Chapter 22
Chapter 22
"Draco, look at your Tita Angelique. She's pretty right?" tinuro ko pa si Angelique na inaayusan ngayon ng makeup artist. Ngayon ang araw ng kasal nila ni Ciro. Hindi ko naman inaakalang sila pala ang ikakasal sa Sanctuario de San Jose church kaya inaayos ang simbahan kahapon. Nabigla kaming lahat doon pero keri lang. Ready naman ang damit naming lahat.
I wear one-shoulder emerald green gown. Sa akin daw ang naiiba dahil ako nga ang maid of honor ni Angelique. Ang ganda ng pagkaka-design ng gown ko pero mas peg ko ang isusuot na wedding gown ni Angelique. Katulad ng wedding gown na suggested ko kay Carlisle.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Kuya Trace. Binaba ko muna sa stroller si Draco bago ko sagutin ang tawag ni kuya. "Hello kuya?"
"Its fully completed, Cornelia!"
"Anong fully completed, kuya?" Lumabas ako ng kwarto ni Angelique.
"Pwede na mag-operate ang Amethyst University. Approve na siya sa government. Natupad ko na ang pangako ko kay Arabella."
Bumuntong hininga ako. Nagpatayo ng isang school si Kuya Trace para kay Arabella kahit na iniwan siya nito. Wala, eh. Mahal na mahal niya ang asawa niya. Hinahanap pa rin niya si Arabella pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makita. Ang lupit magtago ng sister-in-law ko. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit iniwan siya.
Kay Kuya Trace ko nalaman na si Arabella pala ay kakambal ni Maria Bella San Juan. Anak sila ni Claire Cesar at ni Arnold San Juan. Ang tinuring kong Mama Claire ay kakambal pala ng nanay ni Arabella, si Jaime Cesar na ex ni papa. Obssess kay papa si Jaime Cesar kaya pinakidnap niya kami at nang mabangga ang kotseng sinasakyan namin ni Kuya Trace para tumakas, kinuha niya ako. Eksaktong nawalan ako ng alaala at kahawig ko ang kakambal ni Arabella kaya ang pakilala niya sa akin ay ako si Maria Bella San Juan—na patay na pala ng mga panahong iyon. Pinakilala niya ako sa tinuring kong tatay. Walang kaalam-alam si Arnold San Juan na patay na si Bella kaya akala nito ako ang anak. Nalaman nito kalaunan ang katotohanan kaya nawalan kami ng contact dito na naging dahilan kung bakit pinabayaan na ako ni Jaime Cesar. Wala na daw itong mapapala sa akin kaya iniwan ako sa akala kong lola na yaya pala nila noon.
Ang gulo ng naging buhay ko noon. Kung hindi pa sinabi ni Kuya Trace sa akin ang tungkol kay Jaime Cesar, malamang hanggang ngayon isang question pa rin kung bakit napunta ako sa poder niya.
Nalaman ko rin na bumili ng isla si kuya at pinangalan niya iyon na Isla Cornelia to remind him that he still need to find me. Kaya rin pala hindi niya pinaalis noon ang mga peklat sa mukha niya para gawing punishment sa sarili niya dahil kung hindi daw sana siya umalis noon, hindi sana ako napahamak.
"I'm glad to hear that. Congrats, kuya."
"I have a favor to you, bunso."
"Ano iyon?" hinawi ko ang buhok ko.
"Pwede bang ikaw ang maging headmistress or directress ng school hangga't hindi pa bumabalik si Arabella?"
Bumuntong hininga ako. "Pwede naman, kuya, kaso—"
"Thank you! Don't worry, iti-train kita next month. Thank you, bunso. Kita na lang tayo mamaya." then he ended the call.
Napapailing na lang akong binalik sa loob ng pouch ko ang cellphone. Hindi man lang ako pinatapos. "Hindi ko ba nasabi kay kuya na wala ako sa Manila ngayon?" napapailing na lang akong pumasok sa loob ng kwarto ni Angelique. Nanlaki ang mata ko dahil nagkakagulo sila sa loob. "What happened here?"
