Chapter 17
Chapter 17
"Guten morgen, Daniella." I greeted my neighbor who's having breakfast in her veranda.
"Guten morgen! Es ist schön dich wiederzusehen, Cornelia. Wie geht's dir?" (Good morning! Its nice to see you again, Cornelia. How are you?"
"I'm fine. How about you?"
"Not good. Ah, so busy these past few days. I'm so tired and gladly I have a rest day today."
I smiled. Inayos ko ang pagkasuot ng bonnet ni Draco. He smiled at me that makes my morning so great. He have a cute smile. "Ich hoffe du hast einen schönen Tag, Daniella." (I hope you'll have a nice day, Daniella.)
"I'm hoping."
"Goodbye, Daniella." Naglakad na ako habang karga-karga ko si Draco. Five months na kaming nakatira dito sa Berlin, Germany.
Noong umalis ako ng Pilipinas, sa UK ako pumunta, I withdraw almost half a million in Kuya's ATM card. One week lang akong nag-stay doon at pumunta ako ng Croatia. Two months akong nag-stay doon at lumipat naman ako sa France. Mahirap para sa akin na bumyahe dahil buntis ako pero ito lang ang alam kong way para hindi ako matunton ni Kuya Trace at ni Yllac. Sa France na rin ako nanganak. Halos four months din akong nag-stay doon bago kami ng anak ko lumipat sa Scotland. Nagkatagpo ang landas namin doon ni Arabella at binigay niya sa akin ang inaakala niyang kwintas ng mother niya. I'm glad na nabalik ang kuwintas na regalo sa akin ni Mama. After one month, dito naman kami nagawi sa Germany.
Nagtayo ako ng business dito. Isang bookstore. So far okay naman ang kinikita ng Alucard's Bookstore kahit three months pa lang ito. Karamihan ng customer ko ay Pilipino dahil mga Philippine novel rin ang karamihan ng tinda ko. Dalawang Pilipino ang nagbabantay ng bookstore ko. Nadoon rin naman ako araw-araw at kasa-kasama si Draco pero hindi nga lang maghapon.
My son is already eight months old. Mabait na baby at kamukhang-kamukha ng tatay niya. Ang nakuha lang ata sa akin ng anak ko ay ang kulay ng mata niya at ang pagiging kulot ang buhok. Nakakainis lang.
Napangiti ako nang pumalakpak si Draco dahil natutuwa siya mga nakikita niya. Ganito kaming mag-ina tuwing umaga. Nilibot ko si Draco para naman maiba ang nakikita niya bukod sa mga libro sa bookstore.
"Momi! Mamamamummo."
Natawa ako dahil sa mga baby talk niya, mommy lang talaga ang naintindihan ko. Parang may kinukwento siya sa akin na hindi ko mawari kung ano iyon. "Baby, hindi kita maintindihan." Umupo ako sa bench. Panay naman ang salita niya na parang nagsusumbong. Sa tingin ko sinusumbong niya sa akin ang Pilipinang nanggigil sa kanya kahapon kaya kinurot ang pisngi niya. Hindi naman malakas ang pagkakurot pero umiyak si Draco. Ayaw kasi niya na kinukurot siya sa pisngi. Nagha-hand gesture pa siya habang nagsasalita. "Oo na, baby, hindi ka na niya makukurot."
Humilig siya sa dibdib ko. Mayamaya ay nakatulog na. Mukhang napagod sa kakadaldal niya. Inayos ko ang pagkakakarga ko sa kanya.
Kagabi, naka-recieve ako ng email galing kay Kuya Trace. Ayos na daw lahat ng papeles ko. Nabago na lahat ng dokumento kong nakapangalan kay Maria Bella. Napalitan na iyon ng Cornelia. Anytime ay pwede na akong bumalik kung gugustuhin ko daw.
Noong nasa Scotland ako, nagkaroon ng pagkakataong nagkita kami ng tunay kong magulang. Maski rin pala sila ay pinahanap ako. Akala ko mahihirapan akong harapin sila ngunit hindi naman pala. Mas gumaan pa nga ang loob ko dahil nakasama ko sila kahit four days lang dahil kailangan na nilang bumalik sa Pilipinas. Ilang araw ng pagkaalis nila, lumipat kaagad kaming mag-ina ng tirahan.
