Chapter 21
Chapter 21
Napatingin ako sa paligid ng Las Casas Filipinas De Acuzar. Bumalik sa alaala ko noong mga panahong pumunta kami dito ni Yllac. Maraming memories ang mayroon kami dito.
"Draco will have his nanny for the whole duration of the wedding march." Napapalakpak pa si Angelique sa sinabi niya. Halatang excited sa gaganaping practice para bukas.
"What?! Hindi ako papayag doon. Hindi nga ako nagha-hire ng yaya para sa kanya kasi gusto kong ako ang nag-aalaga sa kanya." Sinusubukan ko pang kunin si Draco kay Yllac pero loko-lokong bata, mas kumapit pa sa tatay niya.
"Don't worry. Si Mommy at Daddy ang mag-aalaga sa kanya. They demand a bonding with Draco." Wika ni Yllac habang inuugoy si Draco.
Bumuntong hininga na lang ako. Bakit ba nagmistulang wala akong choice sa araw na ito? Hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil never pa nagkaroon ng bonding si Draco sa lolo't lola niya sa side ni Yllac. Bihira lang mag-demand ang magulang ni Yllac.
"So we're settled now to Draco. Next stuff, sa hotel room. Sharing tayo except sa amin ni Ciro dahil kami nga 'yong ikakasal. Sorry, Cornelia, but share kayo ni Kuya Iñigo at mukhang hindi ka rin makakatanggi dahil mukhang ayaw ni Draco na humiwalay sa tatay niya."
Muli akong bumuntong hininga. Kaya ayokong magpakita sa magkakapatid na Valdepeña ngayon, eh. Feeling ko gusto nila akong kontrolin ngayon. "Give me the key." Inabot sa akin ni Angelique ang susi sa hotel room namin. Nauna pa akong pumasok sa loob ng hotel at nakasunod sa akin ang mag-ama. Ihahatid na lang daw sa hotel room ang mga gamit namin.
Nasa third floor ang hotel room namin at may terrace iyon. Katapat ng parang ilog. Estero ata tawag dito. Ang ganda ng view sa labas. Huminga ako ng malalim sa sobrang inis. Iisa lang ang kama sa loob at eksakto sa aming tatlo iyon. Sobra pa nga, eh. Tama lang ang laki sa loob at lahat ng kailangan namin ay nandoon na.
Umupo sa sofa si Yllac. "Magpahinga ka na. Ako na ang bahala kay Draco."
Sunod-sunod akong umiling. "No. Kailangan na niya matulog."
"You need to sleep now, young man." Inabot niya sa akin si Draco.
Humilig naman sa balikat ko si Draco. Obvious kasing inaantok na ito, sadyang ayaw lang matulog dahil nasa labas at natutuwa sa mga nakikita. Mahina kong tinatakip si Draco sa likod habang nagha-humming. Nang makatulog na siya ay dahan-dahan ko siyang ihiniga sa gitna ng kama.
Umupo sa tabi ni Draco si Yllac. "He's like an angel."
Ngumiti ako habang nakatingin sa anak namin. "Yes indeed."
"Can we talk now, Bella?"
Nagpanggap akong humikab. Pinungay ko pa ang mata ko. "I'm sorry but I can't talk to you. I need to sleep now." Humiga ako sa tabi ni Draco at kaagad akong pumikit.
Ilang minuto ang nakalipas nang marinig kong bumuntong hininga si Yllac at kinumutan niya kami. Muntik na akong dumilat nang maramdaman kong nasa likod ko na siya at niyakap ako. "I missed you so much, Bella. Please come back to me, Sweetie."
Pinipigilan ko ang sarili kong gumalaw. Gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede. He failed that's why I should stop myself doing a stupid thing that makes me hurt more in the future. Dapat hindi ako magpadala sa mga sinasabi niya.
Kumalma ka, Cornelia.
----
Tinaasan ko ng kilay si Yllac dahil kaming dalawa lang ang nandito. Pinagsuot ako ng isang color white deep v-neck greek toga gown. I wear golden laurel wreath headdress. Wavy ang buhok ko that make me look like a Greek princess or a Goddess. Si Yllac naman ay nakasuot ng white tuxedo.
Nasa bandang tulay kami papuntang church. Ayos na ang venue pero bakit wala pa ang ikakasal? "Nasaan si Angelique at si Ciro? Bakit tayong dalawa lang ang nandito sa venue ng prenup pictorial?"
"I dont know." Lumapit siya sa akin. He grasp my hands that makes my heart beats fast. "You looked like Goddess, Bella."
