Chapter 3



Chapter 3


Iñigo Yllac Valdepeña:



When she entered the building of the publishing company I owned, I start the engine of my car. I gritted my teeth while I drive so fast. I don't care if the police officer or MMDA officer see me. I still have my license without having ticket even I violated the rule. I will just give them a money they want.

Sinunod ko ang gusto niya. Tinaasan ko ang fee ng bawat manuscript na ipa-publish ng Le Saisons. I even gave her a contract that she's one of the top writer of my publishing company. Tapos malalaman kong magpapakasal siya sa lalaking iyon. How could that man proposed a wedding to the woman I own?

From the start, I know that Bella is mine. I'm the one who first saw her and not him. Ang lakas ng loob niyang agawin sa akin si Bella!

I parked my car in the parking lot of Claire Hospital. My bother, Yohann owned this hospital. Pumasok kaagad ako sa loob at dumeretso sa opisina ng bunso naming kapatid na si Angelique. Isa siyang Psychologist habang si Yohann naman ay Neurosurgeon. Bunso namin sila pareho dahil kambal sila pero si Angelique ang conderered bilang bunso dahil nag-iisang babae sa aming magkalapatid.

Hindi na ako nakipag-usap sa nurse na secretary ni Angelique. Basta-basta na lang akong pumasok sa loob kahit pa may kausap na pasyente ang kapatid ko.

"Magkikita ulit tayo next week for another session. Have a nice day, Rita." Nakangiting sabi ni Angelique sa pasyente niya bago lumabas. May pinindot siya sa telephone. "Ody, hindi muna ako tatanggap ng patient ngayon if ever na may dumating."

"How's your day, Angelique?" I sit down in the visitor's chair.

"Good. Bakit ka nagawi dito, Kuya Iñigo?"

Kumibit balikat ako. "I missed you that's why I'm here."

"Kuya..."

"Don't tell me you didn't missed your favorite brother."

"Kuya, of course I missed you. Nabigla lang talaga ako na dumating ka dito ng walang pasabi. Parang may iba kasi. Feeling ko magpapaka-kuya mode ka ngayon."

"Exactly! I will give you a sermon you deserve."

"Kuya!"

I sit properly then I smiled. A devilish smile. "I've heard you like someone here inside the hospital. A doctor from neurosurgery department."

Umiwas ng tingin sa akin si Angelique. "Wala ah. Saan mo naman nakuha ang balita na 'yan?"

"From my P.I. Is this doctor named Ciro Amacio? Do you like him?"

"No, I'm not. I just want him to be my toy for the month."

"Really? Then you can easily have him. You're a Valdepeña. What you want is what you get."

"Okay! Ireally want him, Kuya. Its just that..." Bumuntong hininga si Angelique. "He have a girlfriend. No! Scratch it. He have a fiancé and he said that he really love that woman who's name is Bella. Argh! Its so frustrating. You know me, Kuya Iñigo. I can't accept the fact that he's getting married soon."

I smirk. This is what I want to hear. What a lovely confession from my very lovely sister. "If you really like him then I will help you."

Her face lighten up. "Really?"

"Of course, my blossom. I will help you. Mawawala si Bella sa landas ni Ciro. Sa iyo na siya simula sa araw na ito."

"Anong gagawin mo sa fiancé ni Ciro?"

"Don't worry about her. She's mine." I hold her hands. I don't like Ciro for my sister. Well once I get Bella, I will get rid off that man in my sister's life.

"Angelique!"

Sabay kami ni Angelique na napalingon sa pintuan ng opisina niya. Nandoon sina Kuya Siege at Yohann.

"Tama nga ang bali-balita dito sa labas. Nandito ka nga, Iñigo." Lumapit sa akin si Kuya Siege at nag-fist to fist kaming dalawa. Ganoon rin ang ginawa ni Yohann.

"Aba! Kompleto tayo ngayon ah! Himala." Bulalas ni Yohann.

