Chapter 2



Chapter 2



Napatingin ako sa suot kong wristwatch. Its already four o' clock in the afternoon. Isang oras mahigit na akong naghihintay kay Ciro. Halos naka-isa't kalahating chapter na ako ng sinusulat kong manuscript. Pang-ilang beses na ba itong pinaghintay niya ako ng matagal? Tatlo? Apat? Lima o higit pa?

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko pero kalaunan ay huminto na rin ako. Hindi na ako makapag-concentrate dahil sa pagkainis ko kay Ciro.

"Hey! Its nice to see you again!"

Umangat ang tingin ko at nakita ko ang lalaking noong isang araw ko lang nakilala. "Yllac!"

Umupo si Yllac sa katapat kong upuan. Pinatong niya sa tapat ko ang isang caramel macchiato. "For you. Ikaw kaagad ang nakita ko pagkapasok ko ng coffee shop kaya binilhan na rin kita ng kape."

"Thank you. Favorite ko itong caramel macchiato." Kaagad akong humigop ng kape.

"I know."

Kumunot ang noo ko. "Paano mo naman nalaman?"

"Napansin kong same ng mug ng caramel macchiato ang mug na kinuha ng waiter sa table mo kaya iyon ang binili ko."

"Aaah." Marahan akong napatango.

"Mahilig ka ditong tumambay?"

Marahan akong tumango. "Favorite kong working place dito. Ang cozy ng paligid. Nakakakalma at talagang nakaka-inspire magsulat. Plus the fact na pumapayag silang magpahiram ng books dito."

"You're a writer?"

"Oo." Kimi kong sagot.

"Wow! Ilang years na?"

"Sa publishing world? Magti-three years na."

"Ang dami mo na sigurong na-published na libro at saksi ang lugar na ito sa mga sinulat mo."

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng café. "Yeah pero hindi talaga trabaho ang dahilan kung bakit ako nandito."

"May ka-meet up ka ba dito?"

"Oo. Supposed to be kanina pa dapat siya nandito pero hanggang ngayon ay wala pa siya."

"Who is that person?"

"My boyfriend." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang na makita sandali ang inis sa mata ni Yllac.

"Hindi ka dapat niya pinaghihintay ng matagal."

"Busy siyang tao kaya ayos lang sa akin. He's a doctor and maybe right now, he need to save a life."

"Pero maliligtas ka ba niya kapag may nangyaring masama sa iyo habang hinihintay mo siya? Hindi naman, 'di ba?"

Natigilan ako sa sinabi ni Yllac. He's right. Hindi ako maliligtas ni Ciro once na may nangyaring masama sa akin dahil sa paghihintay sa kanya. Bumuntong hininga ako. "Ganoon talaga. Mas magandang unahin niya ang mga pasyente niya. Kailangan nila siya. Ikaw? Bakit ka pala nandito? Mahilig ka rin bang gumawi dito?"

"Minsan lang. Nawawala ang stress ko sa buhay kapag nandito ako habang binabasa ang mga gawa ng favorite kong writer." May pinakitang libro sa akin si Yllac na kinalaki ng mata ko. I wrote that book!

"Anong chapter ka na sa Black Rose?"

He smiled at me. "Chapter six. Reader ka rin ba ni Bella Santos?"

Kaagad akong umiling. "No. Basher niya ako. I hate her stories. Sabihin mo kaagad sa akin kapag ayaw mo ng story na iyan para i-rant ko sa fb." Pinipigilan ko ang sarili ko na ngumiti. Ganito talaga ako sa mga unexpected na nakikilala kong reader. In this way nalalaman ko sa kanila kung may kailangan bang ayusin sa sinusulat ko.

"Grabe ka naman. I like her works. This one, umpisa palang maganda na. I like the way how Francis show his love for Desirein. I feel the love but the sad thing is if he continue his love for her the black rose will die. Which is he will die to because his life depends on the black rose. Try to read this. Kakaiba talagang magsulat si Bella Santos. Romance-Comedy talaga ang genre niya pero nag-iba siya ng genre ngayon. Kakaiba pero ang ganda."

Sobra akong na-touch sa sinasabi ni Yllac. Sa lahat ng naging reader ko, siya lang ang nagpadama nito sa akin. "I will. Promise." Inumpisa ko nang ligpitin ang gamit ko. Mas magandang makipagkwentuhan kapag walang gamit na nakaka-distract.

"Anong title pala ng sinusulat mo? Aabangan ko sa bookstore."

"White Rose."

"White Rose ang sinusulat mo?"

"Well yes. White Rose nga. Its a continuation of Black Rose. Its about their next generation—" Napatakip ako ng bibig. Patay! Nabisto ako.

"I knew it! It was you. Tama talaga ang hinala ko na ikaw si Bella Santos. Its a privilege to meet the only one Filipino writer who captivate my heart." Then he shakes my hand.

Bakit parang iba ang dating sa akin ng sinabi ni Yllac?