Umungot si Draco kaya nagmadali akong maglakad pauwi para naman makatulog na siya ng maayos. Nang makauwi na kami ay kaagad ko siyang ihiniga sa crib. Pinagmasdan ko ang mukha ng anak ko. Kitang-kita ko talaga sa kanya si Yllac. Hinaplos ko ang mukha niya. Nang dumating sa buhay ko si Draco, unti-unti kong nakilala ulit ang sarili ko. Siguro talagang ang anak namin ni Yllac ang kasagutan sa problema ko. Ngayon, masasabi kong kilala ko na ang sarili ko. Naghahanap lang talaga ako ng tamang timing kung kailan ako uuwi ng Pilipinas. Parang ayokong umalis dito sa Germany dahil nagustuhan ko na talaga dito.
"Don't worry, baby. Magkikita na rin kayo ng daddy mo soon."
Iñigo Yllac:
I read the documents given by the financial department. I have so many things to do. There are some problem in one of our hotels. Its been five months since I become the temporary CEO of our companies. Bilang pangalawang anak na lalaki ni Warren Valdepeña, wala akong choice kundi i-handle ang kompanya dahil comatose si Kuya Siege ngayon. Halos hindi na nga umuuwi si Carlisle para lang mabantayan si kuya. Sumasakit na nga ang ulo namin sa kakasaway sa kanya na magpahinga siya dahil buntis siya sa pangalawa nilang anak.
I massage my head then I looked at the picture frame on the top of my table. Its Bella's picture taken inside our library. I take a deep breath. Its been what? One year since she leave the country. Nobody knows where she is right now. She even deactivate all her social media account.
I felt like I'm incomplete. I really missed her so much. I want to hug and kiss her. I think our child is already eight months old. "How is she right now? Okay kaya silang dalawa ng anak namin?" I get the reciever when the phone ring. "Hello, Mr. Salve?"
"Sir Iñigo, Mr. Formillos is here now. Papapasukin ko na po ba siya sa loob?"
"Yes. You can go home now, Mr. Salve." I ended the call.
"How's your day, bro?" Tanong sa akin ni Trace pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng opisina ko.
"Same answer. Hell." Inumpisahan ko nang ligpitin ang ibang dokumento sa mesa ko. "How about you?"
"Same as you."
Trace Formillos is my new found best friend. We have the same problem in life. Pareho kaming iniwan ng asawa namin. Hindi rin niya alam kung nasaan ang asawa niya. We're totally broken and it makes us crazy.
"Lets drink, bro."
I looked at him then I remove my eyesglass. "Kagabi nagwalwal na tayong dalawa."
"Eh 'di magwalwal ulit tayo ngayon. Wala namang nagbabawal sa atin."
I take a deep breath. Besides of being a best friend in the world of business, we become drinking partner too. For us to forget our wife, we're drinking alcohol twice or thrice a week.
"Sige." Inayos ko ang gamit ko at sabay kaming lumabas ni Trace. Sa isang sikat na bar kami pumunta. Kaming dalawa lang ang nasa table. May mga babaeng nagtangkang kausapin kami pero hindi namin pinapansin.
"Damn it! I really missed her." Inubos ni Trace ang bote ng San Mig Light.
"Forget your wife, Trace. You already have a son to another woman. Subukan mong mahalin ang nanay ng anak mo."
"I can't. Hanggang pagsustento lang ang kaya kong gawin kanila. Si Arabella pa rin ang gusto ko. Kahit wala kaming anak, ayos lang sa akin iyon pero putangina lang. Nalaman ko kaninang may iba siyang lalaki."
I shake my head. Si Bella kaya. May nakilala ba siyang ibang lalaki kung nasaan siya ngayon? Damn it! I can't accept that. I called the waiter and I order one bucket of beer.
"Mukhang naalala mo si Cornelia."
I turned my gaze to him. "Of course, bro. Everyday, every time and everywhere. I love her so much and I can't take her away in my mind."
