Chapter 20
Chapter 20
"Kuya, here's your papers. Prove that you're not married to a certain person named Maria Bella San Juan. Clear na ang name mo. Walang bahid ng record na nagpakasal ka one year ago." inabot sa akin ni Yohann ang isang brown envelope. "You should thank me, kuya. Hindi ako nakadalo sa opening ng Cressa dahil d'yan. Nagtatampo tuloy sa akin si Cassandra. Kakakasal lang namin tapos tampuhan kaagad." ang sinasabi ni Yohann na Cressa ay ang bagong botique ni Cassandra. Mga damit para sa mga baby hanggang sa teenagers na ang asawa ng kapatid ko ang nag-design.
I smiled then I tap his shoulder. "Thanks, bro."
"Anong sunod mong gagawin, kuya?"
"I-I don't know." I brushed my hair. "Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin."
"There's one thing you need to do first."
"What?"
"You need to shave. Balbas sarado ka na naman, kuya. Ang pangit mo tingnan." napapailing pa si Yohann.
"Loko!" pabiro ko siyang sinuntok sa braso. He's right. I need to shave now. I almost forgot that Bella hates my face if I have mustache and beard. May mga oras na si Bella ang nag-ahit sa akin dahil sa sobrang inis niya sa bigote't balbas ko.
"Wala ka talagang sunod na plano, kuya?"
Bumuntong hininga muna ako bago tumango. Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin. Hindi ko alam kung anong klaseng surprise ang magugustuhan ni Bella para lang bumalik siya sa akin. Isang buwan na ang nakalipas noong huling kita naming dalawa sa araw ng kasal nina Yohann at Cassandra. Bella was Cassandra's maid of honor. My wife is so beautiful in her light peach off-shoulder fitted gown. She looks like a Goddess that day.
I looked at my brother. "Yohann, anong big surprised na ginawa mo para lang magkaayos kayo ni Cassandra?"
"Wala naman, Kuya Iñigo. A simple candlelit dinner, watching movies while cuddling each other or giving her a boquet of red roses. Ganoon lang ang ginagawa ko para magkaayos kami ni Cassandra. Minsan, sumasama kaming mag-hiking para magkasama kaming nasa tuktok ng bundok. Simple lang talaga ang mga bagay na magpapaamo sa asawa ko."
"Ganoon lang? Wala nang iba pa?" hindi madadala sa ganoong bagay si Bella. Nagawa ko na rin iyon sa kanya—maliban na lang sa hiking. I need more idea. Ayokong mawala ng tuluyan sa akin ang asawa ko.
"Oh, may isa pa. Dinala ko siya sa bahay na pinagawa ko noon. 'Yung dream house naming dalawa at doon rin ako nag-proposed ng kasal. Kaso sa iyo, kuya, hindi na effective iyon. May bahay na kayo ni Bella."
Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. "Exactly! Thank you for giving an idea, Yohann." I hug him so tight. "Now, I need your help..." I smiled while I'm talking about my greatest surprise to my wife.
Cornelia:
Tinitingnan ko ang mga baby clothes na mayroon dito sa botique ni Cassandra. Successful ang opening ng Cressa kaya sigurado akong magkakaroon rin ito ng branch sa ibang panig ng Pilipinas katulad ng Cassia's Pastry. Kinuha ko ang isang color blue na t-shirt. Bagay ito kay Draco.
Karga-karga ni Cassandra si Draco ngayon. Mabilis na naka-vibes ng anak ko ang ninang niya. Pinagkakaguluhan rin ng ibang customer ng botique si Draco. Ang lakas talaga ng charm ng batang ito.
"Bella—Cornelia! Pasok tayo sa office. May lunch na naka-prepare para sa atin."
Tumango ako bago sumunod sa kanila. Humanga ako sa design ng office ni Cassandra. Sa pagkakaalam ko, siya ang nag-design nito. Ang talented talaga ng best friend ko.
Kinuha ko kay Cassandra si Draco. Nagpapakarga na kasi siya sa akin. Habang kumakain kami ay nakakandong sa akin si Draco kahit may high chair na nakalaan para sa kanya. Sinusubuan ko siya ng mashed potato.
"Cornelia, may tanong ako."