Tama siya. Bihira lang na magkasama kaming apat dahil sa sobrang busy namin sa trabaho. Lalong-lalo na si Kuya Siege. Siya ang nag-takeover sa mga kompanya namin. We're working even though we're filthy rich!

"Oh my gosh! Bakit pakiramdam ko na makakaranas ako ng Kuya Mode this time?"

Nagkatinginan kami nina Kuya Siege at Yohann at sabay-sabay na ngumisi.

"No! I know that kind of smirk. Leave my office now!" Napa-facepalm pa si Angeline.

"You know what, I missed those times we're having siblings bonding. C'mon, Baby Angeline. Lets have an early lunch." Kuya Siege said.

"I'm not baby anymore, Kuya Siege."

Lumapit si Yohann kay Angelique. "What's wrong in calling you baby, Baby Angelique?"

"Because I'm not baby anymore so stop calling me Baby Angelique."

I smirk. "How come you're not baby anymore?"

"Well I'm a lady now. I go at the bar and have some fun with my friend. I almost experience making out with—"

"What?" Sabay naming tatlong sigaw.

"Who the hell touch you, Angelique?" I gritted my teeth.

"Almost making out to that man mades me want to kill him." Yohann said.

"Should I hired an assassin right now, Florence?" Kuya Siege have a sweet sweet voice right now.

I really want to kill that bastard!

"Hey!  Ang sabi ko almost. Ibig sabihin malapit na pero hindi nangyari dahil dumating si Ciro. My gosh you all are so harsh!"

"Hired an assassin now, Kuya Siege. Let 'em kill that bastard who attempt to touch our baby sister."

"Kuya Iñigo!"

Sabay kaming tatlo na tumawa. Well I'm thankful that Ciro come in a right time because I will kill that bastard! But still I'm not glad of having Ciro in Bella and Angelique's life.

"I really want him to get rid of my Bella's life." I murmured.


Maria Bella San Juan:


Ngingiti-ngiti akong lumabas ng building ng Le Saisons. Nakuha ko kaagad ang bayad sa manuscript ko. Partida incash pang binigay ang sweldo ko. May datung na ako ngayon kaya may karapatan akong bilhin ang gusto ko!

"Nandito ka pa rin pala?"

Nilingon ko ang gawi ng nagsali. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. "Oy!" Lumapit ako kay Yllac.

"Akala ko kanina ka pa umalis."

"Actually dapat kanina pa kaso nakipagchikahan pa ako sa mga editor ng Le Saisons hanggang sa inabutan ako ng lunch time. Buti na lang talaga nandoon pa ako ng lunch time dahil nagpa-deliver ng food si Boss kaya ayun nakisali ako sa munting fiesta nila."

Marahan siyang tumawa. "Mukhang masaya ka ah. Good mood na good mood ang aura mo."

Tumango kaagad ako. "Syempre naman! May datung na ako eh." Hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya ililibre kita. Pwede ka naman siguro magpa-late sa work kahit sandali lang?"

"Sa totoo lang, half day ako ngayon sa work kaya pwedeng-pwede ako ngayon."

"Kung ganoon, halika na!" Hinila ko siya papalayo sa building ng Le Saisons.

"Hindi ba tayo sasakay ng kotse ko—"

"Hindi na. Malapit lang dito ang palengke. Balita ko, maraming UK doon."

"UK?"

"Ukay-ukay."

"Ukay-ukay? Ano naman 'yon?"

Nilingon ko si Yllac na para bang may nakikita akong kakaiba sa kanya. "Ukay-ukay. 'Yung mga gamit na secondhand. Don't tell me, hindi ka bumibili ng ganoon."

"No and never."

Napanganga ako. "Hala siya. Seryoso ka?"

"Do I look like I'm not serious on what I said?"