Bago pa ako makasalita, isang tunog ng camera ang narinig ko kaya nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog. Its Fidel Fabriquer. The famous photographer here in the Philippines. Ito pala ang photographer sa prenup photos nila Angelique.
"Sorry for interrupting you guys. Ang ganda sa camera ng angle ninyo kanina. So I'm Fidel, your photographer. Can we start now?"
Mahina akong tumawa. "Hindi kami ang kukuhaan ng picture. Wala pa dito ang ikakasal soon."
"You're not Cornelia Formillos and Iñigo Yllac Valdepeña?"
"We are." Sagot ni Yllac. "Bakit pangalan namin ang nakasulat sa sched ninyo para sa prenup photo?"
"Oh! Hindi ba kayo na-inform ng bride and groom na ang gusto nilang may mala-prenup photo ang mga abay nila. Yesterday, Mr. Siege Valdepeña and Mrs. Carlisle Valdepeña have their prenup pictorial. Ang gusto kasi ng bride ay magkaroon ng album ang kasal niya. Much more about sa mga ikakasal soon."
Pagak akong tumawa sabay turo ko kay Yllac. "Ito? Pakakasalan ko? No way." Kitang-kita ko ang dumaang sakit sa mata niya.
Hinawakan niya ako sa siko. "Pagbigyan na lang ang bride, okay?"
Heto na nga ba ang sinasabi ko. Dapat talaga umalis na kaagad kami ni Draco ng Pilipinas para wala ako sa sitwasyon kong ito ngayon. "May choice pa ba ako?"
"So lets start."
Binigyan niya ako ng instruction at kaagad ko namang sinunod. Enjoy naman. Feeling model lang ang peg ko. Nasanay naman ako sa pictorial since sunod-sunod ang interview sa pamilya namin dahil nga nagbalik ang long lost princess ng Formillos. Ang next shot naman ay magkatabi na kami ni Yllac. Fidel instruct Yllac to put his hands on my waist. Ang shot daw ay dapat magkasalubong ang tingin naming dalawa with full of love.
"Please, Miss Formillos, act like you're really in love to Mr. Valdepeña. You look stiff right now."
Napangiwi ako. Ang hirap naman ng pinapagawa ni Fidel. Nagwawala ang sistema ko dahil sobrang lapit sa akin ni Yllac.
"Look at my eyes, Bella."
Sinunod ko ang sinabi niya. I saw an eyes that full of love. "Yllac."
"Think that we're getting married now. That's what I'm thinking right now."
Na-imagine ko ang sinabi ni Yllac na ikakasal kami pero nabura kaagad iyon nang biglang sumingit ang scenario na dahilan kung bakit bwisit ako sa lalaking ito. "I hate you."
"Then I love you."
My heart beats erratically. I looked away. "Luh, parang tanga."
He chuckled. "Remember the day when we're taking a picture here? You are so beautiful. I can't stop taking picture of you. You always make my heart beats fast to you. Does your heart beats for me?"
"Huwag ako, Yllac. Hindi na kita mahal."
"Look at me, Bella. Through your eyes, tell me that you're not in love to me."
Sinalubong ko ang tingin niya. Puno ng pagmamahal ang mga mata niya. "Yllac..."
"Anong nakikita mo sa mga mata ko?"
"T-That you l-love me?" Hindi ko mapigilan ang sarili kong sirain ang depensang ginawa ko para lang makaiwas kay Yllac.
"Yes, that I love you. Do you love me too, Bella?"
Para akong nahi-hypnotized sa mga tingin niya. Unti-unti akong tumango.
"Then believe that I love you. Let your feelings go on. Let me feel that you love me then I will let you feel the way I love you."
Hindi ko napigilan ang damdaming nararamdaman ko ngayon. Unti-unti akong ngumiti at hinaplos ko ang mukha niya. Hahayaan ko munang maranasan muli ang pagmamahal ni Yllac. Saka ko na lang poproblemahin itong nararamdaman ko.
Halos buong araw kaming nag-pictorial. Sa iba't ibang panig ng resort ang venue at ilang beses na rin kaming nagpalit ng damit ni Yllac. Sobra akong nag-enjoy dahil sa mga pinadama sa akin ng ex-husband ko. Ngayon, natapos ang pictorial na nasa tabing dagat kami.
Habang hinihintay ko silang magligpit, napatingin ako sa karagatan. Magsa-sunset na kaya ang ganda ng place. Napaka-romantic. Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Yllac mula sa likuran ko.
"Its beautiful sunset, isn't it?"
Tumango ako. "Yes." Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan iyon ni Yllac. Nanlaki ang mata ko nang isinuot niya sa daliri ko ang engagement ring na binigay niya sa akin noong nag-proposed siya ng kasal. "Y-Yllac."
