Chapter 18



Chapter 18



"Welcome home, anak!" My mother gave me a warm hug then she kissed Draco in his cheeks. Sa bahay ng parents namin ni kuya kami dumeretso galing airport. Hindi naman kami nag-book ng flight dahil may private plane ang pamilya namin. Nagmukha pa ngang nursery room ang loob ng plane dahil sa sobrang dami ng laruang pambata.

I smiled. "Thanks, 'Ma."

"Can I hold my grandchild?"

"Of course yes, Papa." Inabot ko kay Papa si Draco. Kitang-kita ko sa mata ni Papa ang tuwa nang makarga na niya ang anak ko. Nanlaki ang mata ko nang biglang pinalo ni Draco ang pisngi ni Papa sabay daldal. "Draco!"

"Its okay, Cornelia. Ganyan talaga minsan ang mga baby. 'Di ba, apo?" Pinagmasdan lang ni Draco si Papa at kalauna'y nagsalita.

"Ang gwapo ng pamangkin ko, Papa! Mana sa akin! 'Di ba, Draco?" Marahang pinisil ni Kuya Trace sa pisngi si Draco kaya bigla itong tumili.

"Anong mana sa iyo? Kamukhang-kamukha nga ng tatay."

"Papa, green ang mata niya kaya sa akin siya nagmana."

Napangiti ako. Pasaway talaga si kuya. Gustong-gusto niyang pisilin ang pisngi ni Draco.

Marahan akong tinapik ni Mama sa balikat. "Hija, hayaan mo muna si Draco sa kanila." Marahan akong hinila ni Mama palayo kina Papa at umupo kami sa sofa. Pinagmasdan niya ako. Medyo na-awkward ako dahil wala nang sinabi pa si Mama at tinitingnan lang niya ako.

"Uhm, 'Ma?"

Tumulo ang luha sa pisngi ni Mama. "I'm sorry. I can't stop myself for being emotional right now." She hold my hands. "I just really missed my only daughter. Ang akala ko talagang mawawala ka na talaga sa akin."

"Mama..."

Pinunasan ni Mama ang luha sa pisngi niya at marahan siyang tumawa. "Naku! Masisira ang makeup ko."

Matipid akong ngumiti. Walang sabi-sabing yumakap ako kay Mama na dahilan kung bakit siya napahagulhol. Hindi ko na rin napigilang umiyak kasi talagang na-miss ko si Mama. Para akong bumalik noong bata ako na kapag may umaway sa akin, tumatakbo kaagad ako sa kanya at yayakap ng mahigpit. "Mama..."

"Ang anak ko."

Humigpit ang yakap ko at lalo akong naiyak nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Papa. "Nandito na ako, Mama, Papa Nakabalik na ako."

"And we're happy that you came back, Cornelia." Malambing na sabi ni Papa.

Ilang minuto rin kaming magkayakap bago namin napagdesisyunan na kumain na. Masaya kaming pamilya na nagkukwetuhan habang kumakain. Minsan ay nagsasalita rin si Draco na para bang may kinukwento siya na talagang kinatuwa nila Mama. Sinusubuan ni kuya ng cerelac ang anak ko. Naging close na nga sila kahit pa dalawang araw pa lang silang magkasama.

"Alam na ba ni Iñigo na nandito ka na sa Pilipinas?"

Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain. "H-Hindi pa po, Mama."

"Gustong i-surprise ni Cornelia ang asawa niya, Mama, para daw sobrang kiligin si Iñigo."

Malakas kong pinalo sa balikat si kuya. "Manahimik ka nga, kuya. Kausapin mo na nga lang si Draco."

"Talagang kauusapin ko si Draco. 'Di ba, Draco? Sinong pinakagwapo dito sa bahay?" Tawa lang ang sinagot ni Draco. "Tama! Ikaw 'yon!"

Napapailing na lang ako sa mga pinaggagawa ni kuya. Tama naman talaga si kuya, gusto kong i-surprise si Yllac. Bibigyan ko siya ng I'm back punch. Nanggigigil ako sa kanya dahil ang lakas ng loob niyang mambabae habang ako todo tiis ako na hindi bumalik ng Pilipinas kahit sobrang miss ko na siya.

Nang matapos na kaming kumain ay hinatid ni Mama kaming mag-ina sa dati kong kwarto. Isang gabi lang kaming mag-ii-stay dito sa bahay dahil bukas ay uuwi na kami ni Draco sa bahay namin.

Kahit inaantok na ako sa sobrang pagod sa biyahe ay hindi ko magawang matulog. Ito naman kasing si Draco walang planong matulog. Panay ang gapang sa sahig. Buti na lang at naka-carpet ang kwarto ko kaya okay lang siyang gumapang diyan.