"I love your stories. Ikaw lang ang romance novelist na nagustuhan ko ang mga sinulat na kwento. Ang gusto ko kasi ay mga thriller and detective novels like Sherlock Holmes."

Hindi ko na mapigilang ngumiti. "I'm happy to know that you love the stories I wrote." Hinawakan ko ang kamay niya. "Thank you, Yllac."

"No. Thank you, Bella, for the wonderful stories."

"Grabe ka. Sobra-sobra naman ang papuri mo sa akin. Baka lumaki na ulo ko sa iyo." At tumawa ako ng malakas.

"You deserve those compliments, Bella."

Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Grabe mambola itong si Yllac. "Saan ka pala nagtatrabaho?"

"Sa Le Saisons Publishing Company."

"What? Doon ka nagtatrabaho? Bakit hindi kita nakikita?"

"Staff kasi ako ng boss natin. Ibang floor ang office namin kaya hindi tayo nagkikita. Akalain mo 'yon, sa iisang kompanya lang tayo nagtatrabaho."

"Oo nga. Eh 'di sana matagal mo nang nakita ang mukha ko."

"Bihira ka rin naman daw pumunta sa office building. Kapag may pag-uusapan tungkol sa manuscript mo o ang sweldo mo."

Kumibit balikat ako. "For my privacy purpose. Hayaan mo na. At least ngayon nagkakilala na tayo. Oy, pakisabi naman kay boss na taasan naman ang sweldo ko."

Marahang tumawa si Yllac. "Sige, malakas ka sa akin."

"Yon oh! Magkakasundo talaga tayo." Napansin ko na nawala ang ngiti sa labi ni Yllac at parang may tinitingnan sa likuran ko kaya napalingon ako. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Ciro. "Babe!"

"Hey!" Mabilis akong hinalikan ni Ciro sa labi. "I'm sorry for being late. Nagkaroon kasi kami ng emergency surgery kaya hindi ko kaagad nasabi sa iyo."

I touch his face. "Its okay. Naiintindihan ko naman." Nilingon ko si Yllac. "Ciro, si Yllac. Staff siya sa LSP. Yllac, boyfriend ko, si Ciro."

"Nice to meet you, pare." Naglahad ng kamay si Ciro.

"Ako rin." Sandali lang na nakipagkamayan si Yllac kay Ciro.

Bumaling ang tingin ni Ciro sa akin. "Lets go?"

Tumango ako. "Sige, mauna na kami, Yllac." Hawak kamay kami ni Ciro na naglakad papalabas ng coffee shop. Bago ako tuluyang makalabas ay lumingon ako sa gawi ni Yllac. Nakatingin siya sa akin na parang sobra niyang lungkot. Baka dahil sa sandali lang niyang nakausap ang isa sa mga paborito niyang writer.

Dalawin ko na lang siya sa office nila kapag nagawi ako sa Le Saisons.


---


"Do you want us to get married?"

Napalingon ako kay Ciro. Hindi ko alam kung nabangi ba ako kaya narinig ko kung gusto ko bang magpakasal na kaming dalawa. "Ano?"

"Gusto mo bang magpakasal na tayong dalawa?"

"Are you serious?"

"Oo naman. Hindi naman joke ang usapang kasalan."

"Pero two months pa lang ang relationship natin. Para naman tayong nagmamadali kung magpapakasal tayo kaagad. 'Di ba ngayong year din ikakasal si Cassandra? Parang disrespect naman 'yon sa kanila kung sasabay tayo."

"Hindi naman tayo sasabay sa kanila. We will get married next year if you like it."

Seryoso kong tiningnan si Ciro. For me, he's perfect. May maayos na trabaho, gwapo, mabait, responsable at higit sa lahat ay mahal na mahal ako. Wala na akong masasabi pa sa kanya. Nabigla lang ako sa biglaang wedding proposal ni Ciro. Kaya pala ako dinala sa isang fine dining restaurant dahil may plano palang mag-propose. Alam kasi niya na ayoko sa mga mamahaling restaurant. Sapat na sa akin na sa Jollibee o McDo kami kumain. "Bakit gusto mo akong pakasalan, Ciro?"

"For me, you are my everything. You own my heart and no one can change what my heart says. Ikaw ang gusto kong makasama habangbuhay, Bella." Pinakita niya sa akin ang isang red velvet box na naglalaman ng isang diamond studded engagement ring. "I love you so much. Maria Bella San Juan, will you marry me?"

Naluha ako sa sinabi ni Ciro. He's my everything too. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kaagad akong tumango. "Yes!"

Lumawak ang ngiti ni Ciro at isinuot niya sa ring finger ko ang singsing. Masuyo niya akong hinalikan sa labi. "I love you, Bella."

"I love you too, Ciro."

Tonight are one of my greatest night. We celebrate our engagement. Sinabi din namin kaagad kina Cassandra at Yohann ang tungkol sa amin ngayon ni Ciro. They are happy for us. Well mas happy ako. Alam kong sa oras na kinasal kami ni Ciro, mararanasan ko na rin na magkaroon ng masayang pamilya.