Napahinto sila at napatingin sa akin. "Ikaw! Ikaw muna ang magpanggap na bride!" napapitik pa ng daliri ang hairstylist, si Calixta.
"Tama!"
Naguluhan ako sa mga pinagsasabi nila. "Teka! Anong ako muna ang magpanggap na bride?" nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Wala si Angelique. "Where's the bride?"
"Umalis, nag-runaway bride. Sinumpong ng wedding jitters. Waley. Hindi pa keri pakasalan si Fafa Groom."
"Paano nangyari iyon? Nasa labas lang ako, kausap ang kuya ko."
"May connecting door ang room na ito, Miss Cornelia. Doon siya dumaan." sagot sa akin ng makeup artist na si Fin.
Napasapo ako sa noo ko. Kahihiyan kay Ciro at sa kina Yllac kapag hindi sumipot si Angelique. "I will find her. Please, pakibantayan ang baby ko." nang bubuksan ko na ang pinto ay pinigilan ako ni Calixta. "I need to go now. Where running out of—"
"Ikaw na nga lang ang magsa-substitute bride. Tutal ikaw naman ang maid of honor, pakasalan mo muna ang groom. Si Miss Angelique pa rin naman ang ikakasal."
Mariin akong umiling. "No way. I can't do that."
"Yes you can. Fin, tulungan mo nga ako."
Nanlaki ang mata ko nang hawakan nila ako sa magkabilang kamay at pilit pinapaupo sa inuupuan kanina ni Angelique. "Ayoko ngang pumayag. Iba na lang ang i-proxy ninyo dahil hindi ako pwede. Kasal na ako!" pilit nila akong itinali sa upuan. "Ano ba?!"
"As far as I know, single ka pa naman. Kailan ka kinasal?"
"Last year, kay Iñigo Yllac Valdepeña." pilipilit kong alisin ang pagkakatali sa akin. "Damn it! Lagot kayo sa asawa ko!"
"Hala siya! Single pa si Sir Iñigo." inumpisahan nang tanggalin ni Fin ang makeup sa mukha ko. "Assuming ka rin 'no?"
"Ang kulit nin—" napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon.
"Bella, are you there?"
"I'm he—" biglang tinakpan ni Fin ang bibig ko.
Kinuha naman ni Calixta si Draco bago lumabas. Hindi ko masyadong narinig ang pinag-usapan nila. Ngingiti-ngiti pa si Calixta nang pumasok na ulit ito sa loob at hindi na kasama ang anak ko. "Problem solve."
Sinamaan ko sila ng tingin. "Ayoko nga—"
"Lets put a tiara in her hair. She looks like a queen now. A light makeup, Fin. It will enhance her royal look. I will start doing her hairstyle."
"Sabing—"
"Quite please."
Damn these two lady! Hindi ko magawang makapalag sa kanila dahil nakatali ako. After this wedding I will make sure that they will lost their career. Oo, dati pinangarap kong makasal kay Ciro pero iba na ngayon! Si Yllac ang lalaking gusto kong pakasalan hindi ang ninong ng anak ko. Kahit substitute lang ako, still kasal pa rin iyon!
"Tigilan na nga ninyo ako!" sigaw ko sa kanila dahil sobra na akong nanggigigil sa kanila.
"Hayan! Tapos na ang makeup, beshie."
"Get the corset."
"Tangina ninyo—"
"Don't say bad words, Miss Cornelia."
Napapikit ako. Gusto kong kumalma pero hindi ko magawa. Nasaan na ba 'yang si Angelique. Lintek na wedding jitters 'yan! Hindi ba pwedeng hagilapin kaagad 'yang hilaw kong sister-in-law at ikaladkad papunta sa simbahan kaysa ako ang kinukulit ng dalawang ito.