Pinagmasdan ko ang loob ng kwarto ko. Parang walang pinagbago. Maliban na lang siguro sa beddings at kurtina. Kung anong ayos dati ng kwarto ko, ganoon pa rin ito ngayon.

Napatingin ako kay Draco nang lumapit siya sa akin kaya ikinandong ko siya sa lap ko. Nagsimula na naman siya sa baby talk niya. Hanggang paglaki ata ni baby madaldal siya. Kinuha niya ang hawak kong cellphone. Alam ko ang ibig niyang sabihin kapag hawak ko ang cellphone ko tapos kinuha niya. Gusto niyang marinig ang voice record ni Yllac.

"O, sige ipi-play ko na." Kinuha ko ang cellphone at pinatugtog ko na ang voice record.

"There are days, I wake up and I pinch myself, You're with me, not someone else, And I am scared, yeah, I'm still scared, That it's all a dream..."

Humilig sa dibdib ko si Draco. Tumayo ako at lumipat ako sa kama. Marahan kong tinatapik ang binti niya para makatulog na siya.

"'Cause when you love someone, You open up your heart, When you love someone, You make room, If you love someone, And you're not afraid to lose 'em. You'll probably never love someone like I do..."

Dahan-dahan kong ihiniga sa kama si Draco para hindi siya magising. Nang parang magigising siya ay tinapik ko kaagad ang binti niya. Hininto ko na ang pagtugtog sa voice record ni Yllac.

Kinakabahan ako para bukas. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa oras na magkita na kami ni Yllac. On the same time ay nagagalit ako sa kanya. Kung talagang mahal niya ako, bakit naghanap siya ng iba?



----



Lahat ng mga empleyado ng Le Saisons ay nakasunod ang tingin sa amin ni Draco. Ang iba ay nagulat dahil siguro ngayon lang ulit ako sumulpot dito after one year. Si Draco naman ay panay ang tingin sa paligid niya. Naninibago sa mga nakikita.

Nang sumakay ako ng elevator. Lahat ng mga empleyado sa loob ay nagsilabasan at nakayuko. Kumunot ang noo ko. Bakit ganyan sila umasta ngayon? Nakakapanibago lang. Pinindot ko na lang ang close at ang floor number ng office ni Yllac.

Napangiti ako nang ngumiti sa akin si Draco. Ah! He takes away my nervous right now.

Paglabas ko ng elevator, katulad sa lobby ay nakasunod rin ang tingin sa akin ng mga staff ni Yllac. Tinaasan ko sila ng kilay kaya kaagad silang yumuko.

"Good morning, Ma'am Bella!" Sabay-sabay nilang bati.

"Good morning." At nginitian ko sila bago dumeretso sa tapat ng office ni Yllac. Si Mr. Salve pa rin ang secretary ng asawa ko.

"G-Good morning, Ma'am."

"Good morning din. Si Yllac, nasa loob na?" Inayos ko ang pagkakarga kay Draco.

"Wala pa po siya, Ma'am. Hindi pa po dumarating si Sir Iñigo."

Tumango ako. "Can you open the door for me?" Kaagad akong pinagbuksan ni Mr. Salve ng pinto. "Thank you." Pumasok na kami sa loob.

"Ma'am, gusto ninyo po ba ng juice, coffee or something to eat?"

Umiling ako. "Wala sa ngayon pero pwede bang bilhan mo ako ng diaper? I forgot Draco's diaper."

"No problem, Ma'am. Ang cute po ng anak ninyo ni Sir Iñigo. Sige po maiwan ko lang kayo sandali." Nagmamadaling lumabas si Mr. Salve.

Tumayo ako habang karga-karga si Draco at dumeretso ako sa table ni Yllac. May solo picture ako sa table niya. Puno rin ng papeles ang table niya. Mag-a-alas diez na pero hindi pa rin dumarating si Yllac. Himala o baka hindi pa gising kasi nagpakapuyat siya sa tabi ng babae niya.

Sunod-sunod akong umiling. Dapat hindi ako mag-isip ng negative ngayon. Bumalik na lang ulit ako sa sofa.

Sa ilang oras na hinihintay naming mag-ina, walang Yllac na dumating. Ilang beses na rin kaming pinuntahan ni Mr. Salve para tingnan kung okay pa kami. Kanina pa ako naiinis kay Yllac. Mukhang wala talaga siyang plano na pumasok.

Baliw ka naman kasi, Cornelia. Bakit naman kasi hindi ka dumeretso sa bahay ninyong mag-asawa?

"Ma'am, may gusto po ba kayong kainin para sa lunch ninyo?"

"Hindi pa naman ako gutom, Mr. Salve. Sige na mag-lunchbreak ka na." Mukha kasing hinihintay lang ni Mr. Salve na mag-lunch ako para makapag-lunchbreak na siya.