"Ano 'yon? Tungkol ba ito sa tampuhan chuchu ninyo ni Yohann?" Nagkaroon kasi sila ng tampuhan ni Yohann. Paano naman kasi hindi nakapunta sa opening ng Cressa si Yohann na talagang kinatampo ng best friend ko. Pinunasan ko ang gilid ng pisngi ni Draco. Gusto pa nga niyang siya ang kumain mag-isa kaya nilalayo ko ang pinggan sa kanya. Ganito na ba kakulit ang magte-ten months na baby? "No, baby!"
Napangiti si Cassandra. "Nawala na ang tampo ko kay Yohann."
"Anong ginawa niya? Did he gave you a boquet of roses?"
"Yes and a romantic dinner in our house. Siya ang nag-prepare lahat."
"Then after that a hot night with your husband?" I raised my eyebrows. Just teasing her. "How's your night? Nakatulog ba kayo?"
Namula ang buong mukha ni Cassandra. "My gosh, Bella! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. May kasama tayong bata."
"Bakit? Hindi naman tayo naiintindihan ni Draco, 'di ba, baby?" Isang clap lang ang sinagot sa akin ni Draco with flying kiss. "Ah, my heart! Okay, lets back to the real topic. Anong itatanong mo?"
"I just want to ask kung saan mo gustong magpakasal if ever na ikakasal ka ulit?"
Tinaasan ko ng kilay si Cassandra. "Bakit ganyan ang tanong mo?"
"Wala lang. Gusto ko lang malaman ang idea mo. Plano kasi namin ni Yohann na magpakasal ulit sa mismong wedding anniversary namin."
"Kung ako ang ikakasal, gusto ko sa isang unforgettable place. Much more on doon sa lugar kung saan na-prove na mahal namin ang isa't isa. Katulad sa inyo ni Yohann, 'di ba nagtapatan kayo ng feelings sa Sto. Domingo church? Doon kayo magpakasal ulit." napangiti ako. Maganda naman kasi ikasal sa lugar kung saan nagtapat ng pagmamahal ang dalawang taong nagmamahalan. Except na siguro sa mga lugar na hindi talaga pwede. "Romantic para sa akin iyon."
"Anong theme ang gusto mo?"
Ngumisi naman ako. "Syempre pang-royalty. Aba! Gusto kong magsuot ng crown sa mismong kasal ko. Magiging reyna ako sa buhay ng hari ko kaya dapat ganoon. Tapos ang gown ko pang-royalty din. 'Yung long sleeve ang gown. Victorian inspired ang style." napapalakpak ako dahil ako ang mas nae-excite sa future wedding nila Cassandra. "Bongga!"
"Gusto ko ng ganyan. Ino-note ko iyan." kumuha ng notebook si Cassandra at sinulat ang suggestion ko sa kanya. "What about the flowers. Anong magandang flowers?"
"Roses. White roses means purity of love or unconditional love. Gusto ko ganoon ang boquet then the flowers inside that venue, orchids and gardenia. Gusto ko ang wedding kahit pang-royalty ay solemn pa rin siya. Dama ang sincerity and love."
"Then the wedding theme song?"
Napangiti ako. "Ikaw at Ako by Moira Dela Torre and Jason Marvin. I love the way they sing the song. Ang gandang wedding song. Kapag ako ang kinasal tapos habang naglalakad ako nandoon sa dulo ng aisle ang lalaking pakakasalan ko tapos iyan ang wedding song, ah, maiiyak ako sa sobrang saya." Napangiti ako. Ang ganda ng ganoong klaseng kasal. For sure maiiyak ako ng very very light kapag nakita ko ulit ang way ng ngitian nina Cassandra at Yohann sa future wedding nila. They really love each other. Pinaupo ko sa high chair si Draco.
"Ang ganda ng mga idea mo. Dapat pala ikaw na lang ang wedding coordinator namin."
"May future na ba akong maging wedding coordinator?"
Sunod-sunod na tumango si Cassandra. "Pwedeng-pwede na."
"Hayaan mo, magtatayo ako ng business about wedding coordinate kapag napag-trip-an ko." Sabay kaming tumawa ni Cassandra. "Well, I love talking about wedding. Ang sarap kasing ilagay ang ganoong topic sa mga novel."
"Nagsusulat ka na ba ulit?"
"Yes. Itong sinusulat ko ang comeback ni Bella Santos."
"I'll be waiting for your upcoming novel." She hold my hands. "Ito, last question. Mahal mo pa ba si Kuya Iñigo?"