"We're done. Lets put a tiara in your hair." may nilabas na korona si Calixta. Ang ganda! Parang inspired ang design ng crown sa palaging sinusuot na korona ni Princess Diana. "Pero mamaya na natin ito isusuot sa iyo. You need to wear the wedding gown first." tinanggal na nila ang pagkakatali sa akin. Bago pa ako makatakas sa kanila, mabilis akong nasuotan ni Fin ng corset.
"Humawak ka sa poste ng bed, darling."
No choice ako kundi gawin ang sinasabi ni Fin. Napa-gasp ako nang biglang humigpit ang corset. "Shit!" halos mahirap akong huminga dahil sa sobrang higpit nun. Ganito ba ang tiis ganda ng mga kinakasal? Sa pagkakaalam ko, hindi naman naka-corset si Cassandra noong kinasal siya.
"Done. Next stop, this one."
Napanganga ako nang makita ko ang wedding gown na isusuot ko. Ang gusto kong suotin na wedding gown sa oras na ikasal ako. "B-Bakit—"
"Ganda nito ah. Bagay sa iyo." isinuot sa akin ni Fin ang wedding gown. Nahigit ulit ang hininga ko nang i-zip up nito ang zipper ng gown.
"Then here's the tiara." ipinatong na ni Calixta sa ulo ko ang tiara.
"Like what I've said, it suits to you, darling."
Napatingin ako sa full length mirror. Napanganga ako. Ang ganda ko. Hindi ko aakalaing may mas igaganda pa ako. Bagay na bagay sa akin ang suot kong wedding gown. Nagmukha akong ikakasal sa isang royalty. Pinatungan na ni Calixta ang ulo ko ng isang puting belo.
"You're the most beautiful bride I've ever seen. Lets go."
Hinila na nila ako palabas ng hotel room ni Angelique. Halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa amin si Cassandra. She gave me a genuine smile. "Nag-text sa akin si Angelique. Kailangan mo raw ako at base sa nakikita ko, mukha nga."
"I really need your help. Pinagpipilitan nila akong mag-substitute kay Angelique. Ano na lang ang sasabihin ni Yllac at ng anak namin kapag nakita nilang ako ang ikakasal kay Ciro?"
"You're very beautiful, bessie."
Kimi akong ngumiti. "T-Thank you."
"Lets go. Kanina pa tayo hinihintay sa simbahan." hinila niya ako.
"T-Teka lang!" nagpatangay na lang ako kay Cassandra. Huminto kami sa isang napakagandang carriage.
"Sakay na!"
Inalalayan akong sumakay ng isang lalaking nakasuot ng royal guard. Sumunod naman si Cassandra pagkatapos niyang ipasok ang trail ng gown na suot ko. Bumuntong hininga ako nang umandar na ang carriage. No choice talaga ko sa kalokohang ito.
Mabilis kaming nakarating sa Sanctuario de San Jose. Halos lahat ng bisita ay nasa labas at may mga taga-media rin.
"Nand'yan na 'yung bride!" nagkagulo na ang mga bisita at nagsipasukan na sa loob ng simbahan.
Naunang bumaba ng carriage si Cassandra at sumunod naman ako. Hawak-hawak ng best friend ko ang dulo ng trail ng gown ko. Inabutan rin niya ako ng isang bouquet ng white roses. Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari ngayon. Parang may nangyayari na hindi ko alam lalo na't nandito ang mga magulang ko at naglalakad sila papalapit sa amin.
"What's h-happening?"
My father hug me. "Its your wedding day, bunso."
"Wedding day? Mama?" nilingon ko si Mama.
Tinanguhan ako ni Mama at hinaplos niya ang mukha ko. "Ikakasal na ang bunso namin. I wish you have a happy marriage with Iñigo."
"Mama, Papa."
"You're so beautiful in your wedding dress, bunso." Papa said then a tears fell in his cheeks. "Parang kailan lang baby ka lang, ngayon ikakasal na ang unica hija namin."