"Ma'am, baka po hindi papasok ngayon si Sir Iñigo. Kanina ko pa po kasi siya tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Palagi pong out of coverage."

Bumuntong hininga ako. Mukha nga'ng hindi papasok si Yllac. "Sige na. Ako na ang bahala dito."

Ngumiti si Mr. Salve bago binigay kay Draco ang hawak na laruan. Malinis naman ang sahig ng office ni Yllac kaya hinayaan ko lang na gumapang-gapang si Draco. Iniba ko nga lang ng position ang sofa at table sa tulong na rin ni Mr. Salve.

Nang kami na lang ulit mag-ina sa loob ng office, kinuhaan ko ng picture si Draco. Ang gwapo talaga ng anak ko! Mana sa pinagmanahan. Habang naglalaro si Draco biglang malakas na bumukas ang pintuan ng office.

"Where is that lady?"

Biglang umiyak si Draco dahil sa sobrang gulat sa sigaw ng kapatid ni Yllac—si Angelique. Kaagad kong kinuha si Draco. "Sssh, baby. Tahan na." Nagsumiksik siya sa leeg ko at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Oh my gosh!  I'm sorry." Nagmadaling lumapit sa amin si Angelique. "Baby, sorry. Hindi sinasadya ni tita na sumigaw. Sorry na baby."

Tiningnan lang ni Draco si Angelique habang umiiyak. Humarap siya sa akin at nagsalita. Para siyang nagsusumbong sa akin.

"Oh, hindi na daw gagawin ni Tita Angelique. Hindi na iiyak si baby Draco." Pag-aalo ko sa kanya. Marahan ko siyang isini-sway. Mayamaya ay humilig siya sa akin at unti-unti nang tumigil habang nakatingin kay Angelique.

"I-I'm so sorry, Bella."

Nginitian ko siya. "Its okay." Umupo ako sa sahig para makalaro na ulit si Draco. Hindi siya lumalayo sa akin kahit na kinakausap siya ni Angelique. Parang sinesermunan pa nga niya ang tita niya. Pinigilan ko si Draco nang isusubo niya sana ang squeeze toy.

"He's cute. Kamukha ni kuya. Anong name niya?"

"Alucard but I call him Draco." Kinuha ko ang inaabot sa akin ni Draco na bola. "He's turning nine months old next month."

"Okay ka na ba kaya ka bumalik dito? Did you find yourself?"

Nilingon ko si Angelique. "Yes. Noong lumabas mula sa sinapupunan ko si Draco, doon ko lang na-realized na nahanap ko na ang sarili ko. I feel completed that night after I gave birth to Draco."

"Speaking of Draco, nakita na ba siya ni kuya?"

Umiling ako. "Kanina pa kami dito ni Draco pero hindi pa rin dumarating si Yllac." I looked around. "Halos baguhin ko na nga itong office niya." Ang dami na kasing nakakalat na laruan dito sa loob. Mga laruang biglaan atang binili ng staffs ni Yllac nang makita nilang kasama ko si Draco. "Mukhang hindi papasok ang kuya mo."

"So ako pala ang unang nakakita kay Draco. Kuwawang Kuya Iñigo. Kung kailan nandito kayong mag-ina, doon pa siya hindi papasok." Binaling ni Angelique ang atensyon kay Draco. "Shunga ng daddy mo, 'di ba, baby Draco?"

Sumagot naman si Draco with matching hand gestures. Ang haba ng litanya niya habang naglalaro. Mukhang badtrip rin sa tatay niya. Gumapang siya papalapit kay Angelique at nagsalita. Parang may kinukwento siya sa tita niya.

"He have a good development, Bella—or should I call you Cornelia from now on?" Tumango ako bilang sagot. "Okay, Cornelia. Like what I've said, maganda ang development growth ni Draco."

"Glad to know that, Angelique."

"Okay, I think we should go now. Mukhang hindi naman darating si kuya. Lets have some coffee in the café near here. Gusto sana kitang idala sa pastry shop ni Cass kaso wala sila ni Yohann Raine dito sa Pilipinas. Sa Japan ang prenup pictorial nila."

"They're getting married soon. Sa wakas matutupad na ang greatest dream nilang dalawa." Pinindot ko ang itercom sa table ni Yllac. Nag-request ako kay Mr. Salve na magdala dito ng box para paglagyan ng laruan na kaagad namang ginawa nito.

Si Mr. Salve na rin ang kusang loob na nagdala ng box. May isang laruan na hawak si Draco nang lumabas kami ng office. "Say bye to them, Draco." Nag-wave siya at nag-flying kiss pa that makes everyone's heart melt.

Nagkukwentuhan kami ni Angelique habang papunta kami ng coffee shop. Mga tungkol sa mga napuntahan namin at tungkol kay Draco. Hindi ko aakalaing magiging ka-close ko talaga si Angelique.