I looked directly on Cassandra's eyes. "Oo naman. Mahal ko pa rin ang tukmol na iyon kahit tukmol pa siya. Ewan ko lang kung mahal pa niya ako. Mag-iisang buwan at kalahati na siyang hindi nagpapakita sa akin, eh. Parang nag-give up na sa kondisyones ko." I felt a pang of pain in my heart. Sa tingin ko ayaw na ni Yllac na ituloy ang relasyon namin. Huminga ako ng malalim bago pilit na ngumiti. "Okay! Lets talk about your business."
----
Nagmamadali akong pumunta sa coffee shop kung saan gustong magkita kami ni Carlisle. She really needs my help and I don't what kind of help it is. Baka about kay Kuya Siege dahil two weeks na ang nakakalipas noong magising ito sa pagkaka-coma.
Nang makarating ako sa coffee shop, nakita ko si Carlisle na prenteng nakaupo sa bandang sulok ng coffee shop. Parang wala man lang problema ito habang uminom ng—juice? May juice sa coffee shop na ito? Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya. "Hey." nagbeso pa ako kay Carlisle. "So what's your major problem?" Tanong ko kaagad pagkaupo ko.
"Oh! Its about wedding. Me and Siege planned to get married again next month kaso namromroblema ako. Then Cassandra said that you're the one who suggested her wedding next year. Ang ganda ng suggestions mo kaya gusto kong manghingi ng tulong sa iyo. I hope hindi ako nakakaabala sa iyo."
Ngumiti ako. May tutulungan na naman ako about wedding. Ang saya naman nito! Planning a wedding is one of the best thing to do. "I'm willing to help you. Kapag si Angelique nanghingi rin ng tulong sa akin about wedding, magbabago na talaga ako ng profession. Magiging wedding planner na talaga ako."
"Naku! Paano na 'yan? Magiging wedding coordinator ka na kasi si Angelique ay may plano ring magpatulong sa iyo for her wedding next year."
Nanlaki ang mata ko. Seryoso? Sunod-sunod na magpapakasal ang magkakapatid na Valdepeña? Well ewan na lang kay Yllac. "Kanino siya ikakasal?"
"Kay Ciro ata."
"Wow! That was great! I knew na sila talaga ang magkakatuluyan."
"Yeah right." tumawa ng malakas si Carlisle. "So lets start. I want to know your taste in wedding dress." may pinakitang mga wedding dress picture si Carlisle. Victorian inspired ang mga design. "Kung ikakasal ka, alin diyan ang gusto mo?"
Tiningnan kong mabuti ang mga picture. Lahat sila magaganda pero isa lang ang nakakuha talaga ng taste ko para isuot sa wedding ko kung ikakasal ako. Tinuro ko iyon. "This one. An off-shoulder gown. Tingnan mo ang sleeves niya. May ruffles sa dulo. 'Yung sequins sa skirt niya may kasama gems that makes the ball gown more elegant. I will look like a princess who will marry a king. Nice naman this!"
"Then I will choose that."
Tumango ako at kinuha ko sa handbag ko ang notebook ko. Ika-career ko ang pagiging wedding planner ni Carlisle.
May dumating waiter dala ang order ni Carlisle. "Nag-order na ako for you. Mahaba-haba rin ang pag-uusapan natin."
"Thank you." isang cheesecake at iced coffee ang in-order niya para sa akin. "So anong next?"
"Wedding motif. Pink, blue, red, peach or white?"
"For me, color pink for you, 'di ba former ballerina ka? It symbolize you, Carlisle." sumubo na ako ng cheesecake.
"Pero para sa iyo, kung ikaw ang ikakasal?" napahawak sa tiyan si Carlisle. "Oh my God! Nag-kick si baby."
"Excited din siya sa magiging wedding ninyo ni Kuya Siege. Pero sigurado ka bang next month na kayo ikakasal ni kuya? Kabuwanan mo iyon."
"Talaga?" napatingin si Carlisle sa cellphone. "Oo nga 'no? Kaya 'yan. Mas masaya nga iyon, double celebration."
"O-Okay." nag-note akong next month ang wedding month nila.
"So mabalik tayo sa wedding color. For you, anong gusto mong wedding motif, Cornelia?"
"White with a touch of green. When it comes sa entourage, emerald green ang suot ng mga bridesmaid then light green longsleeve sa groomsmen." napangiti ako dahil nai-imagine ko ang magiging wedding ko. Everything are fine and everyone are happy seeing me walking at the aisle with my parents.
"Then I will go for it. I love your taste in planning a wedding."
Tumango ako at sinulat ang gusto ni Carlisle. "How about cake? Saan mo gustong mag-cater?"