"Papa, naman." maski ako naiiyak na sa nangyayari ngayon. Nabigla talaga ako. 'Yung mga pinagtatanong sa akin nina Cassandra at Carlisle na tungkol sa mangyayari sa kasal daw nila ay para naman pala sa akin. Bakit hindi ko napansin iyon?
"Frederick, huwag mong paiyakin nga itong bunso natin." naiyak na rin Mama. "Masisira 'yung makeup niya kapag umiyak siya."
"Bakit ba kayo umiiyak? Ikakasal lang naman ako pero ako pa rin ang bunso ninyo." Pinipigilan ko lang din umiyak. Ano ba 'yan?! Dapat walang umiiyak sa araw ng kasal ko kahit na ngayon ko lang nalaman na kasal ko pala. Grabe ang galing nila magtago ng sikreto.
Nagsipunasan ng luha ang parents ko nang mag-sign ang wedding coordinator na papasok na kami sa loob ng simbahan. Huminga ako ng malalim nang unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan. Deretso kaagad ang tingin ko kay Yllac. Nakangiti siya at karga-karga niya si Draco. Katabi rin niya si Kuya Trace na mukhang bestman niya. Dahan-dahan na kaming naglakad sa aisle ng simbahan.
Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala
Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. A tears of joy. Parang kamakailan lang noong una kaming nagkakilala ng maayos sa loob ng convinience store. Naging magkaibigan na naabot sa puntong halos kamuhian ko siya hanggang sa umibig ako sa kanya. Hindi ko aakalaing na aabot kami dito. Siya lang ang lalaking sobra kong minahal.
At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako
Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha sa mukha ni Yllac. Nakaguhit rin sa labi niya ang isang napakatamis na ngiti. He mouthed I love you.
At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo
Na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi
Ang tadhanang nahanap ko
Sa'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag ibig
Natin na magtatagal
Huminto kami sa harap ni Yllac. Kinuha ni Mama si Draco at inabot naman ni Papa ang kamay ko kay Yllac. "Hijo, please take care our princess."
"I will, Papa Frederick." he kissed my hand. Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa harap ng altar.
At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon (Mula noon)
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako
At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan
Iyong mga kamay
'Di ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Ay iibigin ka
Mula noon
Hanggang ngayon
Mula ngayon
Hanggang dulo
Ikaw at Ako
Nagsalubong ang tingin namin ni Yllac nang makarating kami sa harap ng altar. Sabay kaming ngumiti para sa isa't isa.
"We gather here to unite these two people in marriage, Cornelia Formillos and Iñigo Yllac Valdepeña. Their decision to marry has not been entered into lightly and today they publicly declare their private devotion to each other. The essence of this commitment is the acceptance of each other in entirety, as lover, companion, and friend. A good and balanced relationship is one in which neither person is overpowered nor absorbed by the other, one in which neither person is possessive of the other, one in which both give their love freely and without jealousy..."
Hinawakan at hinalikan niya ang kamay ko. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. 'Yong ini-imagine ko noon na ikakasal kami ni Yllac, nagkatotoo na. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Shock, excitement to become official Mrs. Valdepeña again and happiness. Hindi rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko. This is amazing. No. Overwhelming to be exact.
"Do you Iñigo Yllac Valdepeña pledge to share your life openly to Cornelia, and to speak the truth in love? Do you promise to honor and tenderly care for her. cherish and encourage each other, stand together, through sorrows and joys, hardships and triumphs for the rest of your life?"
He looked at me and a genuine smile flash on his lips. "I do with all my heart, father."
"Do you Cornelia pledge to share your life openly with Iñigo, and to speak the truth in love? Do you promise to honor and tenderly care for him, cherish and encourage each other, stand together, through sorrows and joys, hardships and triumphs for the rest of your life?"
Tiningnan ko si Yllac. Afraid is written in his eyes. Afraid of what will I answer to the question. I smiled. "I do." Parang nakahinga ng maayos si Yllac dahil sa sagot ko.