Pinaupo ko sa baby highchair si Draco at si Angelique naman ang nag-order para sa amin. "Si Kuya Siege at Carlisle? Kumusta na sila?" Inabutan ko ng teething biscuit si Draco.

Lumungkot ang mukha ni Angelique. "Comatose si Kuya Siege for almost five months and Ate Carlisle is six months pregnant. Mahirap kay ate ang sitwasyon nila ngayon. Kaya si Kuya Iñigo ang namamahala ng mga negosyo namin ngayon."

Hinawakan ko ang kamay ni Angelique. "Sana magising na si Kuya Siege."

"Hoping." Then she take a sip. "Parang hindi ka nanganak? Look at your body. So sexy. Sana ganyan din ako once na magkaroon ako ng baby."

"Dinaan ko lang ito sa exercise." Napangiti ako. "How about you and Ciro? Kumusta na kayong dalawa?"

"Ciro? Who's Ciro? I don't know that name." Umiwas ng tingin si Angelique.

"Angelique—"

"Don't say bad words, Be—Cornelia. Marinig ka ni baby Draco."

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong nangyari sa kanila ni Ciro at parang pilit niyang kinakalimutan ito?

"Lets take a picture. Do you have an IG account?"

"Oo, kaka-activate ko lang ulit ng IG account ko."

"Still bella_santos?" Tumango ako. "Then lets take a picture. Post ko sa IG then I'll tag you." Kinuha ni Angelique ang cellphone niya. Ilang beses kaming nag-picture. Game na game pang makipag-picture taking si Draco.

Nang matapos kami ay lumabas na kami ng coffee shop. Gusto pa sana ni Angelique na mag-malling kami kaso hindi na natuloy dahil inantok na si Draco kaya sa susunod na lang namin gagawin iyon. Hinatid pa niya kami sa bahay namin ni Yllac para daw hindi na kami ihatid ng driver ni Kuya Trace doon.



Iñigo Yllac:



I brushed my hair because of the frustration I feel right now. I went in Berlin, Germany last Monday. Trace said that Bella is there and she's always on her bookstore named Alucard but there's no Bella in that bookstore. Its already sold to a German national last Sunday. I want to curse Trace because of what he said.

Hinanap ko si Bella sa ibang lugar sa Germany pero wala talaga siya. Damn it! Bakit ba pinahihirapan niya ako ng ganito?

Dumeretso ako sa office ko kahit walang katao-tao dito sa floor ko. Gusto kong magtrabaho na lang para makalimutan ko itong frustration ko. I didn't bother to turn on the lights. Umupo muna ako sa sofa at kumunot ang noo ko dahil parang may kung ano akong naupuan. Kinuha ko iyon. Isang baby toy.

I take a deep breath. Naiwan siguro ito ng anak ng ka-meeting ko noong Sabado. I take another deep breath. I want to see my wife and son. I want to know if they are okay. If they have a comfortable shelter.

I want to meet my son. I want to hold him and give him a hug. To let him know that I'm here to protect him. I missed Bella. I missed everything about her. I just want to be with them.

Bakit ba hindi nila ako pinagbibigyan?

Pinatong ko sa mesa ang laruan at lumabas ako ng opisina ko. I should take a rest now. I will do my best to forget about them at least for tonight.

Nang makarating na ako sa bahay, kaagad akong pumunta sa minibar ko sa dining area. I get a wine then I drink it. I need to get drunk. I closed my eyes. I saw Bella's beautiful face. My Bella.

"Damn it!" I throw the wine bottle. Hinayaan ko ang nabasag kong bote. Bahala na ang mga maid na maglinis ng kalat ko. I paid for them to keep my house clean. I'm kinda tipsy but its okay. Itutulog ko na lang ito.

Umakyat na ako kahit pa pasuray-suray akong maglakad. No one cares. I entered my room and walked directly in bed. I closed my eyes when I smelled Bella's scent. Oh I really missed her scent. There's someone beside me that's why I hug that person who have the same Bella's scent. My hands roamed on this person's body. Its a woman.

"Hmn... Yllac, tumigil ka nga."

Its Bella's voice. Nagha-hallucinate na ata ako. I squeeze her breast then I heard her moaned. Hindi ko hinayaan ang pagkakataon, umibabaw ako sa babaeng katabi ko.

"Yllac!"

"Let me take you tonight." I put her hands on the top of her head. "I will surrender to the police tomorrow morning just let me take you tonight. I just badly missed my wife." Then I kissed her on lips. I trace her neck and leave a hickeys.

"Y-Yllac... Ano ba?! Tumigil ka nga!"

I didn't listen to her I just did what I want to do to her. I know I made a sin but I can't stop myself. Its because I badly missed my wife and this woman have the same scent and sweet lips like Bella.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top