At kahit kailan, hinding-hindi ko ipaparanas sa anak ko ang isang broken family.


------


Isang ringtone ang nagpagising ng diwa ko. Napangiti ako nang makita ko ang suot kong engagement ring. Wow! Ikakasal na ako soon. Pinag-usapan na namin ni Ciro kagabi ang wedding venue. We decided that its a church wedding. Gusto naming sa harap ni God magsabihan ng wedding vows.

Its Elaine, ang dakilang editor ng mga akda ko. "Hello?" I yawned. Grabe, inaantok pa ako. Puyat ako dahil sa sobrang daming ideas na pumasok sa utak ko kagabi kaya nakakalahati na ako sa manuscript ko.

"Bella! Pumunta ka raw dito sa office ng ten o' clock. Approve na ang manuscript mo."

Humikab ako. "Pwedeng bukas na lang? I'm still sleepy, Elaine."

"Tingnan natin kung aantukin ka pa kapag nalaman mong gusto ng boss natin na pumirma ka ng panibagong kontrata at nakasaad doon na tataas ang sahod mo."

Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi ni Elaine. Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit hindi mo sinabi kaagad. Shemay! Madali naman akong kausap. Asahan mo akong nandyan na ako after one hour!" I ended the call. Nagmadali akong naligo at ayusin ang sarili. Aba dapat talagang magmadali ako! Baka bawiin pa ng boss ang pagtaas ng sweldo ko kapag nahuli ako ng dating.

Napasimangot ako nang wala akong masakyang jeep. Kung kailan nagmamadali ako tsaka naman walang masakyan. Badtrip naman oh!

Lumayo ako nang may humintong puting mercedez benz sa harapan ko. Medyo kinabahan pa ako dahil hindi bumababa ang nakasakay doon. Paano kung bigla akong hilahin papasok sa loob? Uso pa naman ngayon ang kidnapping lalo na sa mga babae.

Mayamaya ay bumaba ang bintana sa gawi ng driver at hindi ko ine-expect kung sino ang nasa loob. "Hi, Bella!"

"H-Hi! Nagawi ka dito?"

"Dito palagi ang daan ko papunta sa trabaho. Pupunta ka ba sa office ngayon?"

"Oo eh kaso wala naman akong masakyang jeep."

Binuksan ni Yllac ang pintuan sa gawi niya at lumabas siya ng kotse. "Sabay ka na sa akin para hindi ka ma-late."

"Talaga? Sure ka?"

"Oo naman. Ikaw pa, malakas ka sa akin dahil ikaw ang pinakaminamahal kong writer!" Binuksan niya ang pintuan sa gawi ng passenger seat. "Pumasok ka na sa loob."

Napangiti ako bago sumakay. "Thank you!"

Nang makasakay na si Yllac, muntik na akong mapasigaw nang lumapit siya sa akin. "Seatbelt for safety purpose."

"Y-Yeah right." Napakamot ako sa ulo.

Nang masuot na ni Yllac ang seatbelt niya ay nag-umpisa na siyang mag-drive. Sobra ang focus niya sa daan.

"Thank you ulit ah. Hindi na ako mali-late at nakatipid pa ako sa pamasahe. Alam mo na, need kong magtipid para sa ekonomiya."

He chuckled. "Its okay, Bella."

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kotse. Hindi basta-basta interior design. Obvious na pina-personalized ang kotseng ito. Sa pagkakaalam ko, 'di basta-basta ang price ng mercedez benz. Aba! Rich kid.

"How's your date with your boyfriend yesterday?"

Muli akong napangiti. "Last night was one of my wonderful night. He proposed wedding to me and now, we're engage!" Pinakita ko kay Yllac ang engagement ring. Muntik naman akong maumpog nang biglang huminto ang kotse. "Hey!"

Huminga siya ng malalim. "I'm sorry. Nawala bigla ang focus ko sa daan." Wala siyang emosyon ngayon at ang lamig din ng boses niya. Medyo nakakakaba dahil nasanay ako sa masiyahing boses ni Yllac. Nag-umpisa na ulit siyang mag-drive. "So you're getting married soon with that guy?"

"Oo. I know he will be a good husband for me."

"Oh really?"

"Seryoso 'yon. Mabait siya at responsableng tao."

Kumibit balikat siya. "Well I dunno."

Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko na lang ulit kinausap si Yllac dahil ayokong mawala ang focus niya sa daan. Ayoko pang mamatay ng maaga.

Thirty minutes rin ang binyahe namin bago makarating sa parking lot ng Le Saisons building. Nandito na ako kaagad nang dahil kay Yllac. Isa siyang anghel! Ako na mismo ang nagtanggal sa pagkakasuot ko ng seatbelt. Lumabas na ako ng kotse. "Thank you, Yllac."

"You're welcome."

"Hayaan mo, invited ka sa kasal namin ni Ciro!"

"Well that will not gonna happen."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Yllac. Kumaway ako sa kanya bago naglakad papasok sa building.

Loko-loko rin si Yllac.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top