"I'm in love to you, Bella, for almost three years and every day come I'm deeply falling to you. I dreamed that you're the one who's beside me until we're old and have a gray hair. You're the only one inside my heart. Cornelia Formillos, my Bella, please marry me again."
Kinalas ko ang pagkakayakap ni Yllac sa akin. Sunod-sunod akong umiling. "No." At nagmadali akong iniwan siya.
"Bella!"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang akong maglakad.
"Please, Bella..."
"Huwag kang lilingon, Cornelia. Huwag kang lilingon."
"Please believe on me, Bella. I really love you."
Napahinto akong maglakad at mariing pumikit. "Huwag kang lilingon. Alam mo na ang mangyayari sa iyo kapag lumingon ka."
"Bella, please come back to me. I really missed you, Sweetie."
Mariin akong pumikit at tumulo na ang luha sa pisngi ko. Nagpatuloy na akong maglakad.
"Bella..."
Huminga ako ng malalim at nilingon ko siya. Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha niya. "Yllac..." He opened his arms. Walang sabi-sabi ay tumakbo ako papunta sa kanya at buong puso ko siyang niyakap.
He hug me back. "My Bella."
"Alam kong masasaktan ulit ako sa iyo pero sana, huwag mo na ulit gawin iyon. I'm giving you a chance again to prove that you really love me. I will believe whatever you say just don't hurt my heart again."
"I will not gonna hurt you again, my Bella."
Humigpit ang yakap ko sa kanya. I will take a risk. "Dapat hindi ko ito ginagawa eh. Bakit hindi ko magawang bumitaw sa iyo."
"Because you love me?"
I chuckled. "Yeah, because I love you."
"And I will love you more. Para hindi ka na tuluyang bumitaw sa akin."
-----
"Nakakainis ka talaga. Hindi ko alam kung bakit hindi mo maintindihan na ayokong makasama ka. Nanggigigil ako sa iyo!"
"Naega neoreul saranghandago saeng-gag haneunge eottae?"
"Ayokong maniwala sa iyo. Don't me, Ciro! At saka huwag ka nga mag-korean dito. Wala ka sa Korea, nasa Pilipinas ka. Accepted lang dito ang Filipino, English at Spanish language sa lugar na ito."
Bangayan ni Ciro at Angelique ang bumungad sa amin ni Yllac pagkapasok namin sa Sanctuario de San Jose church. Magkahawak kamay kami ni Yllac habang karga niya si Draco. Ayaw bumitaw ng batang ito sa tatay niya kaya sinama na namin sa practice ng wedding march. Ang ganda ng simbahan ngayon dahil nakaayos siya. Ang sabi ni Yllac, may ikakasal daw dito bukas kaya inaayos ang loob ng simbahan ngayon. Ang mga wedding concept na sinabi ko kay Carlisle, almost same sa design ng loob ng simbahan ngayon. Kung hindi ko lang alam na nagpalit ng araw ng kasal nila, iisipin kong sila ang ikakasal.
"LQ kayo?" Biglang singit ni Cassandra sa dalawang nagbabangayan.
"No!" Sabay nilang sabi. Nagsukatan silang dalawa ng tingin.
"Neo jinjja jjajeung nanda."
"Kakasabi mo lang na bawal magsalita ng Korean pero ikaw itong nagsasalita ng ganoon. Aigoo!"
"Aigoo! Ggeojyeo!"
Nilingon ni Cassandra ang asawa niya. "Yohann, hindi ko sila maintindihan. Anong sinasabi nila?"
"LQ lang sila. Huwag mong—"
"Hindi nga kami LQ!" Sabay ulit nilang sabi.
"Oo nga. Huwag natin silang pansinin." Hinila ni Yohann si Cassandra palayo sa dalawang hindi daw LQ.
"Aish!"
Lumapit ako sa kanila. "Guys, pwede sigurong bukas na lang tayo mag-practice dahil nag-aaway—"
"No! Act like you're the woman who'll get married soon. Panonoorin kita!" Biglang binigay sa akin ni Angelique ang boquet na hawak niya at naglakad papunta sa harap ng altar.
"Tingnan mo 'yon, hindi pa nga kami tapos mag-usap. Akin na ang inaanak ko." Kinuha ni Ciro kay Yllac ang anak namin. "Ikaw muna ang mag-sub sa akin. Ako muna ang magbabantay kay Draco." Katulad rin ni Angelique, iniwan rin kami ni Ciro at naglakad papuntang altar. "Guys, start na!"