"Ikaw?"
"Ako? Bakit ako?"
Ngumiti sa akin si Carlisle. "Gusto kong marinig ang side mo."
"Sa wedding cake ang gusto kong mag-bake ng cake ko ay si Cassandra kaso siya naman ang gusto kong maid of honor pero dahil ikaw ang ikakasal, I recommend Cassandra. The best siyang sa mga cake. Love it! When it comes sa catering, ang family restaurant ni Ciro ay the best sa pag-cater sa wedding. I love their kare-kare." sumubo ulit ako ng cake. "Sarap ng cheesecake dito ah. Magti-take out ako mamaya."
"Masarap din ang chocolate mousse cake nila." uminom ng juice si Carlisle. Mukha namang excited siya sa wedding niya. "How about the car?"
"For me, carriage. Royal wedding na siya kaya sagarin na natin." mahina akong tumawa. Ang saya naman nito.
"Oo nga 'no? Then we will—" napahinto siyang magsalita dahil tumunog ang cellphone niya. "Wait lang. Ri-reply-an ko lang ito."
Kumain na lang ako ng cake habang hinihintay ko si Carlisle na magsalita. Nag-open rin ako sa IG account ko. Lalong dumami ang followers ko dito lalo na nang malaman sa business world na ako ang nawawalang unica hija ng mga Formillos. Well alam na rin pala ng buong mundo. Biglang dumami rin ang nagpaparamdam sa akin na manliligaw pero hindi ko sila pinapansin. I'm still hoping that Yllac is the one for me.
Halos latest post ko sa IG ay puros kay Draco. Everyone loves my son. Sigurado akong maraming mapapaiyak na babae itong anak ko kapag nagbinata na.
"So lets continue. Carriage na lang ang maghahatid sa akin sa church."
"Sa wedding giveaway?"
"Wala akong maisip eh. Anong maisa-suggest mo?"
"For me, hourglass."
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman hourglass."
"For me, it symbolized love and time. We only have limited time with our loveone. Dapat sinusulit natin ang mga oras na kasama natin ang taong mahal natin dahil sa oras na maubos ang oras mo, hindi mo na mababalikan ang mga oras na nasayang mo dahil wala na siya sa iyo. Enjoy, be faithful and give the love you have for him or her. Hangga't hindi pa nauubos ang sand sa hourglass may time ka pa para makasama siya dahil kapag naubos na ito, wala na. Finish na. It will turn into a memories. Its a matter of life and death. To love or not to love. To be faithful or not. To enjoy the limited time you have or not."
"Oh... That was deep."
"And lastly, to love that God is the center of your love. God first before anything else. Siya ang may hawak sa oras natin, let him enter your life and everything will gonna be alright."
"That was a good meaning, Cornelia. Gusto ko iyan. Hourglass na lang ang souvenir sa kasal ko."
Napangiti ako. "Noted. How about sa wedding venue?"
"Si Siege na ang bahala daw d'yan."
"Okay. Kumusta na si Kuya Siege?"
"Mabilis siyang naka-recover kaya excited na siya for the wedding. Nagmamadaling gumaling dahil siya ang gusto maging bestman—what I mean gusto na niyang makausap ang bestman niya. Hindi pa kasi niya nai-inform, eh."
"Aaah. I'm happy to hear that." tumingin ako sa wristwatch ko. "Nap time na pala ni Draco."
"Ganyan ako dati kay Craige. Bantay ko talaga 'yung oras ng tulog at kain niya."
Napangiti ako pero nabura kaagad ang ngiti ko nang makita ko si Yllac na pumasok ng coffee shop at may kasamang babae. Sino naman ang babaeng 'yan? Mariin akong pumikit. Baka ka-meeting lang niya. Pilit akong ngumiti. "Anong grade na pala si Craige?"
"Grade three na siya. Parang kailan lang baby siya. Karga-karga ko palagi..."
Hindi ko maiwasang tumingin sa gawi nila Yllac. Ang hudyo hinaplos pa sa mukha ang babae! Pangiti-ngiti pa.
"Cornelia, are you okay?"
Napailing ako. "H-Ha?"
"I said are you okay?"
"Oo naman."
"Bakit parang may sasaksakin ka sa way ng paghawak mo sa fork?"