"Di nga. Seryoso talaga 'yon? Ano ka ba? Tao ka pa ba? My gosh. Bawal ang sinungaling sa mundong itey kaya 'wag mo nang i-deny na hindi mo alam ang ukay-ukay. O, heto pumasok tayo dito." Hinila ko si Yllac papasok sa isang pwesto ng ukay-ukay. Nagningning ang mga mata ko dahil shemay! Ang daming murang damit dito at partida, new arrival! Mga bago pa. "Shemay! Mapaparami ako ng bili."

Nag-umpisa na akong pumili ng damit. May bente, treinta at singkwenta. Lakas maka-Divisoria ng presyo!

"Pahawak." Basta ko na lang binigay kay Yllac ang color maroon na long sleeve polo. Para siyang tuod sa tabi ko. Nakasunod lang siya sa akin kapag lumilipat ako. "Pumili ka na rin ng magugustuhan mong damit. Libre ko pero isa lang ah. Pahawak ulit."

"Are you sure you want to wear this kind of clothes. You know what, I can buy you any kind of brand of clothes you like. Just say it."

Napatingin ako kay Yllac. "Alam mo, besh, hindi mo kailangang gumastos ng malaki para sa isang damit. Mas mainam na sa ukay-ukay na lang bumili. Tipid pa. Kaya ikaw huwag kang magastos masyado, okay?" Mahina kong tinapik ang mukha niya at kinuha ko ang mga damit. Binayaran ko na kaagad ang mga napili kong damit. "Halika na."

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Ang sabi ko halika na. Bumili na tayo ng pagkain. Natakam ako sa tinitindang fishball d'yan sa tabi-tabi." Hinila ko siya palabas. Habang naglalakad kaming dalawa ay napapansin ko ang disgusto sa mukha ni Yllac. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganyan siya. Huminto ako sa tapat ng nagtitinda ng fishball. Kumuha ako ng dalawang barbeque stick at binigay ko ang isa kay Yllac.

"Ano namang gagawin ko dito?"

"Syempre gagamitin mo pantuhog ng fishball. Bilis! Kuha ka na. Libre ko para sa iyo." Nag-umpisa na akong tumuhog ng fishball.

"No, I will never eat that kind of food. Baka madumi pa 'yan. Sumakit pa ang tiyan natin."

"Anong madumi? Gusto mo batukan kita d'yan?" Sumubo ako ng isang fishball. "Ang ganitong klaseng pagkain ang pinaka dabest sa lahat. Pwedeng meryenda at pwede ring ulam. O, tikman mo para malaman mong masarap ito at nang bawiin mo ang sinabi mo kanina." Nilapit ko sa bibig niya ang fishball na kaagad naman siyang nakaiwas. "Isa!" Sinamaan ko siya ng tingin kaya kaagad siyang sumubo. Nakangiwi siya habang nginunguya ang fishball. "Anong say mo?"

"P-Pwede na pero hindi pa rin ako kakain n'yan. Finish that food then we will go to a decent restaurant. My treat."

"Ang sama mo, Yllac." Napanguso ako. Para naman kasing sinabi niya na hindi desenteng pagkain ang fishball. Pangmasa kaya ito!

"Hindi ah. Ililibre nga kita d'yan at tsaka huwag ka nga'ng ngumuso sa harapan ko..."

Hindi ko naintindihan ang ibang sinabi ni Yllac. Inubos ko na kaagad ang pagkain ko at nagmadali kaming bumalik sa parking lot ng Le Saisons. Kaagad naman akong pinasakay sa kotse niya nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Wait here. I'll just answer this call." Kaagad na lumayo si Yllac.

Pinagmasdan ko ang loob ng kotse niya. Kaya siguro ayaw ni Yllac sa pinuntahan namin kanina dahil nga rich kid siya. Malay ko bang hindi siya sanay sa ganoong lugar pero infairness ah, may nadagdag sa list ko ng mga friendship kong rich kid.

Umayos ako ng upo nang bumalik na si Yllac. "So lets go." Nag-umpisa na siyang mag-drive.