Bakit pa ako maghihindi kung ito talaga ang gusto ko? Ang tanga ko naman kung mas papatagalin ko pa ang paghihirap namin kung heto na nga. Si Yllac na mismo ang nag-asikaso ng wedding preparation para talagang hindi na ako makawala sa kanya. With all my heart pa akong didikit at kakapit para sa kanya.
"I can't believe that this will gonna be happened. Dati loloko-loko akong tao. Kabi-kabila ang babae sa tabi ko. Hindi masyadong sineseryoso ang buhay dahil bakit pa ako magpapagod magtrabaho kung sobrang yaman ko na. Hayaan ko na lang na gawin ang gusto ko. Ang magsulat ng mga nobela. Kahit ilang buwan pa bago ako magpasa ng manuscript, okay lang. Hindi naman ako magugutom. Hanggang sa heto na nga, napilitan akong pumayag na kumanta sa kauna-unahan kong booksigning. Naiinis pa ako noong araw na iyon dahil hindi sumipot ang writer na dapat ka-partner ko sa kanta. Hindi ko aakalaing may isang kulot na babaeng naka-mask ang liligtas sa muntikang kakahiyan, at ikaw iyon, Bella. Everything change when I heard you singing and you held my hand. Parang huminto ang paligid ko at sa'yo lang ako nakatingin. Nang umalis ka, nakita ko ang mukha mo bago ka tuluyang makababa ng stage. That time, I knew that you captured my heart.
"Nang dahil sa iyo, nagkaroon ng meaning ang buhay ko. Binili ko ang publishing company kung saan ka nagsusulat. Nagtayo pa ako ng dalawang local publishing company dito sa Pilipinas at dalawang international publishing company para masiguro kong sa oras na maisip mong lumipat ng kompanyang pagpapasahan mo ng nobela mo, sa akin ka pa rin babagsak. Nagpatayo rin ako ng coffee shop na papatok sa panlasa mo. Na pwede mong maging tambayan habang nagsusulat. Na pwede kitang makita kahit malayuan pa. I do my best for you. I became successful because of you. Pero para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang malaman kong may boyfriend ka na. Two months and still counting. Sobra akong nagseselos sa tuwing pinagmamasdan kita sa malayuan tapos kasama mo siya.
"Sobrang saya ko nang makita kita sa 7eleven. Ang sabi ko, heto na ang chance ko na makausap ka ng maayos. Na mapalapit ako sa iyo. My heart hurts when I saw you crying that day. Ang akala ko sinaktan ka ng boyfriend mo 'yun pala iba ang dahilan kung bakit ka umiiyak pero nang dahil doon, napalapit ako sa iyo. Palagi tayong magkasama at mas lalo akong nahulog sa iyo hanggang sa nagawa ko ang bagay na kinagalit mo ng sobra sa akin. Halos kamuhian mo ako pero heto pa rin ako, patuloy na nagmamahal sa iyo. Pilit kong pinapakita at pinapadama sa iyo na heto ako, nasa harapan mo. Sobrang nagmamahal sa iyo.
"Tinanggap ko lahat ng masakit na salitang sinabi mo dahil alam kong darating ang araw na magkakaroon na ako ng puang d'yan sa puso mo at sasabihin mong mahal mo rin ako. Noong tinanong ka niya kung mahal mo na ba ako o siya pa rin ba, sobra ang takot na naramdaman ko dahil alam kong hindi ako ang pipiliin mo. Ang sabi ko sa sarili ko, papalayain na kita dahil ayoko nang mahirapan ka pa. That night you say that you love me and you chose me to be with you in the rest of your life was the best night for me. I thought I was dreaming but you are real. You really love me." a tears escape in his eyes. I wiped his tears and a smile flash on his lips again. "You are my everything, Bella. Maybe we have a bad memories but we have more good memories, right? Maybe we will have another problem in the future and I know that we will face it. I will do my best to make you happy. Maybe you will cry because of me but that tears that will fall in your cheeks is a tears of joy. I love you, Bella. With this right I wed thee. I, Iñigo Yllac, promise to love and support you. To live with kindness, truth, understanding, humor and passion. I will cherish you until my last breath. This ring is the symbol of my undying love for you." sinuot niya sa akin ang wedding ring ko noon at hinalikan niya ang kamay ko.