Bigla kong binitawan ang hawak kong tinidor. "Wala ah." Napatingin ulit ako kina Yllac. Walanghiya! May pahalik pa sa kamay. Ang sweet ah. "Gago 'yon ah." Parang sinaksak ang puso ko. Iba kasi ang ngiti ni Yllac sa babae. Parang hindi naman niya ako nginitian ng ganyan.
"Ano?"
Huminga ako ng malalim. "Wala. Ano nga ulit ang wedding motif?"
Mahinang tumawa si Carlisle. "Cornelia, tapos na tayo d'yan."
Hindi ko napigilang tumayo dahil parang gusto pang halikan ang kalandian niya. "Gago talaga 'to!" Nanggagaliiti kong sabi.
"Cornelia—"
"Bwisit!" Kinuha ko ang iced coffee ko at naglakad ako sa table nila. "Sweetie!"
Nanlaki ang mata ni Yllac nang makita niya ako. Tumayo siya. "B-Bella—"
Binuhos ko sa mukha niya ang iced coffee ko. "Lamig 'no? Ganyan na ang magiging pakitungo ko sa iyo simula sa araw na ito."
"Miss—"
"You must shut up bitch or else this is the last day you have a good life!" I yelled before I turned my gaze to Yllac. "And you! Akala ko ginagawa mo ang gusto ko para lang bumalik ako sa iyo pero anong ginagawa mo? Nakikipag-date ka! Umasa akong gagawin mo iyon dahil gusto ko pang matuloy ang relationship natin."
"Bella, let me explain—"
"I don't need your explanation. Naghihintay ako pero wala na pala." Pumiyok ako at hindi ko na napigilang umiyak. "Akala ko ba mahal mo ako? Ang sabi mo hindi mo ako sasaktan at lahat gagawin mo para sa akin pero ano ito? Ang sakit, Yllac. Mas masakit ito kaysa sa ginawa mo sa akin noon."
"Mahal kita, Bella." Sinubukan niya akong hawakan pero mabilis akong umiwas.
"Mahal mo ako pero nakikipag-date ka? Nakakaloko ka naman, Yllac." Niyakap niya ako. Pinagpapalo ko siya sa dibdib niya hanggang sa napagod ako. "Bakit, Yllac? Minahal mo nga ba talaga ako o baka naging obssess ka lang sa akin kasi ako, mahal na mahal kita. Hindi pa ba sapat 'yung pagmamahal ko sa iyo? Hinihintay ko lang naman na gawin mo ang gusto ko. Sandali lang naman para sa iyo ang pinapagawa ko. Iyon lang tapos babalik na ako sa iyo pero anong ginawa mo?"
"Bella, the papers. Its already done."
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Kaya malakas na ang loob mong makipag-date?"
"N-No! Bella—"
"Then we're done. Pwede mong dalawin si Draco pero hindi na ako babalik sa iyo ulit." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko pero letseng luha ito, patuloy pa rin sa pagtulo. "You're free now." Bumalik ako sa table namin ni Carlisle at kinuha ko ang mga gamit ko. "I'll call you if I'm free next week." Nagmadali akong naglakad papalabas ng coffee shop.
"Bella, please lets talk."
Pumiksi ako nang hawakan ako ni Yllac sa braso. "Don't touch me! I don't want to talk to you anymore." Nagmadali akong sumakay ng kotse. "Sa Celine mansion." Umiwas ako ng tingin sa bintana nang panay ang katok ni Yllac sa kotse hanggang sa makaalis na ang sinasakyan ko. Panay naman ang tulo ng luha sa pisngi ko. It hurts so much. Umasa ako pero hindi naman pala talaga ako mahal ni Yllac. Maybe for him, I'm just a piece of trash.
----
"Cornelia, you will become my maid of honor."
Hindi ko mapigilang ngumiwi sa sinabi ni Angelique. Pinuntahan talaga nila ako dito sa bagong condo unit ko. Umiiwas nga ako sa mga Valdepeña pero sila naman ang lapit ng lapit sa akin. Ngayon ko nga lang nalaman na next month na ikakasal si Angelique. Ni-resched ni Carlisle ang araw ng kasal nila ni Kuya Siege dahil gusto nga ni Angelique na next month na sila ikakasal ni Ciro.
"Seryoso ka ba, Angelique?" Hinayaan kong gumapang si Draco sa sahig. Kaya naman niyang tumayo na mag-isa pero hindi pa niya gustong maglakad.
"Of course yes. May problema ba doon?"
"Nothing but as you can see, wala na kami ng kuya mo at medyo awkward na pumunta sa kasal ninyo. Aalis na rin kami ni Draco next two weeks. Hindi na ako makakadalo sa wedding ninyo."