----

Sobra akong naiilang ngayon. Hindi ko naman kasi aakalaing sa isang sikat na fine dining restaurant ako dadalhin ni Yllac. Imagine lahat ng customer dito sa loob ang suotan halatang galing sa alta sociedad—at isa na roon si Yllac—tapos ako naka-ripped jeans, crop top at highcut rubbershooes. My gosh!

"Ma'am, Sir, here's the menu." Inabutan kami ng waiter ng list ng menu nila.

Napakagat labi ako nang makita ko ang nasa menu. Parang gusto kong maiyak dahil sa price ng bawat dish at talagang hindi ko maintidihan kung anong klaseng dish ang mga ito. "Pssh." Pagkuha ko sa attention ni Yllac.

"Yes?"

"Sigurado ka bang dito tayo kakain? Baka mamulubi ka sa price ng pagkain dito." Pabulong kong sabi sa kanya. Syempre nakakahiya naman kung marinig kami ng waiter.

He chuckled. "Don't worry, Bella. Kaya kong bayarin ang anumang gusto mong kainin dito."

"Pero ang mahal kasi eh. Sa Jollibee na lang tayo. Tapos bucketmeal, treat ko."

Mariing umiling si Yllac. "No. C'mon, choose anything you like."

"Eeeeh..." Napatingin ako sa menu. Kulang pa nga ang kinikita ko sa presyo ng pagkain dito. "Yllac..."

"Sige na. Huwag ka nang mahiya."

Napakagat labi ulit ako. "Busog pa ako. 'Di ba kumain ako sa office kanina?"

Huminga muna siya ng malalim bago sabihin sa waiter ang io-order niya. Nilibot ko ang aking paningin. Very classic chandelier, a mild music and state of the art interior design. Ah! Kainan talaga ng mga mayayaman.

Nginitian ko ang waiter nang dumating ang order namin. Wow! Mukhang masarap ang dessert na in-order ni Yllac. Kinuha ko ang cellphone ko at kaagad kong kinuhaan ng picture ang pagkain namin. "Pang-IG rin ito."

"Beautiful."

"Yeah, its beautiful." Umangat ang tingin ko kay Yllac. "Kakainin ba talaga natin ito?"

"Of course yes, Bella."

"Okay!" Inumpisahan ko nang lantakan ang panghimagas ko. Napapikit ako sa sarap. Wow!

"So, Bella, kailan ang kasal ninyo ng fiancé mo?"

"Next year pa. Ngayong year kasi ikakasal ang best friend ko na pinsan naman ni Ciro. Alam mo na, sukob kapag kinasal din kami ngayong year."

"Oh, that was good. Sa tingin ko dapat na hindi ninyo minamadali ang pag-prepare sa kasal ninyo."

Tumango ako. "Tama ka. Okay lang naman kay Ciro na ma-delay ang kasal namin. Basta invited ka sa kasal ko, Yllac. Isa ka sa mga taong mabilis kong nakagaanan ng loob dahil alam kong mabait ka. Sana makilala mo ang babaeng para sa iyo."

Tumikhim si Yllac. "Actually, I already met her, Bella."

"Really? Anong name niya?"

"Maria."

"Maria? As in Maria Magdalene?"

Tumawa siya ng malakas. "No. Just Maria. She's beautiful and very talented lady. The day I lay my eyes on her, I know she already have my heart."

Napasapo ako sa dibdib ko. May apple of the eye na rin pala si Yllac. "Aw, so sweet. Ilang months na kayo?"

"Hindi ko pa siya girlfriend pero alam kong magiging akin siya." Seryosong sabi niya habang deretso sa mata kong nakatingin sa akin.

"Possessive ka rin 'no? Hayaan mo, magiging kayo rin balang araw."

"Of course and that will be happen soon."

Kumibit balikat ako at in-enjoy na lang ang dessert na kinakain ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top