"Oh my gosh! I'm not prepared. Hindi naman kasi ako na-inform na ako pala ang ikakasal at hindi si Angelique. Ang galing ninyo magtago, guys." nagsitawanan ang mga bisita namin. Ngumiti ako kay Yllac. "First of all, I want to say thank you, Ciro." nilingon ko ang gawi ni Ciro. "Thank you dahil dumating ka sa buhay ko. Kung hindi ka siguro pumasok sa buhay ko, wala siguro kami ni Yllac dito. You are the main reason kung bakit nagkaroon kami ng medyo magulong love story. I wish you and Angelique have a good love story to be share too." tinanguhan ako ni Ciro. Bumalik ang tingin ko kay Yllac. "Iñigo Yllac, you are the kind of person that should be cherish. Noong unang kita ko sa iyo doon sa 7eleven, pakiramdam ko nagkaroon ako ng taong matatakbuhan sa oras na malungkot ako. You made me feel comfortable while telling you about my parents who abandoned me. You're always beside me everywhere I go kahit na ayaw mong pumupunta tayo ng ukay-ukay at kumain ng fishball sa daan. I'm so happy that time. Maybe nangyari nga ang hindi dapat nangyari pero unti-unti kong na-realized na mahal pala kita. Mahal na siguro kita noon pa pero hindi ko lang alam dahil nga may boyfriend ako.
Huminga ako ng malalim. "Natakot akong amining mahal na kita dahil paano kung hindi pala. Lalo lang kitang masasaktan at ayoko naman na masaktan ka din. Noong nagtanong siya kung mahal ba kita, doon ko lang napatunayang mahal nga talaga kita. You're the reason why I'm so happy because you are my happy pills. I can't accept if I lose you. You are my everything too, Yllac. I-I'm sorry dahil iniwan kita. Sobra kasi akong nalilito sa pagkatao ko at feeling ko hindi ako ang Bella na minahal mo." pumiyok ako. Tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko man lang napansin. "Pero heto na ako ngayon, nandito sa harapan mo. Walang kaalam-alam na ikakasal na pala sa iyo ngayon. Sobrang inggit ko pa noon kina Cassandra, Carlisle at Angelique noong kasama nila ako sa pagpapaplano ng kasal 'yun pala para sa akin ang kasal na pinaplano kuno nila."
"You told me that I should give you a surprise that will makes you come back to me. This is my surprised for you."
Ngumisi ako. "Kaya nga eh. Wala na talaga akong kawala sa iyo. Hayaan mo, hindi naman ako tatakas, eh. You already captured my heart, paano pa ako makakatakas kung wala na sa akin ang puso ko? Yllac, this is the best surprise you gave to me and I really love it. Thank you for everything and I love you so much, Sweetie. Lets face another chapter of our lives. I, Cornelia, promise to be with you for the rest of out lives. To share everything with you. I will cherish every moment I'm with you 'till my last breath. With this ring I wed thee. A symbol of my everlasting love for you, Yllac." isinuot ko sa kanya ng dahan-dahan ang wedding ring.
"Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have- the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. by the power vested in me by our God, now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."
Nagsalubong ang tingin namin ni Yllac at sabay kaming ngumiti. Dahan-dahan niyang inangat ang suot kong veil. He hold my face then he gave me the sweetest kiss I ever taste. A kiss that sealed our marriage.
"I love you, Yllac."
"And I love you more, my Bella." then he kissed me again. I kissed him back with all my heart.
-The End-
COPYRIGHT © 2019 by LightStar_Blue
All Rights Reserved
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top