"Paano kung may iba na siya? Paano kung kinalimutan ka na niya. Isang taon na siyang wala dito. Ni hindi man lang nagpadala ng pictures ng anak ninyo. She doesn't love you anymore because she already forgot you."
"She can't do that to me. She will never forget me." Kinuha ko ang isang bote ng beer at inubos ko kaagad iyon.
He smirked. "Really?"
Hindi ako nakasagot at umiwas ako ng tingin. Paano nga kung may iba siyang mahal na? "She loves me so much."
"Totoo kaya ang nararamdaman niya sa iyo? Knowing that she hates you first."
I don't know what to say. What if she didn't love me? What if she just say that she loves me even though she didn't feel the same thing to me? Fuck! Ginulo ko ang buhok ko.
"Alam ko kung nasaang kontinente ng mundo siya ngayon. Kung saan-saang bansa rin siya pumupunta para lang hindi natin malaman kung nasaan siya ngayon. The last thing I know is she have a boyfriend. A French boyfriend. So sweet."
"Stop it! Its not fucking funny. Damn it!"
"Its your karma, bro. She doesn't love you." He gave me an evil grin. "Oh boy, we're really totally messed up." He get my hand and put a picture of a baby. "Its your son. She named him Alucard. Weird name, bro. By the way, its my gift for you. See you next week." Then he left me alone.
I looked at the picture. A stolen picture of my wife and son. Karga ni Bella ang anak namin at mukhang tuwang-tuwa siya. "He's gorgeous."
Hindi ako makakapayag na tuluyang mawala sa akin ang mag-ina ko at hinding-hindi ako makakapayag na mapunta sa iba ang babaeng mahal ko.
Fuck! I need to find them as soon as possible before its too late.
Cornelia Formillos:
"Draco, here's the airplane." Inilapit ko kay Draco ang kutsarang may lamang cerelac. He clap his hand when he eat the food. He really love the taste of cerelac. Maski ako gustong-gusto ko ang lasa nito.
Nakakatuwang bata. Kahit kumakain, panay pa rin ang salita. Ang daldal! Mananahimik lang siya kapag pinapatugtog ko ang voice record ni Yllac. Gandang-ganda ata siya sa boses ng tatay niya.
"Baby, sssh ka lang. Baka mabulunan ka eh." Pinunasan ko ang gilid ng labi niya. Mamula-mula ang pisngi niya na talagang ang sarap kurutin. He makes my day complete. Niligpit ko ang pinagkainan niya bago ko pinalitan ng open ang sign sa pintuan. Tapos na ang lunchbreak ko. Kami lang ni Draco ang nagbabantay ng bookstore dahil rest day ngayon ng dalawa kong staff. Nasa counter lang kaming mag-ina. Mamayang alas cinco ay magsasara na ako tutal Sunday naman ngayon. Kahit nahihirapan akong pagsabayin ang pag-manage ng bookstore na ito at sa pag-alaga kay Draco, hindi pa rin ako nag-hired ng nanny para sa anak ko dahil gusto kong hands-on ako sa kanya.
Kung titingnan ng mabuti ang loob ng bookstore ko, mapagkakamalang daycare ito. Pambata ang interior design pero patok naman sa panlasa ng mamimili. Mas naeengganyo pa nga silang bumili ng libro sa akin.
Panay ang pag-wiggle ni Draco. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya ngayon. Panay rin siya pag-ingay ng nilalaro niyang maracas. Kinarga ko siya. "Aw, sinong cute dito? Sinong cute? Si baby Draco." Maraming beses kong hinalikan sa mukha si Draco na ikinatawa niya. Talagang nanggigigil ako sa sobrang cute niya. Binalik ko siya sa stroller niya nang tumunog ang chimes sa pintuan. "Guten Tag, mein Herr! wie kann ich dir helfen?"(Good afternoon, Sir! How may I help you?) Nanlaki ang mata ko nang pagkaharap ko ay si Kuya Trace ang bumungad sa akin. "K-Kuya..."
"Long time no see, Cornelia." He looked around. "You have a good taste."