"Seryoso ka? Pwede namang after wedding namin."
"Pero—"
Hinawakan ni Ciro ang kamay ko. "Please, Cornelia, pagbigyan mo na si Angelique. You're our number 1 fan and we're greatful to you."
"Ciro is right, 'Lia."
Bumuntong hininga ako. "Ano pa bang maggawa ko? No choice na ako. Dalawa na kayong nagmamakaawa kanina pa. Draco! Don't eat that!" Kinuha ko ang laruang isusubo dapat ni Draco. Lumapit si Draco kay Ciro at kinuha ang cellphone na hawak nito. Gumapang siya papunta sa akin at binigay ang phone.
"May gusto ata siyang tawagan mo." Angelique gave me a teasing look.
"Wala siyang gustong tawagan. He just want to hear his father's voice record." Binalik ko kay Ciro ang cellphone at kinuha ko naman ang sa akin. Pinatugtog ko ang voice record ni Yllac.
"There are days, I wake up and I pinch myself, You're with me, not someone else..."
Kinarga ko si Draco at nagsumiksik naman siya dibdib ko. Sign na inaantok na siya. "So saan ang venue ng kasal ninyo?"
"Sa Las Casas Filipinas De Acuzar." Sagot kaagad ni Angelique. "You should pack your things now, Cornelia."
"Bakit?"
"Dahil magpa-practice na tayo ng wedding march bukas doon. Actually ikaw lang naman ang hinihintay namin. Kung hindi ka pa namin pinuntahan ni Ciro, baka abutan pa tayo ng susunod na taon."
Napangiwi ulit ako. Bakit kasi kailangang ako pa ang maging bridesmaid? Si Draco naman nawala bigla ang antok. "O-Okay. Susunod—"
"No! Maghihintay kami. Sabay-sabay na tayong pumunta doon."
Napakamot ako ng ulo bago inabot kay Ciro si Draco. "Okay, aayusin ko na ang gamit namin. Pakibantay na lang si Draco, medyo malikot pa naman 'yan."
"Wala iyon, Cornelia. Malakas sa akin itong pamangkin ko, eh."
Tumango na lang ako at nagmadali pumasok sa kwarto naming mag-ina. Mabuti na lang at bagong ligo kami ni Draco kaya magpapalit na lang kami ng damit pang-alis. Kumuha ako ng isusuot ng anak ko. "Angelique, pakibihisan na lang si Draco." Bumalik ulit ako sa kwarto. Kaunti lang inempake kong damit dahil alam kong sandali lang kami doon. Nagpalit ako ng damit at nag-light makeup. Napangiti ako sa ayos ko. "Lets go!"
Kinuha sa akin ni Ciro ang travelling bag na dala ko at kinuha ko naman si Draco kay Angelique. Sabay kaming lumabas ng unit ko. "I'm glad na ikakasal na kayo. Dream came true ang peg."
Pilit na ngumiti sa akin si Angelique. Si Draco naman ay parang nakikipag-usap kay Ciro. Sinasabihan siguro niya ang ninong niya na alagaan ang Tita Angelique niya.
"Daldal ng anak mo, Cornelia."
Natawa ako. "Ganyan talaga 'yan. Nagsawang ako ang kausap."
"Mukha nga." Sabay kaming tatlong tumawa. "Here we are." Huminto si Ciro sa isang puting van. Binuksan niya ang pintuan.
Napasimangot ako nang makita kong nandoon sa loob si Yllac at sa tabi lang din niya bakante ang upuan.
"Hi, Bella!"
Hindi ko pinansin si Yllac at humarap ako kina Angelique. "Pwedeng makipagpalitan ng upuan?"
"Sa tingin ko hindi." Sagot kaagad ni Angelique. "Bilis pasok ka na sa loob."
Napa-eye rolled na lang ako bago pumasok sa loob. No choice ako eh. Biglang tumili si Draco nang makita niya ang tatay niya at nagpapakarga pa. Walanghiya! Pinili kaagad na makasama ang tatay niya. Inabot ko siya kaagad sa tatay niya.
"Hello son!" Hinawakan ni Draco si Yllac sa mukha. Tuwang-tuwa na nasa kandungan ng tatay. Nakakatuwa silang tingnan. Umiwas ako ng tingin. Hayaan ko muna ang anak ko sa tatay niya. At least hindi ako mapapagod buong biyahe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top