sa boyfriend niya.

That's a good thing, Bella. Pinigilan siya ni Ciro bago pa siya makalakad papalapit sa akin. Obviously, this man knew that I have a feelings to Bella and he's making a wall for her. Lumapit ako sa kanila. "Sa wakas! Nakita ko na rin kayo."

"Bakit mo naman kami hinahanap?"

Hindi ko pinansin si Ciro at nginitian ko naman si Bella. "Naiwan mo doon sa table ang cellphone mo." Pinakita ko sa kanya ang naiwan niyang cellphone.

Nanlaki ang mata ni Bella at kinuha niya ang cellphone. "Naku! Hindi ko napansin na naiwan ko ito. Buti na lang ikaw ang nakakita ng cellphone ko kung hindi, ah! Sayang ang mga sinulat kong manuscript dito. Thank you, Yllac." Then she hugs me.

I smiled then I hug her back. I looked at Ciro. His eyes full of anger now. Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko kay Bella. I silently smell her sweet scent. "Walang—" Bigla akong nilayo ni Ciro kay Bella at binigyan ako ng isang malakas na suntok. Nagpanggap akong natumba. Making me look innocent. "Bro, bakit ka ba—" Then he gave me another punch.

"Ciro!"

"You, son of a bitch! Layuan mo ang girlfriend ko!" Hindi ako gumaganti sa pagsusuntok ni Ciro sa akin.

"Ciro, tama na!" Hinila palayo ni Bella si Ciro at lumapit siya sa akin. "Oh my!" Napa-igik ako nang marahan niyang hinaplos ang pasa ko sa mukha. "I'm sorry."

Matipid akong ngumiti. "Wala ka namang dapat na i-sorry."

"Bella, sumama ka na sa akin."

Masamang nilingon ni Bella si Ciro. "Look what you've done! Nakasakit ka ng tao, Ciro."

Pasimple akong ngumisi at alam kong napansin iyon ni Ciro na lalong ikinasama ng timpla nito. I know Bella is on my side.

"Its his fault, Bella. Kung hindi ka—"

"Argh." Nagpanggap akong sumasakit ang tagiliran ko.

"Oh my God! Dadalhin kita sa hospital." Inalalayan ako ni Bella na tumayo. "I'm so disappointed to you, Ciro." Nilagpasan namin ang boyfriend niya.

"Lets use my car."

"No. Hindi mo kayang mag-drive kaya magta-taxi tayo." Kaagad na pumara ng taxi si Bella at sumakay kaming dalawa. "My gosh, your face. Nadaplisan ang kagwapuhan mo."

I chuckled. "I'm still handsome, Bella."

"Sus, mahangin." Bumuntong hininga siya. "Ako na ang humihingi ng pasensya dahil sa ginawa ni Ciro. Don't worry, dadalhin kita sa hospital. Baka may internal bleeding ka."

"No need to worry, Bella. Ihatid mo na lang ako sa building ng condo unit ko."

"But—"

"Valdepeña Condominium Tower po tayo, Manong Driver."

"Valdepeña Condominium Tower!" Nanlalaking matang bulalas ni Bella.

I'm not surprised on what she act right now. Mga mayayamang tao lang ang kayang makabili unit sa VCT. Kulang pa nga ang sampung taong kita ko sa pagsusulat ng nobela—kung ako ay simpleng manunulat lang—sa presyo ng pinakamurang unit doon.

I raised my eyebrow. "What's wrong?"

"Rich kid ka?"

I chuckled. She's so beautiful. "No, I'm not. Nakikitira lang ako sa unit ng pinsan ko."

"Wow. Ang yaman siguro ng pinsan mo."

"Oo naman."

Nanahimik kaming dalawa. After an half hour, we're in the front of VCT. I'm the one who pay the taxi. Nakaalalay naman sa akin si Bella. She even asked me what floor of my cousin's unit which is my unit. Nang makarating kami sa unit ko ay nanlaki ang mata niya. Me and siblings owned the twenty-fifth floor of VCT. Apat na malaking unit. Equally.

"Wow! Ang ganda naman ng unit ng pinsan mo."

I sit down. "Yeah."

Umupo siya sa tabi ko. "Ang sarap sigurong tumira dito. Maganda ang interior design ng unit ng pinsan mo pero may kulang."

"Ano naman?"

"Kulang sa feminine touch. Obviously, pareho kayong lalaki ang nakatira dito." Nilingon niya ako. "Masyadong masculine ang style ng bahay na ito. For a woman like me, its kinda dull. Parang kulang sa sigla."

I smiled. Choose me, Bella, then you will become the happiness of my home.

Tumikhim si Bella. "Saan nakalagay ang medicine kit mo."

I pointed my room. "Its inside my bathroom. Pumasok ka na lang sa kwarto ko." She nod before she leave me. I shake my head. This is not what I expected to be happen when I take Bella here.

"Yllac."

I looked at Bella. "Yes?"

"I'm sorry." She sit down beside me. Nilabas na niya ang laman ng medicine kit. "Hindi dapat ito nangyari sa iyo kung hindi kita niyakap."

Napangiwi ako nang dumampi sa gilid ng labi ko ang bulak na may betadione. "Its okay, Bella. Its not your fault. I'm just too handsome that's why he's jelous."

"Hangin mo rin, 'no?" Diniin niya ang bulak sa pisngi ko kaya napaigik ako. "Minsan hindi rin nakakatuwa maging mahangin."

"I'm just telling the truth."

"Oo na lang ako."

I kept looking at her. She have an angelic face. A heart shape face that have seductive lips, pointed nose, and almond shape eyes. Oh! She's wearing a contact lens. She have beautiful emerald green eyes but she always wearing brown colored contact lens.

"Natulala ka d'yan, Yllac."

I shake my head. I really can't take my eyes off her. "No, I'm not."

"Sus, deny ka pa d'yan. Ang ganda ko kasi kaya ka natulala."

"Ikaw rin itong mahangin eh." I chuckled. She just smiled at me and continued applying ointment in bruise part of my face. I smelled her sweet scent. Oh I really want to hug and inhaled her scent. I get her hands.

"Y-Yllac..."

I pull her nape then I claimed her lips. I deepened my kiss but she respond. I bite her lower lips that why her mouth opened that give me a chance to put my tongue inside her mouth. Slowly, she respond in my kiss that makes me smile. I know she like the way I kiss her.

She pushed me. She even looked away from me.

I take a deep breath. "Bella—"

"I have a fiancé, Yllac. Hindi dapat natin ito ginawa."

"I'm sorry, Bella." Tangkang hahawakan ko siya sa kamay pero kaagad siyang lumayo sa akin.

"I need to go." Then she leave me here in my unit.

Again, I take a deep breath then a smile formed in my lips. "I know you will be mine, Bella. Only mine."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top