"B-Bakit ka nandito?" Tumingin ako sa labas kung kasama niya si Yllac. Mukhang mag-isa lang si kuya na pumunta dito.
"Is this your son?" Tinuro ni Kuya Trace si Draco. Tumango naman kaagad ako. "Oh, hi nephew! How are you?" Nagsalita naman si Draco at as usual, hindi maintidihan ang sinasabi niya. Sa hand gesture lang talaga minsan ma-gets ang sinasabi niya.
"I think he likes you."
"I think so. Kasing daldal mo ang anak mo noong baby ka pa." Nginisian ako ni kuya.
Kumibit balikat na lang ako. Napapatingin pa rin ako sa labas dahil baka biglang sumulpot si Yllac. Hindi pa ako handang makita siya.
"Kung ang dahilan ng pagtingin mo sa labas ay ang asawa mo, well he didn't know that you're here."
Nilingon ko si kuya. "Paano mo nalamang nandito kami ni Draco?"
"Your son's name is Draco? Weird."
"Its just his nickname. His name is Alucard."
"More weird, bunso."
I rolled my eyes. "Kuya, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
"Kailan pa nabalik ang kuwintas mo? Nagkita kayo ni Arabella?"
Napahawak ako sa suot kong kuwintas. "Well kind of. Nagkataong nasa iisang café kami noong nasa Scotland ako tapos binigay niya sa akin."
"Where in Scotland?"
"I forgot it. Well, napadaan lang siya doon. She's with her brother. Bakit mo ba tinatanong sa akin kung saan kami nagkita? Hindi mo ba alam na pumunta siya ng Scotland?"
"I-I don't know. She leave the country without saying to me like what you've done to your husband."
Umiwas ako ng tingin at kinarga ko si Draco dahil bigla siyang umiyak. Sign na inaantok na siya. "Kuya sagutin mo nga ang tanong ko. Paano mo nalamang nandito kami ng anak ko?"
"I have my source, Cornelia."
Hindi na lang ako nag-comment sa sagot ni kuya. Nagha-humming na lang ako para makatulog na si Draco on the same time, may katanungan sa isip ko. Gusto kong itanong kung kumusta na si Yllac.
"If you want to ask me if how's Iñigo now? Would you believe if he have a girlfriend now?"
"What?" Napalakas ang pagsabi ko kaya biglang umiyak si Draco sa sobrang gulat. "Hush, baby." Mayamaya ay tumigil na siya sa pag-iyak at nakatulog na rin. Sinamaan ko ng tingin si kuya bago ko ihiga sa stroller si Draco. "Don't say that, kuya."
"Na ano? Na may girlfriend na si Yllac? Totoo naman eh. Ikaw pa naman kung umuwi ka sana kaagad, hindi mapupunta sa iba ang asawa mo. He said that he want an annulment. Will you sign the annulment paper? Ops! Your marriage with him is void because you're not Bella."
Biglang nakadama ako ng sakit dito sa puso ko. Akala ko ba hindi niya ako ipagpapalit sa iba dahil mahal niya ako? Bakit ang bilis naman sa kanya na palitan ako habang ako naman ay faithful sa kanya? "I hate you, kuya."
He just smiled at me. "Mahal mo ba talaga siya, Cornelia?"
Sunod-sunod akong tumango. "I really love my husband, kuya."
"Paano 'yan? May girlfriend na nga 'yang asawa mong hilaw."
"Verdammt! Hindi siya pwedeng magkaroon ng girlfriend! May asawa't anak siya kaya bawal siyang lumandi sa ibang babae." Nanggigil ako bigla kay Kuya Trace. Sa kanya ko gustong ibuntong ang inis ko kay Yllac.
"Anong gagawin mo?"
"Uuwi na ako ng Pilipinas para makatikim iyang si Yllac sa akin! Nakakagago lang ah!" Nagmadali akong kinuha si Draco at iniwan ko si kuya sa bookstore. Bahala siya d'yang magsara ng shop ko basta kailangan kong mag-empake ng damit naming mag-ina. Baka mawalan pa ng tatay itong anak ko kapag hindi kami umuwi kaagad.
Lagot talaga sa akin si Yllac!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top