Naguluhan ako bigla sa nangyari. Bakit ako ang magpa-practice ng wedding march? Magtatanong dapat ako kay Yllac nang bigla siyang hinila ni Yohann papunta sa unahan ng parang pila at hinila naman ako ni Cassandra papunta sa dulo ng pila.
"Cassandra, te—"
"Maki-ride ka na lang. Tatlong beses na practice lang ito dahil kanina pa kami nagpa-practice. Nagkaroon lang ng LQ ang dalawa kaya nagkaganito."
Tumango na lang ako. Mayamaya ay narinig kong nagsalita ang wedding coordinator ng kasal nina Angelique at Ciro. Binibigyan niya kami ng instruction. Napatingin ako sa aisle nang mag-umpisa na silang maglakad. Nakadama ako ng kaba. Bakit ba kasi ako ang nandito?
"Sandali lang po." Hinawakan ako ng wedding coordinator sa balikat ko. "Feel like its your wedding day today. Then, go."
Naglakad na ako. Mabilis ang paglakad ko kaya biglang sumigaw ang wedding coordinator. Back to start kaming lahat. Naulit ang ginawa ko kaya nag-umpisa na naman ulit kami. Nag-peace sign pa ako dahil baka naiinis na sila sa akin.
"Miss Formillos, calm down okay? Huwag kang magmadali. Take your time. Feel the ambiance."
"O-Okay." Hinawakan niya ulit ako sa balikat. Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa gawi ni Yllac. Tinanguhan niya ako kaya kahit papaano ay nawala ang kaba ko. Hinawakan ako sa siko ng wedding coordinator at sabay kaming naglakad. Dahan-dahan lang dahil ganoon naman ang ginagawa ng bride.
Nang nasa harapan na ni Yllac kami, inabot ng wedding coordinator ang kamay ko sa kanya. Nagkatinginan kami ni Yllac sa mga mata at sabay kaming naglakad papunta sa harap ng altar. Everything was fine and solemn until one scream ruined it.
"Draco! Aray ko!"
"Sige lang pamangkin, sabunutan mo ang tukmol mong ninong!"
Sabay kami ni Yllac na napatingin sa gawi nila Angelique. Sinasabunutan ni Draco ang si Ciro kaya nagmadali akong lumapit sa kanila. "No, Draco!" Kinuha ko siya kay Angelique at pilit tinatanggal ang kamay niya sa buhok ni Ciro. "Ay bad ka." Mahina kong pinalo ang kamay ni Draco kaya binitawan niya ang buhok ng ninong niya at napasimangot. Simangot na parang iiyak na. "Bad 'yang ginawa mo ah. 'Wag ka manabunot." Niyakap ko kaagad siya nang bigla siyang pumalahaw ng iyak. Inugoy-ugoy ko siya. "Sssh."
"You should not say that to him. He's only a baby." Tinapik-tapik ni Yllac ang likod ni Draco. "And you, Angelique. Stop teaching him those kind of thing. Hindi magandang ituro iyon sa baby."
"Ito kasing si Ciro eh!"
"Ano na namang ginawa ko sa iyo?"
Nagsumiksik sa akin si Draco. Umiiyak pa rin siya. "Ssssh, tahan na." Naglakad ako palabas ng simbahan. "Look, Draco, ang ganda, o." Tumingin naman sa paligid si Draco. Pinunasan ko ang sipon na tumulo sa ilong niya. Humilig siya sa balikat ko at huminto nang umiyak. "Oh, there's a kalesa." Tinuro ko ang dumaang kalesa. Tinuro niya ang kalesa at nag-baby talk. "Yes, its a kalesa."
"I think he wants to ride a kalesa."
Napalingon ako kay Yllac. "Mukha nga."
Pinara ni Yllac ang paparating na kalesa. Inalalayan niya akong sumakay bago siya sumunod. Tumili pa si Draco nang marahang tumakbo na ang kalesa. Aba't tuwang-tuwa ang bata.
"Look at those herritage house, Draco." Tinuro ni Yllac ang nadaanan naming mga casa.
Pumapalakpak si Draco. Sobrang natutuwa siya sa mga nakikita kahit pa nakita na niya ang mga iyon nitong mga nakaraang araw. Iba lang siguro para kay Draco na kasama niya ang parents niya habang naglilibot.
"Paano na ang practice nila Angelique?"
Yllac smiled at me. "Hayaan mo sila. Malaki na sila kaya kakayanin nilang mag-practice na wala tayo, 'di ba Draco?"
Tawa at baby talk ni Draco ang naging dahilan kaya lalong naging maaliwalas ang paligid namin. Our son really made my day completed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top